Unang Perlas 13

1771 Words
Kimmy pov: Kasalukuyan ako ngayon nag lalakad sa kaharian ng mga puting engkanto na naangkin namin, habang nag lalakad ay biglang tinawag ako ng bagong Reyna. "Ano ang maipag-lilingkod ko mahal na Reyna?" tanong ko. "Nais kong bigyan mo ng kakaibang lakas si Mina na isang manananggal dahil alam kong makakaharap nya sila Ivan ngayong gabi," sagot naman nito. Kaya agad akong yumukod at nag paalam, mabilis kong ginamit ang kapangyarihan ko upang matunton kung nasaan si Mina. "Teka ikaw si Kimmy, ang Mangkukulam na kanang kamay ng Reyna!" gulat na sabi ni Mina. "Ako nga," ngiting sagot ko. Yumuko naman ito bago mag salita. "Ano po ang maipaglilingkod ko?" tanong nito "Nandito ako para bigyan ka ng malakas na kapangyarihan dahil alam ng reyna na nakaharap mo ang kanyang mga kalaban," sagot ko. "Labis kong ikinagagalak na tutulungan ako ng reyna sa magiging laban ko," galak na sabi nito. Kaya naman itinutok ko ang want ko dito, kasabay nito ang pag labas ng usok sa want ko at pumaikot sa kanya. "Maraming salamat Kimmy." Yumukong pasasalamat nito. Tumango naman ako at bumalik sa lagusan. Ivan pov: Dumating na ang araw na aming inaasahan at kasalukuyan kaming nag hahanda nila Edrian, habang nag-aayos ay naka-rinig kami ng katok at pag bukas namin ay si Mina pala ito. "Ikaw pala Mina," ngiting saad ko. Ngumiti naman ito ng matamis ngunit alam kong may dala itong hindi magandang balita. "Nandito lang ako para bigyan kayo ng balala, alam ko kung ano kayo pero sisiguraduhin kong ako ang mananalo," ngiting sabi ni Mina Kaya sumeryoso ako. "Wag kang mag-alala ako mismo ang mag tutumba sa'yo," sagot ko naman dito. Pansin ko naman na tila nagalit ito at padagbog pumasok sa inuupahan nya, ako naman ay napatingin kila Edrian at Jannelliza na kapwa seryoso. "Mukang magiging malaking labanan ito," saad ko. Tumango naman sila at sumang-ayon. Thirdperson pov: Dumating ang gabi at agad pumunta si Mina sa bakanteng lote kung saan sya mag babago ng anyo, kasabay ng pag babago ng anyo ni Mina ay pag tubo din ng pangil nito at pag haba ng kuko at higit sa lahat ay tila may apoy ito sa dulo ng dalawang pakpak. Si Ivan at Jannelliza naman ay nasa harap ng bahay nila Cess, nagulat naman ang dalawa ng may mga dumating na mahigpit bente na salamangkang hayop. "Mukang tinutulungan sya ng pinaka kalaban natin Ivan," saad ni Jannelliza bago isaksak sa lupa ang arnis nito para mag bago ang anyo. "Tama ka," sagot naman ni Ivan at lumabas ang kanyang sibat. Nakarinig naman ng pagaspas ng pakpak si Jannelliza at nagulat sya ng makita nya si Mina pero tila mas lumakas ito. "Katapusan nyo na!" Sigaw ni Mina. Dahil sa pag sigaw ni Mina ay agad sumugod ang mga salamangkang aso at gorilla kina Jannelliza at Ivan, mabilis ding sumugod ang dalawa sa mga salamangkang hayop. Si Ivan ay mabilis itinumba ang tatlong elementong aso na nasa harapan nya bago batuhin ng shield si Mina na tumama sa pakpak nito, si Mina naman ay binato ng apoy si Ivan na mabilis inilagan ng bida. Si Jannelliza naman ay pinag hahampas ang mga malalapit na halimaw sa kanya, napa-atras naman si Jannelliza ng muntik sya matamaan ng suntok ng gorilla. "Pwede ka pang mag bago Mina!" sigaw ni Ivan. Pero muling nag paulan ng apoy si Mina na inilagan agad ni Ivan, hinarap naman ni Ivan ang tatlong salamangkang lobo at sabay-sabay itong inatake. Matapos harapin ni Ivan ang mga lobo ay tinignan nya ng seryoso si Mina, pero sumugod agad si Mina kay Ivan. "Ivan!" sigaw ni Jannelliza. Hindi ito inasahan ni Ivan kaya naman nabuhat ito ni Mina at ibinaksak sa bubong nila Cess. "Ahhh!" tili ni Cess dahil nakita nya si Ivan na may malalim na sugat sa braso at tila mamimilipit sa sakit. Si Jannelliza naman ay buong lakas na hinampas ang isang salamangkang lobo at tumalsik sa lugar ni Mina kaya bumagsak ito, si Mina naman ay bahagyang nahilo pero mabilis paring pinaulanan ng bolang apoy si Jannelliza. Si Jannelliza ay hinampas ang bawat apoy na binabato ni Mina, dahil dito hindi inasahan ni Jannelliza ang suntok ng Gorilla kaya tumalsik ito. Ivan pov: Namimilipit man sa sakit ay pinilit ko paring tumayo at hinarap sila Cess. "Jusko Ivan ayos ka lang ba?" tanong ni Cess. Kahit pakiramdam ko na dumadaloy ang dugo ko at sumasakit ang buong katawan ko ay tumango parin ako bago lumabas, pag labas ko ay nagulat ako ng makita kong tumalsik si Jannelliza sa isang puno. "Jannelliza!" sigaw ko habang tumatakbo sa puwesto nito. "Hahaha hinding-hindi nyo ako matatalo," tumatawang sabi ni Mina. Pero mabilis kami nag katinginan ni Jannelliza at parehong ngumisi. "Kung hindi ka man namin matalo sinisigurado namin na bukas wala ka nang babalikan pa," bawi ko dito. "Anong ibig mong sabihin?" tanong ni Mina na tila naguguluhan. Pero ngumisi lamang ako hanggang sa may pumito, pag-tingin namin ay si Edrian ito na dala-dala ang kalahating katawan ni Mina. "Ano ka impakta para kalimutan mong tatlo kami," sabi ng bagong dating na si Edrian bago ibuhos ang isang plastic ng asin sa ibabang bahagi ng manananggal. "Hinde!" sigaw ni Mina. Lumipad naman ito palapit sa babang parte nya habang si Edrian at tumakbo papalapit samin ni Jannelliza. "Sheyt sorry medyo late akis," saad ni Edrian bago iabot sakin ang ilang dahong gamot. Hinawakan ko naman ito at pinatong sa sugat ko, kasabay nito ang pag liwanag ng rosaryo at pag-sara ng sugat ko. "Hindi!" biglang sigaw ni Mina. Pag-tingin ko ay unti-unting nalusaw ang ibabang bahagi ng katawan nito, timingin naman ito samin at kasabay nito ay isang pag sabog kaya tumalsik kami. Muli akong tumingin kay Mina at nagulat ako dahil ang pakpak nito ay purong apoy, ang kuko nito at lalong humaba at tumilis at ang mata nito ay lumuluha ng dugo. "Papatayin ko kayong lahat," saad nito. Kasabay nito ang pag bulusok ng isang malaking bolang apoy, dahil dito mabilis akong tumayo at lumabas ang shield ko para haranging ito. "Ackh!" hiyaw ko. Dahil sa lakas nito ay tumalsik ako at napa dura ng dugo. Edrian pov: Mabilis kong sinundan kung saan pumunta si Mina. °flashback° Nasa loob kami ngayon ng bahay ni Cess at gumagawa ng plano. "Bukas ng gabi ay isa satin ang dapat sumunod kay Mina para buhusan ng asin ang ibabang parte nito," paliwanag ni Ivan. "Dahil sa oras na mawalan ang isang manananggal ng ibabang parte ay wala itong babalikan upang mag pagaling o maging tulong nito upang makalakad sa araw," dagdag pa nito. "What if kung si Edrian ang sumunod," biglang saad ni Jannelliza. "Teka bakit ako?" tanong ko. "Bakla lahat sa buong school ay hindi masyadong dama ang presensiya mo pag tahimik maski nga pag lakad eh kaya ikaw ang dapat sumunod," paliwanag ni Jannelliza. Napatango naman ako at walang nagawa kung hindi sumangayon. °end of flashback° Mabilis kong kinuha ang ibabang parte ni Mina at isinilid ito sa plastic bag at kinaladkad ito, pero napatigil ako ng makasalubong ko ang limang lalake na mukang lasing. "Oy Pre oh mukang jackpot tayo," lasing one. "Ah eh mga kuya uuwi nako kaya kung pwede lang ay makikiraan ako." Lumakad kong sabi. Pero bigla akong tinulak ng isang lasing at manyak na ngumiti sakin, dahil dun ay sinuot ko ang asero ko at pinaulanan sila ng suntok pati sipa. "Mga manyak hindi ko trip ma-gangbang noh over my dead not has been touch body." Irap ko bago buhatin ang babang parte ni Mina. Nang makarating ako sa tinitirahan namin ay nagulat ako ng makita kong sugatan si Ivan at may pasa si Jannelliza, napatingin naman sila sakin at ngumisi. Ako naman ay inilabas ang ibabang parte ni Mina bago sumitsit. "Ano ka impakta para kalimutan mong tatlo kami," saad ko bago ibuhos ang isang plastic ng asin. "Hinde!" sigaw naman ni Mina. Lumipad naman ito palapit sa babang parte nya habang si ako naman ay tumakbo papalapit kay Ivan at Jannelliza. "Sheyt sorry medyo late akis," saad ko bago iabot ang isang halamang gamot kay Ivan . Hinawakan naman naman Ito ni Ivanat pinatong sa sugat nya, kasabay nito ang pag liwanag ng rosaryo at pag-galing ng sugat nito. "Hindi!" biglang sigaw ni Mina. Pag-tingin ko ay unti-unting nalusaw ang ibabang bahagi ng katawan nito, timingin naman ito samin at kasabay nito ay isang pag sabog kaya tumalsik kami. Nahihirapan man ay timingin ako kay Ivan at nagulat ako ng tumalsik ito dahil sinalo nya ang malaking bolang apoy na tinira ni Mina. "IVAN!!!" sigaw namin ni Jannelliza. Kaya naman tumayo ako at pinag-dikit ang kamao kasabay nito ang pag-bago ng suot ko at mabilis sumugod kay Mina, kita ko din na tumayo si Jannelliza at sumabay sa pag sugod ko. Mabilis namin itinumba ang gorilla na nasa harap nito at pinaulanan ko ng suntok at sipa si Mina habang si Jannelliza naman ay hampas ng arnis nito, nagulat naman ako ng mag bato ito ng apoy kaya tumalsik kami. Babangon sana ako pero nakaramdam ako ng pag kakasakal at pag lutang ko, pag tingin ko ay sakal-sakal ako ni Mina at sinasakal din nito si Jannelliza. "Papatayin ko kayo!" sigaw ni Mina. Ivan pov: Napatingin naman ako kay Jannelliza at Edrian, nagulat ako dahil sakal-sakal sila ni Mina. Nahihirapan man ay bumangon parin ako, nagulat muli ako ng biglang lumabas si Cess sa bahay nila. "Ivan!" sigaw nito. Kasabay nito ang pag bato nya ng perlas, pag kasalo ko ay agad ko itong idinikit sa cruz. Thirdperson pov: Biglang nabitawan ni Mina si Edrian at Jannelliza dahil sa isang malakas na energiya kaya bumagsak si Jannelliza at Edrian sa lupa, si Edrian naman kahit medyo nahihirapan ay timingin kay Ivan dahil biglang may lumabas na pana sa kamay nito. Si Ivan naman ay nakatingin lang kay Mina bago unatin ang string ng pana nya at lumabas ang isang gintong palaso. "Bumalik kana sa impyernong pinag-mulan mo," huling saad ni Ivan bago bitawan ang string at bago ito mawalan ng malay. Si Mina naman ay hindi naiwasan ang palasong parating kaya tumama ito sa kanyang puso, kasabay nito ang unti-unting pagka-sunog ng katawan ni Mina. -- A/n: Manananggal- it's one of oldest mythical creature in the Philippines that separates from their lower part of body and have its own fangs and wings give it a vampire-like appearance. It's also believed that they like to eat an unborn children.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD