CHAPTER1
Ilang trabaho na ang in a-apply-an ko pero hanggang ngayon, hindi pa rin ako matanggap. Ano bang kailangan kong gawin? Nang may makita akong wanted sales lady, lumapit ako sa tindera para tanungin kung available pa ba ang trabahong nakapaskil.
"Hellow po!" bati ko sa babaeng med'yo may edad na. Ngumiti ako rito at nagpa-cute malay mo 'di ba? Matanggap ako dahil sa ka-cute-an ko. Just kidding, haha napapa-english tuloy ako.
"Ano’ ng kailangan mo, Ms?" tanong nito sa 'kin, ngumiti ako ng todo rito.
"Available pa ho ba ang trabahong ito?" tanong ko at tinuro ang nakapaskil. Sana talaga makapasok na ako, kahit maliit lang sahod dito basta magkatrabaho na 'ko. Baka 'pag hindi pa ako nakahanap nang trabaho, baka pati ang bar papasukin ko na. Magkaroon lang ng trabaho, pero ayoko naman n'on.
"Ay 'yan ba? Pasensiya na, may nakuha na kami para sa trabahong 'yan. Hindi ko lang naalis!" sabi nito at tinanggal ang nakapaskil. Napabuntong hininga na lang ako, ang malas ko naman. Nagpasalamat ako at umalis na lang, kahit pagod na ang paa ko. Ayos lang basta makahanap nang trabaho. Sana talaga makahanap na ako dahil marami- rami narin akong utang, renta pa sa bahay. T'yak akong magbubunganga na naman ang landlady ko, 'pag 'di pa ako nakapagbayad. Napangiti ako ng may makita ulit akong wanted tindera, sana naman makapasok na ako. Lumapit na ako at nagtanong sa taong na sa tindahan.
"Hello po, available pa ba ang trabahong 'to?" tanong ko rito. Tumayo naman ito at napakamot sa ulo.
"May nakuha na kami eh, pasensiya na!" sabi nito, napabuntong hininga ulit ako. Kapag minamalas ka nga naman. Hayst!
"Okey po, salamat po!" sabi ko at umalis na. Naglakad ulit ako at nagbabakasaling may makita pang ibang trabaho. Pagod na pagod na ang paa ko.
"Ahhhhhhh!" sigaw ko dahil pagod na ako kakahanap nang trabaho, pero wala akong mahanap. Gosh! Wala ba talaga akong suwerte para dito?
"Kaya mo 'to gurl, tiwala lang makakahanap ka rin!" kinakausap ko na ang sarili ko, para kaseng kunting lakad ko na lang susuko na ang katawan ko. Wala pa akong kain, wala rin akong pangbili nang makakain.
Huminga ako ng malalim, at pilit naniwala sa sarili na makakahanap rin. Kahit anong trabaho basta marangal. Tinignan ko ang wallet ko at bente pesos na lang pera ko. Paano na? Kulang pa ito sa Jeep pauwe ng bahay. Ang layo na kase nang napuntahan ko. Gosh! Nag lalakad akong parang baliw dahil sa pagod na akong mag lakad. Ang malas naman nang buhay ko kaylan kaya ako su-suwertehin? Naglalakad ako biglang muntik na akong matapilok kase naputol ang kawad ng tsenilas ko s**t, bakit ngayon pa? Wala pa akong pambili eh ano pa bang kamalasan ang magaganap sa 'kin? Habang nag lalakad pa rin ako bigla naman may dumaan na humaharurot na sasakyan. Tapos sakto pa na may putik sa kalsada, kaya ito para na akong taong grasa kase puro putik na buong katawan ko. Jusko po! Bakit ang malas ko ngayong araw? Hayst bakit kase ako inalis ng matandang 'yon sa resto na pinag tatrabahuhan ko? Nabasag ko lang naman 'yong baso? Tapos gan'on na 'yon? Papaalisin na ako? Habang nag da-drama ako may nakita akong karatula na wanted maid. Wow! Ang laki ng bahay. Bahay pa ba ito o—h mansion? Sobrang laki kase eh parang ang hirap linisin n'yan. Nag doorbell na ako, may lumabas naman na isang matanda na halatang mong mataray, ngumiti ako dito.
"Ano’ng kailangan nila?" tanong nito sa ‘kin at tinaasan ako ng kilay at tinignan ako mula ulo hanggang paa. Grabe naman makatingin sa ‘kin, parang gusto akong kainin ng buhay.
"A—h e--h mag-apply po sana ako bilang maid!" nahihiya kong sabi, kase naman paanong hindi ka mahihiya kong ang buong katawan mo puro putik. Kumunot naman ang noo nito. Tapos biglang nag sungit sa 'kin. Ang sungit!
"Ikaw? Mag-apply ka ng maid? Sarili mo nga hindi mo malinis. Hala sige umalis ka na! Baka makita ka pa ng boss namin, allergic 'yon sa panget at madumi!" sabi nito at pumasok na sa loob. Grabe naman si ate makalait ah? Dahil parang wala naman akong suwerte ngayong araw, bukas na lang ulit. Hayts lakad na naman pauwe, nang makarating ako sa apartment na in-uupahan ko nadatnan ko naman si aling Utot, ang baho naman ng pangalan n'ya? Bakit ba 'yon ang naisip na i-pangalan sa kan'ya? Bakit kaya nandito s'ya? Hayts! Huwag naman sana ngayon, wala pa akong pera. Kailangan ba sabay sabay ang kamalasan sa buhay ko? Arggg! T'yak akong sisingilin n'ya ako ng renta. Ilang buwan na kase akong puro paki-usap, paano kase ilang buwan na akong walang trabaho.
"Hello po, Aling Utot! Ano po bang masamang hangin ang nagdala sa inyo at naparito kayo?" tanong ko. Tinignan ako nito at nagpamaypayan pa.
"Anong masamang hangin ha? Dalawang buwan ka nang hindi nakakabayad ng upa? Ano may balak ka pa ba magbayad?" pagtataray nito sa'kin. Yuck badbreath s'ya amoy utot. Sabi kona eh, hindi naman pupunta 'yan dito kung walang kailangan.
“Aling Utot puwede po ba huminahon kayo?” ani ko at pinakalama s'ya high blood kase 'yan lagi eh. “Wala pa kase akong pera! Hehe..." Ani ko sabay kamot sa ulo. Napangiti ako ng pilit, habang nag kakamot ng batok. Wala talaga kase akong pangbayad, kun'di lang med'yo mabait si Aling Utot. T'yak akong sa kalsada na akong naglalagi ngayon.
"E--de lumayas kana dito! Para mapaupahan ko na ito sa iba!" masungit na sabi n'ya. Agad naman akong nagmakaawa sa kan'ya, wala akong matitirahan 'pag pinalayas n'ya ako. Baka sa kalsada talaga ako pulutin nito.
"Aling Utot, give me 2 weeks? Para makaipon ng pera!" pagmamakaawa ko sa kan'ya. Lakas ng loob ko humiling nang two weeks, bahala na si Lord, sana lang makahanap na ako ng trabaho, kahit anong trabaho basta matino.
"Hala sige! Siguraduhin mo 'yan! Pagbibigyan pa kita ngayon, pero kapag hindi ka pa nakabayad sa sinabi mong two weeks! Talagang itatapon ko na 'yang mga damit mo!" sabi nito at umalis na hayst salamat naman. Pumasok ako sa loob at naglinis ng katawan at pagkatapos humiga na sa kama ko. Parang gusto ko nang ma-iyak dahil sa dami kong kamalasan ngayong araw hayst. Sana naman bukas suwertehin na ako. Ilang araw na rin kase akong naghahanap nang trabaho, pero wala talaga.