“LAR (Ikatlo)”

1410 Words
Thirdperson pov: Matapos hawakan ni Rea ang rosaryo ay nakaramdam s'ya ng kakaiba sa kan'yang katawan nya dahil tila gumaan ito at lumiksi. “Ano pang hinihintay natin simulan na ang laban,” saad ni Clarisse at inilabas ang isang itim na stick. Si Rea naman ay pumikit at lumiwanag ang mahiwagang rosaryo at naging Latigo ito, mabilis muli sumugod si Kimmy kay Rea ngunit bago pa ito makalapit ay hinampas agad ito ni Rea ng latigo kaya tumalsik ito. “Kimmy!” sigaw ni Clarisse. Galit na bumaling ang tingin ni Clarisse kay Rea at pinaulanan ito ng bolang apoy, mabilis naman umilaw muli ang sandata ni Rea at naging pananggala ito. Si Rea naman ay nakita nyang tila sinusubukan makapasok ng dalawang aswang sa bintana ngunit tila may harang dito, tumayo naman si Kimmy ng mapansin nasa iba ang atenyon ni Rea at pinatamaan si Rea ng kidlat na hindi nito inasahan kaya tumalsik ito. “Hihihi.” Pumapalakpak na tawa ni Kimmy. Si Rea naman ay pilit tumayo at binago muli ang anyo ng kanyang sandata at naging sibat ito, nag paulan naman muli ng mga bolang apoy si Clarisse ngunit nahahati ito ni Rea si Kimmy naman ay naging spada muli ang stick nito at sumugod kay Rea na kinaalisto ng dalaga. “Papatayin kita!” sigaw ni Kimmy. “Mauuna ka,” seryosong saad ni Rea. Kasabay nito ang pag ilaw ng kanyang sibat at naging itak ito ngunit biglang naglabas ng mahika si Clarisse kaya nag palit ang pwesto nila ni Kimmy at si Clarisse ang nasaksak ni Rea. “Hinde!” sigaw ni Kimmy. Nagulat naman si Rea dahil tila nagiging tuyot na dahon na dahon si Clarisse at makalipas ang ilang sandal pa’y nag laho ang katawan nito. “Pag babayaran mo to,”galit na saad ni Kimmy. At sumakay sa walis nito at lumipad paalis. Rea pov: Nakatingin ngayon ako sa itak na hawak ko at namangha dahil lumiwanag pa ito, ngunit biglang nabaling ang tingin ko ng makarinig ako ng putok ng baril. “Phoebe,” saad ko. At mabilis tumakbo sa loob ng bahay at ginawang pana itak na hawak ko, kita ko naman si itay na mahusay na nakikipag laban kaya dumiretso ako sa loob. Pag pasok ko sa bahay ay bumungad agad sakin si Kapitan Darel na walang malay at isang aswang na tila pilit pumapasok sa pintuan nila Phoebe, kaya naman inunat ko ang tali ng pana ko at nag karon ito ng tila palaso at kasabay ng pagharap sakin ng aswang ay agad ko itong pinakawalan na tumama sa ulo nito. “Phoebe ayos ka lang ba?” Tanong ko dito. “Oo ayos lang kami pero si Darel,” saad nito at tila naiiyak. Pansin ko naman ang isang malusog na sanggol sa tabi nito kaya napangiti ako, lumapit naman ako sa walang malay na si Darel at tinignan kung ayos lang ba ito at kasabay nito ang pag pasok ni itay ay inalalayan si Darel pahiga sa sofa. “Ayos lang sya nawalan lang ng malay dahil siguro sa lakas ng pag kakatama nya sa pader,” saad ni itay. Kinaumagahan din ay nag ka malay na si Darel at labis ang tuwa nito ng makita ang panganay nila ni Phoebe. “Napaka gwapong bata nya at nakuha nya ang hulma ng muka mo Darel,” saad ni Phoebe. Habang kami ay nag aagahan, pansin ko naman na seryoso lang si itay at umiinom ng kape. “Alam ko na ang ipapangalan natin,” ngiting saad ni kapitan Darel. “Ano?” tanong ni Phoebe. “Patrick Jepoy Chavez,” ngiting saad ni Darel. Tila natuwa naman ang sanggol na hawak nito kaya napangiti ako. “Alam ko na kung sa bakit gusto nilang makuha ang anak nyo,” biglang saad ni Itay. “Ano ang ibig mong sabihin ka Ralph?” tanong ni Kapitan Darel. “Si Jepoy ay ipinanganak sa araw ng asul na buwan,” saad ni Itay. Na kinataka nila Kapitan Darel at Phoebe pero ikana bigla ko naman. “Kada limang taon may mga nanganganak sa panahon ng asul na buwan, ang mga sanggol na pinanganak sa loob ng asul na buwan ay nakakapagbigay lakas sa mga masasamang elemento pag nainom nila ang dugo nito,” paliwanag ko naman. Bumakas naman ang takot sa mag asawa kaya mabilis itong siningitan ni itay. “Wag kayo mag alala dahil pag di nila nakuha ang sanggol sa unang limang minuto nito sa mundo ay wala na itong silbi para sa kanila,” dagdag ni itay. Kaya naman tila naka hinga sila ng maluwag. Ludwig pov: “Ano ang kaylangan mo dito Reyna Louiza?” tanong agad ni ama. “Hindi mo man lang ba ako papapasukin sa palasyo mo Haring Krishmar,”ngising saad ni Louiza. Susugod sana ako ngunit mabilis hinawakan ni Louie sa balikat, pag tingin ko kay Louiza ay nakangisi itong nakatingin sakin. “Ano ang sadya mo sa kaharian ng mga puting engkanto Louiza?” ma otoridad na tanong ni Marcial. Napatingin naman ng masama si Louiza kay Marcial bago sumagot. “Para ipaalala ko sayo isa akong Reyna! nandito ako upang mag lahad ng isang kasunduan na tiyak hindi nyo matatanggihan,” ngising saad nito. Kita ko naman ang pag tango ni ama dito at napa atras kami ng balutin sila ng asul na bilog at tanging si ama at Louiza lang ang nasa loob, pansin ko din ang pag alis ng mga alagad nito kaya naman mabilis akong umalis. “San ka pupunta?” tanong ni Louie na syang nakasunod sakin. “Sa mundo ng mortal at titignan ko ang napupusuan ko,” sagot ko. Tila nagulat naman ito ngunit wala itong nagawa kung hindi tumango, pag dating ko sa mundo ng mortal ay nagulat ako ng makita kong mukang paalis na sila Rea pero mas ang nag pagulat sakin ay amoy ng dugo ng mga nilalang ng kadiliman. “Nag balik ka,” biglang saad ng isang tinig. Nagulat naman ako dahil dito pero pag tingin ko ay si Rea pala ito. “Ahh oo mag papaalam sana ako sayo,” ngiting saad ko. Pero seryoso lang ito tumingin sakin bago ako hilain papasok sa kakahuyan, pag kaatapos ng ilang minuto ay tumigil na kami katapat ng isang puno pero naabahala ako ng makaramdam ako ng itim na elemento. “Ah Rea mabuti pa wag tayo dito,” saad ko. Pero nagulat ako ng bigla nya akong tinutukan ng itak. “Umamin ka sino ka? At anong nilalang ka?” seryosong tanong nito. Kaya napa atras ako pero kita ko na nanangisi ang isang aswang sa likuran nya. “Rea ibaba mo ang sandata mo,” mahinahon kong saad. Ngunit lalo lang nitong tinutok sakin ang kanyang sandata kaya naman hindi ako nag dalang isip na itulak ito. Thirdperson pov: Pag tulak ni Ludwig kay Rea ay agad nyang inatake ang aswang na papunta sa kanila, nagulat naman si Rea dahil pinatay ni Ludwig ang isa palang pasugod na aswang na malapit sa kanya. “Bakit mo yun ginawa?” nag tatakang tanong ni Rea. “Kaya kong mag paliwanag pero kaylangan mong mag tiwala satin dahil kaylangan natin lumayo dito,” saad ni Ludwig. Kita naman ni Rea ang pag aalala sa muka ni Ludwig kaya tumango ito, mabilis hinablot ni Ludwig si Rea papalayo. “Bakit mo ko iniligtas?” tanong ni Rea. “Dahil isa akong puting engkanto, madami kayong di alam sa mga katulad naming elemento,” paliwanag ni Ludwig. Natahimik naman si Rea dahil sa tinuran ni Ludwig. “Saan nang galing ang itak na hawak mo kanina?” tanong ni Ludwig na nakapag basag ng katahimikan. Pinakita naman agad ni Rea ang rosaryo. “Ito ang rosaryo, itong 6 na bilog na nakapalibot sa krus ay mga sagradong sandata na kayang pumatay ng masasamang element,” Paliwanag ng dalaga. “Nakaka mangha ngunit baka hinahanap kana ng iyong ama,” saad ni Ludwig. “Tama ka mauuna nako, salamat sa pag ligtas sakin,” saad ni Rea. Mag lalakad na sana ito ngunit mabilis syang pinigilan ni Ludwig. “Bakit?” nag tatakang tanong ni Rea. “Mag kikita paba tayo muli?” balik na tanong ni Ludwig. Ngumiti naman si Rea bago sumagot. “Bukas ng gabi sa taas ng bundok,” ngiting sagot ni Rea Dahil don nakangiting nag paaalam si Ludwig.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD