Bu (Ikalawa)

1080 Words
Ludwig pov: Nakamasid ako ngayon sa mga gwardya sa aming palasyo dahil gusto kong pumunta sa mundo ng mga mortal, ngunit bigla akong nagulat ng may mag salita sa likod ko. “Prinsepe Ludwig ano nanaman ang tumatakbo sa isipan mo?” biglang tanong ng malapit kong kababata na si Louie. “Balak ko pumunta sa mundo ng mortal Louie.”Tumatalon kong sagot dito. “Nababaliw ka ba? Alam mong magagalit si Haring Krishmar sa naiisip mo Prinsipe Ludwig,” nanlalaking mata na bulalas ni Louie dahil sa sinabi ko. “Walang magagalit kung walang makaka alam ng gagawin ko,” ngiting pag papakalma ko dito. “Ano paba gagawin ko kung hindi tulungan ka,” saad ni Louie at napahilamos ng muka dahil sa sagot ko. Napangiti naman at mabilis kaming lumabas ng palasyo patungo sa pinto ng kabilang mundo ang mundo ng mortal, pag dating naming sa puno na nag dudugtong sa lugar ng mga mortal ay agad kinuha ni Louie ang atensyon ng mga taga bantay kaya pag alin ng mga ito ay mabilis kong binuksan ang portal papuntang ibang mundo. “Agata Resuba (Open Gate),” saad ko at nag bukas ang lagusan kaya mabilis akong pumasok dito papuntang mundo ng tao. Napansin ko naman ang isang bunga ng prutas kaya inakyat ko ito, mabilis ko naman kinontrol ang isang dahon at tila ginawa itong punyal upang hiwain ang prutas na hawak ko para makain it. Habang kumakain ay napansin ko naman ang isang babae na palapit sa puno na kilalagyan ko, natulala naman ako bahagya dahil sa ganda ng muka nito na pinaresan ng mala rosas na labi at kayumanging mata. “Sino ka?” biglang bulalas ko ng di namamalayan. Napatingala naman ito sa kinalalagyan ko bago sumagot. “Ako si Rea, ikaw ano ang ginagawa mo dito sa puno sa likuran ng bahay nila Kapitan Darel?” sagot nito sakin na sinundan agad ng tanong. Napangiti naman ako ng mabasa ko ang nasa utak nito dahil pinupuri ako nito. “Ang ganda ng luntian nyang mata,” saad nito sa kanyang isipan. “Ako pala si Ludwig,” sagot ko sa tanong nito. “Mabalik ko lang, ano ang ginagawa mo sa puno nila Kapitan Darel?” tanong muli nito. Bahagya naman ako nataranta sa tanong nito ngunit gumawa ako kaagad ng palusot. “Ahh napansin ko kasi iting puno galling ako sa bundok nag hahanap kami ng mga pwedeng ipang gatong ni itay,” sagot ko dito “Eh ikaw ano ginagawa mo dito?” dagdag na tanong ko kay Rea. “Kasama ko si Itay dahil manganganak na ang asawa ni kapitan,” sagot naman nito sakin. Tila mag sasalita pa sana ito ng mapako ang paningin nito sa likod ng puno, pagtingin ko ay si ama pala ito. “Ludwig!” bulong na sigaw nito sakin. “Tay,” gulat na saad ko at bumaba sa puno. “Ano ang sinabi ko Ludwig?” seryosong saad nito. “Pasensya tay, ay eto pala si Rea.” Pagtulak ko kay Rea sa harap ni ama. “Magandang hapon po sainyo,” bati ni Rea kay ama. “Magandang hapon din,” maikling sagot naman nito nito. Mag sasalita pa sana muli si Rea ng bigla kami makarinig ng sigaw ng isang lalake mula sa bahay na malapit sa puno. “Rea tara na at hapunan na!” sigaw nito. “Sige ho,” sagot ni Rea. Pero nagulat naman ako ng bigla akong hilain ni ama papasok sa puno, muli naman ako nito kinaladkad papuntang palasyo ngunit sa tenga ko ito nakahawak. “Aray ama!” hiyaw ko sa sakit. “Napakatigas ng ulo mo Ludwig,” seryosong saad nito. “Ngunit ama dapat hindi mo muna ako binalik sa palasyo,” pag mamaktol ko. “At bakit?” tanong nito. “Dahil mukang ang babaeng yon ang aking napupusuan,” saad ko habang inaalala ang muka nya. “Nahihibang kana ba Ludwig, isa kang engkanto hindi lang basta engkanto kung hindi prisipe pa!” bulyaw nito. Mag saasalita pa sana ako ngunit dumating na ang gamin punong kawal sa aming kaharian. “Haring Krishmar patungo ho rito ang reyna ng mga itim na element,”seryosong saad nito. “Anong kaylangan ng itim na reyna sa palasyo natin,” saad ko. “Yun din ay hindi naming alam Prinsepe Ludwig,” sagot ni Marcial na syang pinuno ng nga kawal. “Marcial ihanda mo ang hukbo, sabihin mo na pag nag hatid ng gulo ang reyna ng itim na engkanto ay wag mag dalawag isip na makipag laban.” Tumayong saad ni Ama. “Mahal na hari,” saad ng bagong dating na si Louie. “Louie mag handa kayo ni Ludwig maaaring mag karon ng gulo,” seryosong saad ni Ama. “Masusunod Haring Krishmar,” saad ni Louie at yumuko. Mabilis naman ako nag lakad pabalik sa aking silid, pag pasok ko ay agad binuksan ni Louie ang aparador kung saan nag lalaman ang aking kalasag at mga sandata. Habang sinusuot ko ang aking kalasag ay pansin ko na suot na ni Louie ang kanyang kalasag at hawak na nya ang kanyang pana, pag labas naming ay nakita ko agad sa aking bintana na nasa harapan na ng palasyo sila Ama. “Sa bintana na tayo dumaan Louie,” saad ko. “Masusunod prinsipe,” pag sang ayon nito. Kinontrol ko naman ang isang puno na malapit sa bintana at ginawa itong parang hagdan. “Mag madali,” utos ko. Mabilis naman bumaba si Louie na sinundan ko, nang makalapit kami ay pansin ko agad ang pag dilim ng kalangitan. Thirdperson pov: Si Ralph ngayon ay hawak ang isang itak at hinarap ang dalawang mang kukulam. “Ano ang kaylangan nyo sa anak ni Phoebe?”seryosong tanong ni Ralph. “Wala ka na dung paki alam tanda,” saad ni Clarisse isa sa dalawang mangkukulam. “Pwes mamatay kayo,” saad ni Ralph. Mabilis naman sumugod dito si Ralph ngunit sinalag ng mabilis ni Kimmy ang mga atake nito at sinipa si Ralph, napatalsik naman ito. “Tay!” sigaw ni Rea. At mabilis ito tumakbo papalapit kay Ralph. “Masyado malakas si Clarisse at Kimmy pag mag kasama,” saad ni Ralph. “Ako ang haharap sa kanila,” seryosong saad ni Rea. Tatayo na sana si Rea ng bigla itong hinawakan ng ama, nagulat naman si Rea nang gawin muli nitong Rosaryo ng kanyang ama ang itak na hawak nito at inabot ito sa kanya. “Ano ito tay?” naguguluhang tanong ni Rea. “Ako na bahala sa mga aswang at manananggal ikaw ngayon ang makipag laban sa dalawang bruha,” saad ni Ama. Tumango naman si Rea at nagpalit sila ng sandata, pumunta naman ngayon si Rea sa harap ng dalawang bruha. “Mukang hindi na kami kinaya ni Tanda, atsaka ako palang ang umatake,” mayabang na saad ni Kimmy. “Tignan natin,” seryosong banta ni Rea.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD