Ivan pov:
Nag-papaalam kami ngayon kay Tita Jackylyn dahil babalik kami sa bulacan dahil nagulat kami sa pag-bukas namin sa mapa ay nasa bulacan ang isa sa mga perlas.
"Mag-iingat kayo ha," paalam ni Tita Jackylyn.
"Don't worry po we will take care of ourselves Tita," sagot ko rito.
Tumango naman ito at kami ay nag-simula ng mag-lakad papuntang sakayan, habang nag-lalakad ay nagulat ako nang hawakan ako ng isang babae sa braso.
"Bakit po?" tanong ko rito.
Ngumiti naman ito bago sagutin ang tanong ko.
"Kamukang-kamuka mo si Rea," ngiting sagot nito.
Dahil dito ay mabilis ko syang hinawakan.
"Paano mo nalaman ang pangalan ng nanay ko?" seryoso kong tanong.
"Paano ko kakalimutan ang pangalan ng best friend ko," sagot nito sa tanong ko. "Kung gusto mo sumunod kayo sa'kin at ikwekwento ko sa'yo ang buong katotohanan," dagdag nito.
"Naniniwala kaba sa kanya beks?" tanong ni Edrian.
"Hindi ko alam pero pakiramdam ko ay totoo ang sinasabi nya," sagot ko dito.
"Kung ano ang tingin mong tama ay dun kami." Hawak ni Jannelliza sa balikat ko.
Tumango naman ako at sumunod sa babaeng kausap namin kanina.
Alyanna pov:
Nasa harapan ko na ngayon ang anak ni Rea at hindi ko maiwasang mapa-ngiti dahil mukang tama ang desisyon ko.
"Alam kong marami kang katanungan Ivan kaya umupo muna kayo," ngiting simula ko.
Lumabas naman ang anak kong si Johnrey at nag-lagay ng baso ng tubig sa harapan nila.
"Paano mo nakilala ang nanay ko at bakit alam mo ang pangalan ko?" tanong ni Ivan.
"Ako ang nag-paanak sa ina mo at ako rin ang nag-iwan sayo sa simbahan," sagot ko sa tanong nito.
Pansin ko naman na kumuyom ang kamao nito sa sagot ko.
"Bakit mo ko iniwan sa simbahan at hindi na lang inalagaan? " madiin na tanong ni Ivan.
Ako naman ay huminga ng malalim at inalala ang nakaraan.
*flashback*
Napapikit naman ako ng biglang may umilaw ng napaka-liwanag sa labas at kasabay nito ang pag iyak ng anak ng aking kaibigan na si Rea.
"Shhh," pag-aalo ko ditl.
At pag tingin ko sa kaliwang dibdib nito ay lumalabas ang isang cruz na marka, makalipas ang ilang minuto ay buo na ang cruz kasabay ng pag tilaok ng mga manok kaya naman lumabas na ako. Nagulat naman ng tumambad sakin ang sirang kapaligiran at ang walang malay na katawan ni Tatang Ralph na syang ama ni Rea, pag lapit ko dito ay pinilit kong hindi sumigaw dahil tila mauubusan na ito ng dugo dahil sa dami ng sugat.
"Mahabaging diyos," bulalas ko nang lapitan ko ito.
"Sya ba ang aking apo Alyanna?" nahihirapang tanong ni Tatang Ralph.
"Oho, " maikli kong sagot.
"Napaka gandang sanggol, " ngiting saad nito.
Ako naman ay napa-ngiti dahil mas muka nga itong babaeng sanggol.
"Ano, Ano ang ngalan nya?" nahihirapang tanong ni Tatang Ralph.
"Ivan ho, Ivan ho ang ipinangalan ni Rea sa kanya," sagot ko dito.
"Magandang pangalan," huling sambit nito at pumikit na ng tuluyan.
Ako naman ay pumatak ang isang butil ng luha dahil umiyak ang walang muwang na sanggol sa aking bisig.
"Patawad," pag-iyak ko rito.
At mabilis tumakbo upang makarating ako sa aking bahay, pag-dating ko ay agad akong nag-impake at na g sumapit ang gabi ay dinala ko ang sanggol na buhat ko sa tapat ng simbahan.
"Patawad Rea ngunit nakikita ko sa hinaharap na pag-nanatili sa'kin ang bata na ito ay mamatay ito pati narin ako," saad ko sa hangin.
Bigla namang umiyak ang sanggol na buhat ko kasabay ng pag kidlat, kumatok naman ako sa simbahan at iniwan sa harap ng pinto ng simbahan ang sanggol. Mabilis naman ako nag tago sa isang malaking puno at makalipas ang ilang minuto ay lumabas ang isang madre, kita ko naman ang pag takip nito ng bibig kaya napa-iyak muli ako.
"Patawad Ivan ngunit mas delikado kung mananatili ka sa tabi ko," bulong ko.
Nang makapasok ang madre sa loob ng simbahan ay agad akong umalis, ramdam ko naman ang bigat sa aking damdamin habang nag lalakad papalayo ngunit ito ang nararapat para sa kaligtaasan nito.
*End of Flashback*
"Patawarin mo ako Ivan dahil gusto kong iligtas ang buhay mo pati narin sa'kin." Lumuhod kong saad.
Tila nagulat naman ito at lumapit sa'kin at niyakap ako.
"Wala po kayong kasalanan," sagot naman ni Ivan. "Ako po ay nag-papasalamat sa ginawa ni'yo upang manatili akong buhay," dagdag pa nito.
"Pasensya na kung natakot ako sa mga mang-yayari sa hinaharap," saad ko.
"Wala kayong kasalanan dahil si Louiza and Reyna ng kadiliman ang nag-simula ng lahat na ito," seryosong sagot ni Ivan.
"Maraming salamat sa kapatawaran Ivan," sinserong saad ko.
"Maraming salamat din po sa lahat," ngiting sabi naman ni Ivan.
Third person pov:
Sa Fantamagia naman ay galit na tumayo ang bagong Reyna dahil namatay ang isa sa mga kampon nya na pinag-masid nya kay Ivan.
"Paanong nag-karoon ng Sirena sa grupo nila Ivan!" sigaw nito.
"Sila ay isa sa mga nangalaga ng perlas ng rosaryo, mahal na Reyna." Yumukong sagot ni Kimmy.
"Kamalasan!" sigaw ng Reyna.
Pero bigla namang ngumiti si Kimmy sa kanyang Reyna.
"Ano kaya kung kuhanin mo pa ang isa pang kapangyarihan ng mga tanga-hawak ngayon ng sagisag," ngising simula ni Kimmy.
Bigla naman itong tinaasan ng kilay ng Reyna.
"Bakit ko gagawin yun?" tanong ng Reyna
"Dahil mas lalakas ka at madali mong mapapatay si Ivan," ngising sagot ni Kimmy.
"Maganda ang naisip ko Kimmy, pero sa ngayon kailangan ko natin gumalaw dahil sa oras na makupleto ni Ivan ang rosaryo ay dapat agad natin s'ya itumba si Ivan," galit na turan ng Reyna.
"Anong plano mo mahal na Reyna?" tanong ni Kimmy.
"Gagamitin ko ang isa sa mga alas ko laban kay Ivan," ngising sagot ng Reyna.
Sila Ivan naman ay pumunta muna sa garden ng bahay ni Alyanna at binasa ang libro tungkol sa rosaryo.
"Ayon sa libro ang sikretong kapangyarihan ng rosaryo ay ang sumpa," panimula ni Ivan.
"Yan ang ginamit ng iyong Ina laban kay Louiza," singit ni Alyanna.
"Pero ang tunay na kapangyarihan ng rosaryo ay mag-balik ng buhay, pero oras na gamitin ang ikalawang kapangyarihan ng rosaryo ay hindi na muling magagamit ang kapangyarihan nito liban na lamang sa mga sandata," mahabang basa ni Ivan.
"So mali ang sinabi ni Louie sa'tin?" tanong ni Edrian.
Ivan pov:
"So mali ang sinabi ni Louie sa'tin?" tanong ni Edrian.
"Sa katunayan ay walang alam ang mga diwata tungkol sa tunay na kapangyarihan ng ikalawang kapangyarihan ng rosaryo maliban sa sumpa," sagot ni Morrigan.
"Ang ibig sabihin ay sa mga sirena ipinagkatiwala ang tunay na sikreto ng rosaryo, tama ba?" dagdag na tanong ni Jannelliza.
"Oo," maikling sagot ni Morrigan.
Muli naman akong tumingin sa libro pero biglang nanlaki ang mata ko.
"Guys listen, sa loob ng daang taon ay walang nakaka-gawa na mag-labas ng sandata ng rosaryo ng sabay," basa ko.
Bigla naman akong tinaasan ni Edrian ng kilay.
"Oh anong meron dun?" tanong ni Edrian.
Sa halip na sumagot ay binaba ko saglit ang libro at sinamo ang shield at spear ko, bigla rin nanlaki ang mata ni Edrian sa ginawa ko.
"Oh shiii Beks kakaiba ka nga kasi you can summon 2 weapon at once," manghang sagot ni Edrian.
Napa-tingin naman ako kay Jannelliza ngayon at hawak na ang libro.
"Tuwing ipapasa ang rosaryo ay maaaring ibahin ng bagong taha-pangalaga nito ang itsura ng kanyang sandata, pero hindi ito magagawa kung hindi kumpleto ang perlas nito," pag-basa ni Jannelliza.
"Amazing yan ha, Beks try mo ilabas isa-isa ang weapon mo tapos kunyari may kalaban ka," ngiting sabat ni Edrian.
"Eh kung gumawa ako ng kalaban nya," singit naman ni Morrigan.
At duon biglang nabuo ang dalawamg taong tubig na hawig ni Edrian at Jannelliza, ako naman ay nag-handa sa gagawin ko.
"Simula!" sigaw ni Morrigan.
At duon naunang sumugod sa'kin si Edrian pero hinarang ko ang mga atake nito gamit ang shield ko, mabilis naman akong umatras ng sumugod si Jannelliza sa'kin.
"Go Ivan labanan mo'ko!" sigaw ni Edrian.
Mabilis naman sumugod si Edrian sa'kin kaya naman inilabas ko ang latigo ko at ginawa itong parang tali at hinili ang sarili ko palapit sa puno, muntik naman ako tamaan ng atake ni Jannelliza pero buti na lamang naharangan ko ito ng shield.
"Mabilis kang matutumba Ivan kaya patatagin mo ang tindig mo," seryosong sabi ni Morrigan.
Tumango naman ako dahil alam kong bihasa s'ya sa pakiki-paglaban, mabilis kong hinampas ng latigo si Edrian at nawala ito.
"Shutames Beks ha parang feel ko ako Yung water Edrian na inatake mo," medyo namutlang sabi ni Edrian.
Pero sa halip na sumagot ay agad kong sinugod si Jannelliza at inilabas ang sibat ko, mabilis naman nitong sinalag ang bawat atake ko. Napa-atras naman ako ng muntik akong matamaan ng atake nito, huminga naman ako ng malalim at inilabas ang pana ko at nag-palabas ng palaso na tumama agad dito kaya nag-laho.
"Mahusay Ivan." Pumapalakpak na saad ni Morrigan.
Makalipas ang ilang oras ay naisipan na namin mag-paalam dahil babalik na kami ng Bulacan.
"Mag-iingat ka sa misyon n'yo Ivan ha," paalala ni Tita Alyanna.
Tita Alyanna kasi any gusto nitong itawag ko sa kanya.
"Opo Tita at sa susunod na balik ko ay kasama ko na si Nanay," ngiting sagot ko.
Pero imbis ngumiti ay seryoso lamang itong tumingin sa'kin.
"Kung ano ang haharapin mo sa susunod na araw ay tibayan mo ang sarili mo Ivan, dahil ang isang bruha ay palihim umatake," seryosong turan ni Tita Alyanna.
Ako naman ay tumango na lamang kahit naguguluhan, ito na ang huling araw para makumpleto ko ang mga perlas ng rosary at pag-katapos nito ay mas magiging mahirap ang haharapin namin at kahit ano man ito ay wala akong susukuan.