His Beauty 23

1764 Words
Edrian pov: Tuwang-tuwa naman ako dahil in a short span of time Ivan was able to learn how to do a catwalk, tinulak naman ito ni Tita paupo sa harap ng makeup table at ngumiti sa'kin. "Are you ready?" I asked to Ivan. "Yup," his answer to my question. "Iwan ko muna kayo, Edrian ha pagandahin mo yan ha," paalam ni Tita Jackylyn. Ngumiti naman ako at nag-simula na akong ayusan si Ivan. Jannelliza pov: "Wait na lang natin si Ivan and Edrian bago tayo pumunta sa plaza," ngiting sabi ni Tita Jackylyn. Tumango naman ako at pumunta sa backyard nya at duon ko nakita si Morrigan na tila may pinakikiramdaman. "Malapit na yung contest ah," ngiting panimula ko. "Oo nga ehh sana manalo si Ivan," sagot naman ni Morrigan. Pero nagulat kami nang biglang sumigaw si Tita Jackylyn, mabilis kaming tumakbo ni Morrigan papasok pero napa-tigil kami kasi naka-ngiti ito habang naka-tingin sa hagdan. "Ivan!" gulat kong saad dahil si Ivan bumababa ng hagdan.  He is wearing a long black wig, red off-shoulder gown, and a red stiletto. "Gorgeous." Pumapalakpak na sabi ni Tita Jackylyn. "Thank you po," ngiting sagot ni Ivan. "Wear this." Abot ni Tita Jackylyn. Agad naman itinakip ni Ivan ang scarf na inabot ni Tita Jackylyn at sabay sabay kaming lumakad palabas. Ivan pov: Papunta na kami ngayon sa gaganaping contest pero pansin kong madaming napapa-tingin sa'kin, bigla namang ngumiti sa'kin si Tita Jackylyn at tinapik ang balikat ko. "Chin up girl pakita mo beauty mo," ngiting sabi nito. Ngumiti naman ako at tumango, nag-paalam naman sa'kin sila Tita na pupunta sa mga manonood at si Edrian daw ang makakasama ko sa backstage. "Humygosh ang daming chaka sis," bulong ni Edrian. Natawa naman ako sa sinabi nito dahil medyo totoo ang sinabi ni Edrian. "Ano kaba Edrian dapat formal lang," ngiting sagot ko. Mag-sasalita sana si Edrian nang may biglang sumingit sa'min na matabang bakla at muntik ako mapa-talon dahil ang kapal ng makeup nito. "Wag kang umasang mananalo ka baklang pandak na payat," ngising sabi nito sa'kin. Sasagot pa sana si Edrian pero tinalikuran kami nito. "Punyemas na baklang mukang kargador na yun, yari yan sa'kin mamaya," gigil na sabi ni Edrian. "Hayaan mo na yun." Umi-iling kong sagot bago hubarin ang scarf na naka-patong sa dress ko. "Guys pwesto na!" sigaw ng isang crew. "Sige beks panuorin kita ha galingan mo," paalam ni Edrian. Tumango naman ako at kumaway, this is it Ivan.  Edrian pov: "Kamusta si Ivan?" tanong ni Tita Jackylyn. "Nako bwiset yung baklang kargador sa likod," irita kong sagot. Mag-sasalita pa sana si Tita pero bigla ng nag-salita ang Mc. "Good evening everyone let me present to you the lovely contestant for Miss Gay Cavite 2021! Sigaw ng Mc. Dahil dun ay nag-hiyawan lahat ng tao kami naman din ay nakisigaw at pumalakpak, kasabay nito ang pag-labas nila Ivan pero pansin ko ang pag-singhap ng mga tao nung lumabas si Ivan. "Ako nga pala si Ivan na nasa harapan nyo ngayon bilang ex ni Justine Bieber, Selena Gomez!" pakilala ni Ivan. "Whooo best friend ko yan!" sigaw ko habang pumapalakpak. Matapos mag-pakilaka ni Ivan ay sumunod yung matabang bakla kanina. "Ako nga pala si Herom pero ngayong gabi nais kong mag-pakilala bilang ang babaeng gumanap na Darna at ngayon ay asawa na ni Dingdong Dantes, Marian Rivera!" sigaw nito. Dahil bad trip ako rito ay sumigaw din ako. "Mas kamuka mo si Delima!" sigaw ko. Dahil dito ay nag-tawanan ang mga tao na nanood, I just smirked cause of the fat gay reaction. "Back muna ko sa likod need ni Ivan ng help for swimsuit competition," paalam ko. Pag-dating ko sa backstage at tinaasan ako ng kilay ng baboy pero nginisian ko ito, naputol naman ang titignan namin nang bigla akong hilain ni Ivan. "Swimsuit competition na," tila kinakabahang sabi ni Ivan. "So?" tanong ko. "Mukang hindi ko kaya," sagot nito. "Nah ah bakla isuot mo to." Abot ko ng bikini. Huminga naman ito ng malalim bago pumasok sa banyo para isuot ang binigay ko. "Joy bakla umayos ka ang chaka mo," biglang sabi ng matabang bakla. Pero halos matawa naman ako dahil nag-bikini rin ito na kulay violet. "Edrian ok lang ba?" tanong ni Ivan. Pag-tingin ko ay halos malaglag panga ko, angat na angat ang kutis labanos ni Ivan at bumagay pa ang bahagyang pamumula ng pisngi nya. "Oh my gosh beks super perfect!" tili ko. Ngumiti naman ito, inilabas ko naman ang pang-retouch ng makeup ni Ivan at napa-ngiti sa resulta nito. "Kamusta alaga mo?" tanong ni Tita pag-balik ko mula sa backstage. "For sure madaming mag-lalaway," ngising sagot ko. Dumating naman ang Mc at tila namumula ang pisngi, I bet he already seen Ivan. "Ehem Now for our swimsuit competition!" sigaw ng Mc Halos mabingi naman kami sa hiyawan ng mga tao nang maunang lumabas si Ivan, pag-tingin ko kay Tita Jackylyn ay napa-nganga rin ito sa ganda at sexy ni Ivan. Ngumisi naman ako ng huling lumabas ang matabang bakla, tumingin sa'kin si Jannelliza at ngumisi din ang tibo; mukang may gagawin si tibo. "Hoy Barney bakit ka nandyan!" sigaw ni Jannelliza. Dahil dito ay natawa ang mga manonood, pero si bakla mukang sasabog na sa inis. "Wow I didn't expect that but hey after we will now pick our top 4 for the question and answer portion," ngiting sabi ng Mc. "3!" "3!" "3!" Sigaw ng mga tao sa number ni Ivan. "You may stand in front contestant number 3!" sigaw ng Mc. Nagulat naman si Ivan pero rumampa parin ito, nagulat naman ako ng kasama parin ang matabang bakla sa top 4. "Grabe ang ugali ng baboy na yun," saad ko. "Next is Q and A and I think I can do something para ma disqualified yang mataba," sagot ni Tita Jackylyn. "Go ayusan mo si Ivan," dagdag nito. Pag-dating ko sa backstage ay nagulat ako nang banggain ng mataba si Ivan kaya napa-upo ito. "Hoy baboy ang yabang mo ha!" sigaw ko. Pero mabilis lang akong hinarang ni Ivan. "Hayaan mo na sya Edrian," saad ni Ivan. Wala naman akong nagawa kaya pinasuot ko na lang sa kanya yung Dress na pinili ni Morrigan, pag-balik ko sa crowd ay agad kong kwinento sa kanila ang ginawa ni baboy. "Nako nakaka-gigil yang baboy nayan ha," iritang sabi ni Tita Jackylyn. "We need to do something," sagot ko naman. "Contestant number 3 please answer the question from our reigning Queen, Ms. Joan," pakilala ng Mc. "Good Evening contestant number 3," bati ng reigning Queen. "Good Evening din po," ngiting sagot ni Ivan. "So here is your question, for you what is the real definition of beauty?" tanong nito. "Thank you for that wonderful question. For me, beauty cannot be found on our physical looks. Beauty is about being passionate for what we love and standing firm for what we believe is right and making a good decision on our choices in life, that's the real definition of beauty for me, and I thank you!" ngiting sagot ni Ivan. Dahil dito ay nag-palakpakan ang mga tao at nag-hiyawan. "What a wonderful answer. Next is contestant number 5, your question will be given by our baranggay Captain," saad ng Mc.  At duon rumampa si Baklang mataba. "Eto ang tanong mo, kung bibigyan ka ng pag-kakataon para gumanda. Ano ang gusto mong gumanda sayo at bakit?" tanong nito. "Kung bibigyan ka ng pag-kakataon gumanda, hindi mo deserve!" biglang sigaw ni Tita Jackylyn. "Kung gaganda ka, aabutin ng taon ang operasyon!" biglang sigaw naman ni Morrigan. At dahil dito mukang nabwiset na si Bekla at biglang hinubad ang heels at binato sa'min, mabilis ko naman itong inilagan at dahil dito na disqualified si bakla at nag-tawanan ang mga tao. "We will have a 5 minutes break before we announce the grand winner," ngiting pahayag ng Mc. Ako naman ay bumalik sa likod pero nagulat ako nang sugurin ako ni baboy, pero napa-tigil ito ng mapunta sa likod nya si Ivan at hawak ang punyal nito. "Aalis ka nang tahimik dito oh hihiwa ako sa taba mo at iluluto ko," banta ni Ivan. Namutla naman si taba at mabilis tumakbo palayo. "Whoo ang astig beks," ngiting saad ko. Umiling naman si Ivan at sinuot na ang kanyang black High-heeled gladiator na pinahiram sa kanya ni Tita Jackylyn. "Last na to ses." abot ko ng huling gown. Thirdperson pov: Tanging si Ivan at dalawa nya pang kalaban ngayon ang nasa harap ng stage at hawak-hawak sila ng kamay. "Our 2nd runner up will be content number 7!" sigaw ng Mc. At duon lumakad ang isang bakla na kamuka ni John Lapus at kumaway sa mga tao, si Ivan naman ngayon ay humarap sa kalaban nya na hawig naman ni Lassy. "Goodluck sa'tin," saad nito kay Ivan. "Yup," ngiting sagot ni Ivan. "Our First runner up is contestant number 1 which means contestant number 3 you are the Miss Gay Cavite 2021!" sigaw ng Mc. Si Ivan naman ay nagulat dahil hindi nya inakalang sya ang mananalo sa contest na ito, pinatong sa ulo nya ang korona at pakiramdam nya may lumalabas na enerhiya mula sa suot nyang rosaryo matapos pinatong ang korona sa kanyang ulo. "You may now walk as the new Ms. Cavite 2021!" hiyaw ng Mc. At duon buong galak na rumampa si Ivan sa harapan. Ivan pov: Matapos ang event ay pakiramdam ko naubusan ako ng lakas matapos namin maka-uwi sa bahay ng Tita ni Edrian. "Congratulations Ivan," bati ng Tita ni Edrian sa'kin. "Thank you rin po sa pag-train sa'kin," ngiting sagot ko dito. Ngumiti naman ito at binuksan ang isang kwarto na may dalawang may kalakihan na kama. "Mag-pahinga na kayo dito sa guest room ha at ako ay need na rin ng beauty rest," paalam ni Tita Jackylyn. Matapos isara ni Tita Jackylyn ang pinto ay agad akong hinila ni Edrian paupo. "Dali beks tignan mo na ang pearl," saad ni Edrian. "Oo na," ngiting sagot ko. Tila natuwa naman sila Morrigan sa sinabi ko, inilabas ko ang rosaryo at tinanggal ang isang perlas sa korona at unti-unting idinikit sa rosaryo. Napa-ngiti naman ako nang bigla itong lumiwanag ng bahagya, nag-apir naman si Jannelliza at Edrian. "Subukan mong samuhin Ivan," tila excited din na sabi ni Morrigan. Ako naman ay inisip na lumabas ang sandata ng rosaryo at dito lumabas nga ang isang mahabang latigo, halos 7ft ang haba nito at meron rin itong hawakan na silver. "Amazing," Edrian said. "Isang perlas na lang Ivan," ngiting sabi ni Jannelliza. "Tama ka, isang perlas na lang," ngiting sagot ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD