CHAPTER 5

1222 Words
Huminga ulit ako nang malalim, sobra talaga akong kinakabahan. Nang makaipon nang lakas nang loob, pumasok na ako. Pag pasok ko namangha ako kase ang ganda nang office ng boss ko, ang astig nang office n'ya. Ang amoy dito napakabango, halata mong lalaki ang naglalagi dito kase amoy na amoy mo ang pabango nang lalaki. Nag masid ako sa palagid, black and white ang kulay nang office n'ya, ang ganda bagay na bagay sa lalaki. Kinabahan naman ako nang may makita akong isang lalaki, nakatalikod sa'kin med'yo madilim pa sa parti n'ya. Sana hindi matandang ukluban ang maging boss ko, sana kasing guwapo ni kuyang butter. "Ms. Haraline Montimayor!" nagulat naman ako nang mag salita ito. Ang ganda nang boses n'ya, napaka- husky. Halata mong guwapo s'ya sa boses palang, kinabahan ako namg unti unti itong humarap sa'kin. Natulala naman ako, dahil isa nga s'yang guwapong nilalang mas guwapo pa s'ya kay butler. Ang ganda ng mga mata nito, abo ang kulay nito bumagay pa dito ang mahaba n'yang pilik mata pati na ang kaniyang makapal na kilay. s**t napakaguwapo n'ya, puwede na siguro akong mamatay kase para s'yang isang anghel na bumaba sa lupa. Tapos ang pula pa nang labi nito, parang ang sarap halikan. "Ms. Haraline Montimayor, ikaw na ba ang pinadala dito para maging asawa ko?" "Oo mahal ko!$ sabi ko at lumapit ako sa kaniya, hinawakan ko ang guwapo n'yang mukha at hahalikan na sana ako nang magising ako sa katotohanan. Nanaginip lang pala ako gosh. "Tss. Ms. Montimayor please close your f*****g mouth! Baka tumulo pa ang mabaho mong laway sa office ko mag ka virus pa dito!" masungit na sabi n'ya. Ano daw? Nag toothbrush naman ako kanina ah. Arti at ang sungit n'ya, para s'yang babae tss. "Sit down!" sabi n'ya kaya mabilis akong umupo. Natulala naman ako nang magkatinginan kami, kase sobrang guwapo n'ya talaga. Pag nagka-anak siguro kami guwapo rin at maganda. "Ilan ba gusto mong anak baby?" tanong nito sa'kin. "Kahit ilan baby, kahit sampung dosena pa!" sabi nito at napapikit ako nilapit nito ang mukha n'ya sa'kin. Tapos bigla ulit ako nagising sa katotohanan na, nag papantasiya lang ako. Bakit kase sobrang guwapo nang nilalang na ito? "Don't f*****g stare at me, kung hindi ka makikinig sa mga sinasabi ko. Get f*****g out ugly woman! Arrg." Sigaw nito sa'kin, kaya ito gising na gising na talaga ako sa katotohanan na guwapo at mukhang anghel lang s'ya pero hindi s'ya mabait tss. "s**t naman kase Haraline, ang landi mo. Ayan nagalit tuloy!" tumayo ako at napakamot sa ulo. "Tanggap na ba ako sir?" tanong ko, lakas din nang loob ko. Nagawa ko pa talagang magtanong. Ngumiti ako nang pilit sa kan'ya, kase sumama ang tingin nito sa'kin. Umalis ito sa puwesto n'ya at lumapit nang dahan dahan sa'kin. Ang sama nang tingin nito, kaya umatras ako habang lumalapit s'ya sa'kin. Sobra naman akong kinabahan baka kase kung anong gawin n'ya sa'kin, pero ayos lang guwapo naman s'ya huwag lang n'ya ako biglain, birhen pa kase ako. Nang wala na akong maatrasan, ramdam kona ang lamig nang pader. Halos, mawala na ako sa sarili ko nang ma-corner ako nito. Inilagay nito ang kamay sa taas nang ulo ko. Nakakulong na ako sa bisig n'ya ngayon. Nilapit naman nito ang mukha n'ya sa'kin, napapikit na lang ako tapos ngumuso. Siguro gusto n'ya akong halikan. "Get out, huwag mona ulit ipapakita ang mukha mo sa'kin. Ugly woman!" sabi nito, kaya napamulat ako. Nakangisi ito, bago lumayo sa'kin, napapikit naman ako dahil sobrang nakakahiya ang ginawa ko. Napaka assuming ko, tumalikod na ako at hiyang hiya sa pinaggagawa ko s**t ka Haraline. Bumaba ako at nakasalubong ko si manang. "Anong nangyari?" tanong ni manang. Paano ko ba sasabihin na, buwisit na buwisit sa'kin ang taong iyon. Napangiti ako ng pilit kay manang. "Wala po! Maayos naman po, manang!" pagsisinungalin ko. Malamang hindi ko puwedeng sabihin na, natulala ako kanina habang kinakausap niya ako tapos nagalit s'ya sa'kin tapos, na-corner n'ya ako at sinabing huwag nang ipakita ang pagmumukha ko sa kan'ya. "Mabuti naman nakalabas ka pa nang buhay." sabi ni manang. Mabuti talaga, nakalabas pa ako nang buhay. Ano kayang ibig-sabihin ni manang sa sinabi n'ya? "Ano pong ibig n'yong sabihin?" tanong ko. "Wala huwag monang isipin, bilisan mo at tulungan mo'kong mag luto!" sabi n'ya sa'kin at lumakad na kaya sumunod na lang ako. Pero, hindi pa ako tinatanggap nang taong iyon. Bahala na nga. Ang daming mga maid na nakatingin sa'kin hindi naman ako artista. Alam kong maganda talaga ako, pero huwag na nilang ipahalata. Nag luto lang kami nang sinigang Adobo, Chicken Carry at iba pa. Sobrang daming ulam na pinaluto sa amin. Ganto ba talaga dito, parang pyesta lagi? "Manang ano pong pangalan ni young master?" tanong ko kay manang. Habang nag sasandok kami nang mga ulam at kanin na ilalapag sa lamesa. "Hindi ba n'ya sinabi sayo ang pangalan n'ya? Zyjin Akira Fortabella!" ang ganda nang pangalan n'ya, pero hindi nang ugali n'ya. "Mabait po ba s'ya?" Tinanong mo pa talaga haraline eh, kanina lang sobrang sungit na n'ya sa'yo at sinigawan at nilait ka pa. "Mabait naman 'yon kaso masungit lang. Huwag kang mag kakamali, iyon ang ayaw na ayaw n'ya sa lahat. Kung baga tatanga tanga!" straigth to the point na sabi ni manang. Grabe naman s'ya, ayaw n'yang may nagkakamali. Bakit hindi ba s'ya nag kakamali? Lahat naman nang tao nagkakamali. Kahit ang isang magandang katulad ko ay nagkakamali rin. Pag katapos namin mag ayos nang pagkain nag hanay-hanay ang mga katulong sa gilid, kaya naki hanay narin ako. Kailangan ba talaga ito, kapag mayaman ang amo mo? "Bago ka dito?" tanong ng katabi ko. Maputi s'ya maganda rin naman. Pero syempre mas maganda parin ako. Pasensiya na ganito talaga ako, sabi kase nila panget ka man sa iba basta maniwala ka lang sa sarili mo na maganda ka. "Oo!" ngumiti ito sa'kin, kaya ngumiti narin ako nang tipid. "I'm Kadilyn and you?" pabulong na tanong nito. Bakit naman s'ya nabulong, bawal din ba maingay rito? "Haraline." sagot ko. "Nice meeting you Haraline. Ang ganda mo sobra." sabi nito. Binola pa ako, pero alam ko naman iyon matagal na. "Mambobola..." Mahinang sabi ko. "Hindi ah, pero ito masasabi ko sa'yo isang paalala narin. Mag ingat ka sa young master." sabi nito sa'kin. Kumunot ang noo ko, bakit naman kailangan ko mag ingat sa young master? "Bakit naman?" tanong ko. "Wala, nari'yan na si young master umayos ka nang tayo!" sabi nito sa'kin. Napa-ayos ako nang tayo nag bow sila ng dumaan si young master. Pero ako lang hindi nag bow kaya hinila ako ni Kadilyn kaya napayuko ako. "Pinapahamak mo sarili mo..." Bulong ni Kadilyn sa'kin. Ngumiti lang ako nang tipid, malay ko ba? Hindi konaman alam na kailangan mag bow kapag dadaan ang young master. Nagulat naman ako nang bigla sumigaw ang young master. "Stupid, you're fired!" biglang sabi ni young Master nang matapunan ito nang orange juice. Ang babae kase ang nag salin nang juice sa baso ng Young Master. Nakita kong umiyak na ang babae habang lumalabas nang bahay. Ang sama naman nang ugali ng ugali n'ya, nag kamali lang nang kaunti tatangalin na kaagad. Galit na tumayo ang Young Master sa upuan at umalis sa harap nang hapagkainan. Nang may mga dumating na kalalakihan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD