YO (Huli)
Thirdperson pov:
Lumipas ang ilang buwan at tuluyan na ngang nahulog ang loob ni Rea kay Prinsipe Ludwig ngunit lingid sa kaalaman ni Rea ay may sikreto ang binatang mimamahal nya, kaslukuyan ngayong nasa palasyo si Ludwig papunta sa ama nitong si Haring Krishmar.
"Ama pinapatawag nyo daw ho ako," saad ni Ludwig at yumukod.
"Oo sapagkat nais kong ibalita sa iyo na ipapakasal kita kay Reyna Louiza upang mag karon ng kapayapaan," ngiting saad ni Haring Krishmar.
"Ngunit ama hindri iyon maaari dahil may taong minamahal ko ay nasa mundo sya ng mga mortal," pag sumbat ni Ludwig.
Dahil don napatayo si Haring Krishmar at galit na tumingin kay Ludwig.
"Hindi maaari yang gusto mo Ludwig isa kang prinsipe at dapat alam mo kung ano ikabubuti n gating kaharian!" galit na bigkas ni Haring Krishmar.
Pansin naman ni Ludwig ang pag kislap ng mata ng kanyang ama kaya naman nag salita ito.
"Patawad ama ngunit hindi ko kayo susundin," pinal na saad ni Ludwig
Dahil don biglang nag pakawala ng atake si Krishmar at pinapatamaan si Ludwig na mabilis nitong naiwasan, mabilis naman gumawa ng pananggala si Ludwig at tinakasan ang kanyang ama at pag karating nya sa tapat ng puno papunta sa mga mortal. Si Rea naman at kasalukuyan nag lilinis ng kanilang bakuran ng makaramdam sya ng mabigat na prisensya, mabilis itong umilag ng makaramdam ito ng sang bagay na muntik tumama sa kanya.
"Sino kayo?" seryosong tanong ni Rea.
Dahil 10 lalake ito at lahat at may dalang mga sibat kaya naman mabilis binago ni Rea ang kanyang Rosaryo at naging latigo ito, mabilis winasiwas ni Rea ang kanyang latigo sa isang kalaban na malapit sakanya at naging abo agad ito.
"Sugod!" sigaw ng tila pinuno.
Naging Sibat naman ang latigong hawak ni Rea at nakipag laban, habang nakikipag laban si Rea ay biglang sumulpot si Ludwig at pinatay ang natitirang mga itim na element.
"Ayos ka lang ba?" tanong ni Ludwig ng makalapit sya kay Rea.
Mabilis namang yumakap si Rea kay Ludwig.
"Anong ibig sabihin nito Rea?" biglang saad ng isang lalake.
Pag tingin ni Rea ay ito pala ang kanyang ama na si Ralph.
Rea pov:
Mabilis naman ako yumakap kay Ludwig matapos nya akong tulungan sa mga kalaban ngunit biglang napukaw ang atensyon ko ng makarinig ako ng isang boses.
"Anong ibig sabihin nito Rea?" biglang saad ng isang lalake.
Pagtingin ko ay si itay ito kaya mabilis kong itinago si Ludwig sa likuran ko.
"Itay," kinakabahan kong saad.
"Mamaya kayo mag paliwanag ngayon ay mag bago ka muna ng anyo at puputa tayo sa bahay," mahinahon ngunit may otoridad na saad ni Itay.
Pag dating namin sa bahay ay pinaupo kami nito sa sofa.
"Anong ibig sabihin nito Rea?" tanong ni Itay.
Kaya naman pinaliwanag ko dito kung ano nga ba ang tunay na namamagitan samin ni Ludwig at sinabi din ni Ludwig ang kanyang tunay na katauhan, mahabang katahimikan naman ang bumalot samin nila Ludwig hanggang sa binasag na lang ito ni itay.
"Matagal na pala ito ngunit bakit di mo sinabi sakin Rea?" seryosong tanong ni Itay.
"Ako na ang humihingi ng paumanhin pagkat alam namin na may poot sa puso mo tungkol sa mga katulad kong engkanto Ralph," seryosong sagot ni Ludwig.
Dahil don nabaling sakanya ang paningin ko.
"Tama ka dahil pag katapos manganak ni Trisha ay bigla itong nag laho na tila isang bula," sagot ni itay.
Tatayo sana ako palapit dito ng makaramdam ako ng p*******t ng tyan.
"ARAY!!!" hiyaw ko.
At pag katapos nito ay nawalan na ako ng malay.
Ludwig pov:
Nakabantay ako ngayon sa walang malay na si Rea at di ko maiwasang mapangiti napagmamasdan ko ang ganda nito, napatigil naman ako ng tumikhim ang ama nito na si Ralph
"Alam mo bang nag dadalang tao sya at ang bata sa tiyan nya ay may dugong engkanto," seryosong saad nito.
"Mahal ko ang anak mo at pangako ko na gagabayan ko din ang bata sa sinapupunanan ni Rea," saad ko at hinawakan ang kamay ni Rea.
"May isang linggo ang isang tao bago nila ipanganak ang anak ng isang engkanto," huling saad ni Ralph at lumabas.
Louiza pov:
"ANO!!" sigaw ko ng matanggap ko ang balitang nakatakas si Ludwig.
"Ayon sa kanya ay may iniibig syang mortal," paliwanag ni Krishmar.
Napangisi naman ako kahit pa paano dahil gumagana ang mahika ko na binigay sa Hari ng mga puting engkanto na si Krishmar, napatigil naman ang pag titig ko dito ng pumasok si Kimmy.
"Mahal na Reyna," saad ni Kimmy at nag bigay galang.
"Bakit ka napa rito?" pag tatanong ko.
"Kilala ko ho ang babaeng napupusuan ni Prinsipe Ludwig," saad nito.
Dahil don diretso akong napa tingin dito.
"Sino?" muling tanong ko dito.
"Ang pangalan nya ay Rea at sya ang pumatay sa kapatid kong si Clarisse, at ayon pa sa aking alaga ay manganganak na ito." Sagot ni Kimmy sa tanong ko.
Dahil don napatayo ako dahil sa galit.
"TAWAGIN ANG MALALAKAS NATING ALAGAD AT SIGURADUHIN NYONG MADADAKIP NATIN SI LUDWIG!!!" sigaw ko.
Hindi kayo magiging masaya.
Rea pov:
Nagulat ako ng malaman ko na ako ay buntis pala at malapit na ako manganak.
"Ano ang iniisip mo Rea?" biglang tanong ni Itay.
"Iniisip ko lang kung paano kung buhay si Inay," ngiting saad ko.
"Ang ina mo ay isang magaling na guro at isa syang mabuting tao at panigurado ay matututwa sya pag nalaman nyang buntis ka," ngiting saad ni Itay.
"Ginoong Ralph," humahagos na saad ni Ludwig.
"Bakit Ludwig?" tanong ni Itay.
"Nag hatid sakin ng masamang balita ang hangin, ayon sa kanila ay susugod ang reyna ng kadiliman satin," paliwanag nito.
"Kaylangan natin mag handa," seryoso kong saad.
Tatayo na sana ako ng makaramdam ako ng pag hihilab ng aking tiyan kaya napaluhod ako, mabilis naman lumapit sakin si Ludwig at inupo ako.
"Mukang manganganak kana Rea," saad ni itay
"Ako na ang lalaban sa mga alagad ni Louiza," saad ni Ludwig at lumabas ito.
Thirdperson pov:
Kasalukuyan ngayong nakahiga si Rea sa higaan habang hawak ng kanyang ama ang kamay nito.
"Manganganak na sya," saad ni Alyanna na isang kumadrona at manghuhula at kaibigan ni Rea mula pag ka bata.
Si Ludwig naman ay naka tayo ngayon sa bakuran nila Rea.
"Kapangyarihan ng kalikasan aking hiling ay inyong dinggin, tulungan akong labanan ang kadilima na paparating," saad ni Ludwig.
Bigla naman umalog bahagya ang lupa at biglang tumubo ang mga ugat at may mga kamay at paa ito, bigla naman na alerto si Ludwig ng biglang humangin ng malamig kasabay ng bahagyang pag dilim ang paligid at umulan.
"Wag mo sabihing mag lalaban kapa Prinsipe Ludwig," ngising saad ng bagong dating na si Louiza.
"Kung yun ang paraan para hindi mo magalaw ang mag ina ko pwes lalaban ako," seryosong saad ni Ludwig.
Sumeryoso naman ang muka ni Louiza at kinumpas ang kamay kaya sumugod ang mga kawal ni Louiza kay Ludwig, bigla naman lumabas ang spada ni Ludwig na may hulmang dahon. Mabilis sinalag ni Ludwig ang atake ng mga kalaban nya habang ang mga higanteng ugat ay nakipag laban nadin, si Luiza naman ay mabilis sumugod sa bahay kung saan nanganganak si Rea ngunit naharang sya ng puno kaya naman nag labas si Louiza ng usok na itim na nilamon ang puno at naging abo ito.
"Rea ire pa! " pag sigaw ni Alyanna.
"Ahhhh!" pag ire ni Rea.
"Anak kaya mo yan." Pag-hawak naman ni Ralph ng mahigpit ang palad ni Rea.
Balik naman sa bakuran ay mabilis nag patubo si Ludwig mga ugat para humarang sa pinto kung saan nanganganak si Rea at bago nya harapin si Louiza.
"Tatapusin ko na lahat ng kasamaan mo Louiza," seryosong saad ni Ludwig.
"Tignan natin," saad naman ni Louiza at lumabas ang isang itim na spada.
Mabilis naman sumugod si Ludwig kay Louiza na sinangga naman agad ng reyna ng kadiliman, si Louiza naman ay sinipa si Ludwig kaya tumalsik ito.
"Ako ang tatapos sayo ngunit papakita ko sayo kung pano ko buburahin sa mundo ang mag ina mo," ngising saad ni Louiza.
"Wag mo idamay si Rea," gigil na sambit ni Ludwig.
Mag sasalita pa sana si Louiza ng bigla itong tamaan ng palaso, pagtingin ni Ludwig kung saan galling ang palasong tumama kay Louiza ay galing pala ito kay Rea, si Rea naman ay nag aalala sa kalagayan ng kanyang kasintahan kaya naman tumakbo papalapit kay Ludwig.
"Rea anong ginagawa mo dito?" tanong ni Ludwig.
"Laban ko din to para sa anak natin," seryosong saad ni Rea.
"Mahusay. " Pumapalakpak na sabi ni Louiza na may daplis ng palaso.
Ginawa namang pananggala ni Rea ang hawak nyang pana dahil binato sila ni Louiza ng itim na mahika, si Ludwig naman kinontrol ang mga dahon at tila ginawa itong matutulis at binato kay Louiza. Si Louiza naman ay mabilis tinunaw ang mga dahon na muntik tumama sa kanya dahil don ay nakakita ng butas si Rea at mabilis ginawang latigo ang pananggala nya na tumama kay Louiza.
"Mukang magaling ka nga Rea," ngising saad ni Louiza habang nakahawak sa balakang nya na tinamaan ng Latigo.
"Hindi ako papayag na malapitan mo ang anak ko,"seryoso namang bawi ni Rea.
Ludwig pov:
Lalapit sana ako kay Rea ng makaramdam ako ng apoy na palapit sakin kaya mabilis akong umilag, pag tingin ko ay mula pala ito sa mangkukulam na si Kimmy.
"Ako ang harapin mo," ngising saad nito.
Kaya naman nag handa ako sa maaari nitong gawin dahil hindi rin biro ang kapangyarihan nito, bigla naman ito nag bato ng mga bolang apoy kaya ginamit ko ang hangin para mag laho ang apoy na ibinato nito.
"Tanggapin mo ito," saad ko.
At nag patubo ng matutulis na ugat na pinasugod sa kanya na mabilis nitong inawasan, muli ko namang kinontrol ang hangin ay gumawa ng ipo-ipo para para pabagalin ang pag papatakbo nya.
"Papatayin kita!!!" sigaw ng mangkukulam na si Kimmy na tinangay ng ipo-ipo na ginawa ko.
Rea pov:
"Mukang di makakatulong sayo si Ludwig," saad ng impakta.
Pag tingin ko sa pwesto ni Ludwig ay tama nga ito dahil kaharap nya ang isang mangkukulam, kaya naman ginawa kong sibat ang sandata ko at hinarap ito.
"Kaya kitang labanan ng mag isa," saad ko.
"Tignan natin," ngising saad nito.
At nag bato ito ng bilog na usok na hiniwa ko sa gitna gamit ang sibat, mabilis naman ako sumugod sakanya at nakipaglaban dito kita ko naman na gamit nya ang isang spada kaya naman ginawa kong itak ang sibat ko.
"Di moko matatalo," ngising saad nito.
Dahil don mabilis ko syang sinuntok at sinipa kaya napa atras ito, galit naman itong tumingin sakin at nagulat ako ng palibutan ako ng 4 na aswang kaya ginawa kong punyal ang sandata ko.
"Tignan natin kung gaano ka katibay," saad ng isa.
At mabilis itong sumugod sakin kaya naman mas mabilis ang kilos ko at ito'y sinaksak, mabilis naman sumugod pa sakin ang tatlong aswang kaya naman ginawa ko ng latigo ang punyal ko ay hinampas ang mga ito. Bigla naman akong tumalsik ng hindi ko inasahan ang pag sipa sakin ni Louiza, pag tingin ko dito ay nakangisi pa ito.
"Magaling ka ngang tunay Rea ngunit sisiguraduhin kong katapusan mo na," saad nito.
At binato sakin kaya napa pikit ako, ngunit makalipas ang ilang sigundo ay nakarinig ako ng daing at pag dilat ko ay si itay ito at sya ang natamaan.
"TAY!!!" sigaw ko matapos itong bumagsak.
Pag lapit ko dito ay napadura pa ito ng dugo.
"Tay kumapit kayo." Pag hawak ko sa kamay nito habang umiiyak kong saad.
"Rea maging matatag ka para sa anak mo," huling saad nito at pumikit ng tuluyan.
"Hindi itay, Itay!!" hagulgol ko.
"Sya pala si Ralph ang albularyong nagpahirap sa mga lipin ko," saad ni Louiza.
Kaya tinignan ko ito ng masama.
"Wala kang karapatan sambitin ang pangalan ng tatay ko!" galit ngunit umiiyak kong sabi.
Kaya naman tumayo ako at sinugod ito pero bigla akong tumalsik ng may tumamang kidlat sakin, pagtingin ko ay kay Kimmy pala ito galing.
"Mukang ikaw na lang ang naka tayo," ngising saad nito.
Pag tingin ko sa paligid ay nakita ko si Ludwig na walang malay habang hawak ng dalawang aswang, napa kuyom ang kamao ko pero may biglang pumasok sa isipan ko.
*Flashback*
Kasalukuyan ko ngayong pinag aaralan ang pag gamit ng pana at habang nag eensayo ako ay biglang dumating si itay, pansin ko naman ang maliit nitong ngiti sa labi.
"Mukang nag eensayo ka anak," ngiting saad nito.
"Oho kaylangan kong pag aralan mabuti ang pag gamit ng Rosaryo lalo na ngayon," ngiting sagot ko.
Bigla naman sumeryoso ang muka ni Itay at huminga ng malalim.
"May problema ba tay?" tanong ko dito.
"Na ikwento ko na ba kung paano napunta sa lahi natin ang Rosaryo?" seryosong tanong nito.
Kaya umiling ako dahil hindi nya ito nabanggit ni minsan.
"Ayon sa ating mga ninuno ang Rosaryo ay ibinigay satin ng isang nilalang na may baluti at puting pakpak, ayon dito ang Rosaryo na yan ay may kakayahang mag bago ng anyo ngunit ang cruz na nasa gitna nyan ay kakaiba," paliwanag nito.
Pero biglang pumasok sa isipan ko ang kanyang sinambit tungkol sa cruz na nasa gitna ng anim na bilog.
"Ano ang kakayahan ng cruz na ito tay?" tanong ko.
"May kakayahan itong pumatay ng nilalang at isumpa ito ngunit mawawala ang mga bilog na nakapalibot dito, ayon pa sa ating ninuno ay dalawang beses lang ito maaaring gamitin. Ang una ay may kakayahang mag sumpa ng isang napaka lakas na nilalang ngunit ang gagamit ng una ay makukulong sa krystal at ang susunod na makaka kumpleto ng 6 na bilog lamang ang maaaring makapag palaya dito, ang ikalawa ay kakayahan upang buhayin ang patay ngunit pag nagamit mo na ang dalawang iyon ng tig isang beses ay hindi mo na ito magagamit liban sa 6 na sandata." Mahabang paliwanag ni Itay.
"Kung ganon ay dapat kong alamin kung kelan ko lamang ito maaaring gamitin tay?" pag tatanong ko.
"Ganon na nga Rea, " maikling saad nito at umalis na.
*end of flashback*
"Pag katapos kita patayin ay sisiguraduhin ko na ang anak mo ang isusunod ko, " ngising saad ni Louiza.
Na syang nakapag balik sakin sa relayidad, at ng mapansin ko na gumagawa ng malakas na atake si Louiza ay ginawa kong pananggala ang sandata ko kasabay nito ang pag talsik ko. Nang maka dilat ako ay kita ko naman ang kumadronang si Alyanna at ang anak ko na umiiyak, mukang eto muna ang huling sandali bago ko makita muli ang anak ko.
"Alyanna alagaan mo mabuti ang anak ko iparamdam mo ang pag mamahal ng isang tunay na Ina," saad ko at lumapit sa kanila.
"Anong ibig mong sabihin?" naguguluhang tanong ni Alyanna.
Ngunit ngumiti lamang ako bago hawakan ang ulo ng aking anak.
"Ivan, Ivan ang nais kong ipangalan mo sa kanya," ngiting saad ko kasabay ng pag tulo ng aking luha.
Kaya naman sa huling pag kakataon ay hinalikan ko ang ulo ng aking anak bago ngumiti ng mapait, pag labas ko ay kitang kita ko ang tawanan ni Louiza at Kimmy.
"Handa kana bang mamatay Rea?" pang uuyam na tanong ni Kimmy.
Tinanggal ko naman ang Rosaryo sa leeg ko at mabilis sumugod sa kanila.
"PIGILAN NYO SYA!!!" sigaw ni Kimmy.
Ngunit mabilis ko lamang silang inilagan, nang makalapit ako kay Louiza ay mabilis ko sakanyang sinuot ang Rosaryo bago nya ko patamaan ng itim na usok.
"Wala ka talagang silbe" ngising saad ni Louiza.
Ngunit ngumisi lamang ako.
"Ako si Rea na syang tagapangalaga ng makapangyarihang Rosaryo na nag papataw ng isang makapang yarihan na sumpa sayo, sa loob ng 3 araw ay mawawala kana sa parehong mundo at pag ikaw ay mag balik ang anak ko ang syang pupuksa sa iyo!" sigaw ko.
Kasabay ng pag ilaw ng cruz na nasa gitna ng Rosaryo at unti unting pag ka laho ng mga bilog nito, napahiyaw naman si Louiza dito, ako naman ay unti unti kong naramdaman ang pag liit ng aking katawan ang parang hinigop ako ng kung anong pwersa.
"Hanggang sa muli aking anak," huling saad ko.
At pumikit ng tuluyan, kasabay nito ang pag hila sakin ng kung anong pwersa.
Thirdperson pov:
Napaluhod naman si Louiza matapos ang nakakasilaw na liwanag.
"Mahal na Reyna," pag aalalay dito ni Kimmy.
"Asan si Rea?" tila hinihingal na saad nito.
Napatingin naman si Kimmy sa kapansin pansin ang marka ng isang cruz sa gitnang dibdib ni Louiza.
"Pinatungan kayo ng sumpa ni Rea, mahal na reyna at iyon sya naging krystal," paliwanag ni Kimmy.
"SIRAIN MO ANG KRYSTAL!!!" sigaw ni Louiza.
Pinatamaan naman ito ng enerhiya ni Kimmy ngunit bumanda lamang sa kanya. Pag tingin ni Louiza sa langit ay papaumaga na kaya naman tumakas na sila.
Alyanna pov:
Napapikit naman ako ng biglang may umilaw ng napaka liwanag kasabay nito ang pag iyak ng anak ng aking kaibigan na si Rea.
"Shhh," pag aalo ko dito.
At pag tingin ko sa kaliwang dibdib nito ay lumalabas ang isang cruz na marka, makalipas ang ilang minuto ay buo na ang cruz kasabay ng pag tilaok ng mga manok kaya naman lumabas na ako. Nagulat naman ng tumambad sakin ang sirang kapaligiran at ang walang malay na katawan ni tatang Ralph, pag lapit ko dito ay pinilit kong hindi sumigaw dahil tila naubusan na ito ng dugo.
"Mahabaging diyos," saad ko ng lapitan ko ito.
"Sya ba ang aking apo Alyanna?" nahihirapang tanong nito.
"Oho, " maikli kong sagot.
"Napaka gandang sanggol, " ngiting saad nito.
Napangiti naman ako ng tignan ang muka ng anak ng aking kaibigan, meron itong tila abong bilugan na dalawa ng pares na mata at di masyadong katangusang ilong at mala rosas na labi, pansin ko din ang ilang hibla ng kulay tsokolate nitong buhok na may ilang puting hibla.
"Ano--- Ano ang ngalan nya," nahihirapang saad ni Tatang Ralph.
"Ivan ho, Ivan ho ang ipinangalan ni Rea," sagot ko dito.
"Magandang pangalan," huling saad nito at pumikit ng tuluyan.
Ako naman ay pumatak ang isang butil ng luha dahil umiyak ang walang muwang na sanggol sa aking bisig.
"Patawad," pag iyak ko.
At mabilis tumakbo ngmakarating ako sa aking bahay ay agad akong nag impake, at ng sumapit ang gabi ay dinala ko ang sanggol na buhat ko sa simbahan.
"Patawad Rea ngunit nakikita ko sa hinaharap na pag nanatili saking ang sanggol na ito ay mamatay ito," saad ko.
Bigla namang umiyak ang sanggol na buhat ko kasabay ng pag kidlat, kumatok naman ako sa simbahan at iniwan sa harap ng pinto ng simbahan ang sanggol. Mabilis naman ako nag dago sa isang malaking puno at makalipas ang ilang minuto ay lumabas ang isang madre, kita ko naman ang pag takip nito ng bibig kaya napa iyak ako.
"Patawad Ivan ngunit mas delikado kung mananatili ka sa tabi ko," bulong ko.
Nang makapasok ang madre sa loob ng simbahan ay agad akong umalis, ramdam ko naman ang bigat sa aking damdamin habang nag lalakad papalayo ngunit ito ang nararapat para sa kaligtaasan nito.