Ivan pov:
Pag-baba namin ng jeep ay tila busy ang mga tao at kitang-kita ko rin ang mga maka-sabit na banderitas.
"Hala mukang fiesta dito!" gulat na sambit ni Edrian.
"Paano natin mahahanap agad yung perlas?" tanong naman ni Jannelliza.
Pero napa-tigil ako nang makita ko ang isang flyer at pinulot ko ito.
"Guys look at this," saad ko.
"Gay Beauty Contest, grand price ₱10,000 cash with crown, 1st runner up ₱5,000 cash with sash, 2nd runner up ₱3,000 cash," basa ni Edrian.
"Oh anong meron dito Ivan?" tanong ni Morrigan.
"Ang korona nandun ang isang perlas," lutang kong sagot.
Gulat naman na napa-tingin sa'kin sila Edrian at Jannelliza, while Morrigan on the other hand looks confuse.
"Anong mali edi kunin natin ang perlas," nag-tatakang sabi ni Morrigan.
"No ses, the only way to get the pearl is to win the crown," Edrian said with a serious tone.
"Oh edi ikaw isasali namin Edrian, diba magaling ka sa pageant?" ngiting tanong ko.
"Sinong nag-sabi na ako ang sasali?" tanong ni Edrian.
"What do you mean?" I nervously asked.
"Ikaw ang sasali Ivan," seryosong sagot ni Edrian.
Dahil dito ay nanlaki ang mata ko, mag-sasalita sana ako pero may biglang sumingit sa usapan namin.
"Hi mukang dayo kayo pero who cares, I was wondering if want ng isa sa inyo ang gusto sumali sa gay contest don't worry tanggap ka kahit dayo ka," ngiting singit nito.
"Ay ofcourse etong best friend kong si Ivan ang isasali namin kaya kami pumunta dito," ngiting sagot ni Edrian.
"Teka lalake sya?!" gulat na tanong nang babae.
"Yes, but beki so fill up ko form nya," ngiting sagot ni Edrian.
Inabot naman ng babae ang isang papel at sinagutan ito ni Edrian, matapos nitong mag-sulat ay ibinalik nya ito sa babae at iniwan kami.
"Pero beks paano mo isasali si Ivan eh hindi sanay yan mag cat-walk and lastly wala tayong gamit?" tanong ni Jannelliza.
"Tibo nasa Kawit tayo remember?" ngising tanong ni Edrian.
Bigla naman nanlaki ang mata ni Jannelliza bago mag-salita.
"Nandito ang transgender mong tita!" sigaw ni Jannelliza.
"Tumpak, follow me guys," ngising sabi ni Edrian.
Maka-lipas ang ilang minutong lakaran ay tumigil kami sa isang may kalakihang bahay, lumapit naman sa pinto si Edrian at kumatok.
"Tao po! Tito Eugene!" sigaw ni Edrian.
Maka-lipas ang ilang minuto ay bumukas ang pinto at bumungad sa'min ang isang babae na may mahabang buhok tapos ang suot nito ay isang night gown.
"Shuta ka bakla yang bunganga mo," gigil na sabi nung babae.
"Nako Tito Eugene kalma may wrinkles kana," asar ni Edrian.
Nagulat naman ako dahil transgender nga pala ang Tito ni Edrian.
"Buwiset ka bakla ka, bakit kaba nandito?" tanong ng Tito ni Edrian.
"Kasi we need your help, yang frenny ko isasali ko ng gay contes ang problem wala kaming heels and dress," ngiting sagot ni Edrian.
Tumingin naman ito sa'kin ng taas kilay at lumapit sa'kin, paki-ramdam ko at tinitignan nito buong pag-katao ko. Maka-lipas lamang ang ilang minuto at tumigil ito sa harap ko, napa-tingin naman ako rito at naka-ngiti na ito sa'kin.
"Infairness ang fresh mo dai, by the way call me Tita Jackylyn," ngiting pakilala nito.
"Nako Tito Eugene wag kami," ngising sabat ni Edrian.
"Punyemas ka bayot pasalamat ka ikaw paborito kong pamangkin," gigil na sagot ni Tita Jackylyn.
Dahil Don ay tumatawa kaming pumasok sa bahay nito, pina-upo naman kami ni Tita Jackylyn sa sofa.
"I'll just get some drinks wait for me ha, ikaw bakla sumunod ka." Pingot ni Tita Jackylyn.
"Aray Tito Eugene!" tili ni Edrian.
"Punyemas ka barbie na'ko yan parin tawag mo sa'kin!" sigaw din ni Tita Jackylyn.
"Bakit hindi gamitin ni Edrian ang sandata nya?" tanong ni Morrigan.
"Hindi nya pwedeng gamitin yun para manakit ng kapwa," sagot ko.
"Sinasaktan naman sya ah," naguguluhang sagot naman ni Morrigan.
"Ganto yan Morrigan, ang mga tao ganyan mag-lambingan kapag kamag-anak," sagot ni Jannelliza.
"Ahh naiintindihan ko na," ngiting sagot ni Morrigan.
"Here some snacks," ngiting sabi ni Tita Jackylyn.
"Thank you po," ngiti naming sagot.
"I'm Jackylyn Reyes Tita ni Edrian," pakilala ni Tita Jackylyn.
"Ako naman po si Ivan, siya si Morrigan at eto si Jannelliza." Turo ko kay Morrigan at Jannelliza.
"Teka Jackylyn Reyes, diba ang Real name mo Eugene Reyes Jr," pangangasar dito ni Edrian.
"Ang sama talaga ng tabas ng dila mo bakla," sagot ni Tita Jackylyn at pinasakan ng sandwich bibig ni Edrian.
Agad naman kaming kumain at maka-lipas ang ilang minuto ay busog na busog kami, si Tita Jackylyn naman ay inaya kami sa second floor ng bahay nya.
"Welcome to my beauty room," ngiting sabi ni Tita Jackylyn.
At binuksan ang isang pink na pinto at bumungad samin ang napaka-raming gown, wigs, heels, and other stuff.
"Heaven!" tili ni Edrian bago ako hilain.
"Dahil ikaw Ivan ang lalaban I think this heels will fit perfectly on you." Abot ni Tita Jackylyn ng dalawang heels.
Kinuha ko naman ito, the first one is a black high-heeled gladiator with 4 inches heels, the second one is matt red stiletto na may 5 inches na heels, ngumiti naman ako at isinuot ito.
"Perfect!" tili ni Edrian.
Si Tita Jackylyn naman ay pumalakpak while Morrigan and Jannelliza gave me a thumbs up.
"Try to cat-walk," ngiting sabi ni Tita Jackylyn.
"Uhm that's the problem po." Kamot ilong kong sagot.
"Why?" she asked.
"I don't really know how to walk with heels," I honestly answered her question.
"Don't worry dear, Edrian tulungan mo sya papunta dito sa line." Turo ni Tita Jackylyn sa isang black line na siguradong electric tape.
Tumayo naman ako at dahan-dahang nag-lakad papunta sa black line.
"Now always remember when doing a cat-walk your back should be straight, core tight, and shoulders back and down but in a relaxed manner, not forced. As you walk, your arms should swing slightly and you should keep your hands relaxed all the time. This will also help you keep a strong pace. Don't move your hips too much, they should stay straight," she said while walking like a model.
Sinubukan ko naman itong gayahin pero muntik ako matumba, mabuti na lamang hinawakan ako bigla ni Edrian, si Tita Jackylyn naman bigla akong tinaasan ng kilay.
"It's your first contest right?" she asked.
"Yes po," sagot ko.
"And you know that you only have 6 hours to train yourself, right?" she asked once again.
"Yes po." Yumukong sagot ko.
"Pwes call me Ma'am and within 4 hours I'll turn you into a Queen like me," seryosong sabi ni Tita Jackylyn.
Lumapit naman ito kay Edrian at pina-upo ito, si Tita Jackylyn naman ay agad inayos ang pustura ko simula sa tayo.
"Now I want you to repeat my step understood?" Tita Jackylyn asked.
"Yes Ma'am," sagot ko.
At nag-simula kaming rumampa.
Edrian pov:
Natuwa naman ako dahil mukang mabilis matututo si Ivan sa pag-lakad habang may suot na heels, ako naman ay tumayo kaya napa-tingin sa'kin si Jannelliza at Morrigan.
"Saan ka pupunta?" tanong ni Jannelliza.
"Basta sundan nyo kong dalawa," sagot ko.
Nag-tataka man ay sumunod parin sila sa'kin.
"Ayon dun sa contest may 4 na round, 1st round is Catwalk, 2nd round swimsuit, 3rd round is question and answer, last round is coronation," paliwanag ko.
"Tapos?" tanong ni Jannelliza.
"Now humanap kayo ng dalawang gown na tingin nyo babagay sa catwalk at question and answer, while I'll be looking for swimsuit and coronation gown," sagot ko.
Tumango naman sila at nag-simulang mag-hanap, napa-tingin naman ako sa isang bikini na kulay red at sa baba nito at isang backless tube type gown na may slit sa legs.
" Perfect," tanging nasabi ko at inabot ito.
"Edrian ok ba ito?" biglang tanong ni Jannelliza at Morrigan.
Tinignan ko ito at napa-ngiti ako, Jannelliza is holding a red silk offshouldet gown na may ribbon sa gitna, while Morrigan is holding a white gown na tila suot ni Kumareng Elsa sa Frozen 2.
"Perfect yan mga ses," sagot ko.
Umupo naman sila at pinanuod si Ivan sa pag rampa nito, ako naman ay pumunta sa tapat ng vanity mirror ni Tita Jackylyn at tinignan ang mga makeups nito.
"Ivan," tawag ko kay Ivan.
Tumingin naman ito sa'kin na tila nag-tataka.
"Oh looks like your looking for the right shade for his face my darling," ngiting sabi ni Tita Jackylyn.
"Tama ka Tito Eugene," sagot ko.
Binato naman ako nito ng papel pero inilagan ko, natawa naman ako ng bigla ako nitong irapan. Muli naman akong tumingin sa tatlong eyeshadow pallet na nasa harap ko at mukang naka-isip ako ng look na babagay kay Ivan, kinuha ko naman ang huling kailangan at napa-ngiti, he'll definitely win the Crown after all of this.
Jannelliza pov:
Kita ko na nag-pupursige si Ivan sa pag-lalakad nya gamit ang heels.
"Jannelliza pwede mo ba akong samahan sa palikuran?" tanong ni Morrigan.
"Sure," sagot ko.
Pag-baba namin ay agad kong tinuro ang tamang pag-gamit ng banyo kay Morrigan, makalipas ang ilang minuto ay lumabas na ito.
"May problema ba?" tanong ko.
Dahil biglang napa-tigil si Morrigan, sa halip na sumagot ay tumakbo ito papunta sa backyard ni Tita Jackylyn. Nagulat ako nang makalabas kami ay may isang nilalang na naka-silip sa bintana nila Tita Jackylyn kung nasan sila Ivan, susugod sana ako nang biglang kontrolin ni Morrigan ang tubig mula sa pool ni Tita Jackylyn at kinulong ang nilalang dito.
"Kumuha ka ng matulis na bagay!" sigaw ni Morrigan.
Kinuha ko naman ang garden scissor ni tita at pag-bagsak ni Morrigan sa nilalang na naka-tingin kila Ivan at agad ko itong sinugod at sinaksak NG gunting, muntik naman itong umungol pero pina-ikutan ni Morrigan ng tubig ang ulo nito.
"Mukang may sumusubaybay nga sa'tin," seryoso kong saad.
"Sasabihin ba natin to kay Ivan?" tanong ni Morrigan.
"Hindi muna sa ngayon," sagot ko.
At muli kaming umakyat sa 2nd floor ni Tita Jackylyn, mukang kailangan namin mag-handa para mamayang gabi.