Labanan 27

1419 Words
Third person pov: Mabilis sinaktak ni Jannelliza sa lupa ang kanyang arnis at nag-bago ang anyo para makipag-laban, mabilis nyang inilagan ang mga elementong aso na muntik umatake sa kanya at sinundan n'ya ito ng hampas. Si Edrian naman ay mabilis sinuntok ang busaw na muntik umatake sa kanya at sinundan n'ya pa ng isang suntok para sa elementong aso na nasa harapan nya. "Kaya ko ang sarili ko Morrigan," biglang sabi ni Dhona na nasa likuran ni Morrigan. "Alam kong mas matanda ako sa'yo Dhona pero mas malakas parin ako kaya Kailangan kitang protektahan," sagot ni Morrigan. Kasabay nito ang mabilis n'yang pag-hiwa sa elementong ibon na muntik umatake sa kanya. "Kamusta na bagong taga-pangalaga," tanong ng babaeng naka maskara na kaharap ngayon ni Ivan. "Sino kaba talaga?" seryosong tanong ni Ivan. "Bakit hindi mo alamin," ngising tanong ng babaeng naka-maskara. Kaya naman sinamo si Ivan at sibat nya at sinugod ang naka maskara, ang babaeng kalaban naman ni Ivan at bumuo ng spada na gawa sa salamin. Mabilis naki-palitan ng atake si Ivan sa babaeng naka maskara, ang babae naman ay sinalag din ang atake ni Ivan. "Morrigan!" sigaw ni Jannelliza. Pero mabilis naharang ni Morrigan ang apoy na muntik tumama sa kanila, tumingin naman si Morrigan kung saan ito nag-mula at nakita nyang si Kimmy ito. "Mukang ako muna ang mag-bantay kay Nay Dhona, Morrigan," saad ni Jannelliza. Tumango naman si Morrigan at kinontrol ang tubig, si Kimmy ay pina-ulanan ng bolang apoy si Morrigan pero hinaharang lang ito ni Morrigan ng tubig. "Ako ngayon ang kalabanin mong bruha ka!"sigaw ni Morrigan. Kasabay nito ang pag-buo n'ya ng pwersa ng tubig at pinatama kay Kimmy, dahil dito ay bumagsak sa sakay nyang walis si Kimmy. Morrigan pov: "Mukang magiging masaya ito," ngising sabi ni Kimmy. "Tignan natin kung hanggang saan ang kaya mo bruha," ngising sagot ko rin. Mabilis ako nitong intake gamit ang spada n'ya na hirang ko gamit ang rapier ko, kinontrol ko naman ang tubig at ginawa itong water blade at binato sa kanya. "Punyemas," sabi ni Kimmy dahil natamaan ito ng atake ko. "Bakit ba kayo nang-gugulo?" tanong ko. Ngumisi naman ito sa'kin. "Dahil ito ang tama at kailangan namin kayong patayin para masakop naming ang buong Pilipinas at susunod ang mundo!" sigaw na sagot nito. "Hindi ako papayag," sagot ko. At sumugod dito, hinarang naman nito ang mga atake ko pero bigla itong tumalsik nang biglang sumugod dito si Edrian, tumingin naman ako rito at pansin kong seryoso ito. "Edrian!" biglang rinig kong sigaw ni Ivan. Pero halos hindi ako maka-galaw dahil biglang bumaon ang isang salamin na parang sibat sa tiyan ni Edrian. "Beks!" sigaw din ni Jannelliza. Ivan pov: "Malay ko ba kung anong nagustuhan sa'yo ni Jepoy ang hina mo naman," sabi ng babaeng naka-maskara. "Anong alam mo tungkol sa'kin?" gigil kong tanong. "Lahat ng bagay Ivan," ngising sagot nito. Susugod sana ako nang may biglang humawak sa dalawa kong braso. "Nakakatuwa ka Ivan," ngising panimula nito, "Alam kong durog na durog kana pero paano kaya kung gawin ko ito." Kasabay nito ang pag-buo nya ng sibat na gawa sa salamin at binato, pag-tingin ko kung saan nya ito binato ay halos mamutla ako. "Edrian!" malakas kong sigaw. Pero huli na ang lahat at tinamaan na ito ng sibat, kitang-kita ko na tumakbo si Jannelliza kay Edrian at bigla akong nang-hina. "Ahhh!" rinig kong sigaw at pag-tingin ko ay si Dhona pala ito at naka-baon ang parang ahas na kamay ng babaeng naka-maskara sa dibdib nito. "Hindi!" sigaw ko muli. Kasabay nito ang pag-liwanag ng rosaryo at pag-talsik ng naka-hawak sa'kin, mabilis kong sunugod ang babaeng naka-maskara at inatake ito. "Walang hiya ka!" galit kong sigaw. Jannelliza pov: Nagulat ako nang makita ko si Nay Dhona na naka-handusay sa lupa, tumingin naman ako kay Morrigan at binabalultan n'ya ng tubig ang sugat ni Edrian. "Pipilitin kong hindi maubusan ng dugo si Edrian," sabi ni Morrigan. Kasabay nito ang pag-balot nya ng tubig sa kanilang dalawa, mabilis naman akong lumapit kay Nay Dhona pero naka-ngiti ito. "Nay pagalingin n'yo ang sarili nyo," hawak ko sa kamay nito. Sa halip sumagot ay inabot nito sa'kin ang perlas ni Ivan. "Ibigay mo ito sa kanya," nahihirapang sambit ni Nay Dhona. "Ivan!" sigaw ko at tumingin ito sa'kin kaya binato ko ang huling perlas n'ya sa rosaryo. "Jannelliza," biglang sabi ni Nay Dhona. "Bakit nay?" tanong ko. "Nais kong gamitin mo ang kapangyarihan ko sa tama," ngiting simula ni Nay Dhona. "Anong ibig mong sabihin nay?" naguguluhan kong tanong. "Ilibing mo ako sa likuran ng aking bahay," huling saad ni Nay Dhona at hinawakan ang kamay ko. Hindi ko alam pero biglang unti-unting lumiwanag ang kamay nito at kamay ko nang hawakan nya ang kamay ko. Third person pov: "Ivan!" sigaw ni Jannelliza at binato ang huling perlas ng rosaryo. Mabilis itong sinalo ni Ivan at idinikit sa rosaryo, kasabay nito ang malakas na liwanag kaya tumalsik ang ibang kalaban nila. Maka-lipas ang ilang minuto ay pag-labas ng isang itak sa kamay ni Ivan at unti-unting nag-bago at naging kampilan ito tulad ng sandata ni Lapu-Lapu, mabilis sumugod ang babaeng naka-maskara kay Ivan pero tila naging singbilis hangin si Ivan at sinugatan ang kalaban nya at sinira ang maskara nito. "Hanna," bulong ni Ivan nang makilala ang babae sa likod ng maskara. "Magaling ka Ivan," ngising simula ni Hanna. "Ikaw ang gustong pumatay sa'min!" galit na sigaw ni Ivan. "Oo, dahil magiging hadlang kayo sa plano namin," sagot ni Hanna. Kasabay nito ang pag-atake nya ng gintong apoy kay Ivan, si Ivan naman ay nilabas ang shield n'ya at nag-bago rin ang anyo nito at tila ang shape nito ay parang bilog ito na may parang curve sa bawat gilid nito. "Hindi ako mag-papatalo sa'yo Hanna," seryosong sabi ni Ivan. Kasabay nito ang pag-labas nya ng latigo pero tila mas humaba ito at nag-karoon ng matulis na cross sa dulo nito, mabilis itong hinampas ni Ivan at gumawa ng malakas na tunog matapos tumama kay Hanna. "Ahh!" hiyaw ni Hanna sa sakit. Susugod sana si Ivan pero tumalsik ito matapos tamaan ng mahika ni Kimmy. "Mahal na Reyna ayos ka lang ha?" tanong ni Kimmy. Pero namimilipit parin sa sakit si Hanna, sumugod naman si Kimmy kay Ivan pero inilabas ni Ivan ang sibat nya at tila mas mahaba na ang tulis nito. Inilagan ni Ivan ang bawat atake ni Kimmy pero hindi inasahan ni Kimmy ang atake mula kay Ivan kaya nasugatan ito, sumugod naman si Hanna kay Ivan kaya buong lakas din itong nilabanan ni Ivan. "Bakit ba Kailangan mo pang mabuhay!" sigaw ni Hanna. "Dahil kailangan kong putulin ang sungay mo!" sigaw ni Ivan at biglang nag-pakawala ng malakas na pwersa mula sa rosaryo. Hindi ito inasahan ni Hanna kaya tumalksik s'ya, inalalayan naman s'ya ni Kimmy para bumangon. "Paanong lumakas si Ivan," gigil na sabi ni Hanna. "Ayon sa libro dodoble ang lakas ng taga-pangalaga ng rosaryo oras na makupleto nya ito," sagot ni Kimmy kay Hanna. "Atakihin n'yo siya!" sigaw ni Hanna. Pero napa-tigil silang lahat nang biglang yumanig ang lupa. "Ang taga-hawak ng sagisag ng tag-sibol," bulong ni Kimmy. Tumingin naman si Hanna sa gawi ni Dhona pero wala na itong buhay pero pag-tingin nya kay Jannelliza ay may tattoo ito sa gitnang dibdib at lumiliwanag, kasabay nito ang pag-tubo ng malaking tayabak at pumatak ng isang tila gintong tubig kay Edrian at nawala ang sugat nito. Tumingin naman si Jannelliza kay Hanna at itinaas ang kamay kasabay ng pag-gawa ng blog na liwanag mula sa tayabak, si Hanna naman ay inipon ang kapangyarihan at inaktake kay Jannelliza pero sinalubong din ito ng atake ni Jannelliza. "Ahhh!" tili ni Hanna matapos niyang matalo at tumama sa puno. "Mahal na Reyna!" sigaw ni Kimmy. At mabilis nilapitan si Hanna na nanghihina. "Kailangan natin tumakas mahal na Reyna," saad ni Kimmy. Tumango naman si Hanna kaya sinakay ito ni Kimmy sa walis tingting n'ya, naiwan naman ang mga halimaw pero bigla silang pinuluputan ng ugat na may matutulis na tinik kaya namatay ang mga ito. "Jannelliza, Ivan," bulong ni Edrian. Bumalik naman sa ulirat sila Jannelliza at Ivan at mabilis tumakbo kay Edrian at niyakap ito. "Akala namin mawawala kana," umiiyak na sabi ni Ivan. "Akala ko iiwan mo na kami," umiiyak ding singit ni Jannelliza. "That will never happen," ngiting sagot ni Edrian. Dahil dun ay naka-hinga ng maluwag si Morrigan matapos ang kakaibang lakas ni Ivan pati narin ang bagong kapangyarihan ng kabiyak niyang si Jannelliza.

Read on the App

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD