CHAPTER 6

1002 Words
May mga dumating na kalalakihan kaya, nag-bow ulit ang mga katulong. Pero ako hindi yumukod, kaya kitang-kita ko ang lalaki na binato ko noong nakaraan araw. Holy sh*t, bakit nandito s'ya? Anong ginawa ng isang mayabang na katulad niya rito? Napalunok naman ako at napayuko bigla nang napatingin ito sa'kin. Sana hindi ako makilala ng taong ito. "Mga kaibigan 'yan ni sir." sabi ni Kadilyn, umupo sila at kumain na. Ako naman sobrang kinakabahan pa rin, ang malas nga naman. Talagang dito ko pa makikita ang isang aroganteng kagaya n'ya. Akalain mo nga naman kaibigan pala ng Young Master ang taong ito tss. Sayang s'ya guwapo pa naman, ang gaspang lang ng ugali. "Alam ba n'yong sobrang natatawa ako dito kay Dansen, akalain mong isang babae lang ang bumato sa kan'ya noong nakaraang araw. Hindi pa kinaya, ang bakla n'ya!" sabi ng isang lalaki at tumawa sila nang sabay sabay. Ako naman nanginig ang mga kamay at nanlamig. Alam kong ako ang tinutukoy ng mga lalaking ito. "Hahah kawawa ka naman, isang babae lang ang babato sa'yo dapat hindi muna pinatakas napakabakla mo!" pang aasar ng isang lalaki. Guwapo rin s'ya, pero mas guwapo parin ang young master. Wala na talaga mas gu-guwapo kay Young Master, kaso ang panget ng ugali. "Kapag nagkita ulit kami ng babaeng 'yon, sisiguraduhin kong makakaganti ako sa kaniya. Kahit babae s'ya, papatulan ko s'ya, papatayin ko talaga s'ya. Tandang tanda kopa ang panget na mukha nang babaeng iyon!" galit na sabi nito at bigla itong napatingin sa'kin at ngumisi pa ito. Kumabog naman nang sobra ang dibdib ko, sobrang kinakabahan na ako dahil baka totohanin ng taong ito ang mga sinabi n'ya. "Ano ba naman kaseng pinagagawa mo Haraline. Paano na lang kung totohanin ng taong ito ang sinabi n'yang papatayin ka. E--de mababawasan ng maganda sa mundo..." Mahinang bulong ko. "Uy anong binubulong-bulong mo?" tanong ni Kadilyn. Tumingin naman ako sa kan'ya at ngumiti nang tipid. "Wala," sagot ko. "Gan'on ba? Okey." sabi lang nito at ngumiti sa'kin. "Napakasama mo naman, babae pa rin 'yon. Dapat ang babae binubugbog sa kama!" sabi ng isang lalaki. Guwapo sana s'ya pero sa sinabi n'ya at sa itsura n'ya halata mong manyak s'ya. "Gago ka talaga, huwag kang gan'yan pre dapat ang babae nire-respeto. Kase kung hindi dahil sa kanila wala tayo sa mundo!" sabi ng isang lalaki, napangiti ako dahil guwapo na s'ya mabait pa. "Wala akong paki-alam sa mga babae, para sa akin isa lang silang puppet na puwedeng paglaruan sa kama!" sabi pa ng mukhang manyak na ito tss. Napailing naman ako dahil wala s'yang respeto sa mga babae tss. Kung puwede lang sapakin ko ang lalaking ito para magising s'ya at matutong rumespeto. "Pre hindi puppets, ang mga babae tandaan mo. Tandaan mo rin na may mama ka, at babae rin s'ya!" "Oh tama na iyan, kumain na lang tayo!" sabi ng isang lalaki, guwapo at mukhang mabait rin. Kumain lang sila, habang nagtatawanan at nagku-kuwentuhan. "Natatawa talaga ako, kapag naalala ko noong nanood tayo ng horror movie. Naihi n'on sa takot si Mikey!" pang-aasar nila tapos nagtawanan pa. "Hoy hindi ah, grabe kayo sa'kin!" "Totoo naman!" "Itong si Makey naman lagi na lang busted sa nililigaw n'ya, grabe talaga ang malas n'ya!" "Palibhasa ikaw hindi ka marunong manligaw!" "Guwapo kase ako kaya hindi ko na kailangan manligaw, sila na mismo lumalapit sa'kin para kainin ko sila!” "Hayup ka talaga!" "Huy tangina mo, ang yabang mo mas guwapo naman ako sa'yo!" sabi ng taong binato ko. Kapag nakikita ko talaga s'ya natatakot ako, baka talaga patayin ako nito sh*t. "Mas guwapo ako!" Nagkukuwentuhan, nagtatalo, nagpapayabangan iyan lang mga narinig ko sa kanila hanggang matapos silang kumain. Nakahinga na ako nang maluwag nang tumaas na sila. Kami naman ni Kadilyn nagligpit na ng pinagkainan. Kami na rin ang naghugas ng pinagkainan. "Haraline, mag-ingat ka sa mga kaibigan ng Young Master. Akala mo simple lang sila, pero mga delikadong tao sila!” sabi ni Kadilyn, habang naghuhugas kami. "Bakit anong meron sa kanila?" kunot noong tanong ko. "Basta binabalaan lang kita, pero kay Young Master ka talaga mag-ingat!" sabi nito. Natatakot na ako, kase bakit anong meron bakit kailangan kong mag-ingat. Pero hayaan na nga, hindi keri nang ganda ko ang magpaka-stress tss. Baka maaga akong pumangit. "Bakit pala parang kinakabahan ka kanina?" "A--h eh--eh wala naman!" med'yo utal na sabi ko. Anong gusto n'yong sabihin ko? Na ang tanga ko kase binato ko ang isa sa kaibigan ng Young Master. Baka isumbong ako n'on tapos mapaalis ako rito. Ede wala na akong trabaho back to zero na naman ako, baka talagang sa kalsada na ako nito matulog. "Wala ba talaga?" "Oo nga, wala nga!" sabi ko pa. Maghihingi na lang ako ng sorry, sa lalaking iyon. Kahit nilait-lait n'ya ako, ayokong mapaalis sa trabaho ko dahil doon. Saka hindi ko naman alam, kasalanan naman n'ya kase mas'yado s'yang aroganteng lalaki. Huminga ako nang malalim kase naman kinakabahan ako. "Hindi kita pipilitin kung ayaw mo magkuwento, pero kung may nagawa ka sa isa sa kanila. T'yak akong magsusumbong 'yon kay Young Master at baka mapaalis ka rito!" seryosong sabi nito. Napalunok ako, ito na nga ba sinasabi ko, huwag naman sana. Hindi ko kayang matulog sa kalye kase hindi pa talaga ako nakakabayad ng renta. "Ah e--h totoo?" "I'm just kidding. Ang seryoso mo naman, kinabahan ka no--h! Actually mababait naman sila pero mag-ingat ka pa rin dahil hindi lahat ng mabait, mabait talaga." sabi nito at nagpunas na ng kamay, gano'n rin ako dahil tapos na kami maghugas. "Uy nagbibiro lang talaga ako, huwag mo mas'yadong seryosohin mga sinabi ko! Tara na gawin na na'tin sunod na gawain na'tin!" sabi nito. Ngumiti ako at tumango, pinakalma ko ang sarili ko."Relax lang Haraline, humingi ka na lang ng sorry!" sabi ko sa isip ko. "Huwag na, kase kasalanan naman n'ya!" sabi nang isang side ng utak ko. Nagtalo pa nga ang mga utak ko, pero hayst bahala na. Pumunta na kami sa susunod naming gagawin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD