“AL (Una)”
Thirdperson pov:
*22 years ago*
Sa isang tahimik na baryo ay may naninirahang isang marikit dalaga na nag ngangalang Rea kasama ang ama nitong albularyo na si Ralph, si Rea ay mula sa pamilya ng mga albularyo kaya sa edad nito na 19 ay naging ka agapay na ito ng kanyang ama na si Ralph sa pakikipaglaban nito sa mga kakaibang itim na elemento. Kasalukuyan ngayong nag lalakbay ang mag ama patungong bayan upang bantayan ang asawa ng kapitan dahil tila may mga nilalang na nag mamasid dito, habang nag lalakad ay hindi naiwasan ni Rea na mag tanong sa kanyang ama na si Ralph.
“Ama matanong ko lang, bakit patuloy tayong nakikipag laban sa mga masasamang elemento?” tanong ni Rea.
“Simple lang, dahil ayaw kong maranasan ng iba ang naranasan natin sa mga itim na engkanto,” sagot ng ama nitong si Ralph.
Napa tango naman si Rea sa tinuran ng ama at kalaunan ay tumahimik na lamang, makalipas lang ilang minuto ay nakarating na sila sa bahay ng kapitan ng isang bayan.
“Magandang hapon ho tandang Ralph,” bati ng Kapitan.
“Magandang hapon rin sayo kapitan,” bawi ni Ralph.
“Ay nako tawagin nyo na lang akong Darel,” saad ng Kapitan.
“Kung ganon ay sige Darel,” ngiting saad ni Ralph.
“Tayo na at pumasok sa aming bahay,” aya ni Darel.
Kaya naman pumasok na sila sa bahay ni Darel, namangha naman si Rea sa ayos ng bahay ngunit napukaw ng paningin nya ang isang babaeng buntis at mukang ito ay asawa ni Darel.
“Phoebe, ano kaba bat ka palakad lakad?” biglang nag aalalang tanong ni Darel sa kanyang may bahay.
“Wag kang OA Darel,” sagot naman ni Phoebe at tinarayan si Darel.
“Tandang Ralph eto nga pala ang aking may bahay na si Phoebe, mahal, eto naman si Tandang Ralph kilala bilang isa sa pinaka magaling na albularyo sa ating lugar.” Turo nito kay Ralph at sa asawa nitong si Phoebe.
“Magandang hapon sa inyo.” Nakipagkamay na bati ni Phoebe.
“Magandang hapon din ho,” bati naman ni Rea “Maaari bang malaman ang pangalan ng sanggol sa iyong sinapupunan?” dagdag na tanong nito.
Ngumiti naman si Phoebe at hinimas pa ang tyan bago sumagot.
“Jepoy, Jepoy ang gusto naming ipangalan sa magiging anak namin ni Darel,” sagot ni Phoebe.
Ngumiti naman si Rea at hinawakan ang tyan ni Phoebe at pinikit ang mata, makalipas ang ilang minuto ay dumilat si Rea ngunit naging purong puti ang mata nito.
“Isang gwapong batang lalake ang iyong isisilang na syang mag hahatid ng malaking biyaya sa inyong buhay mag asawa, at sa pag laki nito ay may makikilala itong isang tao na kanyang mamahalin kahit madaming pagsubok ang kanilang haharapin,” saad ni Rea.
Kasabay nito ang mabilis na pag kurap ni Rea at pag balik ng kulay ng kanyang mata, napansin naman ni Rea na nakangiti ang kanyang ama kaya bumaling ang tingin ni Rea kay Phoebe.
“Ang aking anak na si Rea ay biniyayaan ng kapangyarihan upang makita ang hinaharap ng isang sanggol na nasa sinapupunan pa lamang,” biglang saad ni Ralph.
“Tunay nga na totoo ang mga balita tungkol sa inyo.” Hawak kamay saad ni Phoebe habang nakatingin kay Rea.
Tumango naman si Rea at ngumiti ngunit napukaw ang pansin nila nang biglang pag tikhim ni Darel.
“Maari ba nting pag usapan ang rason kung bakit namin kayo pina punta?” tanong ni Darel.
Kaya nabura ang ngiti sa labi ni Ralph at tumango.
“Inaasahan namin ang pag silang ni Phoebe sa aming panganay ngayong gabi, ngunit nung mga nag daang araw ay tila may mga nilalang na nag mamasid samin tuwing gabi,” paliwanag ni Darel.
“Maaaring aswang o manananggal ito dahil sila ang madalas mag masid sa mga buntis,” saad ni Rea at tumingin sa kanyang ama.
“Tama ka Rea kaya kaylangan natin mag handa lalo na at dumidilim na,” serysong saad ni Ralph
“Tama nga kayo tandang Ralph,” saad ni Phoebe.
“Maari bang malaman ang kwarto kung san natutulog si Phoebe?” pag tatanong ni Ralph.
“Sige ho.” sagot agad ni Darel.
At pumunta sila sa silid tulugan nila Phoebe, pag dating nila ay agad pumunta si Rea sa gitna at may hawak itong bote na may mga ugat na di mo malaman kung anong klaseng ugat ito.
“Ano yan?” pagtanong ni Darel.
“Ito ay tubig mula sa isang balon na hinaluan ng agua bendita na may kasama pang ugat ng bawang at pulbos ng dinurog na pilak.” Turo ni Rea sa hawak nya.
Nagtataka man ang mag asawang Phoebe at Darel sa tinuran ni Rea ngunit tumahimik na lamang sila, si Rea naman ay pinatakan ang mga bintana at pinutuan ng silid.
“Mamayang gabi ay malalaman natin kung an bang nilalang ang nag mamanman sainyo,” saad ni Ralph.
“Maraming salamat tandang Ralph,” ngiting saad ni Darel.
Bigla naman bumaling ang tingin ni Ralph kay Rea na tila nakatingin lang sa paligid.
“Rea ikutin mo ang bahay nila at tignan mo kung may nakitita kang kakaiba, ako na bahala sa loob ng bahay,” pag uutos ni Ralph.
“Sige ama,” sagot ni Rea at Lumabas ng bahay ng kapitan.
Rea pov:
Pag labas ko ng bahay nila Kapitan Darel at may bahay nitong si Phoebe ay agad naagaw ng pansin ko ang isang puno na may butas sa gitna, pag lapit ko ay namangha agad ako dahil tila may mga sinaunang alibatang naka ukit dito.
“Sino ka?” biglang saad ng isang lalake sa itaas ng puno.
Pag tingin ko sa itaas ng puno ay isa itong lalake na may pares ng berdeng mata.
“Ako si Rea, ikaw ano ang ginagawa mo dito sa puno sa likuran ng bahay nila Kapitan Darel?” sagot at balik kong tanong.
Pansin ko naman ang pag ngiti nito.
“Ako pala si Ludwig.” Abot kamay na sagot ng estrangherong lalake.
“Mabalik ko lang, ano ang ginagawa mo sa puno nila Kapitan Darel?” tanong ko dito.
Muka naman itong kinabahan dahil sa tanong ko.
“Ahh napansin ko kasi iting puno galling ako sa bundok nag hahanapa kami ng mga pwedeng ipang gatong ni itay,” sagot ni Ludwig. “Eh ikaw ano ginagawa mo dito?” dagdag na tanong ni Ludwig.
“Kasama ko si Itay dahil manganganak na ang asawa ni kapitan,” sagot ko.
Sasagot pa sana ito ngunit mapansin ko na may parating na lalake na may bitbit na mga kahoy, pansin ko din ang masama nitong tingin kay Ludwig.
“Ludwig!” bulong na sigaw nito.
“Tay!” gulat na saad ni Ludwig at bumaba sa puno.
“Ano ang sinabi ko Ludwig?” seryosong saad nito.
“Pasensya tay, ay eto pala si Rea.”Pagtulak sakin bigla ni Ludwig sa harap ng ama nya.
“Magandang hapon po sainyo.” Yumuko kong bati dito.
“Magandang hapon din binibini,” maikling saad nito.
Mag sasalita pa sana ako ng bigla kong marinig ang sigaw ni Kapitan Darel.
“Rea tara na at hapunan na!” sigaw nito sakin.
“Sige ho,” sagot ko dito.
At pag baling ko ng tingin kila Ludwig ay nagulat ako ng wala na ang mga ito, kaya naman mabilis akong pumasok sa bahay nila kapitan at pag pasok ko ay may kasama na silang isang babae at mukang ito ang mag papaanak kay Phoebe.