CHAPTER 4

1003 Words
Naglakad na lang ako pauwe, kase sayang din ang pamasahe. Pinangbili ko na lang ng pagkain. Pagkarating ko sa bahay, agad na akong nagbihis at nag-shower para makapagpahinga. Pagkatapos sumalampak ako sa kama at napatingin sa kisame. Sa wakas may trabaho na ako, ang kailangan na lang matanggap ako ng boss na sinasabi ni Manang. Sana mabait at hindi masungit lalo nang huwag naman sanang manyak. Kung ano ano nang iniisip ko hindi ko pa nga nakikilala ang tao. Pero kinakabahan talaga ako para bukas bahala na, makatulog na nga. ____ Maaga akong nagising dahil ayokong ma-late sa usapan. Ginawa ko na ang morning routine ko at pagkatapos kumain na ako bago umalis. Sumakay na lang ako ng Jeep papunta sa malaking bahay na iyon. Pagbaba ko sa Jeep agad na akong nag-doorbell, kinakabahan talaga ako pero keri ko ito. Lumabas naman si Manang kaya agad ko itong binati. "Good morning, Manang!" bati ko rito. "Magandang umaga rin sa'yo hija! Mabuti at maaga ka? Pumasok ka na at bilisan dahil masamang pinaghihintay ang boss namin!" Pumasok na s'ya at sumunod ako sa kan'ya papunta sa loob ng bahay. "Butler ihatid mo nga ang batang ito kay boss! S'ya ang mag-a-apply bilang maid!" utos nito sa butler raw kuno, pero in-fairness ang guwapo n'ya. Enebe baka puwedeng mag-apply bilang gf n'ya? Kung ganito ba naman ka-guwapo ang mga tao dito, hindi na ako aalis. Ngumiti ako kay butler tapos dedma lang ako. Ay ang sungit naman ng taong ito. Gosh, ang guwapo n'ya talaga mapapa-sa'kin ka rin. "K!" tipid na sagot nito at naglakad na, ang sungit naman ng taong ito. Pasalamat s'ya guwapo s'ya, pero iyan gusto ko sa lalaki masungit at walang paki-alam sa mga magagandang katulad ko. Sumunod na ako sa kan'ya, lakad takbo na ang ginawa ko para masundan lang s'ya. "Hoy kuya maghintay ka naman, ang bilis mo maglakad nakakapagod!" lumingon ito sa'kin, s**t ang guwapo n'ya. Para akong matutunaw ng tignan n'ya ako. Ang singkit nang mga mata n'ya, tapos ang pula ng labi n'ya. Ang sarap halikan enebe! "Don't staring at me. Bilisan mo may mga gagawin pa ako tss!" masungit na sabi nito. Ang sungit talaga pero ang cute nang boses n'ya nakaka-inlove. Para yatang gusto ko nang gahasain itong si butler eh. Siguro ang hot n'ya 'pag hinubaran ko s'ya, halata naman kase sa mga malalaki n'yang braso. Napakagat labi naman ako sa mga iniisip ko. "Tch flirty girl!" rinig kong sabi nito. Kaya naman nagising ako kakapantasiya, kase ang guwapo talaga eh. Nang lumakad s'ya sumunod na ako hanggang sa makasakay kami sa elevator. Nakaisip naman ako nang kalokohan, habang nandito kami sa loob dumikit ako sa kan'ya. "Lumayo ka nga sa'kin!" masungit na sabi nito at lumayo nang bahagya sa'kin. Pero mas lumapit ako sa kaniya at pinisil ang puwet n'ya. Nakita kong napalunok s'ya sa ginawa ko. Tumingin naman ito sa'kin nang matalim. "Dintansya or ambulansiya?" seryosong sabi nito kaya napalayo ako. Halata kaseng hindi s'ya nag bibiro. Napangiti na lang ako nang tipid sa kan'ya, nakakahiya ang pinaggagawa ko. "Gaga ka talaga Haraline. Pero ang lambot ng puwet n'ya. Gosh!" napakagat labi naman ako sa hiya, nakita kong napalunok ito. Sino kaseng hindi maakit sa'kin ang ganda ko kaya at sexy pa, pero virgin pa ako. "Kuya anong pangalan mo?" tanong ko rito, sana naman sabihin n'ya para ma-add ko s'ya sa f*******:. Inirapan lang ako nito at hindi pinansin ang sungit naman. "Kuya guwapo ka sana kaso masungit ka!" sabi ko sa kan'ya, abat inirapan lang ako. Bakla siguro s'ya? Huwag naman sana, crush ko pa naman s'ya. "Kuya bakla ka ba?" tanong ko sa kanya kaya napatingin s'ya sa'kin nang masama. yare baka mag buga na ito ng apoy sa galit. Pero kahit galit s'ya ang guwapo pa rin nito. Hot na nga s'ya? naging hot pa s'ya lalo. "Hehehe... Sabi ko nga hindi ka bakla, Barbie lang!" lalong sumama ang tingin n'ya sa'kin, sobrang seryoso naman nito. Parang gusto na akong lamunin ng buhay eh. May girlfriend kaya s'ya? "May girlfriend ka ba?"tanong ko. Pasensiya na kayo ganito talaga ako pag may guwapo akong natitipuhan. Nagiging walang hiya ako. Nang bumukas ang elevator agad na kaming bumaba. Nakakainis naman kahit isang tanong ko walang sinagot. Mapapa- sa'kin karin butler. "Nandito na tayo!" pagtapat namin sa isang itim na pinto kumatok na s'ya. Kinabahan naman ako bigla. "Kalma lang, kaya mo ito!" huminga ako nang malalim sa sobrang ka ba, nanlalamig na rin ang mga kamay ko. "Come in!" sabi sa loob at kusang bumukas ang pinto. Napakapit naman ako sa damit ni Mr sungit sa sobrang kaba. "Pumasok ka na!" sabi nito. Huwag n'yang sabihing ako lang papasok mag isa? "Hindi mo ako sasamahan sa loob?" tanong ko rito. Natatakot talaga ako baka kase hindi mabait ang na sa loob. "No!" matipid na sagot nito. Nakasimangot naman ako akala ko makakasama ko pa s'ya hanggang mamaya, pasensiya na na-love at first sight ata ako sa kan'ya. "Eh sige na samahan mo na ako sa loob!" sabi ko. Ang totoo kase natatakot ako baka kung ano gawin sa'kin ng taong na sa loob. Ang arti naman nang taong ito, isang magandang babae na nag-aaya sa kan'ya ayaw pa pumayag tss. "Tsk. Ms! Alam mo ang daldal mo para kang puwet ng manok. Ang landi landi mo pa, mahiya ka naman, ang panget mo!" sabi nito at umalis na. Ako parang puwet ng manok aba't grabe naman s'ya. Saka malandi raw ako? S'ya lang naman nilandi ko, ang guwapo kase n'ya. Pero sinabihan pa rin n'ya ako nang malandi, nakakainis s'ya. Pero hindi ko kayang magalit sa isang katulad n'yang guwapo. Huminga mo na ako nang malalim, kase sobra na akong kinakabahan sana talaga mabait ang taong ito. Hindi ko na alam kung ilang beses ako huminga nang malalim sa sobrang kaba. Sana talaga matanggap ako kailangan ko talaga nang trabaho. "Lord please sana matanggap ako, para may pangbayad na ako ng renta!" dasal ko at muling huminga nang malalim.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD