Ivan pov:
Lumipas ang apat na araw ngunit hindi parin namin mahanap ang duwede na nag bigay ng sakit sa batang si Kris Ann, pansin din namin ang unti-unting pag ka walang pag-asa sa mata ng ina nitong si Khinnie dahil sa paglala ng kalagayan ni Kris Ann.
"Wag kayong sumuko Nay Khinnie hahanapin namin ang duwendeng yon bago sumapit ang alas dose ng hating gabi," saad ko bago tumingin sa orasan dahil 9:30 na ng gabi at ilang oras na lang ay sasapit na ang alas dose.
Ngumiti naman ito pero kita sa mata nito ang lungkot.
"Masaya akong nakilala kayong mga bata pero mukang ito na din ang huling araw na makikita ko ang anak ko," saad ni Khinnie bago humagulgol dahil mukang hindi na nito nakakayanan ang pinag dadaanan ng anak.
Ako naman ay napa pikit dahil hindi ko kayang tumingin sa isang ina na tuluyang nawawalan na ng pag-asa na gagaling ang sariling anak, lumapit naman ako sa walang malay na si Kris Ann at hinawakan ang kamay nito pero nagulat ako dahil tila may kakaibang nangyayari sakin.
Thirdperson pov:
Nagulat naman si Ivan ng hawakan nya ang kamay ni Kris Ann ay nakikita nya itong nag lalaro ito ng Bola sa tapat ng isang puno ng santol pero biglang natamaan nito ang punong ito ng bola, kasabay nito ang pag sulpot ng isang duwendeng itim na tila galit at dinuraan ang batang Kris Ann na tumama sa noo nito.
"Ahh!" sigaw ni Ivan matapos bitawan ang kamay ni Kris Ann.
"Anong nangyari beks?" tanong ni Edrian na bagong pasok sa kwarto.
"Alam ko na kung saan na duwende si Kris Ann." Nag-lalakad na sagot ni Ivan
"Ako na ang sasama sayo Ivan." Tumayong sabi ni Jannelliza.
"Ako na mag hahalo ng ingredients para sa gamot ni Kris Ann," sabi naman ni Edrian.
Kaya tumango na si Ivan at lumabas sa pinto na sinundan ni Jannelliza.
Ivan pov:
"Paano mo nalaman kung saan nakatira yung nuno?" tanong ni Jannelliza habang naka-sunod sakin.
"Hindi ko alam pero nung hinawakan ko yung kamay ni Kris Ann ay nakita ko kung saan sya nag-lalaro kasabay nito ang pag-labas ng duwendeng Itim na galit na galit," sagot ko dito.
Bigla naman hinawakan ni Jannelliza ang kamay ko.
"Hindi kaya yan ang kapangyarihan mo kasi diba kalahating diwata/engkanto ka?" tanong ni Jannelliza.
Napatigil naman ako ngunit umiling na lamang.
"Tsaka ko na iisipin yan sa ngayon ay kailangan natin maligtas si Kris Ann," huling saad ko bago tumingin sa puno na nasa harapan namin.
"Eto ba?" tanong ni Jannelliza.
Kaya naman tumango ako bago tanggalin ang pag-kakasuot ko ng rosaryo.
"Sa ngalan ng mahiwagang rosaryo na hawak ko inuutusan kita na palabasin mo ang nilalang na nakatira sa punong ito ngayon din!" sigaw ko.
Kasabay nito ang pag-liwanag ng rosaryo na hawak ko at tila may hinihigop sa puno na tila kaluluwa, nang mag-laho ang liwanag ay kasabay nito ang pag-labas ng duwendeng itim pero nakatali ito ng tila isang kadenang liwanag.
"Ano bang kailangan nyo sakin!?" galit na tanong ng duwende.
"Hindi namin gusto ng gulo pero kailangan namin maka-hingi ng hibla ng buhok mo," sagot ko dito.
"At bakit ko kayo bibigyan?" tanong ng duwende.
"Dahil may isa kang bata na dinuraan pero pag hindi mo ginawa ang gusto ko mapipilitan akong gamitin ang rosaryong ito," seryoso kong sabi.
Nakita ko naman na bumugtong hininga ito bago iyuko ang ulo.
"Kumuha kana bata," saad nito
Kaya naman napangiti ako bago kumuha ng isang hibla ng buhok nito, kasabay nito ang pag-laho ng tali sa katawan nito.
"Salamat, wag kang mag-alala kakausapin ko ang ina ng bata para alayan ka ng pag-kain," ngiting sabi ko.
Kaya naman tumakbo na kami dahil isang oras na lang ay alas dose ng gabi, habang tumatakbo kami ni Jannelliza ay napatigil kami dahil may salamangkang hayop ang bumungad samin na mahigit labing lima na salamangkang aso ang nandito, mag hahanda sana ako sa pakikipag laban pero nag salita si Jannelliza.
"Pumunta kana Ivan ilang oras na lng at malapit na mag alas dose," seryosong sabi ni Jannelliza.
"Pero paano ka?" tanong ko dito.
"Sabihin mo agad kay Edrian ang lagay ko at ikaw naman gawin mo yung gamot para kay Kris Ann," sagot ni Jannelliza bago itusok sa lupa ang arnis nito.
Tumango naman ako at inilabas ang shield ko at tumakbo sa mga salamangkang hayop, pasugod sana sila pero nag pakawala ako ng malakas energy force mula sa shield na hawak ko kaya tumalsik ang mga ito.
Thirdperson pov:
Nang makarating si Ivan sa bahay nila Khinnie ay agad nyang sinabi kay Edrian ang lagay ni Jannelliza upang tulungan ito, dahil dito ay tumango si Edrian at sinuot ang asero nya bago tumakbo papuntang labas kung nasan si Jannelliza.
"Nay Khinnie asan yung hinalo ni Edrian?" tanong ni Ivan.
Tinuro naman agad ni Khinnie kung saan ginagawa ni Edrian ang gamot na para sa anak nya, binasa naman ni Ivan ang kaylangan nyang gawin bago ihalo ang buhok ng duwendeng itim na nag bigay ng sakit kay Kris Ann.
"Tara po sa loob ng kwarto ni Kris Ann." Tumayong aya ni Ivan.
Binuksan naman ni Khinnie ang pinto ng kwarto ng anak pero halos mapaluhod ito dahil dumadami lalo ang sugat ni Kris Ann sa katawan pati narin ang pag laki ng nana nito sa noo, si Ivan naman ay mabilis lumapit dito bago dasalan ang basong nag-lalaman ng gamot na ipapa-inom sa batang si Kris Ann.
Jannelliza pov:
Matapos tumalsik ng mga lobo na muntik umatake kay Ivan ay mabilis akong sumugod dito at hinampas ito ng limang beses ang lobo na malapit sa'kin, muli naman akong sumugod sa dalawa pang lobo at inatake ito pero hindi ko namalayan na may lobo din sa likod ko at kinalmot ako kaya tumalsik ako at bumagsak sa lupa.
"Sheyt," mura ko dahil nakalmot ako nito sa tiyan.
Nagulat naman ako ng may biglang tumalsik sa harap ko na salamangkang lobo, pag-tingin ko sa likod ko ay nandon pala si Edrian habang suot ang asero nito at nakangiti sakin.
"Ses may kalmot ka," gulat na saad ni Edrian ng makalapit ito.
"Malayo sa bituka," tanging sagot ko bago ipa-ikot ang isang tela na dala ko kanina.
"Pwes let's fight," huling saad ni Edrian bago sumugod.
Ako naman ay mabilis tumakbo sa mga halimaw at nakipag laban, mabilis kong hinampas ang arnis ko sa lobong nalapitan ko kaya naglaho ito agad. Makalipas ang halos sampung minuto ay nagawa naming ubusin ni Edrian ang mga salamangkang lobo, lumapit naman ako kay Edrian at pareho kaming nag ngitian.
Ivan pov:
Nakahinga ako ng maluwag dahil tuluyan mag-laho ang mga sugat ni Kris Ann dahil sa gamot na pina-inom ko, napatingin naman ako sa bagong dating na si Jannelliza at Edrian pero naagaw ng pansin ko ang benda ni Jannelliza.
"May sugat ka Jannelliza." Lumalakad kong sabi.
"Ano kaba ayos lang ito malayo sa bituka," ngiting sagot ni Jannelliza.
Pero pinatungan ko ito ng halamang gamot na ang tawag ay pakpak lawin, nagulat naman ako ng bahagyang lumiwanag ang rosaryo at tila may enerhiyang dumadaloy sa mga palad ko. Makalipas ang ilang minuto ay tumigil na ang pag-liwanag ng rosaryo kasabay nito ang pag alis ng kamay ko sa sugat ni Jannelliza, napasinghap naman si Edrian ng makita nyang wala na ang sugat ni Jannelliza.
"Omy gosh beks napa-galing mo sugat ni Jannelliza." Pumapalakpak na sabi ni Edrian.
"Oo nga Ivan." Pag-hawak ni Jannelliza sa tyan nitong wala ng sugat.
Mag-sasalita sana ako pero biglang dumating si Khinnie habang buhat ang anak nitong si Kris Ann na naka-ngiti, bumaba naman Ito mula sa pag kakabuhat ng ina at lumapit samin.
"Ako po si Kris Ann, 10 years old po ako, sabi po ni Nanay Khinnie kayo daw po ang tumulong sakin kaya po thank you po," ngumiting sabi ni Kris Ann.
"Sobrang laki ng pasa-salamat ko sa inyong tatlo, dahil sainyo makakasama ko pa ng matagal ang anak kong si Kris Ann," sinserong sabi ni Khinnie.
Ngumiti naman kami at na isipan mag pahinga, nang makahiga ako sa kama ay hindi ko maiwasang hawakan ang rosaryo na suot ko.
"Tunay ngang makapangyarihan ka," ngiting saad ko bago mag palamon sa antok.