CHAPTER 7

2051 Words
Dahil gabi na, oras na ng pahinga. Nakahiga ako ngayon dito sa kama, nagpaikot ikot kase iniisip ko pa rin ang lalaking binato ko. Pero wala naman s'yang ginawa sa'kin eh, siguro nagbibiro lang talaga s'ya. Dahil sa hindi ako makatulog napagpasyahan ko na pumunta sa labas. Gusto ko lang magpahangin, tumayo ako at pumunta sa labas. Humanap ako nang magandang mapupuwestuhan, nang makita ko ang garden at ang mga upuan agad akong pumunta para umupo. Ang sarap dito at ang hangin, sobrang nakaka-relax, nakakawala ng pagod. Ngumiti ako at pumikit, napakasariwa ng hangin. Napamulat ako at napatingin sa langit, ang ganda ng mga bituwin. "Nandiyan kaya kayo Mama at Papa. May trabaho na ako, sana gabayan ninyo lagi ako dito. I miss you Ma, Pa!" napaluha ako at pumikit, ito na naman ako. Sobra kaseng namimiss ko sila, ang tagal na simula nang mawala sila sa'kin. Hayst bakit kase kinuha agad sila sa'kin, kung buhay pa sila hindi nila ako hahayaang maghirap nang ganito. Huminga ako nang malalim, pero wala na sila kaya kailangan ko na lang tanggapin. Nang makaramdam ako ng antok, naglakad na ako pabalik. Pero hindi pa ako nakakarating sa pinto ng maids room, bigla akong natalapid. Napasigaw ako at napapikit, hinintay kong mahulog ako sa lupa. Dahil hindi ko na ito maiiwasan, napakamalas talaga ng buhay ko. Para talagang lagi mayroon akong kakambal na kamalasan eh. Mga ilang segundo ang lumipas, hindi ko naramdaman ang katawan ko sa lupa, pero may nabagsakan ako na parang isang matigas na bagay. Agad kong minulat ang mga mata ko, at sa pagmulat ko. May nakita akong mala-anghel na mukha. Napakaguwapo n'ya, nakakapit pa ang mga kamay n'ya sa bewang ko. Sh*t, sinalo ako ng Young Master. Concerned rin pala s'ya sa akin. Enebe ang lapit lapit pa ng mukha namin, sobrang guwapo talaga ng nilalang na ito. "Tss. Stupid ugly woman!" sabi nito at bigla akong ibinagsak. Ang sakit tuloy ng puwet ko. Nawala ang antok ko dahil sa ginawa n'ya, nakita ko naman na umalis na ito at pumasok sa loob ng bahay. Ang guwapo n'ya sana, pero napakasama ng ugali. Sino bang matino ang sasaluhin ka nga ng isang guwapong lalaki pero ibabagsak ka rin? S'iya lang naman gumawa n'on, kaya sobrang sakit ng puwet ko ngayon. Inis na tumayo ako kahit masakit talaga ang puwet ko, at naglakad na papunta sa maids room. Ito ako ngayon nakahiga sa kama, sobrang sakit talaga ng puwet ko. Nawala na talaga ang antok ko, napakatino kase nang pag-iisip ng Young Master. Nakakainis s'ya! Nagpaikot-ikot ako sa kama habang nagpapa-antok. Wala na talaga, nawala na talaga ang antok ko. Sigurado akong magmu-mukha akong zombie nito sa puyat. "Hey bakit gising ka pa?" nagulat ako ng magtanong si Kadilyn. "Bakit ikaw gising pa?" "Nagising lang ako, naiihi kase ako." sabi nito at pumunta nang cr. Maya maya lang bumalik na s'ya. "Matulog ka na Hara, maaga pa tayong magiging bukas para mag handa ng agahan!" tumango lang ako at ngumiti sa kan'ya. Kailangan kong makatulog, 5am nga pala ang gising namin, pero sana'y naman ako magpuyat. Kaya ko nga matulog ng alasingko at magising ng alasais, tapos magtatrabaho maghapon. Oh 'di ba? Panis kayo sa'kin. Natatawa na nga ang ako minsan sa sarili ko, nang makaramdam ako ng uhaw agad akong pumunta sa kusina para uminom. Pagrating ko sa kusina, agad na akong pumunta sa refrigerator at kumuha ng malamig na tubig. Napapikit ako nang maramdaman ko, ang lamig ng tubig na iniinom ko. Nang matapos ako uminom napamulat na ako at dadalhin na sana ang baso sa lababo nang bigla akong napasigaw. Grabe talaga, para akong aatakihin sa puso. "Argh.... ugly woman, shut up!" sabi ng Young Master. Kaya ako napasigaw kase nagulat ako kay Young Master. Paano kase akala ko walang tao dito nandito pala s'ya kumakain nang ganitong oras. Mabuti hindi s'ya nataba? "Sorry po, nagulat lang ako kase bakit nari'yan kayo!" tanong ko, nagtanong pa ako alam ko naman ang ginagawa n'ya tss. Ang tanga ko talaga. "Are you blind, idiot?" sabi nito. Sobrang sungit talaga at sobrang pasmado nang bibig n'ya. Kanina stupid, ugly tapos ngayon idiot. "Hehe, pasensiya ka na talaga Young Master!" yumuko ako sa kaniya, at humingi nang pasensiya. "Tss. Bakit ba gising ka pa, tapos na ako. Hugasan mo na lang ang mga pinagkainan ko!" sabi nito. Umalis na s'ya. Ako naman nagligpit na, hindi ko manlang napansin na nandito s'ya. Pagkatapos ko maghugas bumalik na ako sa higaan ko. Humiga na ako at pilit na inaliw ang sarili para makatulog, 10pm na nang gabi hindi pa ako nakakatulog. Siguro dahil bago pa lang ako rito at namamahay pa ako kaya hindi ako makatulog nang maayos. Umupo ako sa kama at tinignan ang mga kasama ko habang natutulog, mabuti pa sila tulog na. Hayst nakakamiss ang kama ko sa apartment ko. Kaylan kaya ako makakabalik d'on? Hindi ko pala nasabi sa landlady namin na dito muna ako matutulog dahil stay in ako rito, bukas na lang siguro. Paggising ko naligo muna ako at nag-ayos ng sarili at lumabas na kase ang ibang maids, wala na dito paniyak na naglilinis na sila at nagluluto. Nakasalubong ko naman si manang na mayroong dalaang kape, para siguro sa Young Master. Ngumiti ako kay manang at binati s'ya. "Good morning, Manang!" "Goodmorning too, Haraline. Hija paki dala naman ito sa office ng Young Master!" utos n'ya at inabot sa'kin ang kape na dala dala nito. Ang aga naman nang taong 'yon, nasa office agad. "Sige ho, Manang!" sabi ko at inabot ang kape. Tumaas na ako sa office n'ya dito sa bahay. Pagkarating ko kumatok na ako, oo nga pala naalala ko mga nangyari kagabi. Nakakainis talaga s'ya. "Come in!" sabi n'ya mula sa loob. Pumasok na ako dahil automatic naman na nagbubukas ang pinto dito. Napakabango ng amoy ng office n'ya. "What do you need?" tanong nito na hindi manlang tumingin sa'kin. "Pinapadala po ni manang itong kape!" sabi ko at nilapag ko ang coffee sa table kaso, nagulat ako nang bigla s'yang tumingin sa'kin. Kaya natapon ko ang kape sa table n'ya pati tuloy s'ya natapunan. "Stupid ugly, Woman get out of here!" sigaw nito, kaya naman nanginig ang buong katawan ko sa takot. "I'm Sorry Young Master!" paghingi ko nang sorry, nakayuko lang ako kase nahihiya ako. Lalo akong kinabahan nang tumayo s'ya sa upuan at lumapit sa'kin ako naman umatras nang umatras hanggang sa naramdaman ko na ang lamig ng semento sa aking likod. Ilan inches na lang magkakalapit na ang mukha namin. Napatingin ako dito at sobrang seryoso ng mukha nito. Nakakatakot s'ya, ito ba ang sinasabi nilang dapat mag-ingat ako sa taong ito. "Ang tanga tanga mo kase Haraline." Nasabi ko na lang sa isip ko, grabe na ang t***k ng puso ko parang nagwawalang kabayo. "Hindi kase ako tumatanggap ng sorry..." seryosong sabi nito. Tapos mas nilapit pa nito ang mukha n'ya. Sh*t boss huwag kang ganiyan. "B--boss, a-alis n-na po ako. Sorry bosd hindi ko sinasadya!" utal kong sabi. Sobra na kase akong kinakabahan kaya ako nauutal. "Tss. Stupid Ugly woman. Clean you're mess tss!" sabi nito at umalis na sa harap ko. Huminga ako nang malalim kase para akong mauubusan nang hininga dahil kay Young Master. Kumuha ako ng tissue at spray at saka nilinis ang ginawa kong kalat. Mabuti na lang talaga walang mga papel na natapunan. "Ayos na po Young Master. Pasensiya na po talaga!" sabi ko, at nag bow sa kan'ya. "Tss. Get out!" masungit na sabi nito. Tumango lang ako at lumabas na. Hindi pa ako nakakababa sa unang baitang ng bahay, nang makasalubong ko ang mga kaibigan ng Young Master. Kinabahan naman ako nang makita ko ang taong binato ko noong nakaraang araw. Nakangisi ito sa'kin, para tuloy akong nanlamig dahil nakakatakot s'ya. Yumuko na lang ako sa kanila, para na rin maiwasan ko ang mga tingin ng lalaking binato ko. "Hi Miss!" bati nang sa'kin ng isang lalaki. "Hellow po!" pagbati ko rin sa kanila. "You're beautiful!" sabi ng lalaki kahapon na mukhang manyak. "Hoy, Haycer umayos ka!" sabi ng isang lalaki. "Wala pa naman akong ginagawang masama ah. Parang pinuri ko lang ang isang magandang binibining katulad n'ya. I'm Haycer Mantivelix, at your service!" pakilala nito at inilahad ang kamay, inabot ko naman ito. Nakakahiya naman kung hindi ko tatanggapin. Imbis na makipag shakes hand s'ya sa'kin, hinalikan nito ang likod ng kamay ko. Nang init naman ang mukha ko, firstime na may humalik sa likod ng palad ko eh kaso manyak pa. "Hi Miss! I'm Mikey Kun. Huwag kang magpapadala sa pambobola ng taong ito. Babaero 'yan!" sabi nito kaya natawa ako, s'ya 'yong kahapon na mabait. Nakipag kamay ito sa'kin. Nakakaingit naman bakit ang lambot nang mga kamay nila? "I'm Makey Kun. Mikey Kun twin brother!" wow kambal pala sila, kaya pala magkamukha sila eh. Parehas din silang guwapo, paano kaya kapag may gf sila parehas. Makikilala pa kaya sila ng mga gf nila? Bakit ko ba naisip 'yon. "I'm Kelden Hanagaki..." pakilala ng isa, tahimik lang s'ya. "I'm Kint Montivyde..." pakilala ng isang lalaki. Tahimik tapos napaka seryoso ng mukha, parang mas masungit pa s'ya kay Young Master. Ngumiti ako sa kaniya pero s'ya, hindi manlang ngumiti ang sungit. Pagkatapos lumapit sa'kin ang lalaking binato ko noong nakaraang araw. Kinabahan ako kase nakangisi na naman s'ya sa'kin. "Hoy, Dansen kumalma ka!" sabi ni Mikey. "Tss. Wala pa naman akong ginagawa ah!" "Umayos ka, babae pa rin 'yan!" sabi naman ni Makey. "Ah wala akong paki kahit babae pa s'ya!" sabi nito kaya sobra akong kinabahan. "Dansen!" tawag ni Kelden sa lalaki. "Relax lang kayo mga pre, magpapakilala lang ako. Hi Miss, nice to see you again. I'm Dansen Tamishi!" sabi nito. "Akalain mo nga naman, napakaliit lang talaga ng mundo. Dito pa talaga tayo nagkita, alam mo bang masakit ang ginawa mong pagbato sa'kin?" sabi pa nito. Grabe s'ya parang ang liit lang ng pinangbato ko sa kaniya. "Dansen tara na, baka hinihintay na tayo ni boss!" awat ni Mikey at saka kinapitan ito sa braso. "Huwag mo nga akong hawakan!" sabi nito. "Hoy babae, tandaan mo ang mga sasabihin ko. Magbabayad ka nang malaki sa ginawa mo sa'kin!" sabi pa nito. Halos maluha na ako sa sobrang kaba. Nakakatakot ang lalaking ito. "Pasensiya na po talaga, Sir!" sabi ko at yumuko. Sana mapatawad ako nito, grabe sobra talaga s'yang galit sa'kin. "Dansen tama na nga, parang binato ka lang ganiyan ka na. Tumigil ka na, kung ayaw mong mabangasan sa'kin!" seryosong sabi ni Kelden. "Tss. Parang bata!" sabi naman ni. Kint. "Pre, awat na, ibalato muna sa'kin ang babaeng ito. Ako na bahala sa kaniya, dadalhin ko s'ya sa langit! Kung gusto mo?" sabi ni Haycer. Napaka manyak n'ya. "Tss. Pasalamat ka nandito mga kaibigan ko!" sabi nito at nauna nang tumaas. "Taas na kami! Pasensiya ka na kay Dansen!" sabi ni Mikey at tinap ang balikat ko. Tumango na lang ang iba bago tumaas. Ako naman bumaba na ng hagdan. Pumunta ako ng kusina para maghugas nang pinagkainan, ang iba kaseng katulong nasa labas may kaniya kaniyang trabaho. Kami lang dalawa dito ni manang. "Hija, nadala mo ba ng maayos ang pinapadala ko sa'yo?" napaubo ako nang magtanong si manang. "Ah kase ano manang, pasensiya na naitapon ko ang kape kanina..." sabi ko at yumuko. Gusto ko ng maluha dahil ang hirap pala nang ganito may mga taong nagagalit sa'yo. "Ganon ba? Ayos lang 'yon. Mabuti at hindi ka sinisante nng batang 'yon!" sabi nito, napatingin ako sa kaniya nakangiti s'ya? Bakit kaya? "Oo nga po Manang, nakakahiya ang ginawa ko..." sabi ko. "Oh s'ya, gusto kong dalhin mo itong mga inumin nila sa taas! Mag-ingat ka!" "Sige po Manang!" sabi ko at nagpunas ng kamay at kinuha ang tray at lumakad na papuntang taas. Pagdating ko agad akong kumatok, bumukas naman kaagad ang pinto kaya pumasok na ako. Nahiya naman ako dahil lahat sila nakatingin sa'kin. "Oh Miss? Para sa amin ba iyan?" tanong ni Haycer. "Opo!" sagot ko, mas bumilis ang t***k ng puso ko ng makita kong nakatingin sa'kin si Dansen at si Young Master. "Ilapag mo na lang d'yan, tapos umalis ka na!" utos ni boss. Inilapag ko sa mini table ang tray at lumabas na. Sh*t sobra akong kinabahan r'on.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD