Ivan pov:
"Paano natin ililigtas si Jannelliza?" tanong ni Edrian sa'kin.
Imbis na sagutin ito ay agad kong kinuha ang libro tungkol sa mga halamang gamot.
"Ano hinahanap mo beks?" tanong ni Edrian.
"Eto!" sigaw ko.
Lumapit naman ito sa'kin at binasa ang hinahanap ko.
"Teka parang water breathing potion?" tanong ni Edrian.
"Oo," maikling sagot ko.
"Eh ano mga need?" tanong muli ni Edrian.
"Lato, alimasag, isdang-bituin, tubig alat, at kaliskis ng tilapia," sagot ko naman
"Teka tara sa palengke mukang may mabibili tayo na ibang ingrident para sa potion na gagawin mo," aya ni Edrian sa'kin.
Tumango naman ako at kinuha ang wallet ko, habang nag-lalakad kami ni Edrian papuntang palengke ay hindi ko naman maiwasan mag-alala para sa kalagayan ni Jannelliza.
"Ano kayang lagay ni Jannelliza?" tanong ko kay Edrian.
"Sana ligtas sya yun lang ang gusto ko Ivan," seryosong sagot ni Edrian.
Ako naman ay bumugtong hininga dahil bukod sa nawawala si Jannelliza ay hindi ko rin matukoy kung nasaan ang isa pang perlas, matapos namin mamili ni Edrian ay isa na lang ang kulang at iyon ay ang isdang-bituin.
"Saan tayo hahanap ng starfish?" tanong ni Edrian.
"Beach," maikli kong sagot.
Tumango naman ito sa sagot ko.
Thirdperson pov:
Mabilis inayos ni Ivan ang mga sangkap na kailangan nya para sa potion na kailangan nila upang hanapin si Jannelliza, si Edrian naman ay pumunta ng dagat at nag-simula ng lumangoy upang kumuha ng isdang-bituin.
"Hmm starfish where are you?" tanong ni Edrian sa sarili.
Pero habang lumalangoy si Edrian ay hindi nya alam na may pasugod sa kanya, pero si Edrian at mabilis na umilag. Si Edrian naman ay pinag-dikit ang asero na suot nya at nag-simulang lumangoy papunta sa siyokoy, nag-simula na makipag-laban si Edrian dito ngunit alam nyang ilang minuto lamang ang kaya nyang itagal sa ilalim ng tubig.
Ivan pov:
Natapos ko nang haluin lahat ng sangkap na kailangan namin upang maka-hinga sa tubig pero ang kulang na lamang ay ang isdang-bituin, napa-tingin naman ako sa rosaryo at nagulat dahil nag-liliwanag ito kaya naman mabilis akong tumakbo palabas.
"Edrian!" sigaw ko.
Ngunit walang sumagot, tumingin naman ako dagat at umiinit na rin ang rosaryo kaya naman tumakbo ako sa dagat upang lumangoy. Habang lumalangoy ay pilit ko naman hinahanap si Edrian at nakita ko nga itong nakikipag-laban sa siyokoy, mabilis ko naman sinamo ang pana ko at inasinta ang siyokoy na kalaban ni Edrian. Sakto naman na tinamaan ito sa ulo kaya naman mabilis akong lumangoy papunta kay Edrian dahil mukang mauubusan na ito ng hininga, mabilis ko itong hinala paahon at nang maka-ahon kami ay nag-hahabol ito nang hininga.
"Jusko thank you beks," ngiting sabi ni Edrian.
Tumango naman ako at sabay kami lumangoy pabalik sa beach, after we got out of the water he handed over a three starfish in my right hand.
"Yan gawin na natin ang potion para ma save si Jannelliza," saad ni Edrian.
"We need to be fast dahil pakiramdam ko gumagawa na ng kilos ang kalaban natin," sagot ko naman.
Tumango naman ito at bumalik kami sa kwarto upang tapusin ang potion, binuksan ko ulit ang apoy at hinalo ang isang isdang-bituin at binasa ang huling kailangan gawin.
"Edrian need natin ng lalagyan para dito at sabi sa libro ay gabi ito dapat inumin at bago tumalon sa tubig," saad ko.
"So mamayang gabi natin sisimulan?" tanong ni Edrian.
"Tama ka," maikli kong sagot.
Tumango naman ito kaya lumabas ako para hayaan syang mag-patuyo, habang nag-lalakad ako ay biglang sumagi sa isip ko ang paalam sa'kin ni Jepoy.
*Flashback*
Nasa kwarto ako ngayon ni Jepoy at tinitignan sya habang inaayos ang gamit nya, tumingin naman ito sa'kin at sumenyas na lumapit ako.
"We could runaway from all of this Ivan," he said with a serious tone in his voice.
"Pero Jepoy para to sa pinag-mulan ko," seryoso kong sagot.
"But your life will be in great danger Ivan!" he shouted.
"So? As you can see Jepoy I'm willing to risk my own life just to save my family!" I yelled back.
"I don't want you to die Ivan," he said before a tear fall from his left eye.
I suddenly felt so weak after seeing him cry.
"Please don't do this Ivan, I can't bare it," he cried.
I just pulled him closer and kiss him passionately on the lips, I can feel that he's shocked for what I did but still kissed me back. After a few minutes I pulled away and look at him, I can still see some tears on his eyes.
"I won't die Jepoy and I made a promise that after all of this I'll be yours," I said while both of our nose are connected to one another.
"I love you," he said.
But I just kiss his lips cause I'm not yet ready to say that word.
"Just wait for me," I said.
"Ay-ayaten ka," he responded with an unfamiliar word before sealing my lips with his.
*end of Flashback*
"I miss you already Jepoy," I said beneath my breath.
Thirdperson pov:
Dumating ang gabi ay agad pumunta si Ivan at Edrian sa dagat at dala-dala ang mga gamit nila.
"Tig-dalawa tayo sa anim na bote nitong potion at bawat isa nito ay isang oras lang ang itatagal," saad ni Ivan.
Tumango naman si Edrian bago nila inumin ang potion at lumusong sa tubig, habang lumalangoy ay alerto si Ivan sa ilalim ng tubig dahil maaaring may kalaban na nag-mamasid sa kanila.
"Saan natin sisimulan Ivan?" tanong ni Edrian.
"May isang malapit na isla dito na kahit sinong tao walang nakaka-alam kaya pwede natin dun tignan," sagot ni Ivan.
Tumango naman si Edrian at lumangoy muli sila pero napa-tigil sila nang may lumabas na dalawang elementong pating, mabilis sumugod ang pating kila Ivan kaya naman na alisto ang dalawa.
" I'll take care of the one in the left," Ivan said before summoning his spear.
"I'll be taking care of the right," Edrian said after transforming into his battle suit.
Mabilis sumugod ang isang pating kay Ivan kaya naman sinalag nya ito, habang nakikipag-laban si Edrian at Ivan ay bigla silang napa-tigil nang may tumamang tubig sa salamangkang pating na kaharap nila. Napa-tingin si Ivan dito at isa pala itong sirena na may kulay ube at pulang buntot, si Morrigan naman ay lumapit agad kila Ivan.
"Kayo ba ang kaibigan ni Jannelliza?" tanong ni Morrigan.
"Oo kami nga, paano mo sya nakilala?" sagot at tanong pabalik ni Ivan.
"Kailangan ko ang tulong nyo para iligtas si Jannelliza," sagot ni Morrigan.
Ivan pov:
"Kailangan ko ang tulong nyo para iligtas si Jannelliza," sagot ng sirena sa tanong ko.
Tumingin naman ako kay Edrian na tila naguguluhan bago muling tumingin sa sirena.
"Paano ka namin pag-kakatiwalaan?" tanong ko.
Pero imbis sumagot ay inabot nito sa'min ang isang tsinelas at nang tignan ko ito ay ito ang tsinelas ni Jannelliza, aabutin ko sana ito pero bigla akong naka-ramdam ng pag-sikip ng hininga ko.
"Teka hindi kayo maka-hinga sa tubig," saad ng sirena bago kami hinila kami paahon ni Edrian.
Mabilis kaming lumanghap ng hangin matapos kami iahon ng sirena sa ibabaw ng tubig.
"Dadalin ko kayo sa sikretong isla ko," saad ng sirena.
"Sige ses," maikling sagot ni Edrian.
Dahil dun ay agad kaming sumunod sa pag-langoy ng sirena, maka-lipas ang ilang langoy ay nakarating kami sa isang maliit na isla.
"Ako nga pala si Morrigan at ako rin ang nag-ligtas kay Jannelliza sa mga siyokoy," ngiting pakilala nito.
"Ako naman si Ivan at siya si Edrian." Turo ko kay Edrian.
"Salamat sa pag-tulong sa'min pero nasaan si Jannelliza?" tanong ni Edrian.
Pansin ko naman na tila kinakabahan ito.
"Balak ko sanang tulungan si Jannelliza upang makuha ang perlas na para sa rosaryo pero nahuli kami at siya ay inilagay sa piitan, ako naman ay kinulong din pero nakalaya ako at sa kabutihang palad ay nakita ko kayo," sagot ni Morrigan.
"Paano natin maililigtas si Jannelliza?" tanong ni Edrian sa'kin.
"Kailangan natin harapin ang mga sirena na dumakip kay Jannelliza para mailigtas siya," sagot ko.
"Tutulong ako," saad naman ni Morrigan bago kami abutan ng kwintas.
"Ano to ses?" tanong ni Edrian.
"Ang kwintas na'yan ay makakatulong para maka-hinga kayo sa ilalim ng tubig," sagot ni Morrigan.
"Ano pang hinihintay natin? Iligtas na natin si Jannelliza." Tayong saad ko.
Tumango naman sila at sumunod sa'kin sa dalampasigan, walang oras na dapat masayang.
----------
A/n: The potion is only work by fiction so don't try this at home or anywhere cause it won't work.