Duwendeng Itim 9

1808 Words
Ivan pov: Kasalukuyan kami ngayong nasa byahe papuntang nueva ecija, napatingin ako kay Edrian at Jannelliza. "Baks sure naba please sa Beach muna tayo," saad ni Edrian. "Mas maganda if sa medyo province tayo kasi mas madami tayong makikilala diba," ngiting bawi ko Kaya naman nag crossarms na lang ito at tumahimik at nang makarating kami sa Nueva Ecija ay nag pahinga muna kami at nag hanap ng pwede naming matuluyan, kasalukuyan kami ngayon kumakain ng aming pananghalian ng biglang mag tanong si Edrian. "Beks san kaya tayo pwede tumuloy?" tanong ni Edrian. "To be Honest di rin ako sure kasi need natin mag tipid," sagot ko dito. Nang matapos kaming kumain ay agad kaming nag simulang mag-lakad, habang nag lalakad ay napansin ko agad ang isang babae na nabitawan ang kanyang pinamimili kaya mabilis akong lumapit dito at tinulungan ito. "Ay nako salamat ineng," saad ng ginang. Pansin ko naman na bahagyang pag pigil ni Edrian at Jannelliza sa kanilang tawa. "Ay hehe hindi po ako babae." Pumupulot kong saad. Kaya napatingin ito sakin at bahagyang nanlaki ang mata. "Kilala kita ha, ikaw diba yung sa simbahan na nakapag paalis ng sumasapi sa'kin," manghang saad nito. "Teka kayo po si Khinnie?" tanong ko. "Tama ka." Abot ng kamay nito. "Bat kayo naparito?" tanong nito. "Ay kasi po may kaylangan kaming puntahan sa Nueva Vizcaya," ngiting sagot ko. "Ahh ganon ba, may matutuluyan ba kayo dito?" tanong muli nito. "Sa totoo lang po ay balak namin mag hanap ng hotel for 2 to 5 days bago mag byahe ulit," sagot ko. "Ay nako mapapahal kayo nyan, mabuti pa ay sa bahay ko na lang kayo tumuloy," ngiting aya nito samin. "Nakakahiya naman po." Kamot sa batok kong sagot. "Ay nako pasasalamat ko yan sa'yo," saad ni Khinnie. Kaya naman sumama kami dito, pag dating namin sa bahay ay agad nakaramdam ako ng bahagyang pag init ng rosaryo. "Ah Ate Khinnie sino kasama nyo sa bahay?" tanong ko Pero ngumiti lamang ito pero pansin ko ang pag-lungkot ng mga mata nito. "Ako at ang anak kong si Kris Ann," sagot nito. "Pero bakit parang malungkot ka nay?" tanong ko muli. "Si Kris Ann kasi may sakit sya pero hindi malaman ng mga doktor na pinuntahan namin kung ano nga ba ang sakit nya," sagot nito. "Pwede ko ba syang makita?" seryoso kong tanong Tumango lamang ito at inaya kami papasok ng bahay, tinuro naman agad nito ang isang pinto na may design na barbie. "Yan ang kwarto nya," saad nito. Pag bukas ko ng pinto ko ay bumungad agad sakin ang isang bata na siguro ay nasa 10 years old palang, na agaw agad ng pansin ko ang mga pasa nito sa binti lalo na ang sugat nito sa bandang noo na parang may nana. "Jusko beks parang hindi sakit Yan," gulat na sabi ni Edrian. Kaya naman inilabas kong libro na nag lalaman ng itim na elemento, at muli akong napatingin kay Kris Ann bago bumaling kay Khinnie. "Si Kris Ann ay walang sakit pero na duwendeng itim sya," paliwanag ko. "Ano?!" gulat na tanong ni Nay Khinnie. "Kelan nag simula ang pag labas ng nanang yon sa noo nya?" tanong ko "siguro ay isang lingo at 2 araw na ang nakalilipas," sagot nito "Kaylangan namin mahanap ang duwendeng itim na nag bigay sakanya ng sakit na yan, dahil pag tumagal yan ng dalawang linggo ay mamatay si Kris Ann," mahinahong kong saad Kasabay nito ang pag-singhap ni Khinnie at pag-hagulgol nito. "Jusko bakit ang anak ko pa," umiiyak na saad ni Khinnie Kaya naman sinubukan itong patahanin ni Edrian, ako naman ay inilabas ang libro para sa gamot at nang mahanap ko ang pahina para makapag pagaling kay Kris Ann ay agad akong nag-salita. "Kaylangan natin ng dahon ng kalachuchi, ugat ng puting rosas, dagta ng papaya, agua bendita, at buhok ng itim na duwende na sumumpa kay Kris Ann," saad ko "Wait." Nag-hahalungkat na sabi ni Jannelliza. "Ano bang himahanap mo?" tanong ni Edrian "Ditong mga kaylangan para sa gamot ni Kris Ann except sa buhok nung duwende at holy water," sagot ni Jannelliza. "May 5 araw pa tayo Para hanapin ang duwendeng itim," saad ko. "Bukas na bukas papasama ko kay nay Khinnie pumunta sa simbahan para humingi ng holy water." Tumayong sabini Edrian. "Kung ganon bukas Jannelliza ay bantayan mo si Kris Ann habang ako ay hahanapin ang duwendeng itim na yon," saad ko. "Maraming salamat sa inyo," lumuluhang sabi ni Khinnie. "Wag muna kayo mag pasalamat habang hindi pa gumagaling si Khinnie," saad ko. At dumating na ang gabi at dinala nya kami sa kwarto na maaari naming gamitin pansamantala. "Galingan natin ha, need nila ng tulong lalo na hindi deserve nung little girl na si Kris Ann yung ganon," saad ko. "Tama ka Edrian, tama ka," huling saad ko bago mag palamon sa antok. =Morning= Nagising naman ako sa tilaok ng manok kaya naman bumangon na ako at bumaba, pag baba ko ay nakita ko si Khinnie na nag-uluto ng almusal. "Good Morning nay khinnie," bati ko dito. "Ay magandang Umaga din sayo, gisingin mo na kasama mo mag-aalmusal na tayo," bati nito pabalik. "Sige ho mag hilamos lang po ako," paalam ko dito. Nang matapos ako sa banyo ay agad kong ginising sila Edrian at Jannelliza, nang makababa kami ay agad kami kumain. "Around 10am Nay Khinnie punta tayo sa simbahan." Kumakain na sabi ni Edrian. "Sige ba," ngiting bawi naman ni Khinnie. "Ako naman ay hahanapin ang duwendeng itim na yon," saad ko. Kaya naman ng matapos kami sa pag-kain ay agad naming ginawa ang mga plano namin. "Ingat kayo." Kumakaway na paalam ni Jannelliza. Nag punta ako sa isang taniman at nag hanap punso, habang nag hahanap ng punso ay napansin ko ang isang lalake na nag lalakad papalapit sakin pero nagulat ako ng mag labas ito ng tungkod at batuhin ako ng bolang apoy. "Sino ka?" tanong ko dito matapos kong ilagan ang atake nito. "Ako si Raulo isang manggagaway at inutusan ako ni Kimmy na patayin ko," sagot nito Kaya naman mabilis kong inilabas ang sibat ko, napa-atras naman ito pero nagulat ako ng bigla nitong palakihin ang isang ahas. "Katapusan mo na bagong itinakda," ngiting sabi ni Raul. Pero inilabas ko din ang shield ko at sumugod sa ahas. Thirdperson pov: Mabilis sumugot si Ivan sa kanyang kalaban at sinangga ang atake ng bruho habang hinaharap ang higanteng ahas, nag backflip naman si Ivan ng muntik syang tuklawin ng ahas. "Mahina pala ang bagong itinakda," insulto ng bruho kay Ivan. Dahil dun ay pumikit si Ivan kasabay ng pag liwanag ng rosaryo ay ang pag liksi ng kanyang galaw kaya naman mabilis nyang napatay ang dambuhalang ahas, namutla naman bigla ang bruho dahil dito. Ivan pov: Pag tingin ko ngayon sa bruho na kaharap ko ay napa-atras ito. "Hindi nyo ko basta-basta matatalo lalo na hindi ko pa nabibigyan ng hustisya ang mga bata sa ampunan," malamig kong saad Kasabay nito ang mabilis kong pag kilos para burahin ito sa mundo. Edrian pov: Kasalukuyan kami ngayong nasa harap ng simbahan at nag-lalakad palapit sa isang Pari. " Magandang Umaga ho Father Zachy," magalang na bati ni Te Khinnie Nang humarap ang Padreng tinawag ni te Khinnie ay halos man-lambot ang tuhod ko, gosh Edrian kalma lang kahit gwapo at hot si father devoted na yan kay Lord. "Ikaw pala yan Khinnie, anong maipaglilingko ko sa'nyo?" tanong nito. "Ay Father manghihingi lang sana kami ng Holy water," sagot ko Dahil sa pag sagot ko ay nabaling ang tingin nito sa'kin, bigla nanaman nanlambot ang tuhod ko dahil ang gwapo talaga nang Paring ito, Lord please forgive me gusto ko kagatin itong isa sa mga sugo mo. "Ganon ba, sige samahan ko kayo sa likod," ngiting sabi nito. "Ay Ate Khinnie dyan kana lang ako na sasama kay Father." Hawak ko sa kamay ni Ate Khinnie. "Sigurado kaba Edrian?" tanong ni Ate Khinnie "Oo ses baka dito masira ang great wall of chenelyn ko," bulong ko sa hangin "May sinasabi ka?" tanong ni Ate Khinnie "Ay wes sabi ko lang sure ako so wait for me te," kinabahan kong sagot dito. Tumango naman ito kaya mabilis akong sumunod kay Father habang dala ko ang apat ng plastic bottle na pwede pag lagyan ng holy water. "Sandale at ako na ang kukuha sa balon," ngiting saad nito. "Eh Fether dete pe be neten gegewen? (Father dito po ba natin gagawin?)" tanong ko kay Father. "Huh?" naguguluhang tanong ng Pari. "Ay wala father go on ka lang," ngiting sagot ko dito. Habang kumukuha ng tubig sa balon si Father ay nagulat ako ng may itim na parang gorilyang nasa harap ko, kung hindi ako nag kakamali ay katulad ito ng mga lobong hinarap namin. "Father kahit anong mangyari wag mo ipagsabi ang makikita mo ha?" tanong ko Dahil napatingin pala ito sa gorilyang, natatakot man ay tumango na lamang ito. "Let's Fight," saad ko At inilabas ang aseryo ko at pinagdikit kasabay nito ang pagbabago ng suot ko. Thirdperson pov: Mabilis sumugod ang salamangkang hayop kay Edrian na sinalubong naman nito ng isang suntok. "Kala mo ha ikaw ungoy ka, tikman mo ang bagsik ng baklang Pacquiao!" sigaw ni Edrian. Habang pinapaulanan ng suntok ni Edrian ang gorilla na nasa harap nya ay hindi nya napansin ang isang kamao nito kaya tumalsik sya at tumama sa isang puno. "Jusko ang sakit." Hawak ni Edrian sa balakang nya. Dahil dun mabilis pinulot ni Edrian ang isang matulis na bakal na sira at sinugod ang kalaban nya, sinuntok nya ito sa muka bago ibaon ang bakal sa ulo nito. Ivan pov: Pag-balik ko sa bahay ay agad akong napa upo at dun ko lang napansin na nakahiga din si Edrian sa sofa at may icebag sa likod. "Anyare sayo teh?" tanong ko Pero si Jannelliza ang sumagot habang dala nito ang isa pang icebag. "May nakalaban syang salamangkang Gorilla tapos malakas ang suntok kaya ayan tumama sa puno," sagot nito ay lagay icebag sa likod ni Edrian. "Tse pero ok lang nakakuha naman ako ng 4 bottles of holy water noh." Pag-irap nito kay Jannelliza. "Ikaw ba Ivan, musta lakad mo?" tanong ni Jannelliza. "Well wala pero nakaharap ko ang isang Manggagaway at napalaban ako ng wala sa oras," sagot ko dito "Kung ganon bukas na bukas ay tayong tatlo ang mag hahanap sa duwendeng Itim na yon?" tanong ni Jannelliza "Tama ka," sagot ko. --- A/n: 1. Manggagaway are individuals who, most people believe, possess supernatural powers to cause illness to those persons whom they wish to harm. 2. Duwende is a humanoid figure of folklore. 3. Salamangkang hayop is my a creature that has been created with dark magic (it's my own fictional creature).
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD