Maaga akong nagising kasi maglalakad ulit ako para makahanap nang trabaho, dahil naubus kahapon ang pera ko. Mabuti may stock pa akong mga pagkain. Mama, Papa bakit kase iniwan n'yo agad ako eh? Kaya itong maganda n'yong anak nahihirapan hayts! Kun 'di lang sana nila ako iniwan ng maaga, sana hindi ako ganito ngayon. Nakakapagod na maghanap nang trabaho pero kailangan, dahil kun 'di ako mag ta-trabaho? Wala akong kakainin. Parang ako na ang Reyna ng kamalasan, hayt! Pakatapos ko kumain nagpahinga lang ako saglit at nag-umpisa nang mag-pinetensiya. Hay na 'ko! Wala pa'ng mahal na araw eh nag pi-pinitensya na agad ako. Habang naglalakad ako may nakita akong karatula sa isang bahay. Yes! Baka puwde na 'yon! Kumatok ako at may lumabas naman agad na isang katulong mayor doma yata ito rito. Base sa suot nitong uniporme.
"Ano’ng kailangan n'yo?" tanong ng matanda sa 'kin, ngumiti ako at nagtanong.
"Ahmm... Ano po kase mag apply sana ako!"
"Anong a-apply-an mo? Pasensiya na wala nang bakante!" sabi n'ya na kinakunot ng noo ko seryoso? Huwag n'yang sabihin, may nauna na sa'kin? Na naman lagi na lang bang ganito?
"A---yan po kase o--h!" turo ko sa karatula. Napakamot naman ako sa ulo ko.
"Ay a---yan ba? Na 'ko pasensiya na! Hindi ko natanggal kahapon!" sabi n'ya at tinanggal ang karatula, kaya naman umalis na lang ako. Walang hiya naman paasa, parang 'yong ka-chat mo? Pinakilig ka lang pero hindi ka jinowa. 'Di ba, ' di ba? Huwag mona ipagkaila, hindi ko naman ipagsasabi choss. Hay ang malas ko pa rin talaga. Naii-stress na talaga ang magandang si ako. Dahil hindi pa rin ako makahanap nang trabaho. Muli ulit akong nag lakad para maghanap. Parang awa mo na Lord, bigyan mo naman ako nang trabaho. Baka pag hindi pa ako nakahanap nang trabaho, tuluyan ng masira ang kagandahan ko sa sobrang stress. Kailangan ko na sigurong ihanda ang sarili ko at masanay matulog sa kaldasa. "Ano ba naman ito, 'di ba? Walang hiya!" kanta ko habang naglalakad. Bakit kase kagandahan lang ang ibinigay sa 'kin Gosh!
"Piftttt...
Nagulat naman ako ng may sasakyang biglang napa-preno. Hindi ko pala namalayan na wala na ako sa gilid. Lutang na lutang na kase ang isip ko.
"Hoy! Kung gusto mong magpakamatay? Huwag rito! Pakalat kalat, para kang siraulo!" sigaw ng taong nakasakay sa kotse. Tapos pinaharurut na ang sasakyan. Anong sabi n'ya ako sira ulo at baliw? Ang ganda ko naman para maging gan'on, at na sa katinuan pa naman ako para isipin n'yang magpapakamatay ako. Ang yabang ng lalaking 'yon, anong akala n'ya? Guwapo s’ya? Gurang na kaya s'ya tss.
____
Pang limang apply ko na ito pero wala pa rin talaga , minamalas pa rin ako. Kuminang naman ang mga mata ko, nang may nakita akong isang resto may nakalagay sa karatula na wanted waitress. Sana last kana please lang! Pumasok ako sa resto at nagtanong kung saan ang office ng may-ari, sinabi naman nila ito. Kaya hinanap ko, mas'yado raw silang busy para samahan ako. Wow lang 'di ba? Tch. Nang mahanap ko ang sinasabing office ng may ari agad akong kumatok.
*Tok Tok tok*
"Come in!" sagot sa loob kaya pumasok ako. Wow ang lamig naman, sarap siguro matulog rito. Napaka-ignoranti ko, sorry naman.
"Anong kailangan nila?" tanong ng babaeng may-ari ng resto. Tumingin ito sa'kin, kaya ngumiti ako. Para yatang mas maganda s'ya kaysa sa 'kin.
"Ah kase po available pa ba 'yong wanted waitress?" tanong ko. Sana naman talaga matanggap na ako, lagi na lang kase akong pinapaasa parang 'yong crush ko, pinakilig lang ako pero hanggang kaibigan lang pala. Paasa s'ya. Nanggigil talaga ako sa kaniya, napakayabang n'on. Pasalamat s'ya guwapo s'ya dati, ngayon hindi na kase masama ugali n'ya tss.
"Na'ko pasensiya na late ka na. Kakatapos ko lang interviewhin ang kaninang nag-apply. Wala na kaming bakante!" sabi n'ya tsk, wala na ba talagang matino akong a-apply-an? Lagi na lang not available. Lagi na lang ako pina-paasa? Bakit ganito laging binibigay n'ya umaasa na lang lagi ako. Katulad ng ex ko, kala ko kami na, umasa lang pala ako, manloloko pala tss. Napapahugot na 'ko, habang nag e-emote ako rito bigla na lang may bumusina. Hindi ko pala namalayan na malapit na'ko sa gitna ng kalsada. The f**k I'm so stupid. Buti alam mo 'yon self? Tanga ka talaga. Ito na naman tayo e--h, pangalawa na ito ha!
"Miss! Kung mag papakamatay ka! D'on ka sa puno magbigti! Para mamatay ka talaga! Buwisit paharang-harang ka! Kalsada 'to? 'Di bahay n'yo! Baliw!" sabi nito sa 'kin, a—bat? Ang kapal ng mukha nito ah? Tinignan ko ang 'pag mu-mukha ng lalaking muntik nang makabangga sa'kin. "O---hh s**t! Shocks! Malalaglag panty ko ang guwapo n'ya gosh!" sabi ko sa isip ko, pero naalala ko sinabihan pala ako nitong baliw. Kanina pa ako napagkakamalang baliw ah? Ang ganda ko naman para maging baliw tss.
"Hoy umalis ka na d'yan. You're so stupid!" sabi nito sa ‘kin. Ano? Ako? Tanga? Guwapo lang s'ya, pero 'yong ugali n'ya kaseng gaspang ng liha na panglinis ng kaldero. Buwisit s'ya si Mama at Papa, nga hindi ako sinasabihan ng tanga-tanga. Tapos sasabihan n'ya ako nang gan'on? Wala s'yang karapatan.
"A---h? Ako tanga? Ikaw nga guwapo sana, ang gaspang naman ng ugali!" sabi ko at kumuha nang maliit na bato at binato s'ya. Boom! Sapul sa ulo at saka ako tumakbo. Ano s'ya ngayon? Ginalit n'ya ang isang magandang katulad ko, kaya tama lang sa kan'ya 'yon. Bwisit na lalaking 'yon, ang yabang. Napaka-arogante, pero ang guwapo n'ya talaga. Pero hindi ko s'ya type ang panget ng ugali eh tss. Nag lakad ulit ako, kung minamalas ka nga naman ngayon. Dalawang beses pa nilait nang mga walang hiyang katulad nila, ang isang katulad kong maganda. Nakakagigil sila, sa ganda kong 'to? Pagkakamalan lang akong baliw? Baka sila ang baliw letche sila! Habang nag lalakad ako, may mga tao ng nakatingin sa 'kin. Ano kayang problema nila? Alam kong maganda ako pero hindi ako artista tss. Inirapan ko sila at saka nagpatuloy mag lakad. Pakanta-kanta ako habang naglalakad nang bigla akong napahinto at napatili. Bakit kase may tae ng aso dito. Natapakan ko tuloy. Narinig ko ang iba na pinagtawanan ako. Mga walang hiya! Pagtawanan pa ako. Pa-ika, ika naman akong nag lakad. Ika nga nila kapag nakaapak ka ng tae para ka talagang mapipilay. Nang may makita akong kanal, mukha naman malinis kaya agad na akong nag hugas ng paa. Hindi ko kayang tumagal pa sa tsinelas ko ang tae. "Kadiri talaga argg!" Nang matapos ako mag hugas, agad na akong naglakad ulit. Salamat naman at wala na ang tae.