Saving Jannelliza 19

1702 Words
Ivan pov: Lumalangoy kami ngayon kasunod ni Morrigan dahil alam nito kung saan naka-kulong si Jannelliza. "Paano ba nahuli si Jannelliza?" tanong bigla ni Edrian. "Tutulungan ko sana syang kuhanin ang isang perlas na ayon sa kanya ay mahiwaga ito, iniwan ko sya sandali para tignan kung may bantay ba pero pag-balik ko kalaban nya na si Sittie ang nakakatanda kong kapatid pero dumating si Jonito at hinuli kami," mahabang paliwanag ni Morrigan. "Pero paano ka naka-takas?" tanong ko. Morrigan pov: "Pero paano ka naka-takas?" tanong ni Ivan na kaibigan ni Jannelliza. Tumingin naman ako sa kanya bago sumagot. *Flashback* Nagising ako sa isang selda at napansing naka-gapos ang buntot ko. "Nerina," mura ko. Tinignan ko naman ang paligid at duon ko lamang napansin na nasa kurbatao ako o piitan ng mga sirenang may ginawang labag sa batas namin, nakita ko naman si Jannelliza at bigla akong namutla. Wala itong malay at naka-gapos pero nasa ibaba nito ang tulog na kraken, bigla naman akong napa-tingin sa harap ng selda ko at nandun si Sittie kasama si Jonito. "Pakawalan nyo ko dito!" galit kong sigaw. "Mag tigil ka Morrigan," diing sagot ni Jonito sa'kin. "Pakawalan nyo kami ni Jannelliza," sagot ko naman. "Hindi maaari ang gusto mo Morrigan," bawi naman ni Sittie. Tumalikod naman sila at nag-simula nang lumangoy palayo sa piitan ko. "Sittie!Jonito! Pakawalan nyo ako!" sigaw ko. Tumingin naman ako sa paligid at sinimulan kontrolin ang tubig upang gumawa ng pwersa para sirain ang kulungan ko, matapos kong pakawalan ang pwersa ng tubig na ginawa ko ay agad nasira ang selda ko. Lalangoy sana ako papunta sa seldang patungo sa kulungan ni Jannelliza pero may biglang dumating na tatlong kawal at hinabol ako, ginamit ko naman ang tubig upang patalsikin sila para makatakas ako. *End of Flashback* Matapos kong ikwento ang buong pangyayari ay tumahimik sila Ivan. "Nandito na tayo," saad ko. Tumingin naman sila sa harap namin at nag-simula nang lumangoy. Ivan pov: Habang patuloy kami sa pag-langoy ay nagulat kami ng mag-karoon ng harang na tubig sa harap namin. "Talaga bang gusto mong ipaalam sa mundo na totoo tayong mga sirena ha Morrigan!?" galit na tanong ng isang sirena. "Kailangan namin iligtas ni Jannelliza," mahinahon na sagot ni Morrigan. Tila nagalit naman ang isang sirena na ang pangalan ay Sittie at inilabas ang long sword nito, pag-tingin ko kay Morrigan ay may Rapier na ito. "Ako na ang bahala sa kapatid ko, iligtas nyo na lamang si Jannelliza," sabi ni Morrigan. Thirdperson pov: Tumango naman si Ivan at Edrian at nag-simulang lumangoy patungo kay Jannelliza. "Alam mo na may kaparusahan ang ginawa mo Morrigan," seryosong sabi ni Sittie. "Alam ko pero ang karugtong ko na ang pinag-uusapan dito," seryosong sagot naman ni Morrigan. Dahil dun ay sumeryoso si Sittie at mabilis sumugod kay Morrigan, sinangga naman ni Morrigan ang bawat atake ng kapatid nya. Sila Ivan naman ay mabilis lumangoy papunta kay Jannelliza pero napa-tigil sila nang harangan sila ng mga kawal at nasa harapan din nila si Jonito, si Edrian naman ay mabilis pinag-dikit ang kamao nya at nag-bago ng anyo. "Ako na dito beks iligtas mo si tibo," sabi ni Edrian. "Tingin nyo ba hahayaan ko kayong iligtas ang taga-lupang babae na bilanggo namin?" mahinahon na tanong ni Jonito. "Oo dahil alam kong ayaw nyo idaan ito sa dahas," mahinahong sagot ni Ivan. Tila nagalit naman si Jonito sa sagot ni Ivan kaya naman pinasugod nya na ang mga kawal nilang sirena, si Ivan naman ay inilabas ang kanyang shield at nag-pakawala ng pwersa kaya napa-atras ang mga sirena. " Now!" sigaw ni Edrian. Kaya naman mabilis lumangoy si Ivan papunta sa piitan ni Jannelliza, si Edrian naman ay agad sinugod ng ilang kawal kaya nilabanan nya ito. "Ano ba ang mapapala mo Morrigan pag-iniligtas mo ang mortal na babaeng iyon?" tanong ni Sittie sa kapatid nyang si Morrigan. "Ang taong iyon ay ang karugtong ko Sittie," seryosong sagot naman ni Morrigan. "Pasensya na pero hindi ko hahayaan malaman ng mga tao na totoo tayo," saad ni Sittie. Kasabay nito ang pag-buo nya ng daluyong at binato kay Morrigan,si Morrigan naman ay hiniwa sa gitna ang pwersa ng tubig na pinakawalan ni Sittie, hindi naman biglang inasahan ni Morrigan ang suntok mula kay Sittie kaya tumalsik ito. "Sa tingin mo ba hahayaan kitang iligtas ang babaeng mortal na iyon?" tanong ni Jonito. Ivan pov: Lumalangoy ako ngayon papunta sa kulungan ni Jannelliza nang may biglang humarang sa harap ko. "Sa tingin mo ba hahayaan kitang iligtas ang babaeng mortal na iyon?" tanong nito. "Oo dahil kung hindi, hindi rin ako mag-dadalawang isip na kalabanin ka," sagot ko. "Ako si Jonito ang susunod na hari ng dagat at sinisiguro ko sayo makukulong ka rin kasama ng babaeng iyon," seryosong sabi nung sirena na ang pangalan ay Jonito. Kasabay naman nito ang pag-labas nya ng sandata nyang dalawang hook sword. "Ako si Ivan ang bagong taga-pangalaga ng rosaryo," sagot ko. Mukang nagulat naman ito pero mabilis sumeryoso, ako naman ay inilabas muli ang shield ko pero kasama na ang sibat. "Tignan natin," huling sabi ni Jonito. Sumugod ito ng mabilis sa'kin pero hinarang ko naman ang atake nito gamit ang shield ko, sinubukan ko naman itong hampasin ng sibat pero nasalag lamang nito ang atake ko. "Tsk hindi ako papayag magising ang kraken!" sigaw nito ay mabilis sumugod sa'kin. Mabilis ko ulit hinarang ang atake nito pero nadaplisan parin ako sa braso, ngumisi naman ito bago ako atakihin ulit pero sinipa ko naman ang muka nito. "Pasensya na pero may misyon pa akong dapat harapin," saad ko. Tila nagalit naman ito kasabay nito ang pag-liwanag ng tattoo nya sa braso, nagulat ako ng mabilis itong lumangoy sa likod ko. "Paalam," malamig na saad nito. Kasabay nito ang pag-pakawala nya ng malakas na pwersa ng tubig, hinarang ko naman ang shield ko pero tumama ako sa pader kung saan naka-kulong si Jannelliza. Thirdperson pov: "Ivan!" sigaw ni Edrian dahil nakita nyang tumama si Ivan sa pader. Pero patuloy parin nag-papakawala ng atake si Jonito hanggang tumagos na si Ivan sa pader, nang-hihina man ay tumayo parin si Ivan at ngumisi kay Jonito. "Hindi maari," tanging sabi ni Jonito. Dahil sa ginawa nyang atake ay nakagawa ito ng sira kaya nakapasok si Ivan sa loob ng kulungan, si Ivan naman ay mabilis lumangoy kay Jannelliza at ginamit ang sibat para putilin ang gapos nito. "Ivan," saad ni Jannelliza. "Ako nga ililigtas kita," sagot ni Ivan. Pero napa-tigil sya ng may umungol na nilalang, pag-tingin ni Ivan ay isa itong malaking piguti ay unti-unting gumigising. "Ivan just leave me here," Jannelliza said. "No I will never do that," Ivan said. Kasabay nito ang unti-unting pag-liwanag ng cross ng rosaryo, ang perlas naman na nasa bulwagan ay biglang lumutang at tila isang bala na gumalaw patungo kung saan. Napa-tigil ang lahat ng nag-lalaban nang makita nila ang perlas na pinangalagaan ng mga sirena na gumagalaw na tila may sariling buhay, si Ivan naman ay nagulat ng mapunta sa harapan nya ang perlas kasabay nito ang pag-labas ng isang punyal. "Ang isang sandata ng rosaryo," manghang sabi ni Jannelliza. Mabilis naman hinakawan ito ni Ivan at pinutol ang naka-tali kay Jannelliza, kasabay nito ang malakas na ungol ng kraken. "Jannelliza lumabas ka sa butas na'yon ako na ang bahala dito," saad ni Ivan. "Nababaliw kana ba Ivan?!" pasigaw na tanong ni Jannelliza. "Baliw na kung baliw pero hayaan nyo ako sa gagawin kong ito," sagot ni Ivan. Nag-dadalawang isip man ay lumangoy palabas si Jannelliza at iniwan si Ivan, si Ivan naman ay napa-tingin sa punyal na hawak nya. Isa itong punyal na may gintong hawakan at ang tulis nito ay pilak at kasing haba lang ito ng buong braso ng isang sanggol, pansin din ni Ivan na may naka-ukit din na lumang alibata dito. Ivan pov: Hindi parin ako Maka-paniwala na hawak ko na ang isa pang perlas ng rosaryo, bigla naman bumaling ang atensyon ko sa higanteng pugita na kaharap ko. "Ay tae!" sigaw ko. Paano ba naman muntik akong mahagip ng galamay nito, agad kong sinamo ang sibat ko at sinubukan sugatan ang higanteng pugita. Bigla naman akong tumalsik ng tamaan ako ng isa sa mga galamay nito, mukang mahihirapan sa labanan na ito. Edrian pov: "Punyemas kang machong gwapong sireno ka!" sigaw ko at sinugod ang sirenong umatake kay Ivan. Mabilis naman nitong inilagan ang bawat atake ko pero dahil dun ay hindi ko maiwasang mapa-lunok, mga beks sa simpleng galaw kasi yung abs nya auto flex nakakalaway. "Lampa," sabi nito sa'kin. Medyo napantig naman ng slight ang beautiful ears ko kaya naman sinipa ko ito. "How dare you to dare me without knowing your dares!" sigaw ko pero bigla akong napa-tigil because I didn't know what kind of nonsense came out from my sexy mouth, shuta beks ha madedead kana puro kalokohan pa ang nasa isip mo. Susugod sana muli sa'kin yung sireno pero bigla itong tumalsik, tumingin naman ako sa umatake dito at si Jannelliza pala ito. "Tibo." Lumalangoy kong sabi. "Beks," ngiting sagot ni Jannelliza. "Teka asan si Ivan?" tanong ko. Pero tumingin ito kung saan tumalsik si Ivan at nanlaki ang mata ko dahil nilalabanan nito ang higanteng pugita na mukang masarap gawing tekoyaki, shuta beks ha nasa labanan ka wala sa kainan. "Hindi ako papayag na maka-takas kayo," sabi ng sireno. "Ayaw din namin manatili dito," seryosong sagot ni Jannelliza. Pero nagulat naman kami ng biglang may tumalsik na sirena sa'min, pag-tingin namin ay si Morrigan ito at madami ring sugat. "Morrigan!" sigaw ni Jannelliza. "Ayos lang ako," sagot naman ni Morrigan. Pag-tingin ko sa babaeng kasama nung lalakeng sireno ay may katabi rin itong babae na madami ring sugat. "Kailangan namin pangalagaan ang ating lahi kahit ibig-sabihin pa nito ay kailangan kitang patayin ang sarili kong kapatid, Morrigan," saad nung babaeng sirena kay Morrigan. "Pero hindi tama ang ginagawa nyo Jonito, Sittie, hindi sa gantong paraan natin mapapangalagaan ang lahi natin," sagot ni Morrigan. "Kailangan lang namin makuha ang perlas at iligtas si Jannelliza," mahinahon kong dagdag. "Kasinungalingan!" sigaw ni Jonito sa'min. Susugod na sana sila muli sa'min pero napa-tigil sila ng makarinig sila ng isang tunog ng tila harp o alpa sa tagalog. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD