Unang Perlas 12

1355 Words
Thirdperson pov: Dumating ang gabi at kasalukuyang nag-lalakad si Mina at pumunta sa isang bakanteng lote na walang tao, kasabay nito ang pag-labas ni Mina sa isang bote na may kung anong likido sa loob. Ibinuhos nya ito sa kanyang kamay at unti-unting hinimas sa tyan nito, at nito ang unti-unting humihiwalay ang katawan nito sa kanyang kalahating parte ng kanyang katawan at tuluyan din itong nag karoon ito ng pakpak ng isang paniki upang makalipad at naging manananggal na ito ng tuluyan. "Ivan what if palitan tayo sa pag-bantay kay Cess noh?" tanong ni Edrian. "Anong ibig mong sabihin Edrian?" tanong pabalik ni Ivan. "I mean what if palitan tayo sa pag bantay kay Cess tuwing gabi," sagot ni Edrian. "Tama ka Edrian." Tumayong sabi ni Jannelliza at kinuha ang arnis. "Saan ka pupunta Janne?" tanong ni Ivan. "Ako muna mag babantay kay Cess," sagot ni Jannelliza bago lumabas. Jannelliza pov: Kakatapos lang namin kumain at Kasalukuyan namamahinga ng biglang nag salita si Edrian. "Ibvan what if palitan tayo sa pag bantay kay Cess?" tanong ni Edrian kay Ivan. "Anong ibig mong sabihin Edrian?" tanong pabalik naman ni Ivan. "I mean what if palitan tayo sa pag bantay kay Cess tuwing gabi," sagot ni Edrian. "Tama ka Edrian." Tumayong pag sang-ayon ko at kinuha ang arnis ko na nakasandal sa kama. "Saan ka pupunta Janne?" tanong ni Ivan. "Ako muna mag babantay kay Cess," sagot ko sa tanong nito. Pag-labas ko at agad kong sinaksak sa lupa ang arnis ko at nag bago ng suot ko, tumingin sa puno at inakyat ito. Habang nakatingin ako sa bahay nila Cess ay pinikit ko naman ang mata ko hanggang sa makarinig ako ng tila pagaspas ng pakpak, at nakita ko ang isang babae na hati ang katawan pero may pakpak ito. Tumigil naman ito sa ibabaw ng bubong nila Cess at tila may pika kikiramdaman hanggang sa biglang humaba ang dila nito, kaya naman naalerto ako at inilabas ang isang matulis bato bago hampasin ito sa direksyon ng manananggal. Napalayo naman ito dahil nasugatan ito sa braso ito, mabilis naman akong tumalon pababa ng puno at hinabol ang manananggal, umalisto naman ito at nag-simula lumipad palayo kaya naman hinabol ko ito. Thirdperson pov: Habang hinahabol ni Jannelliza ang manananggal ay pasimple namang nag imbistiga si Edrian at Ivan sa kwarto ni Mina. "Pano tayo papasok?" tanong ni Edrian. Pero mabilis namang inilabas ni Ivan ang dalawang hairpin at kinalikot ang pinto hanggang sa bumukas ito. "Tara dali." Hila ni Ivan Kay Edrian papasok sa kwarto ni Mina. Pag pasok ng dalawa ay bumungad sa kanila ang walang taong silid, mabilis na kumilos si Ivan ay nag simula silang mag hanap ng pwedeng maging pruweba na si Mina nga ay isang mangkukulam, hanggang sa nakita ni Edrian ang isang aparador na may anim na bote pero may parang sisiw ito sa loob. "Ivan, look at this," tawag ni Edrian kay Ivan. Kaya naman lumapit si Ivan dito at kinuha ang isang bote, mabilis naman ulit lumabas ang dalawa at pumasok sa kanilang kwarto, si Jannelliza naman ay bumalik sa kanila na bigo at pag pasok nya nakita nya si Ivan at Edrian na may hawak. "Ano yan?" tanong ni Jannelliza. Imbis na sumagot ay inabot ni Ivan ang bote na hawak nya, tinignan naman ito ni Jannelliza at nagulat ito dahil tila isa itong langis na may sisiw sa loob. "Ikaw kamusta pag babantay mo?" tanong ni Ivan. "Naka takas ang bruha pero nasugatan ko ito," sagot ni Jannelliza. "Teka saan mo sya nasugatan?" tanong ni Edrian. "Sa braso," maikling sagot ni Jannelliza. Kaya naman napatingin si Ivan Kay Edrian. "Pwede natin tignan bukas ang reaksyon ni Mina dahil pag may sugat ito sa braso 'yon ang patunay na sya nga ay manananggal," piwanag ni Edrian Kaya naman naisip na nilang mag pahinga dahil bukas na bukas sasabihin nila kay Cess ang kalagayan nya. Ivan pov: *morning* Nagising ako ng maaga at naisipang lumabas habang dala ko ang tasa ko na may kape, kasabay ng pag labas ko ay pag bukas ng pinto ni Mina pero pansin ko ang benda nito sa braso. "Good Morning," ngiting bati ko. "Morning," bawi naman nito. "Anong nangyari sa braso mo?" tanong ko dito. "Ah eh wala na sugatan kasi ako nung tumama braso ko sa kanto ng lababo sa kinainan ko," sagot nito pero dama ko na nag sisinungaling ito. "Ahh ingat na lang sa susunod," sabi ko dito bago bumaba. Mukang tama lahat ng hula namin lalo na ang likidong nasa kwarto ni Mina. °flashback° Bago kami mahiga sa kama namin ay muli kong tinignan ang langis na nasa bote na nakuha namin sa kwarto ni Mina bago ko ilabas ang libro ng mga elementong itim, nagulat naman ng tama ang hinala namin na sya nga ay isang Manananggal dahil ang langis na ito ay gamit upang mag kahiwalay ang katawan nito. "Edrian, Jannelliza, look at this," tawag ko sa kanila. "Ano ba yan?" tanong ni Edrian. "Ayon sa libro itong langis na ito ay mula sa mga balat ng mga ibon habang ang sisiw na ito naman ay mula sa itik na ilang araw pa lamang," paliwanag ko sa kanila na tinanguan naman. "Ayon pa dito ang mga manananggal na meron nito ay pag nag kahiwalay ang katawan nila ay nag kakaroon sila ng kakaibang lakas," dagdag ko. "So mukang hindi biro itong hahanapin natin Ivan?" tanong ni Edrian sakin habang seryosong nakatingin sa'kin. "Tama ka dahil kakaiba ang lakas ng mga mananangal," sagot ko naman. "Bukas na bukas ay sasabihin natin kay Cess ang kalagayan nya," dagdag naman ni Jannelliza. Na tinanguan ko naman bago namin na pag-isipan na matulog. °end of flashback° Matapos ang almusal at umalis ni Mina ay agad kaming lumabas ng kwarto upang puntahan ang bahay ni Mina sa baba, kumatok naman dito si Edrian pero ang nag bukas ng pintuan ay isang lalake. "Oh kayo diba ang bagong upa kahapon?" tanong nito. "Ako nga pala si Ecko asawa ni Cesstuloy kayo," dagdag nito. Pag pasok namin ay nakita namin si Cess na naka-upo habang may hawak itong mga damit para sa sanggol. "Ay kayo pala Ivan upo kayo." Turo nito sa isang upuan. Matapos namin umupo ay agad kong inilabas ang langis, nag tataka namang tumingin sakin ang mag asawa. "Ang langis na'yan at hindi gamit ng isang tao pero gamit ng isang manananggal," seryoso kong saad. Pansin ko naman ang bahagyang pag-laki ng mag asawang si Cess at Ecko. "Manananggal kayo?" kinakabahang tanong ni Cess habang naka hawak sa tyan nito. "Nope, ganto tih ha listen closely. Sya si Ivan isa syang albularyo, while me and Jannelliza kami naman ang apprentice nya sa pakikipag laban sa monster na nakakatakot ang looks." Turo ni Edrian samin ni Jannelliza. "Ngayon panigurado bukas susugod ang manananggal na 'yon pero kailangan namin kayo protektahan, lalo kana Cess dahil ikaw ang target ni Mina," dagdag na paliwanag ni Jannelliza. "Teka yung umuupang si Mina?" tanong ni Cess. Kaya naman tumango kami, pero mabilis akong nag salita. "Isa lang naman ang kapalit nito," saad ko Kaya naman napa-tingin sa'kin si Cess at ang mister nito na si Ecko. "Ano?" tanong ni Ecko Kaya naman inilabas ko ang rosaryo na suot ko. "Ang perlas na suot mo ay pag-aari ng lahi namin, kaya nito mag bago ng anyo at maging sandata pero ang katulad kong albularyo lamang ang may kayang baguhin ang anyo nito," sagot ko. Kaya naman napatingin si Cess sa kwintas nito. "Wag kang mag alala dahil sa oras na matalo namin si Mina ay duon ko kaylangan makuha ang perlas na suot mo bago kami mag patuloy sa pag lalakbay," muling saad ko. "Kung iyon ang nararapat ay ibibigay namin kaagad dahil mas importante ang magiging anak namin ni Ecko kesa sa kwintas na ito," ngiting sabi naman ni Cess. "Wag kayong mag-alala, we will protect you at all cost," pangko ko dito. "Maraming salamat sa inyo," pasalamat naman ni Ecko. Kaya naman ngumiti kami ay tumango.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD