Ivan pov:
Napabangon ako bigla ng makadama ako ng init at liwanag na tumatama sa muka ko, pag dilat ko ay nasa isa akong kwarto.
"Oh gosh gising kana Ivan thank GOD!" biglang tili ni Edrian.
Ngumiti naman ko dito, kasabay nito ang pag bukas ng pinto at pag pasok ni Jannelliza.
"Buti beks gising kana," ngiting sabi ni Jannelliza at inabutan ako ng tubig.
"Anong nangyari?" tanong ko.
"Natalo mo si Mina at nakuha mo ang isang perlas ng rosaryo," sagot ni Jannelliza.
Kaya naman inilabas ko ang rosaryo ko at napangiti ako dahil tatlo na ang perlas nito.
"Dali beks try mo i-summon." Hawak ni Edrian sa braso ko.
Dahil dun ay tumayo ako at inisip ang isang sandata ng rosaryo, kasabay nito ang pag buo ng isang pana sa kaliwa kong kamay, hinila ko naman ang tali nito at nag karon ng palasong ginto at itinutok ito kay Edrian.
"Shuta bakla ayaw kong ma-deads di pa'ko nakakatikim ng alitaptap na chorizo de bilboa!" sigaw ni Edrian.
Kaya naman binitawan ko ang string ng pana kasabay nito ang pag-lahi ng gintong palaso.
"Hindi naman kita papanain ati," saad ko dito at nag laho ang pana na hawak ko.
"Infairnes maganda yung pana mo," puri ni Edrian.
"Ilang araw akong tulog?" tanong ko.
"Hmm mga 3 days lang naman," sagot ni Jannelliza.
Ngumiti naman ako pero pansin ko ang sugat nila sa leeg kaya naman mabilis kong kinuha ang isang halamang gamot at idinikit ito sa leeg nila, kasabay nito ang pag-liwanag ng rosaryo at pag-galing ng sugat nila sa leeg.
"Sorry Jannelliza and Edrian, dahil sa'kin nadamay kayo sa misyon ko para iligtas ang nanay pati tatay ko." Yumuko kong sabi.
"Ano kaba beks, sasama kami kung saan ka pupunta." Hawak ni Edrian sa balikat ko.
"Edrian's right Ivan, so don't blame yourself cause it's our choice to come with you," Jannelliza added with a smile on her lips.
"So ano na beks? Arat na sa next destination?" ngiting tanong ni Edrian.
"Pero bago yan kumain muna tayo ng lugaw." pakita ni Jannelliza sa dala nyang lugaw.
"Jusko tibo hindi yan essential mag-tigil ka," mataray na sabi ni Edrian.
Natawa naman ako sa kanila at nag simula ng kumain, matapos naming kumain ay agad kaming nag-impake ng mga damit, habang nag-aayos kami ng gamit ay may biglang kumatok sa pinto kaya naman binuksan ito ni Edrian.
"Mukang tuloy na ang pag-alis nyo ha," ngiting sabi ni Cess.
"Oo eh kaylangan namin makumpleto ang perlas ng rosaryo," sagot ko naman.
"Maraming salamat sa ginawa nyo para sa aming mag-asawa lalo na sa magiging anak namin." Himas ni Cess sa tyan nya.
"Nako Ate Cess walang anuman tsaka tinulungan mo din naman kami sa misyon namin para makuha ang mga perlas ng rosaryo," ngiting bawi ko dito.
"Sana mag-kita ulit tayong apat," saad nito bago lumabas.
"Ano beks tara na?" tanong ni Edrian sa'kin.
Pagtingin ko sa kanya ay suot na nito ang bad namin kaya naman kinuha ko ang libro at tumango, sumakay naman kami sa isang tricycle papuntang bus station. Habang nasa byahe ay bigla kong naisip si Jepoy, umiling naman ako at tumingin sa bintana.
"Mama I love you," saad ng isang bata.
Pag-tingin ko sa katapat ng upuan ko sa bus ay nakita ko ang isang mag-ina at napangiti, bumaling naman ako ng tingin ng mapa-tingin sa'kin yung bata. Siguro kung hindi ako nalayo sa nanay ko siguro masaya akong lumaki sa piling nya pero nag papasalamat parin ako kasi nakilala ko si Nanay Josan.
"Beks look." Turo ni Jannelliza.
Napatingin naman ako sa harap ng bus at kita ko ang mga tao na tumatakbo, napa-tingin naman ako sa rosaryo at nag-iinit ito. Kaya naman tuningin ako kila Jannelliza at tumango, si Edrian naman ay kinausap ako bus driver tungkol sa sitwasyon.
Thirdperson pov :
Matapos lumabas nila Ivan mula sa bus ay kasabay nito ang muntik na pag tama ng isang sasakyan sa bus, buti na lamang ay nailabas ni Ivan ang Shield nya at tila nag karoon ng forcefield para sanggain ang kotse.
"Alam mo beks astig ng pamaskara effect mo mala-mysterious girl," saad ni Edrian.
"Alam nyo mag transform na din kayo," saad ni Ivan.
Ngumiti naman sila Jannelliza at Edrian at pumunta sa isang gilid, tumingin naman si Ivan sa makakalaban nila at nagulat sya dahil isa itong Sarangay o Minotaur. Mabilis sumugod ang Sarangay kay Ivan at sinuntok ito, mabilis naman umilag si Ivan at ginawang sibat ang shield nya bago umatake sa Sarangay, napa-atras naman si Ivan ng muntik ulit syang masuntok ng Sarangay, pero biglang napa-atras ang Sarangay ng bumagsak mula sa ibabaw ng busy si Edrian.
"Oh beks G bingawin natin tong Minotaur na 'to," saad ni Edrian bago sumugod na sinundan ni Jannelliza.
Si Ivan naman ay binasa ang libro nya tungkol sa Sarangay, si Edrian naman ay sinasangga ng suntok ang bawat suntok din ng Sarangay.
"Jannelliza!" sigaw ni Edrian.
Dahil don ay mabilis tumakbo palapit si Jannelliza sa Sarangay at hinampas ito sa muka, dahil dito naputol ang isa sa mga sungay nito.
"Nice." Tapik ni Edrian sa balikat ni Jannelliza.
Pero nagulat sila nang may tumamang palaso sa hikaw nitong diamond at nabasag, si Ivan naman ay bumugtong hininga dahil alam nya ang magiging reaksyon ng Sarangay pag may kumuha o sumira sa brilyante nito.
" Lumayo kayo!" sigaw ni Ivan.
Kasabay nito ang pag sigaw ng sarangay at pag usok ng ilong nito, dahil dun ay mas naalisto sila Ivan. Mabilis sumugod ang Sarangay kay Ivan at tila isa itong toro na handang handa na sumuwag, mabilis naman hinarang ni Ivan ang shield nya kaya ng tumama ang ulo ng Sarangay sa panangga ni Ivan ay tumalsik sila pareho.
"Ivan!" sigaw ni Jannelliza.
Kaya naman mabilis ding sumugod si Jannelliza sa Sarangay ay pinaulanan ito ng hampas gamit ang arnis nito pero nagulat sya nang mag-karon ang Sarangay ng isang sandata na malaking martilyo (war hammer), si Edrian naman ay mabilis sumugod at pinagsusuntok ang Sarangay. Hindi naman inasahan ni Edrian at suntok ng Sarangay kaya tumalsik ito, si Jannelliza naman ay agad inalalayan si Edrian.
"Shutames paano natin matatalo yang toro na yan?" tanong ni Edrian.
"Dahil nasira ko yung brilyante nya sa tenga ilalabas nyan ang galit nya,kaya naman ang gagawin natin gawin ngayon ay mapatumba yan para maibaon ko ang sibat ko," mahabang paliwanag ni Ivan.
"Eh ano pabang hinihintay natin? itumba na Yan!" sigaw ni Edrian at muling sumugod.
Ivan pov:
Nahihirapan man ay muli akong tumayo at pinuntahan si Edrian at Jannelliza.
"Shutames paano natin matatalo yang toro na yan?" rinig kong tanong ni Edrian.
"Dahil nasira ko yung brilyante nya sa tenga ilalabas nyan ang galit nya,kaya naman ang gagawin natin gawin ngayon ay mapatumba yan para maibaon ko ang sibat ko," mahabang sagot ko sa tanong ni Edrian.
"Eh ano pabang hinihintay natin? itumba na Yan!" sigaw ni Edrian at muling sumugod.
Tumango naman si Jannelliza at sumugod, ako naman ay agad pinalabas ang pana ko at pinatamaan ang binti nito. Matapos mapaluhod ito sa isang tuhod ay agad hinampas ni Jannelliza ang kabilang binti nito. Dahil don ay sumigaw ang Sarangay, si Edrian naman ay nag pakawala ng suntok sa muka ng Sarangay kaya natumba ito at tila nahilo.
"Ivan!" sigaw ni Edrian.
Mabilis naman akong tumakbo papunta kay Edrian, si Edrian naman ay lumuhod bago ipagdikit ang palad. Mabilis akong umapak sa palad nito at tila ginawa akong bola ng volleyball, mabilis kong inilabas ang sibat ko at kasabay ng pag bagsak ko ay pag baon ng sibat ko sa ulo ng Sarangay.
"Finally!" sigaw ni Jannelliza.
Kaya naman nag bago na sila ng anyo at muli kaming sumakay sa bus, matapos ang ilang oras ay bumalik narin ang byahe sa dati. Habang nasa byahe ay tila kinakabahan ako dahil mukang may hindi magandang mangyayari, nang makakababa kami sa bus ay agad kaming sumakay sa isang tricycle dahil sabi ni Jannelliza na ang lugar kung nasaan ang perlas rosaryo ay ang Beach na pag-aari ni Gov. Darel Chavez.
"Finally Beach Boys here I come!" tili ni Edrian.
Dahil don ay nabatukan sya ni Jannelliza.
"Sira ka talaga may misyon tayo wag kang humarot," sermon dito ni Jannelliza.
"Rest muna tayo pwede?" tanong ni Edrian dito.
"Pwede naman tayo mag-pahinga kahit dalawang araw kaso wala tayong pera pang check-in." Kamot batok kong sabi.
"Eh ano pabang purpose ni Jannelliza at naging pamangkin sya ng asawa ni Gov. Darel, diba tomboy?" tanong ni Edrian.
"Fine kakausapin ko si Tita Phoebe," ikot ng matang sagot ni Jannelliza.
Kaya naman hinila na kami ni Edrian papuntang resort na pag mamay-ari ni Gov. Darel, habang kinaka-usap ni Jannelliza at Edrian ang receptionist ay nagulat ako ng may humila sakin. Hindi ako nakapiglas dahil ang higpit ng hawak nito hanggang tumigil kami sa isang lugar na wala masyadong tao, nagulat naman ako ng makilala ko ang lalakeng humila sa'kin.
"Jepoy?" lutang kong tanong.
Tumingin naman ito ng masama sa'kin, may nakaharap man akong mga halimaw ay wala pading tatalo sa nakakatakot na tingin ni Jepoy.
"Where the hell have you been!? hindi mo man lang ba naisip na nag-alala ako!? " galit na tanong ni Jepoy habang hawak ako sa braso at nakagat ko naman ang labi ko dahil sa higpit ng hawak nya.
Napayuko naman ako dahil hindi ko kayang salubungin ang tingin nito dahil tila nilalamon nito ang buo kong pag katao, lalo naman akong napangiwi dahil sa higpit ng hawak nito.
"Jepoy please let go masakit," pag susumamo ko dito.
Bigla naman sya napamura ng mahina bago ako hilain at yakapin, nagulat naman ako bigla dahil sa inasal nito.
"Hush baby please don't cry, I can't bare seeing you crying while I'm the reason behind your tears," Jepoy said with a soft tone in his voice.
He suddenly hold my chin and because of that I was able to see his face, he looks haggard yet he's still handsome and breathtaking for me. He suddenly reach my left cheek and whipped my tears, but he suddenly kiss my forehead that almost took my breath away.
"I'm sorry for making your cry Ivan, please don't cry baby," he said with a pleading tone in his voice.
"Jepoy," the only word that I'm able to utter.
But he suddenly hugs me once again, I don't know why but suddenly my heart skipped a beat and it's all because of this brute in-front of me.
Jannelliza pov:
Kausap ko ngayong ang receptionist ng resort nila tito Darel when I suddenly heard a familiar voice.
"Jannelliza!" sigaw nito.
Pag tingin ko ay nagulat ako dahil si Tita Phoebe ito, mabilis naman ako lumapit dito at humalik sa pisngi.
"Tita what are you doing here?" I asked.
"SI Jepoy kasi pansin namin ang pagiging matamlay kaya naman naisipan namin na pumunta dito sa resort ng tito Darel mo, kayo ba?" sagot ni Tita Phoebe na sinundan ng isang tanong.
"Uhm," tanging sagot ko.
Natawa naman ito bigla sa inasal ko.
"Dont worry alam ko ang misyon nyo so don't worry," ngiting pagpapakalma ni Tita Phoebe.
Mag-sasalita sana ako pero biglang nag salita si Edrian mula sa likuran ko kaya napatingin sa kanya si Tita Phoebe.
"Hi Tita Phoebe," bati ni Edrian.
"Oh hi Edrian, paganda ka ng paganda ha," bola ni Tita Phoebe kay Edrian.
"Ehe enebe haha by the way nakita nyo ba si Ivan?" tanong bigla ni Edrian.
Dahil dun ay napatingin ako sa paligid.
"Don't worry Ivan's safe, as a matter of fact he's with Jepoy," ngiting sagot ni Tita Phoebe.
"OH MY GOSH! Asan ang anak mo Tita baka bugbugin non si Bakla, ilabas nyo ang anak ko! Ilabas nyo!" parang baliw na sigaw ni Edrian kaya naman binatukan ko ito.
"Sira ka talaga wala kang matress," saad ko dito.
"Ay grabe sya oh Tita," sumbong ni Edrian kay Tita Phoebe.
Pero natawa lang ito samin, ako naman ay napagbugtong hininga dahil kasama ni Ivan si Jepoy.
--_-----_----
A/n: saurce: Sarangay - it's a creature resembling a minotaur with a jewel or gemstone attached to its ears. When the Spanish first heard the about story in the 17th century, they thought the legends described the Greek minotaur from Greece. Sarangay is described as half bull (specifically, a male water buffalo) and half man featured.