Chapter 6
Tagaktak na ang pawis ko at namamanhid na rin ang mga braso ko dahil sobrang bigat ng kasama ko. Nakaakbay ang isang braso niya sa balikat ko habang inaalalayan ko siyang maglakad. Hinuha ko'y may bali siya sa kaniyang kaliwang binti dahil sa tuwing inihahakbang niya ang kaniyang mga paa ay rumirehistro ang sakit sa kaniyang mukha. Pagod na pagod na ako, to the point na gusto ko na lang humiga ngayon sa lupa dahil sa sobrang pagod. Kung tutuusin, malapit lang naman ang highway mula rito. Sampung minuto ang kakailanganin para makarating doon. Subalit dahil usad pagong nga kami ngayon ay umabot na kami ng kinse minutos sa paglalakad ay hindi pa rin kami nangangalahati.
K*ng ina!
Nakatapak ba ako ng tae para malasin nang sobra ngayon araw na ito?
Ano bang nagawa kong kasalan para parusahan mo ako ng gan'to Lord? Sabay tingin ko sa langit.
I exhaled deeply and sighed.
Bakit ba kasi ang hilig kong mangialam sa problema ng iba? Kaya lagi na lang akong nalalagay sa alanganing sitwasyon dahil sa pagiging pakialamera ko. Gusto ko lang naman sanang tumulong pero bakit tila napapasama ako sa tuwing ginagawa ko iyon? Naalala ko tuloy iyong matandang tinulungan ko kanina at iyong lalaking tumulong sa akin.
The image of him flashes through my head.
Don’t get me wrong. Wala akong gusto sa lalaking iyon. Naalala ko lang.
Pasimple kong tiningnan ang katabi ko. Kanina pa siya tahimik at hindi man lang ako kinakausap.
Hello? Baka naman gusto niya akong kausapin para malibang naman ako kahit papaano. At hindi iyong pinatutuunan ko nang pansin ‘tong kamay ko na feeling ko ay mapuputol na. At isa pa kasalanan niya kaya ‘to.
Umirap ako sa hangin at ipinasiya kong ituon na lang ang pansin sa daan. Total wala naman siyang balak pansinin ako. Baka mamaya niyan dahil sa katangahan ko ay maging sanhi pa iyon nang pagkadapa naming dalawa. Mabuti na rin iyong nag-iingat nang malayo naman kahit papanu sa disgrasya. Napapansin ko kasing nagiging suki na ako ni kamalasan.
Ilang minuto pa ang ginugol namin sa paglalakad nang bigla na lang akong may natanaw na isang lalaki sa 'di kalayuan.
My eyes slightly widened.
Namamalik-mata ba ako? I blinked my eyes. At nang masiguro kong papunta nga siya sa direksyon namin ay halos mapatalon ako sa tuwa.
A wide smile started to spread across my face.
Huminto ako.
“What’s wrong?” Tisoy asked with a worried tone.
Himala napansin ako?
Itinuro ko sa kaniya ang lalaking ilang metro na lang ang layo sa amin. “Someone is coming to help us!” I said, smiling.
BAGSAK ang aking balikat habang naglalakad ako patungo sa aming classroom. Nasa third floor pa iyon at ilang baitang pa ang kakailanganin kong lagpasan para makarating doon.
Huminto ako saglit at nahahapong tumukod sa aking magkabilang tuhod. Tumingin ako sa aking paligid. Wala na akong makitang estudyante ngayon sa corridor. Third period na at malamang na ang lahat ay nasa kani-kanilang mga classroom na.
Tumayo ako ng tuwid at inunat-unat ko ang aking nananakit na likod. Ramdam ko pa rin ang pamamaga ng lalamunan ko, idagdag pa na nanlalagkit din ang pakiramdam ko dahil sa pawis at alikabok na dumikit sa katawan ko . Dulot iyon ng mahigit isang oras kong penalty kay Manong Guard.
My God!
Ipalinis ba sa amin iyong buong gym! What the fudge!
Naabutan kong magulo at maingay ang loob ng classroom namin. Wala si Ma’am Jane kaya pala ang lalakas ng loob ng mga classmate ko na mag-ingay. Pinasadahan ko ng tingin ang loob ng classroom at napailing-iling na lang sa aking nakita.
“O, Francine, buhay ka pa pala!” nakangiting pambubuska sa akin ni Jayden ng madaanan ko siya sa kaniyang upuan. “I thought, ipapasa mo na sa akin ang korona,”aniya habang nakapangalumbaba.
Tumaas ang kilay ko at walang buhay na sinulyapan siya. Wala ako sa mood para makipagbangayan sa kaniya ngayon. Masyado ng maraming nangyari sa araw na ‘to at ayoko nang dagdagan pa.
“Sayang naman at hindi ka nakakuha ng exam kanina. Plus point tuloy sa akin,” aniya pa sabay halakhak.
T*ng ina! Ipinaalala pa talaga sa akin! G*go! Kainis!
Isang matalim na tingin ang ibinigay ko sa kaniya bago ako dumiretso sa aking silya.
Pabagsak akong umupo at hindi na inabala pang tanggalin ang suot kong bag pack na nakasukbit sa balikat ko.
Heaven! Bulong ko nang lumapat ang aking likod sa silya. Ipinikit ko ang aking mga mata at bigla na lang lumitaw sa aking balintataw ang duguang mukha ni Tisoy.
Kamusta na kaya iyong lalaking iyon? Nagamot na kaya ang mga sugat niya?
Wala na akong ideya kung anong nangyari sa kaniya dahil nang makarating kami sa labasan ay kaagad na siyang isinakay ng kaniyang mga bodyguard sa isang magarang sasakyan.
Laking gulat ko kanina nang malaman na mayaman pala ang lalaking iyon!
Bakit hindi ko man lang napasin?
Iyong sapatos niyang addidas ang tatak.
Iyong suot niyang relo at lalong-lalo na iyong mala-porcelana niyang kutis.
Tss! Paano ko naman mapapansin iyon kung nasa bingit kami ng kamatayan?
Naputol ang iniisip ko ng may maramdaman akong gumalaw sa tabi ko. Nakapikit pa rin ang mga mata ko. Pero kahit naman hindi ko tingnan kung sino, alam kong si Mhegan ang tumabi sa akin. Amoy pa lang niya alam na alam ko na.
“O, bakit ngayon ka lang?” bakas ang pagtataka sa boses ng kaibigan ko. Nanunuot sa aking pang-amoy ang bango ng pagkaing dala niya.
As usual... Sigurado akong galing siya ng canteen. Favorite place niya iyon, e. At hindi na ako nagtataka kung bakit sa bawat araw na lumilipas ay pataba siya ng pataba. Paano ba naman kasi, para siyang kambing na palaging ngumunguya. Hindi yata nabubusog ang babaeng ito kahit pakainin mo pa ng bato.
Napangiti ako. Sigurado akong makakatikim ako nang matunog na kutos sa babaeng ito kapag nalaman niya ang iniisip ko.
Seatmate ko si Mhegan simula pa nang primary and until now.
Sa sobrang tagal na nga naming magkasama ay hindi ko na nga maalala kung paano nagsimula ang pagkakaibigan naming dalawa. Halos three fourth yata ng buhay ko ay may parti siya roon… and vice versa. Nasanay na rin kami na palagi kaming tinutukso na kambal-tuko ng mga kapwa namin kamag-aral noon. S’yempre nang umpisa ay hindi ko matanggap ang bagay na iyon. Sobrang naiinis ako sa tuwing binibiro nila kami nang ganun. May pagkakataon pa nga na napapa-away ako.
Sino ba naman kasi ang nanaisin na tawagin siyang tuko, ‘di ba?
Duh! Sa ganda naming ‘to, mukha ba kaming tuko?
Tsk!
Sa aming dalawa ni Mhegan, siya ang laging umiintidi. Malawak ang kaniyang pang-unawa lalong lalo na kung ang pinag-uusapan ay ako. Paminsan-minsan ay nagkakatampuhan din naman kaming dalawa pero natural lang iyon sa magkaibigan. Napupulutan namin iyon ng aral at lalong pinagtitibay no’n ang samahan naming dalawa. Sa mga panahon na lumipas ay napatunayang kong kabisadong kabisado na nga naming dalawa ang likaw ng bituka ng isa’t-isa. Siya ang taong alam kong hindi ako iiwan sa gitna ng laban at maaasahan ko sa lahat ng bagay. Iyon nga lang hindi ko maiwasan mainis sa kaniya dahil sa ugali niyang mapangbara kung sumagot at nanay-nanayan kung umasta. Palagi niya akong pinapangaralan at dinaig pa si Nanay kung pagsabihan ako.
"Hoy! Tulala ka naman diyan, girl," pukaw ni Mhegan sa naglalayag kong isip.
"Ha?" wala sa sariling sambit ko.
Pumalatak si Mhegan. “Malala ka na talaga, Sis," aniya na umiling-iling pa. “Ang sabi ko, bakit ngayon ka lang? Hello? Third period na po Ms. Perez at isang period na lang ay uwian na natin…Anong trip mo, girl? Kasi hindi ko ma-gets, e.” Sumandal siya sa kaniyang silya at nag-cross arm.
Umaayos ako ng upo at nangalumbaba. “Na-late ako,” tipid kong sagot.
“Alam ko. Kaya nga ngayon ka lang dumating, ‘di ba?” pambabara niya. Inalok niya ako ng pagkain pero tumanggi ako. Busog ako at wala akong gana. At saka masakit ang leeg ko. "Bakit?”"
“May tinulungan kasi akong matanda kanina, iyon nga lang nagkaaberya. Kaya hayun, na-late ako.” Nangalumbaba ako.
“Ah, ganoon ba.” Tumango-tango si Mhegan. "Bakit ano bang nangyari roon sa matanda?" usisa niya habang ngumunguya.
“Basta. Mahabang kuwneto, Sis,” sabi ko.
Gusto kong pasalamatan si Sir Gocon nang bigla siyang dumating at dahil doon naputol ang usapan namin ni Mhegan. Mabilis na bumalik sa kani-kaniyang mga upuan ang mga kaklase ko at nagsitahimik. Umaayos ako ng upo at si Mhegan naman ay isinilid muna sa kaniyang bag ang pagkain na kinakain.
Wala akong balak sabihin kay Mhegan ang lahat ng mga nangyari. Ayokong mag-alala siya. Alam kong pagnalaman iyon ni Mhegan ay mag-o-over react na naman ito. Malamang na makarating din iyon kay nanay at pagalitan ako. Malalaman din nila na tinangka kong mag-over the bakod. Nakakahiya, kababae ko pa namang tao.
At saka tapos na iyon. Ayaw ko nang balikan pa sa aking alaala na minsang isang beses ay muntikan na akong mamatay. Ayaw ko nang maalala ang mga mukha ng animal na iyon. Ang pinagdarasal ko na lang sa panginoon, na sana ay hindi na muling magtagpo pa ang mga landas namin.
At kasama na roon si Tisoy. Bigla kasi akong nanliit sa sarili ko nang malaman ko ang estado ng buhay niya. Sigurado akong mabilis na makakalimutan ako ng lalaking iyon.
Tss! Hindi man lang nag-thank you sa akin!
“Ms. Perez, are you with us?”
Naramdaman ko ang pagsiko ni Mhegan sa tagiliran ko dahilan para magising ang diwa ko.
Nagtatakang nilingon ko siya at sinundan ang iningunguso niya.
Bumungad sa aking paningin ang nakabusangot na mukha ni Mr. Gocon habang matamang nakatingin sa akin.
“Y-Yes, sir,” napapahiyang sagot ko. Yumuko ako dahil sa pagkapahiyang nararamdaman.
Center of Attraction ka na naman, Francine! Kastigo ko sa sarili.
“I’ve been calling you for three times now,” iritadong sinabi ni Sir Gocon.
“Sorry po, Sir. Hindi na po mauulit,” hinging paumanhin ko.
“Stand up and answer the question," aniya saka niya matunog na inilapag ang hawak niyang libro.
Kaagad akong tumayo pero nakayuko pa rin. Naiilang ako sa mga ibinabatong tingin ng mga chismosa kong kaklase. Naririnig ko rin ang mahina nilang bulungan. Alam kong sinadya nila ang bagay na iyon.
Sa isip ko ay napairap ako.
Palaging ganiyan ang mga iyan sa tuwing may isa sa amin ang napapahiya o ‘di kaya ay natutukso ng guro. Hindi na siguro maia-alis sa mga kaklase ko ang ganiyang ugali.
“A-Ahmm… Can you repeat the question, Sir?” halos pabulong kong sinabi.
Narinig ko ang pagbuntong-hininga ni Sir Gocon. Mukhang nauubusan na ng pasensiya si Sir Gocon sa akin.
“What is biochemistry?” ulit niya.
“Po?” Gulat akong napatingin sa kaniya.
Hindi pa niya na-di-discuss iyon sa amin kaya bakit iyon ang tinatanong niya sa akin?
Tinaasan niya ko ng kilay. “Do I need to repeat my question, Ms. Perez?"
Umiling ako saka bahagyang napalunok. Ramdam ko rin ang malakas na pagkabog ng dibdib ko.
Napatingin ako kay Mhegan nang kalabitin niya ako.
“Kaya mo iyan!” pabulong niyang sinabi.
Napangiti ako sa ginawa ni Mhegan. Naging sanhi iyon para lumakas ang loob ko.
Umayos ako ng tayo bago nagsalita.
“B-Biochemistry,” bahagyang gumaralgal ang boses ko sa umpisa, "it is a branch of science that explores the different chemical processes within and related to different kinds of organisms. A sub-discipline of both chemistry and biology, biochemistry may be divided into three fields: structural biology, enzymology and metabolism. Biochemists are the one who studies this branch of science by using chemical knowledge and some techniques. They can also understand and solve biological problem,” mahabang paliwanag ko.
Para akong mauubusan ng hangin dahil tuloy-tuloy at walang preno ang pagsasalita ko. Nakakuyom ang dalawang kamao ko para doon kumuha ng lakas ng loob. . Habang nagsasalita ako kanina ay nakita ko sa gilid ng mga mata ko na tahimik lang na nakikinig ang mga kaklase ko.
Nang pumalakpak si Sir Gocon ay nakagat ko ang aking pang-ibabang labi. Saglit na kumunot ang noo ko. Pero napalitan iyon nang nahihiyang ngiti nang pumalakpak rin ang mga kaklase ko. At s’yempre ang pinakamalakas na palakpak ay galing mismo sa always supportive kong best friend.
“How did you know that?” tanong ni Sir Gocon na tila na-amuse sa sagot ko.
Napakamot ako sa ulo, nahihiya. Pero hindi ko mapigilan ang ngiti sa labi ko. “Nag-a-advance review po kasi ako, Sir,” sabi ko.
“Very good. Tama iyang ginagawa mo, Francine,” nakangiting papuri sa akin ni Sir Gocon.
“Excuse me, Sir.”
Bumaling ang tingin naming lahat sa SSG President na si Joy na nakatayo sa may pintuan habang yakap-yakap ang kaniyang libro. Straight na straight ang kanyang mahabang buhok at bumagay sa kaniya ang suot niyang uniforme.
Ang ganda niya. Walang panama ang beauty namin ni Mhegan sa kaniya.
“Yes?” Si Sir Gocon.
“Nariyan na po ang mga bisita sa covered gym at pinapababa na po ang lahat para makapag-umpisa na,” pahayag ni Joy.
Tumango-tango si Sir Gocon. “Sige susunod na kami roon. Salamat, Joy.” Ngiti niya pa.
Nang makaalis si Joy ay ipinahayag ni Sir Gocon na may libreng medical and dental check-up na gaganapin. Cancel lahat ng klase hanggang mamayang hapon kaya naman sobrang saya at naghiyawan pa ang mga kaklase ko. Mabilis pa sa kidlat na lumabas iyong mga lalaking kaklase namin at iyong mga babae naman ay nag-ayos muna ng sarili. S'yempre hindi maiaalis sa mga babae na magpaganda muna.
“Mauna ka na, sis. CR muna ako,” pabulong na sinabi ko kay Mhegan ng tumayo siya sa kaniyang upuan.
Napahinto siya at nagtatakang tumingin sa akin. “Samahan na kita.”
Umiling ako. “Naku hindi na.”
“Bakit?”
“Kakahiya kasi, Sis… Hindi naman ako ji-jingle roon, e. Matatagalan pa ako at saka susunod na lang ako sa ‘yo," pabulong kong sinabi.
Tumawa nang malakas si Mhegan. “Sus, nahiya ka pa! Amoy sardinas lang naman iyan kaya bakit ka mahihiya? At sa akin pa talaga?” walang habas na sabi ni Mhegan.
Uminit ang mukha at tainga ko. Hindi ko siya magawang tingnan ng diretso. Kahit kailan talaga, nakakahiya ang bunganga ng bruhildang ito. Walang filter kung magbitaw ng mga salita.
Marahil kung kakikilala ko pa lang sa kaniya, malamang napikon na ‘ko. Pero dahil sanay na ako sa ugali niya ay wala na lang iyon para sa akin.
Kami ang pinakahuling lumabas ng classroom ni Mhegan. Magka-angkla pa ang mga braso namin dalawa habang naglalakad kami pababa ng building na ‘to. Wala na akong makitang estudyante sa bawat palapag na nadadaanan namin. Marahil naroon na ang lahat sa covered gym. Huminto kami sa tapat ng CR at sa huling sandali’y tinanong akong muli ni Mhegan.
“Sigurado ka ba na gusto mo ‘kong mauna? Ayaw mo bang hintayin kita?" Nakanguso niyang ungot sa akin. Inihilig niya ang ulo sa balikat ko at yumakap.
Bumuntong-hininga ako at tinapik-tapik ang pisngi niya. "Hindi na. Mauna ka na lang doon para makahanap ka ng uupuan natin."
Bago ako pumasok sa loob CR ay siniguro ko munang nakaalis na nang tuluyan si Mhegan. Pagpasok ko roon ay sobrang na-amaze ako. Bagong linis ang CR at amoy na amoy ko pa ang ginamit na detergent ng janitress. Kampante akong pumasok sa pinakadulong cubicle dahil wala namang tao roon maliban sa akin. May pakanta-kanta pa akong nalalaman habang nagbabawas ako.
Katatapos ko lang nang marinig ko ang pagbukas ng pinto ng CR. Kasunod niyon ay ang pagbukas din katabi kong cubicle. Kinagat ko ang aking pang-ibabang labi para pigilan ang matawa nang marinig ko ang tunog ng pag-ihi ng kung sino sa kabilang cubicle.
Ihing-ihi na siguro si girl. natatawang ani ko sa isip.
Nang makalabas ako ng cubicle ay huminto ako saglit at inayos ko ang nagusot kong palda.
Tumunog ang lock ng cubicle na katapat ko at bumukas iyon.
Nang mag-angat ako nang tingin ay halos mapatalon ako sa gulat kasabay nang panlalaki ng mga mata ko sa nakita.
T*ng ina! Totoo ba ito?!