Jannelliza pov:
Hindi ko alam Kung anong oras na pero nakaramdam ako nang init mula sa araw, pag-mulat ko ng mata ko ay bumungad sakin ang mga puno ng buko at mga halaman.
"Teka nasaan ako?" tanong ko sa sarili ko.
Nakita ko naman ang arnis ko kaya agad ko itong kinuha.
"Gising kana pala," saad ng isang boses.
Mabilis akong humarap dito pero muntik kong mabitawan ang arnis ko, isa itong babae na may itim at may hiblang dilaw sa dulo ng hibla ng buhok nito, meron din itong mapulang labi at may pagka-singkit na mata. Naagaw naman ng pansin ko ang tila halamang dagat lang na palda nito at ang dibdib naman nito ay na tatakpan ng kabibe, ngumiti naman ito sa'kin bago mag-salita.
"Ako nga pala si Morrigan, ikaw ano ang pangalan mo?" tanong nito habang naka-ngiti sa'kin.
"Ako si Jannelliza, uhm paano ako napunta dito?" tanong ko.
Sasagot sana ito ng biglang may umungol sa likod ko at doon lumabas ang dalawang elementong oso, mabilis ko naman nilapitan si Morrigan pero nakaramdam ako ng kuryente matapos kong hawakan ang kamay nito.
"Dito ka lang sa likod ko," saad ko bago isaksak sa lupa ang arnis na hawak ko.
Thirdperson pov:
Nagulat bigla si Morrigan nang biglang mag-bago ang anyo ni Jannelliza, si Jannelliza naman ay agad sumugod sa isang oso. Mabilis nya itong hinampas sa paa at sa likod kaya nadapa ang elementong oso na kalaban ni Jannelliza, bigla naman napasigaw si Morrigan ng makalmot ng oso si Jannelliza.
"Jannelliza!" sigaw ni Morrigan.
"Dyan ka lang!" sigaw pabalik ni Jannelliza habang hawak ang brasong nakalmot.
Muli naman sumugod ang oso kay Jannelliza kaya mabilis itong umilag, si Morrigan naman ay pinapanood si Jannelliza sa pakikipag-laban, aminin man ni Morrigan o hindi ay pansin nyang mahina si Jannelliza sa istilo ng kanyang pakikipag-laban. Si Jannelliza naman ay sa wakas napa-tumba ang mga oso at nag-laho ito na tila isang usok at abo,tumingin naman si Jannelliza kay Morrigan at ngumiti.
Jannelliza pov:
Hinihingal man ay ngumiti parin ako kay Morrigan, lalapit sana ako kay Morrigan nang biglang may bumaon na matulis na bagay sa braso ko at nilipad ako. Pag-tingin ko ay isa itong elementong uwak at bigla akong tinangay at unti-unting napa-pikit, pero bigla akong napa-mulat ng tumigil ang elementong uwak at tila may kadena itong tubig sa leeg.
"Morrigan," tanging lumabas sa bibig ko.
Pag-tingin ko sa pwesto ni Morrigan ay naka-taas ito sakin at kasabay ng pag-sara ng kamao ni Morrigan ay ang malakas na pag-daing ng uwak, bigla naman ako napapikit dahil mahuhulog ako pero bigla akong sinalo ng tubig at dinala sa pwesto ni Morrigan.
"Anong nilalang ka?" tanong ko dito.
Bumugtong hininga naman ito bago sumagot.
Ivan pov:
Nasa beach kami ngayon ni Edrian at hinahanap si Jannelliza dahil kagabi pa ito hindi bumabalik, habang nag-hahanap ay panay naman ang tanong sakin ni Edrian.
"Hoy beks umamin ka ano meron sa inyo ni Jepoy?" tanong ni Edrian.
Bumugtong hininga naman ako bago sumagot.
"May gusto sa'kin si Jepoy at ganon din ako," sagot ko.
"So kinarat kana ni Jepoy kagabi? Abah ang galing naman nung lokong yun nakarat ka agad," taas kilay na sabi ni Edrian.
"Hoy walang nangyaring ganon Ati," namumula kong sagot.
*flashback*
Matapos ni Jepoy umamin ay napag-isipan na lamang namin na manatili sa kwarto nya, habang nanunuod kami ay bigla nyang hinawakan ang kamay ko kaya napa-tingin ako sa kanya.
"Why?" I asked.
He just smiled at me before kissing my hand.
"I just can't believe that you're here laying on one bed with me," he said before looking at my eyes.
"Just wait for me," tanging sagot ko.
He just looked at me again before sealing my lips with his.
*end of flashback*
"Hoy natulala kana." Kurot sa'kin bigla ni Edrian.
Sasagot sana ako pero mabilis akong tumakbo sa dagat, dama ko din naman ang pag-sunod sa'kin ni Edrian. Kinuha ko ang isang lumulutang na tsinelas bago tumingin kay Edrian, tinignan nya din ito bago mag salita.
"Kay Jannelliza yan diba?" kinakahaban na tanong ni Edrian.
"Tama ka," sagot ko.
Bago pa kunin ni Edrian ang tsinelas ni Jannelliza sa kamay ko ay bigla ulit nangyari sa'kin ang nangyari nung hinawakan ko dati si Kris Ann. Nasa harapan ako ngayon ni Jannelliza at kitang-kita ko kung paano sya hilain ng kakaibang nilalang pero bago pa sya mahila ay may dumating na babae kasabay nito ang pag-laho ng imahe ni Jannelliza, bigla naman akong bumalik sa ulirat at napatingin kay Edrian.
"Anong nangyari beks?" tanong sakin ni Edrian.
"Nakita ko si Jannelliza at may humihilang mga nilalang sa kanya," sagot ko sa tanong nya.
"Teka ano!?" gulat na tanong ni Edrian.
"Pero niligtas sya ng isang babae kaso hanggang dun lang ang nakita ko," sagot ko muli.
Tumango naman si Edrian at bumalik kami sa kwarto, agad ko namang kinuha ang libro ko at binasa.
"Siyokoy ang pilit lumunod kay Jannelliza," saad ko.
"Ibig-sabihin may bago tayong kalaban?" tanong ni Edrian.
"Tama ka," maikli kong sagot.
Jannelliza pov:
"Anong nilalang ka?" tanong ko dito.
Bumugtong hininga naman ito bago sumagot.
"Ako si Morrigan isa akong sirena at ako din ang nag-listas sayo mula sa mga siyokoy," sagot naman ni Morrigan sa tanong ko.
"Salamat kung ganon," maikli kong saad.
Bigla naman itong lumapit at nagulat ako ng mag-karoon ng tubig ang sugat ko.
"Ano ito?" naguguluhan kong tanong.
"Hinaharang ng tubig nayan ang dugong lumalabas sayo," sagot naman ni Morrigan.
Tumango naman ako pero pansin ko na kakaiba ang tingin sa'kin ni Morrigan.
"Bakit?" tanong ko.
"Ikaw ba, anong klaseng nilalang ka at kaya mo rin mag-bago ng anyo?" tanong ni Morrigan.
"Isa din akong tao pero ang sandata na ito ay mula sa isang engkantado may misyon ang kaibigan namin na kolektahin ang perlas ng mahiwagang rosaryo, dahil sa nagustuhan naming sumama ay kailangan namin ng isa ko pang-kaibigan na gumamit nang sandata para makatulong," paliwanag ko dito.
"Teka ang perlas ba na sinasabi mo ay isang puting perlas na ayon sa iba na kayang maging isang sandata?" tanong ni Morrigan.
"Tama ka," maikli kong sagot.
"Alam ko kung nasaan yun." Tumatalon na sabi ni Morrigan.
"Talaga?" tanong ko.
"Oo nasa kaharian namin ang perlas na 'yon," sagot ni Morrigan.
"Hulaan ko nasa ilalim ng tubig ang kaharian nyo, tama ba?" tanong ko.
"Tama ka," ngiting sagot ni Morrigan.
"Hindi ako makakasama," saad ko.
"Bakit naman?" tanong ni Morrigan.
"Hindi ako makakahinga sa ilalim ng tubig tao lang ako remember?" sagot ko.
"Oo nga pala eto suot mo." Abot ni Morrigan sakin ng isang kwintas.
"Ano to?" tanong ko.
"Kwintas yan na makakatulong sayo para maka-hinga kansa ilalim ng tubig," ngiting sagot ni Morrigan.
Tinanguan ko naman ito at sabay kaming nag-lakad papunta sa tubig, I was so amazed when I can breathe underwater.
"Tara?" tanong ni Morrigan at inabutan ang kamay nito.
Tumango naman ako at sabay kaming lumangoy, makalipas lamang ang mahigit 30 minutes ay nasa harap kami ng isang palasyo pero nasa-ilalim ng dagat.
"Mukang bantay sarado," saad ko.
"Tara sa taas," sagot naman ni Morrigan.
Tumango naman ako at lumangoy kami paahon, pag-ahon ko at nakita ko agad ang isang kwarto na may bintana lamang.
"Dyan tayo papasok," saad ni Morrigan.
Binuksan nya ang bintana kaya ako ang naunang pumasok, napa-tingin naman ako sa buntot ni Morrigan at hindi maiwasan mamangha sa kulay nito.
"Tara na," sabi ni Morrigan.
Tumango naman ako sa sinabi nya at nag simula kami ulit lumangoy, pansin ko naman na walang masyadong bantay sa nilalanguyan namin kaya naman naka-hinga ako ng maluwag.
"Hintayin mo ako dito titignan ko kung may bantay sa higaan ng perlas," saad ni Morrigan na tinanguan ko.
Habang nag-hihintay ako kay Morrigan ay hindi ko maiwasan mapuna ang palasyo nila, habang tumitingin sa paligid ay mabilis akong umilag sa bagay na muntik tumama sakin.
"Sino kang taga-lupa ka?" tanong ng isang babaeng sirena sa'kin.
Pag-tingin ko ay isa din itong sirena pero Orange at blue ang buntot nito.
"Ano ang ginagawa dito ng isang mortal?" tanong nito sa'kin.
Hindi naman ako sumagot at mukang nagalit ito at inilabas ang sandata nito na long sword, mabilis ito lumangoy pasugod sa'kin at inatake ako, mabilis kong hinarang ang bawat atake nito gamit ang arnis ko.
Morrigan pov:
Lumalangoy ako ngayon pabalik sa lugar kung saan ko iniwan si Jannelliza dahil walang bantay ang higaan ng perlas, habang lumalangoy ako ay bigla akong hinarang ng kapatid kong lalake na si Jonito.
"Morrigan saan ka tutungo?" tanong ni Jonito.
"Ah mag-lilibot muna ako sa nasasakupan natin," ngiting sagot ko.
Tumingin naman ito sa'kin bago mag-salita.
"Morrigan halos malapit kana mag 118 pero hindi mo paba nakikilala ang karugtong mo?" tanong sa'kin ni Jonito.
"Eh ikaw ba kelan mo babalikan ang karugtong mo?" taas kilay kong tanong.
"Iba ang problema namin ni Jin," iwas-tingin na sagot ni Jonito.
"Nako Jonito ikaw ang susunod na Hari ng karagatan kaya dapat ayusin mo ang relasyon nyo ni Jin." Tapik ko sa braso nito.
Hindi naman ito sumagot kaya lumangoy na ako muli papunta kay Jannelliza, nagulat ako nang makita kong kalaban ngayon ni Jannelliza ang isa ko pang kapatid na si Sittie. Pansin ko agad ang sugat ni Jannelliza at biglang nakaramdam ako ng kakaibang galit sa kapatid dahil sa mga sugat ni Jannelliza, hindi ko namalayan kung anong nangyari pero nakita ko na lamang ang sarili ko na nilalaban ang kapatid kong si Sittie.
"Morrigan ano bang ginagawa mo?" tanong ni Sittie.
"Prinoprotektahan ko ang karugtong ko," sagot ko at ipinakita ang marka ko sa pulso ko.
Lumaki naman ang mata ni Sittie bago tumingin kay Jannelliza.
"Isang tao ang karugtong mo!" gulat na saad ni Sittie.
"Oo kaya hindi ako mag-dadalawang isip na kalabanin ka," sagot ko kay Sittie.
Pero nagulat ako nang mag-karoon ng tubig na humarang sa harap namin, pag-tingin ko ay galing ito kay Jonito at nasa likod nito ang apat na kawal naming sirena na hawak si Jannelliza.
"Dalin nyo ang taong yan sa kulungan," saad ni Jonito.
"Hindi!" sigaw ko.
Susugod sana ako pero nag-karoon ng kadenang tubig sa kamay at buntot ko kasabay ng isang daloy ng kuryente sa katawan ko, bago tuluyan mag-dilim ang paningin ko ay nakita ko silang dinala ang karugtong ko at tuluyan ng bumigay ang mata ko.