A/n: Ang lahat ng pangyayari, pangalan, at lugar ay likha lamang ng sariling isip at imahinasyon.
Ivan Orson 1
Thirdperson pov:
Lumipas ang 20 taon ay tuluyan na ngang lumaki si Ivan kasama ang mga madre.
"Ivan ayos naba ang mga gamit mo para ngayong taong pasukan?" tanong sa'kin ni sister Josan.
Si sister Josan ang madreng nakapulot at kumupkop kay Ivan nung sanggol pa lamang ito, at ito rin ang tumayong magulang ni Ivan hanggang ngayon dahil hindi na ito naampon pa.
"Opo nay," ngiting sagot ng binatang si Ivan.
"Oh dalian mo na nag hihintay si Edrian sa labas," ngiting saad ni Sister Josan.
Ngumiti naman si Ivan at huminga ng malalim.
Ivan pov:
Pag labas ko ng kumbento ay agad kong nakita ang kaibigan kong si Edrian at pinilit hindi matawa dahil naka full makeup ito, bigla naman itong umirap sakin ng makalapit ako.
"Bakla anong oras na jusko mamimili pa tayo ng gamit for this sem," pag iinarte ni Edrian.
"Ano kaba bawal mag ingay dito," saad ko.
Ngunit inirapan lang ako nito bago kami sumakay sa Jeep, habang nasa byahe ay hindi ko maiwasan mapangiti dahil may kasama kaming mag asawa at tila malapit na manganak yung babae.
"Tara na baks nag hihintay si Tibo satin," pag aaya ni Edrian at hinila ako palabas ng Jeep.
Pag pasok namin ng mall ay nakita ko agad ang kaibigan naming "Tomboy" na si Jannelliza, pag lapit namin dito ay binatukan nya agad si Edrian.
"Ano kaba bakla kung ano ano tinuturo kay Ivan," na aasar na saad ni Jannelliza.
Sila nga pala ang dalawa kong kaibigan, si Jannelliza Camaya 19 years old ang tibo at si Edrian Reyes 20 years old din at ang bakla. Ay ang dami ko ng nasabi di papapala ako nag papakilala ako si Ivan Orson, 19 years old turning 20 at lumaki sa kumbento kasama na si Nay Josan na isang madre.
"Wag na kayo mag talo madami pa tayong bibiling gamit lalo na at malapit na ang pasukan," saad ko.
"Ay oo nga pala alam nyo ba ang balita tungkol kay PJ," biglang saad ni Edrian habang nag lalakad.
"Ay game ano bakla?" tanong ni Jannelliza
Ang PJ na pinag uusapan nila ay si Patrick Jepoy Chavez anak ni Governor Darel Chavez at Phoebe Chavez, kilala ito sa sports na basketball at sa pag kaka alam ko ay galit din daw ito sa tulad namin ni Edrian na bakla.
"Ayon sa aking frenny sa School news team ay may jowa ito at ang bruhang si Hanna Swift ang jowa nito," maarteng saad ni Edrian
"Ay jusko the campus king and the campus queen bee nag Sama," histerikal na saad ni Jannelliza.
Ang babae lang naman kasi na tinutukoy nila Edrian ay si Hanna Swift, The Campus Queen Bee at ayon din kasi sa pag kaka alam ko masama daw ang ugali nito.
"Wag naman kayong OA," nakangiti kong Saad.
"Pano yun bakla alam mo ba kalat sa buong school na ang sama ng ugali ng dalawang yun." paliwanag ni Edrian.
"Mabait naman si Jepoy," pag sasalungat ko sa kanila.
Dahil nakilala ko na si Jepoy ng ilang beses tuwing pupunta si Governor. Darel kasama ang may bahay nito na si Mrs. Phoebe sa kumbento, kita ko naman ang pag di sang ayon ni Edrian sa sinabi ko dahil ilang beses daw syang na bully ni Jepoy.
"Bahala ka beks basta demonyo ang ugali ni Jepoy." Pag-taas ng kilay ni Edrian at inirapan pa ako.
"Alam nyo Tara na beks ng makabili tayo ng school supplies." Pag-hila ni Jannelliza na tinanguan namin ni Edrian.
Habang namimili kami by gamit ay Hindi ko inaasahan na makaka salubong namin sila Jepoy at Hanna na parehong nag tatawana, bigla naman silang napa tigil sila sa tapat namin.
"Ohhh anong ginagawa nyo ditong mga unknown creatures at isang umaasa lang sa scholarship?" tanong ni Hanna at dinagdagan pa ng pang iinsulto sakin nito.
"Obviously bibili kami ng gamit for school." Taas kilay na sagot ni Edrian
Kaya naman hinawakan ko na ito sa braso, kita ko naman ang pag sama ng tingin ni Jepoy samin at ni Hanna.
"Abah magaling pala kayo sumagot." Taas kilay na saad ni Hanna.
"Of course, specially you are asking US a question," Jannelliza said while emphasizing the word US.
"Learn how to respect baka magulat kayo, mawala ng scholarship ang bestfriend nyo," gigil na saad ni Hanna.
Dahil don ay kinabahan ako kaya gumitna na ako.
"Guys stop it," tanging saad ko at hinawakan sila Edrian at Janne sa pulso.
"OH look at you hahaha," Hanna sarcastically laugh while looking and scanning me from head to toe "Pipigilin mo din pala yang mga kaibigan mo bakit Hindi mo payan ginawa kanina?" she added.
I just gave her a cold gaze before answering her sarcastic question.
"I'm sorry for what they did, they just can't handle your Filthy mouth Hanna. I think your money can really buy high class brands of outfits , but you can't even afford to have a classy attitude," I said while giving them both a cold stare
"Don't you dare to disrespect my girl Ivan, lumaki ka lang sa kumbento dahil siguro iniwan ka dun ng nanay mong GRO kaya wala ding umampon sayo," Jepoy suddenly interfere and push me slightly.
Nakaramdam naman ako ng kaunting sakit sa sinabi nito pero tinignan ko lang sya.
"Tama ka lumaki ako sa kumbento kasama si Sister Josan, I'm sorry ha kasi di ako lumaking Katulad mo Jepoy na anak ni Governor. Darel Chavez at Mrs. Phoebe Chavez na nag may ari ng mga 5 star dito sa lugar natin at ilan pang lugar dito sa Pinas. Pero eto masasabi ko sayo, wag na wag mong husgahan ang magulang ko dahil kahit lumaki ako sa kumbento hinding Hindi kita masasanto," mahaba kong saad bago ko hilain papalayo sila Jannelliza at Edrian.
Huminto naman kami sa isang fast food chain at mabilis tumulo ang luha ko.
"Tahan na sis alam mo namang Demonyo si Hanna at Jepoy, tsaka kasalanan din namin ni Jannelliza kasi pinatulan pa namin yung impaktang Hanna na yun." Pag-himas ni Edrian sa likod ko at pilit akong pinapa-kalma.
"Don't worry isusumbong ko si Jepoy kay tito Darel, aba kahit pinsan ko sya hindi ko kukunsintihan ang sama ng ugali nya,"gigil namang saad ni Jannelliza.
Napangiti naman ako dahil sa sinabi nilang dalawa.
"Ano ba kayo, pasensya na ha hindi ko kasi kinaya yung sinabi ni Jepoy na GRO daw nanay ko eh hindi ko nga sya nakilala," ngiting saad ko at pinunasan ang luhang tumulo sa mata ko.
"Alam nyo ituloy na natin tong pag sa shopping natin, don't worry Ivan sagot namin ni Jannelliza bago mong Damit," ngiting saad ni Edrian.
Kaya naman biglang nanlaki ang mata ko.
"Teka wag na madami pa naman akong damit," pag tanggi ko sa gusto nila.
Bigla naman akong tinignan ng masama ni Jannelliza at Edrian kaya napa bugtong hininga ako at sumang ayon na lang sa gusto nila, habang namimili sila ay biglang napukaw ng paningin ko ang isang lalake na tila nakamasid sakin.
"Hoy Ivan sino bang tinitignan mo dyan ha?" biglang tanong ni Edrian.
"Ay wala namalik mata lang ako kala ko nakita ko si Nanay Josan," ngiting sagot ko.
Pag tingin ko sa lalakeng naka masid sakin kanina ay wala na ito Kaya ipinag kabit balikat ko na lang to, matapos namin mamili ng gamit ay napag ka sunduan namin na kumain na lang sa isang fast café dito na pag aari nila Edrian.
"Guys ano gusto nyo? And Ivan bawal tumanggi libre ko to, " saad ni Edrian.
"Isang Red Velvet cake at isang chocolate shake ang Akin beks," sagot ni Jannelliza kay Edrian.
"Mag tigil ka tibo may Kaya ka kaya hindi kita ililibre shuta ka," pag-tataray dito ni Edrian.
"Tse bakla sa inyo naman tong Café tapos ang kuripot mo," pang aalaska naman dito ni Jannelliza.
"Oo na etong tomboy nato jusko, ikaw ba Ivan ano gusto mo?" baling na tanong sakin ni Edrian.
"Hmm one slice ng ube cake tapos isang matcha ice cream and ice tea," ngiting sagot ko.
"Sige mga beks wait nyo ako here," saad ni Edrian at pumunta sa harap ng counter.
"Oy beks alam mo ba?" biglang tanong ni Jannelliza.
Dahil mukang matatagalan pa ng konti si Edrian ay naisipan kong sarin si Jannelliza.
"Syempre hindi ko alam, di mo pa sinasabi eh,"ngiting sagot ko.
"Hehe sarap mong batukan, wag kang didikit kay Edrian ha," sakristong Saad ni Jannelliza.
Natawa naman ako dahil dito.
"Balik tayo may narinig akong tsismis sa isang Beach resort daw na pag mamayari nila Jepoy may naka kita daw ng isang sirena," saad ni Jannelliza.
Dahil don napa tingin ako sa kanya.
"HOY anong topic nyo?" biglang tanong ni Edrian ng maka balik sa upuan.
"wait ayusin muna natin ang table bago tayo mag simula." saad ni Jannelliza
After namin ayusin ang table at mag dasal ay nag simula na kami kumain, habang kumakain ay biglang nag tanong muli si Edrian.
"So ano topic nyo kanina?" intrigang tanong ni Edrian.
"Eto kasi bakla kanina during breakfast sabi ni tito Darel may mga turista daw na naka kita ng sirena sa resort nila tapos medyo na takot daw yung ibang tao," sagot ni Jannelliza.
"Ay taray bakla parang the Little mermaid lang, ang maharot na sirenang na inlove agad sa maka laglag na panting ngiti ni Prince Eric," tila baliw na sagot naman ni Edrian.
"Jusko loka loka ka talagang bakla ka," bawi dito ni Jannelliza at binato ng tissue si Edrian.
"Guys hehehe stop nakaka hiya," saad ko kasi napapa tingin na sa amin ang ibang customer.
"Ay mga beks mukang may bago tayong professor, chismis lang sakin ng news team and wag ka papabols daw," kinikilig na sabi ni Edrian.
"Nako baka gurang yan bakla," pangangasar ni Jannelliza dito.
"Wag kang kontrabida tibo so ayon pa sa kanila ang name daw ng new Professor natin ay Louie Roy, mga beks I think I found the one na mag hihiwalay ng katawang lupa ko sa kaluluwa ko patungong langit," ngiting Saad ni Edrian na akala mo Naka drugs.
"Uhm ati sabi ko naman sayo masama yang drags bat mo Ipinag patuloy?" tanong ko.
"Alam mo Ivan ang cute mo, sa sobrang cute mo ang sarap mong sakalin Tseee panira kayo ni Janne,"pag tataray nito.
Dahil don at pareho kaming natawa ni Jannelliza sa kabaliwan ni Edrian, makalipas ang ilang minuto ay naisipan na naming umuwi.
" Sure kaba beks?" tanong ni Jannelliza.
"Yup mauna na kayo ni Edrian, and look ohh mag kaiba tayo ng way don't worry isang jeep lang," ngiting sagot ko dito.
Dahil gusto pa nila akong ihatid bago sila umuwi kaso mag kaiba na ang daanan namin kaya mapapa layo pa sila.
"Sige Just be safe ok, Ading ingat ka," paalam ni Edrian.
Tumango naman ako at nag thumbs up, bago I start ni Jannelliza ang motor nya ay nag tanong pa ulit eto pero tumangi ako kaya no choice sila Kung di umalis. Habang nag hihintay ako ng jeep ay nagulat ako ng may tumigil na sasakyan sa harapan ko, pero mas nag pagulat naman ako ng bumaba bigla dito si Jepoy.
"Sumakay kana," seryosong saad nito.
Kinakabahan man ay sumakay na lamang ako, habang nasa byahe ay hindi ko maiwasan mapalunok dahil sa totoo lang kakaiba ang itsura ni Jepoy. Kahit seryoso itong nag mamaneho ay kita parin ang angking ka gwapuhan nito at Ganda ng katawan, bigla naman akong napa balik sa realidad ng tumikhim ito.
"I know I'm hot and handsome so you don't need to stare at me baby," he said with sexy smirk in his lips.
"I'm not staring at you Jepoy," sagot ko dito at umiwas ng tingin dahil pakiramdam ko ay namumula ang pisngi ko.
Pag dating namin sa bahay ampunan ay bababa na sana ako pero mabilis nitong hinawakan ang kamay ko.
"Uhm thank you Jepoy for giving me a lift," saad ko
Babawiin ko na sana ang kamay ko pero lalong humigpit ang hawak nito sakin, tinignan ko naman sya at kita ko na seryoso lamang ito.
"Bakit?" I ask.
"I'm sorry for what I've said earlier," Jepoy said with a sincerity in his voice.
"Ano kaba OK lang yon," ngiting sagot ko.
"I will never make you cry again Ivan, my baby," bulong ni Jepoy.
Kaya hindi ko ito narinig.
"Ano yun?" tanong ko.
"Nothing, pumasok kana mukang hinihintay kana ni Mother Josan," ngiting sabi nito.
Kaya naman ngumiti ako pabalik.
"Sige Jepoy thank you again and ingat," paalam ko dito.
Tumango naman ito bago umalis ng tuluyan.
"Tara na Ivan mag hahapunan na," aya ni Mother Josan sakin.
Kaya tumango na ako at pumasok sa loob ng bahay ampunan.