A/n: Ang lahat ng pangyayari, pangalan, at lugar ay likha lamang ng sariling isip at imahinasyon.
Fight 8:
Thirdperson pov:
Mabilis inayos ni Ivan ang kanyang tindig dahil mukang mapapalaban sya, aminin man nito o hindi ay kaunti lamang ang kanyang kaalaman sa pag protekta sa sarili at sa pakikipag-laban.
Ivan pov:
Nagulat ako ng lumutang ang baston nito at bumalik sa kamay nya, kaya naman kinabahan ako lalo.
"Sino kaba at nasan ba ako?!" pasigaw kong tanong dito.
Pero hindi parin ito nag salita kaya naman pinakiramdaman ko ang gagawin nito o ang pag-sugod nito, hindi naman ako nabigo nang sumugod muli ito kaya naman bago ako mahampas ng baston nito ay sinipa ko ito sa muka at inagaw ang baston, hindi din ako nag dalawang isip na ihampas ang baston nya sakanya kaya nag-laho ito nang tuluyan. Pero bigla akong nagulat ng mag-karon ng liwanag at lumutang ang isang cross sa harapan ko, kaya naman kinuha ko ito at lumapit sa gate na may mga kadena, pag dikit ko nang cross ay lumiwanag ito ng sobra kaya napapikit ako, pero pag mulat ko ay si Edrian pati Jannelliza ang bumungad sakin.
"Anong nangyari?" Tanong ko sa kanila.
"Nabuksan mo na ng tuluyan ang koneksyon mo sa rosaryo at kinilala kana nitong bagong tagapangalaga." Nag-lalakad na sabi ni Louie.
"Is that means pwede na sya mag labas ng weapons?" tanong ni Edrian with his signature conyo tone.
"Tama ka." Tumangong saad ni Louie.
Pero napahinto ako ng makaramdam ako ng kakaiba sa paligid namin.
"May kalaban!" sigaw ko.
At duon lumabas si Kimmy pati mga wolf pero pula ang mata nito at tila umuusok, pansin ko naman na hinanda ni Edrian at Jannelliza ang kanilang sandata.
"Jannelliza, Edrian, at Ivan kayo na lumaban sa salamangkang lobo at ako na lalaban kay Kimmy." Tumakbong saad ni Louie
Kaya naman nag handa ako at duon lumiwanag ang isa pang perlas ng rosaryo at naging sibat, kasabay nito ang pag atake sakin ng isang lobo na mabilis kong tinuhog at kasabay ng pagiging usok at abo nito.
Jannelliza pov:
Mabilis kong sinaksak sa lupa ang arnis na hawak ko kaya nag bago ang kasuotan ko, mabilis kong hinampas ang lobong muntik lumapit sakin pansin ko naman din ang pag sugod ni Edrian sa likod ko at pag-suntok nito sa lobong muntik kumagat sakin mula sa likuran.
"How tibo padamihan tayo nang ma kill ha," maarteng saad ni Edrian sa'kin.
Kasabay nito ang pag talon nya at pag suntok sa isang lobo, napangiti naman ako dahil sa sinabi ni Edrian at sinugod nadin ang iba pang lobo na kaharap namin.
Louie pov:
Matapos kong saksakin ng spada na gawa sa yelo ang lobong humarang sakin ay agad kong hinarap si Kimmy.
"Hindi ba talaga kayo nadadala?" tanong ko dito.
Pero ngumisi lamang ito at sinugod ako gamit ang spada nito, kaya naman inilabas ko din ang spada ko at nakipag-laban dito, tanging pag-dikit lamang ng sandata namin ang maririnig sa labanan namin ni Kimny.
"Sisiguraduhin kong papatayin ko ang isa sa inyo sa mga oras na 'to," sambit ni Kimmy.
Kaya naman sinipa ko ito, tumalsik naman ito sa puno at napa-daing.
"Wala kang mapapatay na isa samin," mahinahon ngunit may pag babanta kong saad.
Kasabay nito ang pag papaulan ko sa kanya ng mga matutulis na yelo na hindi nya inaasahan kaya naman nadaplisan sya, muli naman akong sumugod dito at sinipa ito kaya muli syang tumalsik.
Ivan pov:
Matapos namin labanan ang mga asong lobo ay tinignan namin si Louie at napansin din namin si Kimmy na sugatan, kaya naman lumapit ako sa pwesto nila.
"Hihihi kahit patayin nyo ako ay wala kayong mapapala, lalo kana itinakda sisiguraduhin ng Reyna na mapapatay kanya!" sigaw ni Kimmy habang dinuduro ako.
Susugod pa sana si Louie pero nag karoon ng pag-sabog na pumuno ng usok sa paligid, pag kalaho ng usok at nawala narin si Kimmy.
"Ang mabuti pa ay mag pahinga kayo at bukas na bukas may sa sabihin ako," saad ni Louie.
Kaya naman bumugtong hininga kami at pumasok sa kubo na aming tutuluyan.
-morning-
Nagising naman ako sa sinag ng araw kaya naman bumangon nako at ginising sila Edrian at Jannelliza, pag labas namin ng kubo ay nakita agad namin si Louie na seryosong nakamasid bago tumingin samin.
"Morning Louie," bati ko dito.
Ngunit seryoso lang itong tumingin sakin pero nagulat na lamang ako ng bigla nya akong batuhin ng matulis na yelo, mabuti na lamang at nagawa kong shield and rosaryo ko.
"What the hell!" sigaw ni Edrian at isinuot ang asero.
Dahil don mabilis silang nag bago ng anyo at sumugod kay Louie.
Thirdperson:
Inihanda ni Louie ang kanyang sarili sa pag sugod nila Jannelliza at Edrian, mabilis hinarang ng yelong pader ni Louie ang ateke ni Jannelliza at sinipa naman nya si Edrian kaya napa atras ito. Si Ivan naman ay sinangga ang bintong yelong spada ni Louie kay Jannelliza, dahil don nakakita ng opening si Edrian at sinuntok si Louie dahilan upang mapa-atras ito.
"Anong ibig-sabihin nito Louie?" tanong ni Jannelliza habang naka-handang sumugod.
Pero tinignan lang sila ng seryoso ni Louie at pinaulanan ng yelo, mabilis naman itong hinarap ni Ivan at inisip na lumaki ang shield nya. Namangha naman si Louie dahil tila nag karon pa ng parang forcefield and shield ni Ivan kaya na protektahan nito si Jannelliza at Edrian, si Jannelliza at Edrian naman ay sabay sumugod kay Louie.
"Bakit mo gustong patayin si Ivan!" sigaw ni Jannelliza at hinampas ng arnis si Louie ngunit sinangga lang ito ni Louie ng walang kahirap hirap.
Si Edrian naman ay sunod-sunod na nag pakawala ng suntok at sipa na hinarang ni Louie, kaya naman pumikit si Louie kasabay nito ang pag yelo ng inaapakan ni Jannelliza at Edrian na mabilis sinundan ng pag yelo ng kalahati ng katawan nila.
"Wag kayong makielam," malamig na sagot ni Louie sa tanong ng dalawa.
Si Ivan naman ay ginawang sibat ang shield nya at hinarap si Louie, si Louie naman ay gumawa ng yelong spada at nakipag palitan ng atake kay Ivan. Pilit nakipag sabayan si Ivan kay Louie kahit alam nitong wala syang laban dito, si Louie naman ay mabilis sinipa si Ivan kaya napadura ito ng dugo.
"Ivan!"
"Beks!"
Sabay na sigaw ni Jannelliza at Edrian at pinilit basagin ang yelong bumalot sa kanila, ngunit tanging si Louie lamang o ang gintong apoy ang makakasira dito.
Tumingin naman ng seryoso si Ivan kay Louie at sumugod dito gamit ang kanyang sibat, si Louie naman ay muling gumawa ng sandata gawa sa yelo. Nagulat bigla si Ludwig dahil habang hawak ni Ivan ang sibat ay lumabas din ang panangga nito, sa loob ng mahabang panahon ay wala pang nakaka-gawa na pag sabayin ang dalawang sandata ng makapangyarihang rosaryo. Si Ivan naman ay sinangga ang atake ni Louie at hinampas ang likod nito gamit ang walang tulis na bahagi ng kanyang sibat, hindi naman Ito napaghandaan ni Louie kaya tumalsik ito.
"Sieuara," bulong ni Louie.
Si Ivan naman ay pumunta sa pwesto nila Jannelliza at Edrian at binasag ang yelong bumalot sa kanila.
"Louie!" galit na sigaw ni Jannelliza at sumugod kay Louie.
Si Louie naman ay agad sinangga ang bawat hampas ng arnis ni Jannelliza.
"Nerurata Marta argitu ibo Ivan, (Kaylangan kong ihanda si Ivan)" saad ni Louie gamit ang lengwahe ng mga taga Fantamagia.
"Shut up!" sigaw ni Jannelliza at sinipa si Louie.
Napa-atras naman si Louie dahil sa sipa ni Jannelliza pero mabilis syang umayos at hirang ang mga suntok at sipa ni Edrian, si Edrian naman ay gigil na nag paka wala ng suntok at sipa kay Louie dahil akala nya ay trinaydor sila nito.
"Banas ka Louie bakit mo balak patayin si Ivan!" sigaw ni Edrian.
Umatras naman ng bahagya si Edrian at sabay silang sumugod ni Jannelliza dito, si Ivan naman ay ginamit ang shield nya at nakisabay sa labanan, si Louie naman ay napangiti dahil halatang kaya nilang protektahan ang isat-isa. Si Ivan naman ay mabilis hinarang ang panangga nito sa atake ni Louie, si Edrian naman ay sinuntok si Louie na sinundan ni Jannelliza ng sipa sa muka ng guro.
"Masyefira! (Mahusay!)" galak na saad ni Louie
Dahil dun ay nainis si Jannelliza at muling sumugod pero napa-atras ito ng gumawa ng yelong aso si Louie na humigit sa sampo at sinugod sila, si Edrian naman ay tumingin kay Jannelliza at Ivan na sabay tumango. Nag taka naman si Louie ng mag hawak kamay si Jannelliza at Ivan, pero umapak na si Edrian sa ibabaw ng kamay ni Ivan kung nasan ang shield nito at sabay humugot ng pwersa si Jannelliza at Ivan Para ibato palapit si Edrian kay Louie.
"Yari ka sakin Louie!" sigaw ni Edrian.
Kaya naman tila nag yelo ang kamao ni Louie at nakipag-palitan ng suntok kay Edrian, si Ivan at Jannelliza naman ay mabilis nilabanan ang malalaking aso na gawa sa yelo at nang maubos nila 'to ay agad silang sumugod kay Louie. Pakiramdam ni Louie at paubos na ang kanyang mahika kaya naman nag-pakawala ito ng malakas na mahika.
"Haraduredu! (ice blizzard)" sigaw ni Louie na tanging malalakas na diwatang may kapangyarihan na yelo lamang ang makakagawa.
Napa atras naman sila Ivan dahil dito, nang maramdaman ni Louie na ubos na ang mahika nya ay agad nyang ikinalma ang sarili.
"Mahusay." Pumapalakpak na sabi ni Louie.
Dahil don ay napatigil sila Ivan sa kanilang pag-sugod dahil sa palakpak ni Louie.
"Anong ibig sabihin nito Louie?" tanong ni Ivan.
Ivan pov:
"Anong ibig sabihin nito Louie?" tanong ko dahil pumapapalakpak ito.
"Kaya ko kayo inatake dahil hindi ako makakasama sa misyon ninyo at para na rin makita kung kaya nyo ipag-tanggol ang sarili nyo," sagot ni Louie.
Nag taka naman ang tatlo dahil dito.
"Anong ibig mong sabihin?" tanong ni Jannelliza na bumalik sa dating anyo.
"Kailangan kong bumalik ng Fantamagia upang bantayan ang kilos ng bagong Reyna ng mga itim na elemento, at mag hahatid narin ako ng balita sa ama mo Ivan upang malaman nya ang kalagayan mo," paliwanag ni Louie.
"Kung ganon ay mag-iingat ka Louie dahil kampo ng kalaban ang pupuntahan mo," mahinahon kong saad.
"Pero san kami mag sisimula ng pag hahanap ng pearls ng rosary ni Ivan?" tanong ni Edrian.
Imbis sumagot ay may inabot na papel sakin si Louie, napatingin naman ako dito pero tumango lang ito. Binuksan ko naman Ito at ito ang mapa ng buong Luzon at pero kakaiba lang ay may 4 na bilog dito at kumikislap, lumapit naman sa tabi ko si Edrian at Jannelliza at tinignan din ang mapa na hawak ko.
"Ang mapang yan ang mag tuturo sa 'nyo kung saan nakatago ang mahiwagang perlas ng rosaryo, nandyan din sa mapa kung nasan ang lagusan papuntang mundo na iyong pinag-mulan Ivan," paliwanag ni Louie
Kaya naman napatingin ako dito at ngumiti.
"Mag-kikita paba tayo Louie?" tanong ko.
Ngumiti naman ito bago sumagot pabalik.
"Sana nga mahal na Prinsipe." Yumukod na sagot ni Louie.
"Maiwan ko na kayo dahil mag sisimula na ako pabalik sa kaharian ngunit mag iipon muna ako ng lakas," paalam nito.
Kaya naman ngumiti kami bago maglaho ito na parang usok.
"So Beks ano pinaka-malapit na lugar kung nasaan ang perly shell mo?" tanong ni Edrian.
Kaya naman mabilis kong tinignan ang mapa at ang pinaka malapit ay ang Nueva Vizcaya at Zambales.
"Hmm bet ko yung Zambales para swimming tayo," ngiting saad ni Edrian.
"Loka misyon to hindi outing." Pag-batok ni Jannelliza kay Edrian.
"Fine, so Beks ano una nating destination?" tanong ni Edrian
"Unahin natin ang Nueva Vizcaya," ngiting sagot ko.
"So Arats na sa tent." Tumatakbong saad ni Edrian
Pag pasok namin ay nagulat ako dahil may tatlong bag ang nasa loob, binuksan ko ang isang maliit at may laman itong dalawang libro, yung isa naman ay mga tuyong dahon at maliliit na garapon at ang huli ay mga damit at may kasamang tent.
"Guys may note." Turo ni Jannelliza.
Kaya naman binasa ko ito.
"Mag-iingat kayo sa pag lalakbay nyo, ang bag na may libro ay nag lalaman ng kaalaman tungkol sa mga itim na engkanto pati narin libro para sa gamot na maaari mong gamitin Ivan, naway mag tagumpay kayo.
-Louie." Pag-basa ko sa sulat.
"So pano bayan arats na guys," saad ni Edrian at sinukbit ang bag na may damit at cash.
Si Jannelliza naman ay dinala ang tent pati natin ang bag may mga tuyong dahon, at sakin ang bag na may libro.
Pangako nay ililigtas ko kayo.