Chapter 5

2283 Words
Napakislot ako sa 'king kinauupuan nang marinig ko ang mahinang pag-ungol ni Tisoy. Wala sa sariling napalingon ako sa kaniya. Gradually, my spirit awoke from its deep slumber when I realized the situation I was in now. My mind immediately returned to normal. Hindi ko namalayan kung ilang minuto ba akong natulala sa kawalan. Because until now, my whole brain still can't accept everything that happened. It is hard for me to believe that my life and the life of the man I can see now were almost in jeopardy. I slowly stood up and moved closer to Tisoy. I bit my lower lip as I got a better looked at his face. When I caressed his cheek, my hand was trembling. Napasinghap ako nang maramdaman ko ang mainit niyang balat sa balat ko. Hindi ko inalinta ang dugo niyang kumapit sa palad ko at ipinagpatuloy lang ang ginagawa. Habang ginagawa ko iyon ay nag-iinit ang sulok ng mga mata ko. Naroon na naman ang pakiramdam na tila sinasakal ang puso ko. At ang pakiramdam na iyon ay estranghero para sa akin. Hindi ko alam kung bakit ako nakararamdam nang ganito para sa lalaking ngayon ko lang nakita. Inisip ko na lang na baka naaawa ako sa kaniya dahil sa estadong kinalalagyan niya ngayon. Then, a sad smile flashed on my lips. "Hindi ko alam, kung anong ginawa mo sa kanila para saktan ka nila ng ganito,'' I said softly while staring at his face. "Siguro nayayabangan sila sa iyo kaya ka nila pinagtulungan at ginulpi, no?" Hindi ko naiwasang mapairap nang maalala ko ang paghahamong ginawa niya kanina kay Blonde. "Totoo naman kasing mayabang ka....” Ngumisi ako at napailing-iling saka muling sumeryoso. “Mabuti na lang at napadpad ako sa lugar na ito dahil kung hindi malamang deads ka na… Pero alam mo ba kung ano ang napala ko? Tsk!" Sabay irap ko sa hangin. "Nakatikim lang naman po ako ng sakal doon sa pangit na lider ng mga gunggong.." aniko na bahagya pang natawa. Wala sa sariling hinawakan ko ang aking leeg na nanakit pa rin hanggang ngayon. "Akala ko kanina katapusan na nating dalawa... Akala ko hindi na ako makakauwi sa amin. Akala ko hindi ko na makikita pang muli sina Nanay at Anata. Marami pa akong pangarap sa buhay pero hindi para sa sarili ko, kung 'di para sa dalawang taong importante sa buhay ko. Kawawa naman ang nanay ko kapag namatay ako ng maaga..Hindi ko pa nga nasusuklian ang pagpapalaki niya sa akin.. At saka iaahon ko pa sila sa kahirapan. At ipapakita ko sa Tatay kong walang kuwenta na kaya naming umasenso kahit na wala siya sa buhay namin.... Sa totoo lang, galit na galit ako sa kaniya. Galit ako sa ama ko. Sino ba naman kasi ang hindi magagalit kung mas pinili niyang iwan kami ng dahil sa babae niya...Mas pinili niya ang kabit niya kumpara sa aming mga anak niya. Siguro hindi niya kami mahal kaya ganoon...Hindi man lang niya inisip na mahihirapan kami na wala siya sa tabi namin. Pero alam mo..." Ngumiti ako ng malungkot at tumingala sa kalangitan. "Galit man ako sa aking ama, mahal na mahal ko pa rin siya sa kabila ng mga nagawa niya. Sa kabila ng mga pagkukulang niya at pag-iwan sa amin." Biglang bumalik sa akin alaala ang mga panahon na hindi kami nakakain sa loob ng isang araw dahil wala kaming kapera-pera. Iyong mga panahon na kailangan kong magbakal-bote at iwan ang kapatid ko sa ibang tao. Iyong kailangan kong um-absent sa school dahil kailangan kong bantayan ang kapatid kong may sakit. At magmakaawa sa ibang tao para pahiramin lang kami ng pera pambili ng bigas. Naalala ko pa noon na uuwi ako sa bahay namin na umiiyak dahil hindi ako pina-utang ng gatas ni Anata. Ang sakit! Sobrang sakit ng pakiramdam ko no'n. Iyong tipong maiisip mo na lang na sana hindi ka na lang nabuhay kung ganito rin lang naman. Isang buntong-hining ang pinakawalan ko para pagaanin ang dibdib ko. Kasunod niyon ang pagkunot ng noo ko nang maramdaman ko ang mainit na likidong naglandas sa pisngi ko. Ngumisi ako. Hindi ko namalayang umiiyak na pala ako. Umiiyak sa harapan ng lalaking ito. Kinagat ko ang aking pang-ibabang labi saka mariing napapikit. Bakit ko ba kinakausap ang lalaking ito? tanong ko sa sarili habang nakatitig sa mukha ni Tisoy. Umayos ako ng upo saka ko pinahiran ang basang kong pisngi. Inilibot ko ang aking paningin sa paligid. Nagbabaka-sakali akong baka mayroong dumaan na ibang tao na mahihingan ko ng tulong. Pero kandahaba na ang leeg ko at sumasakit na rin ang batok ko ay wala pa rin kahit anino man lang ng isang tao. The only way I can think of is to leave him for a moment and ask for help. I was worried for him that his condition might get worse if he stayed here longer. When I heard Tisoy muttered again, I was taken aback for a second. Parang may kung anong mahika sa sarili ko na hindi inaalis ang pagkakatingin sa kaniya habang unti-unti niyang iminumulat ang kaniyang mga mata. Umawang ang labi ko nang magtama ang aming mga paningin. I caressed his hand and couldn't stop the happy smile from spreading across my lips. "A-Ayos ka lang ba?" I immediately asked him. "May masakit ba sa 'yo? Kaya mo bang tumayo? Bakit ba kasi binugbog ka ng mga lalaking iyon? Ano bang kasalanan mo sa kanila at halos mapatay ka na nila?” yamot kong tanong. When I noticed him staring at my face, I felt embarrassed. I got no response from him. His lip remained closed. Kasunod niyon ay ang pagkunot ng kaniyang noo. Sigurado akong nagtataka siya ng mga sandaling iyon kung bakit ako nandito ngayon sa kaniyang tabi. Umiwas ako ng tingin sa kaniya. Hindi ko matagalan ang matiim niyang pagkakatitig sa akin. Seryoso ang kaniyang mukha at wala akong mabasang emosyon doon. Ang lalim… na iyong tipong hindi mo kayang arukin ang kaniyang saloobin. Hay! Buntong-hininga ko. "A-Ayos lang ba sa iyo na maiwan muna kita rito? Maghahanap ako ng taong puwedeng tumulong sa atin. Saglit lang naman at babalikan din kita," I said after the awkward moment between the two of us.. I couldn't bear his stare at me so I was the first to look away from him. Naiilang man ay nagpapasalamat pa rin akong nagawa kong magsalita kahit na nahihirapan. I quickly stood up and no longer waited for his opinion. Umakma akong hahakbang pero napahinto ako nang may pumigil sa paa ko. Napakislot ako at para akong kinilabutan sa mainit niyang palad na dumantay sa aking balat. Dahan-dahan akong yumuko para tingnan siya. "B-Bakit?" I stuttered. My heart started to race. "Don't leave me,” He said, hoarsely. “Please... Just stay with me for a moment.” Kumunot ang aking noo. "Pero kailangan mong magamot. Walang tutulong sa atin dito kung hindi ako hihingi ng tulong. Huwag kang mag-alala dahil babalikan din naman kita rito," pagpapaintindi ko. I felt him tighten his grip on my foot even more. "Please... don't," He begged, his eyes pleading. In those moments, he was like a child who didn't want to leave his mother because he was afraid of being alone. Naihilamos ko ang aking kamay sa aking mukha at saka ako nagpakawala ng isang malalim na hininga. Wala akong nagawa kung hindi ang umupo na lang muli sa kaniyang harapan. My gaze was drawn to the lush and towering grass, which seemed to dance in the wind. I never get tired of looking at the greenery around me. I closed my eyes and felt the cool breeze on my skin. Nakaka-relax sa pakiramdam ang ganitong scenario. Iyong walang magulo at maingay sa paligid. Iyong parang sarili mo ang lugar at walang ibang mambubulabog sa teritoryo mo. Napakasarap siguro mamuhay nang ganoon at lalong lalo na kung wala kang iniisip na problema. Ayos na sana e, at unti-unti nang gumagaan ang pakiramdam ko. Pero s**t na malagkit! Suddenly, I heard a faint sob. The hairs on my body stood up. The word "ghost" came first to my mind, but it was obviously impossible. They claimed that the ghost only appeared at night because they were afraid of light. I'm not sure who came up with that theory and I'm not interested in discovering who he is. Lumingon ako sa pinanggalingan ng mumunting hikbi. Sa epal na lalaking bumasag sa katahimikan nang pag-iisip ko. Nakapikit ang kaniyang mga mata at may luhang dumadaloy sa kaniyang pisngi. Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko, kung papaano ko siya iko-comfort. This is the first time a man has cried in front of me, and I'm not sure what to do in situations like this. Bakit siya umiiyak? I whispered to myself. Marahil kung ang kaibigan kong si Mhegan ang umiiyak ngayon ay malamang na kanina ko pa siya nayakap. Pero ibang usapan ang lalaking ito dahil hindi ko siya kaibigan at ni hindi ko nga alam ang pangalan ng lalaking ito. My godness! Lumunok ako at sh*t! Ang sakit ng lalamunan ko. Hayop talaga ang lalaking iyon! Walang patawad ultimo babae pinapatulan! Mapupunta ka rin sa impyerno hayop ka at pagbabayaran mo ang ginawa mo sa akin! Nanggigigil at ngitngit ko sa isip nang maalala ang ginawa sa akin ng lalaking pula ang buhok at siyang lider ng mga gunggong. Muli akong napalunok at binalingan si Tisoy na humihikbi pa rin hanggang ngayon. I shook his shoulder. “H-Hoy! Bakit ka nag-eemote riyan? Kalalaking mong tao umiiyak ka,” pambubuska ko sa lalaki. Gusto ko lang naman pagaanin ang nararamdaman niya ngayon. Pero sa kabila niyon ay may agam-agam sa dibdib ko na baka masamain niya ang sinabi ko. Huwag naman sana… “Bakit hindi ba p’wede?” Namilog ang mga mata ko dahil hindi ko inaasahan na magkokomento siya sa sinabi ko. Akala ko deama ang beauty ko sa lalaking ito. “Mga babae lang ba ang may karapatang umiyak? Tao rin naman kami, a,” aniya pa sa pagitan ng paghikbi. “May feelings rin kami, baka ‘kala mo kayo lang,” pagsusungit niya at saka niya ko tinignan nang masama. In my mind, I smiled. He was right. Hindi naman porket lalaki ka, wala ka nang karapatang umiyak. May damdamin din sila at hindi masama ang magpakita o maglabas ng emosyon sa ibang tao. Mas mainam na gawin iyon lalo na kung hindi mo na kayang dalhin ito mag-isa. “Hep! Hep! O, kalma lang bro… Sungit mo naman… At saka wala naman akong sinabing bawal. Nagtataka lang... Bakit bawal magtaka? First time kasing may umiyak na lalaki sa harapan ko at saka…” Napahinto ako. Hindi ko maituloy ang karugtong niyon. Baka mamaya niyan sapukin niya ako kapag hindi niya nagustuhan ang sinabi ko. “Why did you stop? Ituloy mo,” may pagka-bossy na utos niya. Napakagat-labi ako at pinigil ang matawa. Yabang talaga ng asungot na 'to! Parang kanina lang may paiyak-iyak pa siyang nalalaman. Ikaw na boy! Ikaw na talaga! “O, ano na?” maya-maya'y untag niya nang hindi pa rin ako kumikibo. I shook my head and frowned slightly. "It's nothing. Forget it,"pagtatapos ko ng usapan. Akala ko titigil na siya sa pagtatanong pero nagkamali ako dahil mukhang ipinaglihi yata ‘to ng nanay niya sa bato. Ang tigas ng ulo! "Bakit ba interesado kang malaman pa? Sinabi ko na ngang wala iyon, 'di ba?" “And why not? Natural lang na maging interesado ako. Malay ko ba kung minumura mo na pala ako r'yan sa isip mo." “Tsss! Hindi 'no! Huwag mo na lang kasing isipin iyon. Kunwari na lang wala kang narinig.” “Tss! Hindi 'no!" panggagaya niya sa akin na ikinakunot ng noo ko. "Hindi talaga! For your information, Miss, hindi po ako bingi." “Kaya nga kunwari ‘di ba!” ipinagdiinan ko pa ang salitang kunwari para naman ma-gets niya. Naiinis na ako sa kaniya at kaunting-kaunti na lang ay mapuputol na ang pisi ng pasensiya ko. Ngumuso ako at padabog na tumayo. Naglakad ako palayo sa kaniya. Pero wala naman akong balak na iwan siya. Di-distansya lang ng kaunti at kunwari galit-galitan ako sa kaniya para hindi niya na ako kulitin. Hindi ko maiwasang isipin na big deal ba talaga sa kaniya iyong iniisip ko o dahilan niya lang iyon para magpapansin sa akin? Palihim akong napangiti. Kalalaking tao pero dinaig pa ang babae sa pagiging makulit tapos iyakin din. "Ano kayang itsura niya kapag walang pasa? Guwapo kaya siya?" I curiously asked myself. Nakakailang hakbang palang ako nang marinig ko ang pagdaing niya. Agad akong napalingon sa kaniya at nakita kong nahihirapan siyang tumayo. I approached him quickly and provided him my support. “Kaya mo ba?” may pag-aalala sa boses na tanong ko. Kahit naiinis ako sa kaniya ay hindi ko naman siya p’wedeng pabayaan na lang at iwang ditto mag-isa. Nakapikit ang matang tumango siya bilang tugon at halatang iniinda niya ang sakit na nararamdaman. Napailing-iling na lang ako kasabay ng pagbuga ko ng marahas na hangin. “Okay. Ganito,” I held his right hand, “aalalayan kitang maglakad hanggang makarating tayo roon sa may highway," aniko. Sandali kong pinag-aralan ang kabuuan ng kaniyang mukha bago ako nagpatuloy sa pagsasalita. "Habang patagal nang patagal ay lalong nangingitim iyang mga pasa mo sa mukha. Baka mapaano na iyan kung papabayaan natin. Tutulungan kita pero dapat tulungan mo rin ang sarili mo," may pag-aalala sa boses na wika ko. At sa ikalawang pagkakataon ay muli siyang tumango para sumang-ayon. Siguro dahil unti-unti niya na ring nararamdaman ang naging epekto ng pagkakabugbog sa kaniya kanina.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD