Thirdperson pov:
Napa-tigil ang lahat ng nag-lalaban nang makarinig sila ng isang tugtog mula sa harp o alpa, pag-tingin ni Jannelliza at Edrian kung saan nag-mula ang musika ay galing ito sa isang babaeng sirena na may ginto at luntiang buntot habang ang kasama nito ay isang babae na may pink at dilaw na buntot. Mabilis yumukod dito sila Morrigan at iba pang sirena, nag-tataka man ay yumukod din sila Edrian at Jannelliza.
"Mag-bigay pugay kay Reyna Jeralyn at ang asawa ni Prinsipe Jonito na si Prinsesa Jin!" sigaw ng isang kawal habang naka-yuko.
"Anong kaguluhan ito Jonito, Sittie, at Morrigan, ipaliwanag nyo sa'kin?" tanong ni Reyna Jeralyn.
Sasagot sana si Morrigan pero napa-tigil sila ng makarinig sila ng ungol, pag-tingin ni Reyna Jeralyn ay nakita nyang gising ang kraken at may lumalaban dito. Tumingin naman sya ng masama sa mga anak nya bago lumangoy sa kulungan ng kraken, napa-tigil bigla ang kraken ng makarinig ito ng tugtog kasabay nito ang unti unting pag-kalma ng kraken, si Ivan naman ay biglang nag-taka pero tumingin sa isang sirena na palapit sa kanya.
Ivan pov:
Nag-taka ako bigla ng tumigil ang malaking pugita sa pag-atake sa'kin dahil naka-rinig ako ng isang musika, pag-tingin ko kung saan ito nag-mula ay galing pala ito sa isang sirena.
"Ikinagagalak kong makilala ang tunay na may-ari ng perlas na aming pinangangalagaan." Yumukod na sabi nito.
"Paano mo nalaman na ako ang tunay na may-ari ng perlas?" tanong ko.
Natawa naman ito bahagya sa tanong ko.
"Ako si Jeralyn ang reyna ng mga sirena dito," sagot nito sa'kin.
"Ako si Ivan ang bagong taga-pangalaga ng rosaryo," seryoso kong sagot.
Tumango naman ito at inaya ako sa kanilang kaharian, lahat kami ngayon ay tahimik habang papalapit kami sa isang kaharian dito sa ilalim ng dagat ay hindi ko maiwasang mamangha dahil ang akala kong simpleng karagatan ay may mga misyeryong nilalang pala.
"Maligayang pag-dating sa aming kaharian," sabi ni Reyna Jeralyn.
"Pasensya na sa aming ginawa," yumukong sabi ni Jonito.
"Paumanhin rin Morrigan sa ginawa ko," dagdag ni Sittie.
"Wag kayong mag-alala dahil alam kong ginawa nyo lamang iyon para alagaan ang mga sarili ninyo," sagot ko.
Tumango naman ang kasama ko at sumang-ayon.
"Maaari ko ba kayong ayain sa bulwagan?" tanong ni Reyna Jeralyn.
"Oo naman, mahal na Reyna." Yumukong sagot namin.
Lumangoy naman kami sa isang bulwagan at may mahabang lamesa rito at meron din mga upuan.
"Ako'y muling humihingi ng pasensya sa ginawa ng dalawa kong anak," saad ni Reyna Jeralyn.
"Walang problema para sa'min ang nang-yari dahil maganda naman ang rason nila," sagot ko.
Tumango naman ito bago muling mag-salita.
"Mukang dalawang perlas na lamang ang kulang sa rosaryo," biglang sabi ni Reyna Jeralyn. "Maaari mo bang ipakita sa amin kung ano ang sandata ng perlas na inalagaan namin?" dagdag na tanong nito.
Huminga naman ako at kasabay nito ang pag-labas ng isang punyal, ngumiti naman ito pero biglang sumeryoso.
"Alam mo ba ang mang-yayari pag nakumpleto mo ang mga perlas?" tanong ni Reyna Jeralyn.
"Pag-kumpleto na ang rosaryo ay makakawala na sa sumpa ang ina ko pero ganon din ang Reyna ng kadiliman," seryoso kong sagot.
"Asahan mong pag-dumating ang araw na iyan ay tutulong kaming mga sirena sa inyo," ngiting saad ni Reyna Jeralyn.
"Maraming salamat mahal na Reyna," pasalamat ko dito.
"Siguradong alam mo na rin ang pwede mong gawin pag-nakumpleto mo ang perlas ng rosaryo, tama ba?" tanong ni Reyna Jeralyn.
"Sa totoo lamang ay wala akong alam sa rosaryo," nahihiya kong sagot.
"Kung ganon ay tanggapin mo ito, pero buksan mo lamang yan kapag nasa lupa na kayo." Abot ni Reyna Jeralyn sa isang libro.
Tinanggap naman ko naman ito.
"Maraming salamat Reyna Jeralyn," pasalamat ko.
Mag-sasalita sana ito pero may biglang pumasok na kawal.
"Mahal na Reyna sumusugod sa'tin ang Reyna ng mga siyokoy!" sigaw ng kawal.
Bigla naman napa-hawak sila Sittie, Morrigan at Jonito sa kanilang sandata dahil sa sinabi ng kawal.
"Ano ang Reyna ng mga siyokoy?" tanong ko.
"Ang Reyna ng mga siyokoy ay isang kataw," seryosong sagot ni Morrigan.
Bigla naman kaming naka-rinig ng mga sigawan kaya mabilis kaming lumangoy palabas ng bulwagan.
Thirdperson pov:
Pag-labas nila ng bulwagan ay bumungad sa kanila ang mga sirena ay siyoko na nag-lalaban, mabilis nag-bago ang anyo ni Jannelliza at Edrian at sumali sa labanan.
"Protektahan ang mga batang sirena!" sigaw ni Reyna Jeralyn.
Si Ivan naman ay agad sinamo ang sibat nya at nag-simulang hanapin ang Reyna ng mga siyokoy, habang lumalangoy ay napa-tigil sya ng muntik sya maatake ng siyokoy. Aatake sana muli ang siyokoy pero mabilis itong sinaksak ng sibat ni Ivan, habang nakikipag-laban si Ivan ay hindi nya ina-asahan ang isang atake kaya tumalsik sya.
"Ahh!" hiyaw ni Ivan dahil tumalsik sya sa isang bato.
Medyo nang-hihina rin si Ivan dahil sa laban nya sa kraken at kay Jonito, tinignan naman nya kung saan nag-mula ang atake at pag-tingin nya ay isa itong sirena pero mukang siyokoy.
"Mukang ikaw ang kailangan kong patayin," ngising sabi nito.
"Sino ka!?" sigaw na tanong ni Ivan.
"Ako si Nika ang Reyna ng mga siyokoy at ako rin ang inutusan ng bagong Reyna ng mga itim na engkanto para patayin ka," sagot ni Nika.
Lumangoy naman si Ivan para maka-tapat ito, sinamo naman ni Ivan ang punyal nya at mabilis sumugod kay Nika. Naging alisto naman si Nika dahil tungkol sa Reyna ng kadiliman ay malakas ang kapangyarihan ng rosaryo, si Ivan naman ay ginawang sibat ang punyal na hawak nya at sinamo rin ang kanyang pananggala.
"Hindi no hahayaang mabigo ako sa misyon ko," saad ni Nika.
Kasabay nito ang pag-labas ng usok sa kamay ni Nika at duon lumabas ang salamangkang pating, si Ivan naman ay agad hinanda ang sarili sa maaari nitong gawin na atake. Ngumisi si Nika at mabilis nag-pakawala ng pwersa ng tubig kay Ivan, si Ivan naman ay mabilis umilag sa atake ni Nika pero muntik sya makagat ng pating.
"Mukang mahina ka dito sa ilalim NG tubig bagong taga-pangalaga ng rosaryo," ngising sabi ni Nika.
"Mali ka!" biglang sigaw ni Edrian at sinuntok si Nika.
Susugod sana ang salamangkang pating kay Edrian pero bigla itong namatay dahil sa isang bugso ng tubig.
"Wala kang laban sa'min," dagdag ni Jannelliza at katabi si Morrigan.
"Hinde!" malakas na sigaw ni Nika at kasabay nito ang pag-labas ng higanteng balyena na kulay pula ang mata.
Nagulat naman kami dahil sa pag-labas nito.
"Ang balyena ni Nika," gulat na sabi ni Morrigan.
"Tignan natin kung hanggang saan ang tapang nyo," ngising sagot ni Nika
Akmang susugod sa'min ang balyena nang may pumulupot na malaking pugita at inatake ang balyena ni Nika, pag-tingin nila Ivan sa likod nila ay nandun si Reyna Jeralyn.
"Sumuko kana lamang Nika," saad ni Reyna Jeralyn.
"Mag-kamatayan man hindi ako susuko!" sigaw ni Nika.
At mabilis sumugod kay Ivan, si Ivan naman ay agad nakipag-palitan ng atake kay Nika.
"Tatapusin kita," gigil na sabi ni Nika.
"Hindi ako papayag," sagot ni Ivan kasabay nito ang pag-baon nya ng sibat kay Nika.
"Ackh patawad mahal kong Reyna," huling saad ni Nika bago ito maging abo.
"Wala na ang Reyna ng mga siyokoy!" sigaw ng isang kawal.
Dahil dun ay nag-hiyawan ang mga kawal na sireno sa ilalim ng dagat.
Kimmy pov:
Kasalukuyan ako ngayon naka-yuko dahil kitang-kita namin sa salamin kung paano tinalo ni Ivan ang Reyna ng mga siyokoy at dahil dito at damang dama ko ang galit ng bagong Reyna ng mga itim na engkanto.
"Punyemas!" sigaw nito at mabilis binato ang salamin.
"Mahal na Reyna kumalma ka," saad ko.
"Naririnig mo ba ang sinasabi mo ha Kimmy? Paano ako kakalma kung buhay parin si Ivan!?" sigaw na tanong nito.
Napa-yuko naman ako dahil dito.
"Hindi ako papayag na manatiling buhay si Ivan," seryosong sabi ng Reyna.
"Paano mo naman gagawin yan?" tanong ko.
"Pwede ko syang bawian gamit ang mental na sakit bago ko iparanas sa kanya ang kakaibang pisikal na sakit," sagot nito sa tanong ko.
"Ang ibig mo bang sabihin ay--," putol kong sambit.
"Tama ka sa ini-isip mo Kimmy," ngising sagot nito sa'kin.
At duon ito ay tumawa na tila nababaliw, ako naman ay napa-ngisi dahil mukang mas gaganda ang takbo ng labanang ito.
"Ihanda mo ang busaw upang sundan kung saan susunod na pupuntahan nila Ivan," ngising sabi ng bagong Reyna.
"Masusunod mahal kong Reyna." Yumukong sagot ko bago tumalikod dito.
Mukang maganda ang pag-papalaki ko sa anak ni Reyna Louiza at panigurado oras na makabalik ito ay kakatuwaan ito ng mahal ka Reyna.
----
A/n:
Siyokoy - The Siyokoy or Syokoy is a mythical creature here in the Philippine mythology which were members of Bantay Tubig (merfolk).
Sirena o Sireno- The Sirena or Sireno are a mythological sea creature from Filipino culture.
Kataw- The Kataw is one of the merfolks creatures in the Philippine Mythology.
Kraken- The kraken is a legendary sea monster of gigantic size and cephalopod-like appearance in Scandinavian folklore.