Ivan pov:
Patuloy lang akong umiyak ngayon sa bisig ng hindi ko kilalang babae nang bigla kong marinig ang sigaw nila Edrian.
"Jusko beks!" sigaw ni Edrian at niyakap ako.
"Nako pasensya na po sa kaibigan namin," paumanhin ni Jannelliza.
"Ayos lang iyon ineng," ngiting sagod ni Nay Dhona.
Aalis na sana ito pero nagulat ako nang mag-karoon ng pumalibot dito na seldang gawa sa tubig.
"Morrigan!" gulat na sigaw ni Edrian.
"Alam kong hindi ka lang basta tao kaya kung ako sa'yo aamin ako kung ano akong nilalang," seryosong sabi ni Morrigan.
Ngumiti naman si Nay Dhona at kasabay nito ang pag-tubo ng mga ugot at pumulupot sa'min.
"Ayaw ko ng gulo," mahinahong sabi ni Nay Dhona.
Pero si Morrigan ay mabilis sumugod kay Nay Dhona.
Third person pov:
Mabilis sumugod si Morrigan kay Dhona at hinigop nito ang tubig sa mga dahon para gamiting pang-atake kay Dhona, ngumiti naman si Dhona at gumawa ng malaking bato para iharang sa atake ni Morrigan.
"Water slicer!" sigaw ni Morrigan.
Kasabay nito ang pag-bulusok ng maninipis na tubig na sumira sa batong ginawa ni Dhona, si Dhona naman ay mabilis pinuluputan ng baging si Morrigan.
"Ako si Dhona Baysa at ako ang may hawak ng Sagisang ng tag-araw at pati narin ng perlas ng rosaryo," sabi ni Dhona at pinakita ang perlas by rosaryo ni Ivan.
Si Ivan naman ay nagulat dahil dito pero inalis na ni Dhona ang mga baging na pumulupot kila Ivan, si Ivan naman ay agad lumapit dito.
"Ako po si Ivan ang taga-pangalaga ng rosaryo," sagot ni Ivan.
"Natutuwa ako na makilala ka," ngiting sagot din ni Dhona
Ivan pov:
Naka-upo kami ngayon sa sala ng bahay ni Nay Dhona dahil inaya nya kaming pumunta rito sa bahay nya.
"Maaari ko na bang kunin ang perlas?" tanong ko rito.
Bigla namang sumeryoso si Nay Dhona dahil sa tanong ko.
"Hindi," seryosong sagot nito.
Hindi ko alam pero naka-ramdam ako ng inis dahil sa sinabi nito.
"Bakit hindi ako ang taga-pangalaga ng rosary!" biglang sigaw ko.
"Dahil ang emosyon mo ang pinapairal mo!" sigaw din ni Nay Dhona na nakapag pa-tahimik sa'kin.
Imbis na muling sumagot ay lumabas na lamang ako papuntang taniman ni Nay Dhona, pag-dating ko ay agad nag-bagsakan ang luha ko.
"Bakit ba kasi ganto ang buhay ko," pag-kausap ko sa hangin.
Jannelliza pov:
Susundan ko sana si Ivan pero bigla akong napa-tigil nang may pumulupot na baging sa paa ko.
"Hayaan nyo muna mapag-isa ang taga pangalaga ng rosaryo," seryosong sabi ni Nay Dhona.
"Maraming pinag-dadaanan ngayon si Ivan at kailangan nya ng masasandalan," madiin kong sagot dito.
Pero ngumiti lamang ito sa'kin.
"Nakikita ko ang sarili ko sayo nung ganyan pa ang edad ko, matapang, matigas ang ulo, pero may malasakit sa kapwa," sabi naman ni Nay Dhona, "Nais kong makinig kayo sa'king kwento."
Dahil dito ay umupo na lamang ako at nag-simula makinig sa kwento n'ya.
"Ang lahi namin ay ang taga-pangalaga ng kapangyarihan ng sagisag ng tag-sibol, ang kapangyarihan ng tag-sibol ay konektado sa lupa," panimula nito.
"Kaya pala nung maka-laban kita ay gamit mo ang mga halaman at bato," manghang sabi ni Morrigan.
"Ang elemento ng tag-sibol ay maka-pangyarihan dahil habang naka-apak sa lupa ang kalaban mo malalaman mo ang pwede nitong gawin na galaw, ang sikretong kapangyarihan ng tag-sibol ay ang puso ng kalikasan," sabi ni Dhona.
"Ano ang puso ng kalikasan?" tanong ko rito dahil nakuha nito ang atensyon ko.
"Ang puso ng kalikasan ay maaaring gamitin biglang pang-atake, depensa, o pang-gamot ng malalang pinsala," sagot nito sa tanong ko.
"Anong halaman ba ang puso ng kalikasan?" tanong ni Edrian.
"Ang halaman ng puso ng kalikasan ay ang tayabak o mas kilala bilang Jade Vine," sagot ni Nay Dhona sa tanong ni Edrian.
"Pero paano napunta sayo ang perlas?" tanong ni Ivan na bagong dating.
"Dahil matapos malipat sa'kin ang kapangyarihan ng aking Ina ay syang pag-sulpot ng perlas ng iyong rosary," sagot ni Nay Dhona.
Pero bigla akong napa-tingin sa paligid at nag-taka bigla sa mangyayari.
"Sino ang susunod na taga-hawak ng sagisag ng lupa?" tanong ko.
"Ako siguro ang huli sa lahi namin dahil wala akong anak na pwede kong pamanahan nitong kapangyarihan ko," sagot nito sa tanong ko.
"Nakakamangha ang kapangyarihan ng tag-sibol," nanghang singit ni Morrigan.
Ngumiti naman si Nay Dhona bago tumingin kay Ivan.
"Maaari mo bang ipakita sa'kin ang mga sandata ng rosaryo?" tanong ni Nay Dhona.
Ngumiti naman si Ivan at tumango, dahil dito ay lumabas kami ng bahay.
"Nais kong labanan mo ang mga gagawin ko," ngiting panimula ni Nay Dhona.
Kasabay nito ang pag-buo ng dalawang stone golem, tatlong wood golem, at isang vine golem.
"Galingan mo Ivan," huling sabi ni Nay Dhona.
Ivan pov:
"Galingan mo Ivan," huling sabi ni Nay Dhona.
Kasabay nito ang pag-sugod sa'kin ng tatlong wood golem, sinamo ko naman ang pana ko at pinatamaan ang dalawang wood golem na pasugod sa'kin. Muli akong tumingin sa isang golem at pinaulanan ito ng palaso pero hinarang nya ito ng kahoy nyang kamay, sumugod naman ako dito at sinamo ang sibat ko at binato ito sa ulo nya.
"Tandaan mo taga-pangalaga ang sandata ng rosaryo ay kasing lakas ng mga sagisag!" sigaw ni Nay Dhona.
Huminga naman ako ng malalim pero mabilis parin akong umilag dahil muntik ako masuntok ng isang stone golem.
"Bwiset," bulong ko.
Sinamo ko ang shield ko at ang sibat ko at mabilis sumugod dito, bawat atake ko ay tila wala lamang.
"Try to look for a weak spot beks!" rinig kong sigaw ni Edrian.
Tinignan ko ang mga golem at duon ko napansin na tila may ugat lamang na dumudugtong sa mga parte ng katawan nito, dahil dito ay sinamo ko ang punyal ko at mabilis pinutol ang mga ugat na nag-dudugtong sa mga parte nito.
"Go beks isa na lang!" sigaw ni Jannelliza.
Mabilis naman akong sumugod sa vine golem pero nagulat ako nang muntik ako matamaan ng mga baging nito.
"Ang Vine golem ang pinaka-malakas na golem na simasamo ng mga humawak ng sagisag ng tag-sibol," biglang mahinahon na sabi ni Nay Dhona.
Mabilis akong sumugod dito pero bigla ang napuluputan ng mga ugat mula sa Vine Golem, bigla naman akong nakaramdam ng labis na sakit nang humigpit ito.
"Ahh!" hiyaw ko sa sakit.
"Tama na," sabi ni Dhona at nawala ang kaharap ko at ang ugat na naka-pulupot sa'kin.
"Kailangan mong tatagan ang dipensa mo at aralin ang bawat atake na papakawalan mo," seryosong sabi ni Nay Dhona at iniwan kami.
Ako naman ay napa-yuko at napa-tingin sa pasa ko dahil sa mga ugat na pumulupot sa'kin.
"Ivan eto oh." Abot ni Edrian sa bag na may mga halamang gamot.
Kinuha ko naman ito at pinagaling ang sarili ko.
"Tara na sa loob sabi ni Dhona ay mag-luluto s'ya ng simpleng hapunan," biglang singit ni Morrigan.
Tumango naman ako at tumayo na kami, habang kumakain ay dama ko ang kakaibang klase ng katahimikan.
"Alam kong malakas ka Ivan pero tandaan mo hindi sapat ang lakas lang pag-dating sa labanan," panimula ni Nay Dhona.
"Ang pinaka-malakas nating sandata ay ang utak," dagdag ni Morrigan.
"Pasensya na kung mahina ang emosyon ko pero sinisigurado ko na hindi ko hahayaang mapunta sa wala ang misyon na ito dahil ang buhay ng ina at ama ko ang naka-taya, kaya Nay Dhona handa akong patunayan na isa ako sa magaling at malakas humawak ng rosary," seryoso kong saad.
"Tandaan mo Ivan puso at utak ang gamit sa bawat labanan hindi ang emosyon, hindi porket galit ka ay dadaanin mo sa dahas ang pakikipag-laban mo, dapat manatiling matatag ka," seryosong sagot ni Nay Dhona sa'kin.
Tumango naman ako at nag-patuloy kumain, habang kumakain kami ay bigla kaming naka-rinig ng pag-sabog sa labas. Mabilis kaming tumakbo at nagulat kami dahil may mga elementong hayop ngayon na naka-kalat sa paligid, meron ding busaw. Biglang naagaw ng pansin ko si Kimmy na naka-sakay sa walis nya at isang babae na naka-maskara at lumulutang dahil uma-apoy ang paanan nito.
"Anong Kailangan nyo sa'min!" matapang kong sigaw.
"Kailangan naming patayin ka at kukuhanin ko rin ang kapangyarihan ng isa pang sagisag," sagot ng babaeng naka-maskara.
"Nay Dhona rito ka sa likod namin," sabi ni Jannelliza at inihanda ang arnis nito.
"Hindi kami papayag na makuha mo ang kapangyarihan ni Nay Dhona, lalo naman na patayin mo kami," seryoso kong saad at inilabas ang sibat ko.
"Pwes mamatay kayong lahat!" sigaw ng naka-maskara.
"Hindi kami mag-papatalo!" sigaw ko rin.
Mabilis kaming humanda dahil ang labanang ito ay maaaring huling laban namin.
-----
A/n;
Busaw- it's legendary creature that resembles humans in appearance and behavior, raising farm animals and planting root crops. However, its favorite food is humans, resulting in scattered human skeletons on the grounds of its dwelling place. The Busaw was a ghoul and corpse thief.