Unang Perlas 11

1375 Words
Ivan pov: Kinabukasan ay masaya kaming nag sasalo-salo ng almusal at patuloy din ang pag papasalamat samin ni Khinnie, matapos namin kumain ay naisip kong mag paalam sa kanilang mag Ina. "Nay Khinnie mukang kailangan na namin mag patuloy sa misyon namin," saad ko matapos kong kumain. Natahimik naman sila ng ilang segundo bago mag salita. "Ayos lang naman 'yon Ivan pero mag I ingat kayo ha," ngiting sabi ni Khinnie. Kaya naman natapos kaming tatlo nila Jannelliza ay agad akong naunang maligo, matapos kong gawin lahat ng serimonyas ko sa katawan ay agad akong lumabas at mag bihis. "Ivan?" tanong ni Khinnie sa labas ng pinto Kaya naman binuksan ko ito at naka-ngiti itong sinalubong. "Ano yun Nay Khinnie?" tanong ko. Ngumiti naman ito bago iabot ang isang sobre, nag tataka man ay binuksan. "Teka hindi ko po ito matatanggap." Abot ko pabalik dito. "Ano kaba para sa'nyo yan alam kong kaunting halaga lang 'yan pero walang katumbas ang binigay nyong tulong sakin, saming mag-Ina," ngiting sabi nito. Wala naman akong nagawa kung hindi bumugtong hininga at tinanggap ang perang ibibigay nito, dumating ang oras ng aming pag-alis at lahat kami ay maluwag na nag paalam sa kanilang mag-ina. Habang umaandar ang bus ay hindi ko maiwasang isipin ang nanay at tatay ko lalo na ang kalagayan nila, bigla naman akong napabalik sa sarili ng biglang may kumalabit sakin, pag tingin ko ay isa itong lalake na siguro ay nasa 6'1 ang tangkad, meron din itong singit na mata at malalim na dimple sa kaliwang pisngi. "Uhm Miss pwede makiupo?" tanong nito sakin. Tumango naman ako at umusog sa may bintana, nang maka-upo ito ay bigla nanaman itong nag salita. "Ay ako pala si Ericson, ikaw ano pangalan mo miss?" pag papakilala na sinundan ng tanong nito. "Ahh Lalake ako and ang pangalan ko is Ivan," ngiting sagot ko. Pansin ko naman na tila natulala ito kaya naman kinalabit ko ito, nabalik naman ito sa sarili bago umubo ng peke. "Pasensya na ha, akala ko kasi babae ka, hindi ko naman alam na lalake ka pala kasi ang amo ng muka mo." Kamot nito sa batok. "Ayos lang, madalas naman akong na pagkakamalang babae." Abot ko sa kamay ko na tinanggap naman nito. Nag patuloy ang byahe at madami kaming napag kwentuhan, nalaman ko na taga manila ito pero mahilig syang mag gala kung saan-saan na lugar sa Pilipinas, nalaman ko din na mula ito sa mayamang pamilya pero hindi ito mapang mata tulad ng ibang mayayaman. "Beks tara na," biglang sabi ni Edrian. Pag tingin ko sa bintana ng bus at nasa Nueva Vizcaya na kami, kaya naman mabilis kong inayos ang sarili ko at bumaba ng bus. Nag paalam din naman sakin si Ericson, dahil nag book daw ito ng hotel. "Hoy beks sino yon?" tanong ni Edrian "Ah si Ericson ati, nakipagkilala kanina sa bus," sagot ko dito. "Infairnes beks ha ang gwapo, type mo?" asar sakin ni Jannelliza. "Mga baliw kakakilala ko lang sa tao kayo talaga," sagot ko dito. Nagtawanan naman sila dahil sa sagot ko habang ako ay napailing, tumigil naman kami sa pag lalakad sa harap ng isang mall at naisipan naming pumasok. "Saan ba makikita yung unang pearl beks?" tanong ni Jannelliza. Kaya naman inilabas ko ang mapa na hawak ko at tinignan ito, nagulat naman ako ng tila nag zoom in ang tinuro ko at ipinakita ko sa kanila. "Omy beks ang galing mga dalawa or tatlong kanto lang ang layo dito sa mall," sabi ni Edrian. Tumango naman ako ng dumating ang order namin, habang kumakain ay bigla akong nakadama ng pag iinit ng rosaryo. "Bakit parang hindi ka mapakali beks?" tanong ni Edrian. "Umi-init ang rosaryo," seryoso kong sagot. "Ibig sabihin may kalaban sa paligid?" tanong ni Jannelliza. Na tinanguan ko naman, natahimik naman kami pero patuloy kami sa pag mamasid, natapos kami pero patuloy lang sa pag init. "Punta lang ako sa restroom." Tumayong saad ko Tumango naman sila kaya pumunta na ako sa banyo, pag katapos ko ay nagulat ako ng makabangga ko ang isang babae. "Hala pasensya na," saad nito. "Ayos lang ako dapat mag sorry hehe," saad ko naman. Ngumiti naman ito at nilagpasan ako, pero dama ko ang lalong pag-init ng rosaryo, napatingin naman ako sa naka bangga ko. Anong nilalang ka, bumalik naman ako sa upuan namin at sinabi ito kila Edrian. "Guys, nakita nyo ba yung babaeng naka bunggo ko kanina?" tanong ko. "Oo naman," sagot ni Jannelliza. "Nag init lalo itong rosaryo nung magka banggaan kami," seryoso kong sabi. "Confront ba natin beks?" tanong ni Edrian. Pero umiling lamang ako. "Tayo mismo ang pupuksa sa kanya pag meron syang ginawang masama," seryoso kong sagot Tumango naman sila, matapos ang ilang oras ay lumabas na kami ng mall at nag lakad papunta kung nasaan malapit ang peslas ng rosaryo, natapat naman kami sa room for rent at dun namin nakita ang isang buntis pero naagaw ng pansin ko ang kwintas nitong may perlas sa gitna. "Magandang hapon po ate, mag kano po renta sa isang kwarto? At kasya po ba tatlong tao sa isang kwarto?" magka-sunod kong tanong. "Ay may isang kwarto dito na pang tatlong tao tapos ang renta ay ₱6,500 sa isang buwan," ngiting sagot nito. "Pwede po ba rentahan 'yon ng isa o dalawang lingo?" tanong ko. "Pwede naman kaso ₱1,600 sa isang linggo," sagot nito. "Pwede ba namin makita yung kwarto Te?" tanong ni Jannelliza. Ngumiti naman ito at pinapasok kami, habang nakatalikod ito ay sumenyas ako kila Edrian na nasa leeg ng babae yung perlas ng rosaryo. "Eto ang kwarto," saad ng babae at binuksan nito ang pinto. Napangiti naman ako dahil napaka aliwalas ng silid na ito kaya naman inabot ko agad ang bayad namin para sa loob ng isang linggo, habang inaayos ko ang gamit ko ay bigla kong naramdaman ang pag-init ng rosaryo kaya mabilis kong binuksan ang pinto, nagulat naman ako ng makita ko yung babae sa mall na nakabangga ko. "Ay teka ikaw diba yung nasa mall kanina?" tanong nito. "Ah Oo, pasensya na," alanganin kong sagot. "Ako nga pala si Mina, ikaw?" pag papakilala nito. "Ivan." Abot ko sa kamay ko. "Pasensya na talaga kanina ha," dagdag ko "Wala yun haha, bago kayo?" tanong naman ulit nito. "Yes, ikaw ba?" tanong ko pabalik. "Mga limang araw palang naman," sagot naman nito. Mag sasalita pa sana ako ng biglang dumating si Cess na syang caretaker ng mga apartment, pero kita ko naman ang bahagyang pag kagat ng labi ni Mina habang nakatingin sa tyan ni Cess. "Ivan eto pala extra key sa kwarto nyo." Abot ni Cess sa susi ng kwarto namin. "Salamat ate Cess." Pag-kuha ko sa susi. "Oh sya pupunta nako sa bahay namin dyan sa baba nandun na kasi si mister," paalam nito na tinanguan ko naman. "Ako din Ivan papasok na sa kwarto," paalam naman ni Mina. Nang pumasok ako sa kwarto ay agad kong kinausap sila. "Yung babae sa mall katapat natin yung kwarto nya," seryoso kong sabi. Nakita ko naman ang pag laki ng mata nila. "Ano pang nalaman mo beks?" tanong ni Edrian. "Sabi din nito ay limang araw pa lang sya sa kwartong inupahan nya," sagot ko naman "Pero anong nilalang sya?" tanong ni Jannelliza kaya bumaling ang tingin ko dito. "Gaga tingin mo ba aamin yung Barbielat na 'yon." Hampas ni Edrian kay Jannelliza gamit ang palad. "Loka-loka ang ibig kong sabihin ay kung ano sa tingin ni Ivan na uri ng halimaw yung babaeng 'yon," bawi naman ni Jannelliza. "Hindi ko alam pero kakaiba ang tingin nya kanina sa tyan ni Cess," seryoso kong sabi. Pansin ko naman na naguguluhan sila, ako naman ay kinuha ang libro ng itim na elemento hanggang sa mapadpad ako sa tapat ng aswang at manananggal. "Hindi kaya aswang or manananggal si Mina?" tanong ko. Kaya naman lumapit si Jannelliza at Edrian sa tabi ko, binasa naman nila ang libro ng mga elemento. "Mukang manananggal sya beks," sagot ni Edrian. "Tama si Edrian dahil manananggal madalas malapit sa buntis ehh," dagdag naman ni Jannelliza. Mukang may pag subok muna kami bago makuha ang perlas ng rosaryo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD