Chapter 4

2771 Words
Tisoy was immediately attacked by the remaining five men. Para silang mga mababangis na hayop na nag-uunahan sa iisang pagkain sa kanilang harapan at takam na takam na sunggaban iyon. At first, Tisoy was able to protect himself against his opponents' blows and kicks. But as the fight went on, Tisoy became at a disadvantage. Sino ba naman kasi ang hindi magiging dehado? Limang lalaki ang umaatake sa kaniya ng sabay at nag-iisa lang siya. Hindi naman siya si Superman para matalo ang mga lalaking iyon sa isang pitik lang ng kaniyang kamay. I let out a frustrated sighed. It seemed like I was watching an action movie right now. Ang bawat suntok at sipa na natatanggap niya ay tila nadarama rin ng katawan ko. Hindi ko akalain na makararamdam ako ng takot para sa isang lalaking hindi ko kilala at ngayon ko lang nakita. I could see by his face that he was struggling and couldn't defend himself any longer. Add to the fact that he was beaten with a thick and long stick on his foot. Tisoy went down on his knees and his opponents took advantage of him right away. Nilapitan siya ng lalaking mala-Bob Marley ang dating saka siya sinipa sa mukha dahilan para tumalsik ang dugo sa bibig ni Tisoy. My lips parted. Pakiramdam ko ay may dumagan na mabigat na bagay sa dibdib ko at may bukol na humarang sa lalamunan ko. Lumunok ako nang paulit-ulit para pigilan ang mapaluha. Pero hindi ko nagawa dahil tuluyan nang bumagsak ang mga iyon at naglandas sa aking pisngi. Itinayo siya ng lalaking naka-top knot ang buhok at binigwasan muli ng isang pang malakas na upper cut. Sumudsod sa lupa si Tisoy. Sh*t! Ang daya nila! Nangigigil na naikuyom ko ang aking mga kamao. Hindi sila patas kung lumaban dahil alam nilang kayang-kaya silang patumbahin ni Tisoy kung one on one lang ang usapan. Muli kong ibinalik ang tingin ko kay Tisoy na ngayon ay nakabaluktot habang ang kaniyang mga kamay ay ginawa niyang pananggalang sa kaniyang katawan. "Argh! Argh!” mga ungol na kumakawala sa bibig ni Tisoy sa tuwing nakakatanggap siya ng sipa mula sa mga kaaway. Halos hindi na maimulat ni Tisoy ang kaniyang mga mata. Puno na ng pasa at naghahalo na rin ang dugo sa kaniyang mukha na dulot ng sugat na natamo niya. "Ano ba iyan! Nakakabanas kayong panoorin! Put*ang ina! Kanina n'yo pa inuupakan ang gagong iyan pero hindi n'yo pa rin napapatulog hanggang ngayon!" naulinigan kong yamot na wika ng kung sino sa 'di kalayuan. Kunot ang noong nilingon ko ang pinagmulan ng boses. Isang lalaking pula ang buhok ang nakatayo sa may ilalim ng punong mangga. Naka-cross arm ang kaniyang mga kamay at nakataas ang kaniyang kilay. Sa kanang bahagi ng kaniyang braso ay kitang-kita ko ang tattoo niyang ahas na may korona. Hula ko'y siya ang lider ng mga lalaking bumubugbog ngayon kay Tisoy. "Ano ba?! Wala na bang may mas i-le-level-up iyan?! Lakas lakasan n'yo naman ang ginagawa n'yo! Parang hindi kayo nag-almusal sa lagay na iyan, a! Huwag ninyong tigilan hanggang may lakas pa!" pasigaw niyang utos sa limang lalaki. Narinig ko ang kaniyang malakas na pag-ismid at tumaas ang sulok ng kaniyang labi sabay ngisi na parang aso. "Tsk! T*ang ina ka! Nasaan tapang mo ngayon, g*go?! Kami pa talaga ang kinalaban mo! Kung nakinig at sumunod ka na lang sana kanina, e, 'di sana'y hindi ka nabubugbog ng ganiyan! Ngayon ipapakita ko sa iyo kung saan ka dapat lumugar at kung sino ang kinalaban mo!" "Boss, mahina! Walang binatbat!” pasigaw na sinabi ng pinakamaliit sa limang lalakin pero may katabaan ang katawan. "’Kala mo kung sino…” sabi naman ng isa pa na mala-Bob Marley ang pormahan bago muling sumipa sa may tiyan ni Tisoy. “Tsk! Yabang mo pa kanina, a! O, ano? Nasaan na angas mo ngayon?" sabay ngisi. “Kaya nga e, puro satsat… Wala naman palang binatbat ang g*go!” anang lalaki na naka-top knot ang buhok. “Itayo mo, Greg,” maya-maya' y utos ng lalaking pula ang buhok. Lumakas ang pagkabog ng dibdib ko nang makitang marahan siyang naglakad sa direksyon ng mga alipores niya at ni Tisoy. At nang dumako ang paningin ko sa kaniyang kamay para akong tinakasan ng dugo sa mukha. Napahawak ako sa haligi ng kubong pinagtataguan ko dahil sa takot. Hindi ako tanga para hindi ko malaman kung para saan ang patalim na hawak niya ngayon. Diyos ko po, huwag naman po sanang mangyari ang iniisip ko! Sa kabilang banda naman ay agad na tumalima iyong Greg at walang sinayang na panahon. Kahit nahihirapan iyong Greg ay nagawa nitong itayo si Tisoy na lupaypay na ang katawan at wala na talagang lakas para lumaban. “G*go! Ano?! Titingin ka na lang ba riyan? Tulungan mo kaya ako’t sobrang bigat pa naman ng hayop na ‘to!” asik ni Greg doon sa maliit na lalaki na agad namang kumilos at tumulong. Hindi ako makapaniwalang magagawa ng mga binatilyong iyon ang ganito kabrutal na gawain. Hamakin mo sa likod ng kanilang mga murang edad at inosenteng mukha ay may nakatagong palang kademonyohan sa kanilang pagkatao. Ika nga nila don't judge the book by its cover. Sa panahon ngayon talamak na talaga ang pambu-bully ng mga kabataan sa kanilang kapwa. Sila iyong mga taong insecure sa sarili at pinakamahinang tao sa mundo. Pinupuna nila ang ibang tao na sa tingin nila ay mas mahina pa sa kanila para mas tumaas iyong tingin nila kanilang sarili. Takot silang mapagtawanan kaya ginagawa nilang katawa-tawa iyong ibang tao. Sa ginagawa nilang iyon, pinapatunayan lang nila kung gaano sila kahina. Nakikialam sila ng buhay ng may buhay kahit wala namang ginagawa sa kanila iyong tao. Matapang lang naman sila kapag may mga kasama sila o ‘di kaya’y nariyan ang mga ka-grupo nila. Mayroong nambubu-bully dahil may nagpapa-bully. Maraming tao ang may kahinaan ang loob kaya't madali maapektuhan ng mga salita. Dahil dito nakakaapekto sa pansariling katayuan sa buhay ng tao ang paraan ng pakikitungo ng ibang tao. Maaring hindi niya kayang pangatawanan o ipagtanggol ang mga bagay na napapansin sa kaniya ng iba kaya naman iyon ang sinasamantala kaagad ng mga bully. Bakit? Bakit kaya nilang gawin ang mga bagay na ito? Nasaan ang mga konsensiya nila? Hindi ba nila naisip na hindi na tama ang ginagawa nila at hindi lang iyong taong sinasaktan nila ang nasasaktan kundi pati na rin iyong mga magulang ng mga binu-bully nila? Dahil walang magulang ang gugustuhin na makita ang kanilang anak na nasasaktan. Humugot ako ng malalim na hininga at ibinuga iyon para pakalmahin ang aking isipan at naghuhurumintado kong damdamin. Wala akong magawa kung hindi ang manood na lang habang binibigwasan ng malakas na suntok ng lider si Tisoy sa may sikmura. Sinundan pa ng dalawang magkasunod na suntok sa magkabilang mukha nito. Naghiyawan sa saya ang mga gunggong dahil sa ginawa ng kanilang lider na parang nagwagi iyon sa isang patimpalak. Habang si Tisoy naman ay umubo ng dugo at bumagsak muli sa lupa nang bitawan ito nina Greg at nung maliit na lalaki. “Anong ginagawa mo rito? Sino ka?!” Halos atakehin ako sa puso ng dumagundong sa pandinig ko ang baritonong boses na iyon na nagmumula sa likuran ko. Nanginginig na lumingon ako at tumambad sa ‘king paningin ang lalaking naka-top knot ang buhok. Agad na nilukob ng takot ang dibdib ko. Umawang ang labi ko pero walang katagang lumabas doon. Kunot-noo niya akong tinitigan sa mukha at saka niya ko pinapasadahan nang tingin mula ulo hanggang paa. Nagsimula siyang humakbang papalapit sa akin. “H-Huwang kang lumapit!” mahina at kabadong saway ko sa lalaki. Sa bawat paghakbang niya'y lalong lumalakas ang pagkabog ng dibdib ko. Ngumisi siya nang nakakaloka. Katapusan ko na ba? Sh*t! Sinasabi na nga ba e! Dapat kasi dumiretso na lang ako at hindi na lumapit dito… piping bulong ko sa sarili. Umiiral kasi iyang ang pagka-tsismosa mo, chin! Iyan tuloy nalagay ka na naman sa alanganing sitwasyon. pambu-buwisit naman ng kabilang isip ko. Magsisi man ako ngayon ay wala na ring saysay dahil huli na ang lahat. Tama nga ang kasabihan na nasa huli ang pagsisisi. Sh*t! muli pa ay mura ko sa aking isip. Gusto kong pumalahaw ng iyak. Naiisip ko pa lang na bubugbugin ako ng mga ugok na ito’y kinikilabutan na ako. At lalo na ng maisip ko na baka pagsamantalahan ako ng mga ito. Diyos ko po tulungan n'yo po sana ako! Sunod-sunod ang ginawa kong pag-atras at hindi ko namalayan ang nakausling bato sa likuran ko. Nawalan ako ng balanse kasunod nang malakas na tili na kumawala sa aking bibig. Ramdam ko ang sakit sa puwetan at balakang ko dahil sa lakas ng impact na dulot nang pagbagsak kong iyon. Mariin kong nakagat ang aking pang-ibaba labi para pigilan ang mapahikbi. Aray! Nang magmulat ako ng mga mata’y, nahindik ako sa aking nabungaran. Mga pangit na mukha ng mga gunggong ang nakatunghay sa akin. Hinawakan ako ng dalawang lalaki sa magkibilang braso at pilit na itinayo. Pagkatapos ay iginiya nila ako palapit sa kanilang lider. Kahit anong gawin kong pagpupumiglas ay hindi ako makawala. Anong laban ko sa mga ito? "Ano ba! Bitawan n'yo 'ko!" paulit-ulit kong singhal sa dalawang may hawak sa akin. Pero para silang mga bingi at hindi ako pinapansin. Tsk! As if naman may pakialam sila! Binitawan lang ako ng dalawang gunggong nang nasa harap na kami ng kanilang lider. Ngumisi ang lalaking pula ang buhok. Kapag kuwan ay pinasadahan niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa. “Hindi ko inaasahang may magandang binibini pala na bibisita sa atin dito." Tumikwas ang kilay ko at nilabanan ang matiim niyang titig sa akin. Hindi ko alam kung bakit ang takot sa dibdib ko'y napalitan ng inis dahil sa ginawa niyang pagsuri sa kabuuan ko. Pakiramdam ko'y nababastos ako. Tinaasan ko siya ng kilay at dumura na para bang diring-diri ako sa kaharap ko. Nagsipulan ang mga alipores niya dahil sa ginawi kong iyon. Ang iba nama'y mahinang natawa na tila may nakakatawa sa ginawa ko. Hindi ko sila pinansin at pasimple kong binalingan si Tisoy. Buhat sa aking kinatatayuan ay kitang-kita ko ang paghihirap sa mukha ng lalaki. Napakagat-labi ako at hindi ko alam kung bakit biglang sumikip ang dibdib ko sa tanawing iyon. Parang pinipiga ang puso ko. Gusto ko man siyang lapitan at yakapin ng mahigpit ay hindi ko magawa. Napatingala ako sa langit nang maramdaman ang mainit na likido na naglandas sa aking pisngi. Hindi ko kinaya ang emosyon na naghuhurumintado sa dibdib ko. Tumiim ang bagang ko. Masama ang tingin na binalingan ko ang lalaking pula ang buhok. "Bakit?” puno ng hinanakit na tanong ko. Nang mga sandaling iyon ay gustong-gusto ko siyang sugurin at bigyan ng mag-asawang sampal pero pinigil ko ang sarili. “Bakit nakakaya ninyong manakit ng kapwa n'yo? Achievement ba para sa inyo 'yon? At talagang tuwang tuwa pa kayo habang binubugbog n'yo ang lalaking 'to!" Turo ko kay Tisoy. "Wala ba kayong Magulang at kapatid? Paano kung sa kanila nangyari ito? Magiging masaya ba kayo?" Isa-isa ko silang tinignan. Napawi ang ngiti sa mga labi nila at unti-unting sumeryoso ang mga mukha. Pero ni isa sa kanila'y walang nagsalita. Alam kong pinagtatawan lang nila ang mga sinasabi ko pero wala akong pakialam. Marahang lumapit sa akin ang lider at walang ano-ano'y dumampi ang kaniyang hintuturo sa basa ko pang pisngi. Galit at marahas na pinalis ko ang pangahas niyang kamay at matalim siyang tinignan. "Hindi kami ang nagsimula ng gulo, Binibini," mahinahong sagot ng lider. "At wala kang karapatan para pangaralan kami ng ganiyan." Tumaas ang sulok ng labi ko at tinaasan siya ng kilay. "Bakit? May kriminal ba na nagpapahuli ng buhay?" patuyang tanong ko. "Oo, wala nga akong karapatan dahil buhay n'yo iyan. Pero wala rin kayong karapatan para ganyanin ang lalaking ito!" Mahina siyang natawa. "Wala akong magagawa kong ayaw mong maniwala at isa pa deserve niya iyan dahil mayabang siya!" sabi niya at saka ako tinalikuran. "Tss!" ismid ko saka ngumisi. "Siguro nga kasalanan niya. Siguro nga mayabang siya. Pero tama ba na halos mapatay n'yo na ang lalaking iyan? Pareho lang naman kayong mayayabang, a...Bakit nasapawan ba niya ang kayabangan n'yo at hindi n'yo iyon matanggap kaya ninyo siya ginulpi?" nangangalaiti kong sigaw na nagpahinto sa ginagawa niyang paghakbang. Gayon pa man ay hindi siya lumingon. Nanatili siyang nakatalikod sa akin kaya nagpatuloy ako. "Mga hayop kayo! Mga duwag! Demonyo kayo! Dahil demonyo lang may kakayahang gumawa ng ganito sa kanilang kap-" nabitin sa ere ang sasabihin ko dahil sa isang kisap lang ng mata ko'y hindi ko namalayang nakahawak na siya sa leeg ko. Mahigpit. Sobrang higpit. Pinipigalan niyon ang paghinga ko. Sinubukan kong alisin ang kamay niya sa leeg ko subalit hindi ko magawa. Napakalakas ng lalaking kaharap ko o sadyang mahina lang talaga ako. Ang mga tao sa paligid ko'y tahimik na nakamasid. Walang ni isa sa kanila ang siyang may lakas ng loob na pumigil dito sa ginagawa. Lahat sila'y tila nangingiming mangialam. Maluha-luha na ako at nahihirapan ng huminga. Alam kong minuto na lang at tuluyan na akong mauubusan ng hangin. "Napakadaldal mo! Ang lakas ng loob mong pagsalitaan ako! Bakit? Sino ka ba sa akala mo, ha? Pinagbibigyan lang kita kanina at sinamantala mo naman! Pero hindi na ngayon dahil naririndi na ako riyan sa bunganga mong putak nang putak!" nanlalaki ang mga matang bulyaw niya sa akin. "B-Bitiwan m-mo ko!" Kahit hirap ay nagawa ko pa ring magsalita. Pilit kong inalis muli ang kamay niya sa leeg ko. "Tsk! Inuutusan mo ba ako?" ngumisi siya at pinanliitan niya ko ng mga mata. "Sorry to say pero hindi ako marunong sumunod sa utos ng iba! Ngayon ipapakita ko sa iyo ang sinasabi mong demonyo!" Mas lalong humigpit ang hawak niya sa leeg ko. "B-Bitiw-" Hindi ko na naituloy pa dahil namalayan ko na lang na dumaos-os na pababa ang kamay ko. Wala na akong lakas. Kasabay ng unti-unting pagbigat ng talukap ng mga mata ko. Ito na ba ang katapusan ko? Bigla kong naalala ang mukha ng aking ina at ni Anata. Nay! Naiusal ko sa isip. "B-boss, tama na," rinig kong sabi ng isa sa kanila. Sa pagkakataong iyon kahit na hinang-hina na ako at kinakapos na ng hininga ay nakita ko pa sa nanlalabo kong mga mata ang paglapit nung Greg. May ibinulong ito na ikinangisi ng lalaking sumasakal sa akin. Hindi ko alam kung bakit pero ilang sandali pa'y niluwagan niya ang pagkakahawak sa leeg ko at tuluyan niya na nga akong binitawan. Suminghap ako nang malalim na hininga habang hawak-hawak ang leeg kong nasaktan. Nagtataka ma'y laking pasasalamat ko pa rin dahil kahit papaano ay nakahinga na ako ng maluwag. Dahil nanghihina ang tuhod ko'y agad akong napaupo sa damuhan nang bitawan niya ako. Paulit-ulit akong umubo habang hawak ang leeg ko. Sobrang sakit ng leeg ko at pakiramdam ko'y namamaga iyon. Shit! Pati paglunok ko ay pahirapan din. Yumuko ang lider at pinagpantay niya ang mukha naming dalawa. Tinignan ko siya ng masama. Kung nakamamatay lang ang pagtitig kong iyon sa kaniya malamang kanina pa siya bumulagta sa harapan ko. Napalunok ako saka bahagyang lumayo sa kaniya. T*ng ina! Ang baho ng hininga niya! Hindi ba uso toothbrush sa lalaking 'to? Hindi yata sakal ang ikamamatay ko, kung hindi ang mabaho niyang hininga. "Magpasalamat ka at wala ka pa sa listahan ni San Pedro." Ngumisi siya. "'Di ko alam na malakas pala kapit mo kay satanas," makahulugan niyang sinabi. Umangat ang tingin ko sa kaniya. Nagtataka. Dahil alam kong may kahulugan ang kaniyang mga binitawang salita. Pero hindi ko nagawang magtanong at sinarili na lang iyon. Ayoko siyang kausapin. Nabubuwisit ako sa pagmumukha niya! "Umalis na tayo," maya-maya'y utos niya sa mga kaniyang mga kasamahan. Bumaling siya sa akin at sa huling pagkakataon ay muli siyang nagsalita na ikinagulat ko. "Nice meeting you, Ms. Francine. Hindi ko inaasahang makakaharap ko ang kinababaliwan ni Supremo," aniya pa at saka niya ko tinalikuran at naglakad palayo kasama ang mga kaniyang mga alipores. Matagal nang nakaalis ang mga lalaking iyon pero hanggang ngayon ay nakaupo pa rin ako sa may damuhan. Malayo ang tingin at blangko ang isipan. Ang ipinagtataka ko bakit biglang nagbago ang isip niya? Hindi naman sa gusto ko nang mamatay pero nakapagtataka lang kasi... Akala ko talaga kanina ay mamatay na ako. At sino nga 'yon? Supremo raw? Hinagilap ko sa isip kung may kakilala akong Supremo, pero wala.. Wala akong matandaan... Sino siya? At ano ang kaugnayan ko sa supremo nila?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD