CHAPTER3

1057 Words
Oo nga pala hindi pa ako nakakapagpakilala sa dami kong iniisip. Ako pala si magandang si ako na bumagsak sa lupa wasak ang mukha. Biro lang, ako si Haraline Montimayor 23 years old. Hindi ako nakapagtapos ng pag-aaral, bakit? Kase iniwan na agad ako nila Mama at Papa, kaya ito mag-isa kong binubuhay ang sarili. Kahit mahirap kakayanin ko, kase maganda ako choss. Para na talaga akong mababaliw kakahanap nang matatrabahuhan para mabuhay lang ubos na kase ang ipon ko. Tapos iniisip ko pa ang ipang-baabayad ko sa renta ko sa bahay, s**t. Saan kaya ako makakakuha nang pambayad ? Apply kaya ako sa bar? Tapos sasayaw ako sa gitna ng stage, malaki kita doon sigurado? Ayoko nga masama 'yon. Habang nag lalakad ako kinakausap ko na ang sarili, para na talaga akong baliw. Sino ba namang hindi mababaliw? Kung ang dami-dami mong iniisip? Habang nag lalakad ako may napansin akong sobrang laking bahay, ang ganda kung magnakaw kaya ako d'yan? T'yak marami akong makukuhang pera d'yan. Argh masama naman 'yon e--h, kung mang holdap ako pag may lumabas sa gate. Hindi rin puwede, "Ano ba 'yang utak mo Haraline? Ang dumi? Kung ano-ano iniisip gosh!" kausap ko sa sarili ko, kailangan ko na yata mag palinis ng utak, kaso wala akong pera. Pagtapat ko sa gate ng isang malaking bahay, biglang may lumabas na Matanda. Nakakagulat naman s'ya. "Ikaw ba hija ang mag a-apply?" tanong nito sa ‘kin, halata mong mabait s'ya. Ngumiti ako sa kaniya, kase naman hindi ko alam ang sinasabi n'ya? "A--hh ano ho?" wala akong ma-sabi dahil, paano ako mag a-apply kung wala namang nakapaskil dito sa labas. "Sabi ko kung ikaw na ba, ang mag a-apply?" napangiti ako sa kan'ya kahit wala talaga akong alam sa sinasabi n'ya. "A--hhh o--h ho! Ako nga po! Ano po bang magiging trabaho ko?" masayang tanong ko. Ayos na rin, kung sino man ang inaantay nilang mag a-apply? Pasensiya ka na lang. Kailangan na kailangan ko talaga nang trabaho. "Magiging katulong ka, iyan oh! Nakikita mo?" sabi nito sa ‘kin at tinuro ang karatula hindi ko pala napansin kase namangha ako sa bahay na ito. Ang ganda eh, balang araw mag kakaganyan riin ako. "Hehehe… Hindi ko po nakita..." Ani ko na lang at napakamot sa batok. Ang tanga ko talaga, naghahanap ako nang trabaho tapos hindi ko manlang ito napansin. Sana lang keri ng ganda ko ang maging isang katulong. Pero ayos na siguro 'yon at least may trabaho Kaysa naman wala. Ang totoo kase hindi ko pa nararanasan maging isang maid. "Pumasok ka at ipapaliwanag ko sa'yo ang lahat!" aniya at kusang bumukas ang gate, pagkatapos naglakad kami papasok at nakita kong sobrang ganda. Meron pang swimming pool at garden rito sa harapan. Pumasok naman kami sa isang malaking pinto pagpasok ko, halos tumulo ang laway ko sa ganda. Ang ganda para kang na sa isang palasyo, tapos ang mga gamit pa mamahalin, parang nakakatakot hawakan. Mayroon din silang mga chandelier, ang kintab pa ng kanilang sahig. Ito pa ang pinagtataka ko? Ang daming men in black dito, buong bahay yata mayroon na naka-itim tapos may mga dala pang mga baril. Nakakatakot naman dito tapos, ang dami pang katulong ba't ang daming katulong dito? Sabagay magtataka pa ba ako? Halatang sobrang yaman ng taong nakatira rito. May pogi kaya dito, sana meron. Choss! "Hija? Nakikinig ka ba?" tanong nito sa 'kin, kanina pa pala s'ya nag papaliwanag. Tapos hindi pala ako nakikinig, namangha kase ako sa bahay na 'to, ang lamig lamig pa kahit hindi ako nakikinig sumagot na lang ako ng "Oo!" baka kase magalit s'ya. "Stay in ka dito ayos lang ba sa'yo? Ang gagawin mo rito, maglinis ng bahay, mag laundry etc!" sabi nito. "Opo kaya ko po, sanay po ako sa gawaing bahay!" sagot ko, at nilibot ulit ang paningin sa paligid. Parang ang hirap maglinis rito, nakakatakot baka makabasag, pero salamat na rin at magkakatrabahaho na ako. "Pero bukas ka na mag umpisa dahil wala pa ang boss namin rito. Mamaya pa ang balik n'on galing trabaho. Maaga kang pumunta rito bukas hija, ayos lang ba sa'yo?" tanong nito sa'kin. "Ayos lang po sa ‘kin, Manang! Pero kase ano e--h-- pinutol ko ang sasabihin ko, kase nahihiya akong magsabi. Pero kakapalan ko na ang mukha ko. "Ano 'yon hija, may kailangan ka ba?" tanong nito sa 'kin. Huminga mo na ako nang malalim bago, nagsalita. "Kaya mo 'yan Haraline, para sa ekonomiya!" natawa naman ako sa pinag-iisip ko. "Manang kase ano e--h-- putol ko sa sasabihin ko. Kahit kaylan talaga hindi makapal mukha ko. Hindi naman kase akong lumaking walang hiya, pero kase kailangan ko kaya "Kaya ko 'to!" "Ano nga 'yon hija? Magsabi ka lang!" huminga ulit ako nang malalim bago nagsalita. Bakit ba kase ang mahiyain ko? Biro lang ang totoo. May kalahating mahiyain ako at kalahating walang hiya. "Puwede po bang umutang nang kahit 200 pesos, wala po kase akong pera pamasahe pauwe. Pagod na po ako, kanina pa kase ako naglalakad para maghanap nang trabaho!" sabi ko. Ngumiti naman ako ng tipid kay Manang. Nakakahiya talaga. “Promise po babayaran ko kapag may pera na ako!” pahabol ko pa. "Ay? ‘Yon lang ba, ang kailangan mo? O--h ito 500 pesos sa'yo na iyan, hindi mo na kailangan bayaran. Gamitin mo na rin pamasahe, para bukas pagpunta mo rito!" sabi n'ya at inabot sa ‘kin ang pera galing sa kan'yang bulsa. Talagang ibibigay n'ya sa'kin ang 500 pesos na ito? Ang galante naman ni Manang? Ayos lang naman sa 'kin kahit 200 pesos, kasya na 'yon pamasahe ko pauwe at papunta rito. "Hala! Nakakahiya talaga Manang, ang laki naman po nito!" ngumiti lang ito sa'kin. "Naku hija, 'wag ka mahiya! Good luck sa'yo bukas, sana ay tanggapin ka ng boss namin!" sabi nito. Kung gan'on, kailangan pa akong interviewhin ng boss na sinasabi ni Manang bago ako makapasok rito? Sana mabait ang taong 'yon. "Maraming salamat po Manang!" sabi ko dito ngumiti ito sa 'kin at nagpaalam na rin ako. Lumabas na ako sa bahay hinatid n'ya ako sa gate, kaya bago s'ya pumasok sa loob nagpasalamat ulit ako. Sana makapasok na ako bukas para makapagtrabaho na ako at mabayaran ko na ang renta ko. Sino kaya ang boss nila? Mabait kaya s'ya? Sana guwapo, hindi matandang gurang. Hehe…
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD