Chapter 7

1611 Words
Chapter 7 Isang mahaba at nakabibinging tili ang kumawala sa bibig ko. Na naudlot lamang nang bigla akong hatakin ng lalaking kaharap ko sa palapulsuhan sabay hila sa akin papasok sa loob ng toilet cubicle na nilabasan niya kanina. Kasunod niyon ay ang pagtakip niya sa bibig ko gamit ang kaniyang palad. “Oh, s**t! What the hell!” bulalas niya. Ang lamig ng pader ay nadama ko nang lumapat doon ang likod ko. Iniharang niya ang kaniyang braso sa pagitan ng katawan ko habang ang isa naman niyang kamay ay naroon pa rin sa bibig ko. My eyes widened. It took me a lot of time to process everything until I realized something! Unti-unting bumaba ang tingin ko sa kamay niyang nakatakip sa bibig ko saka ako napalunok. What the fudge! This made me want to p**e! My gosh! Lord kunin mo na lang po ako! I tried my best to get away from him pero bigo ako dahil mas lalo lamang niyang dinidiin ang kaniyang katawan sa katawan ko. My heart beats faster, and gradually, fears build in my chest. Diyos ko po! Ano po bang klaseng araw meron ako? Hindi na po ba matatapos ang araw kong ito na hindi ako napapahamak? mangiyak-ngiyak kong bulong sa aking isip. Napatigil ako sa pagpupumiglas at nahigit ko ang aking hininga nang dahan-dahan niyang inilapit sa 'kin ang kaniyang mukha. "Sshhh..." saway niya sa mahinang boses. Pinagpawisan ako nang malamig. Naramdaman ko ang mainit niyang hininga sa batok ko. Pakiramdam ko'y nagsitayuan ang balahibo ko sa katawan. Nag-init ang pisngi ko lalo na nang maramdaman kong idiniin niya ang katawan niya sa 'kin. "Please, calm down. I won't do anything bad to you," malumanay niyang sinabi. Napalunok ako saka mariing napapikit. Hindi ko alam kung bakit tila gumaan ang pakiramdam ko nang sabihin niya ang mga katagang iyon. Pakiramdam ko'y sinsero siya sa mga sinabi niya. Gayon pa man, may parti pa rin sa sarili ko ang nangangamba. Mahirap magtiwala sa taong hindi mo pa lubusang kakilala. Lalo pa nga't hindi ko kabisado ang likaw ng bituka ng lalaking ito. At isa pa, anong ginagawa niya rito sa CR ng mga babae?! Lalo pang nadagdagan ang paghihinala ko sa kaniya. Kaagad akong nagmulat ng mga mata nang marinig ko ang pagbukas ng pinto ng CR at ang mga boses ng mga ka-schoolmate kung babae. Kasunod niyon ay ang tunog ng mga yabag na papalapit sa aming gawi. I was almost out of breath when the door knob of the toilet cubicle suddenly moved as if someone's trying to open it. Wala sa sariling naikuyom ko ang mga kamao dahil sa kabang bumangon sa dibdib ko. Hindi puwedeng may makakita sa amin ng lalaking ito na magkasama at sa ganitong sitwasyon pa. Sigurado akong pag-iisipan nila kami ng masama gayong wala naman kaming ginagawang mali. At alam kong makakaapekto rin ito sa magiging reputasyon ko sa eskwelahang ito. Sa mundong ito, hindi importante kung nagsasabi ka ng totoo dahil mas pinaniniwalaan nila kung anong nakikita ng kanilang mga mata. Nakahinga ako nang maluwag nang huminto sa paggalaw ang pinto ng cubicle na nakaharang sa pagitan namin at ng mga babae. Nag-umpisa silang magdiskusyon dahilan upang makalimutan ko sandali ang sitwasyong kinalalagyan ko ngayon. "s**t! Ang guwapo niya, sobra! Sarap maging jowa!" sabi ng isa, halata ang kilig sa boses na iyon ng babae. Tsk! Hindi ko maiwasang umirap sa hangin ng marinig ang sinabing iyon ng babae. "Sinabi mo pa! Ang kinis at ang puti ng balat. At kahit hindi siya ngumingiti ay gwapo pa rin,” kinikilig din na dugtong ng ikalawang babae. “May girlfriend na kaya ‘yon?” anang boses ng ikatlong babae. "For sure meron at hindi lang iisa. Iyong mga ganung klaseng lalaki bihirang maging stick to one sa kanilang mga jowa. Hindi naman sa nilalahat ko sila pero literal naman talaga kasing sadyang ganiyan ang mga kalahi ni Adan,” sabat naman ng babaeng nasa loob ng katabi naming cubicle. Sumang-ayon ako sa tinuran ng babaeng nasa loob ng katabi naming cubicle. "Hindi naman siguro. Mukha ngang mahiyain at mabait iyong tao." Pagtatanggol no'ng unang babae. "Oo nga! Sadyang bitter ka lang kasi kaya mo nasasabi iyan," sang-ayon dito ng ikalawang babae. "Ano, hindi ka pa ba tapos? Ang tagal mo namang umihi, kanina ka pa riyan, a! Pakibilisan naman, girl, nakakahiya naman sa 'yo. Baka naman plano mong magmadali.” "Tss! Oo, heto na nga't patapos na nga‘di ba! Sino ba kasing may sabi na sumama ka. Kaya ayaw kitang kasama, e. Lagi kang nagmamadali. Sa'n ba rampa mo at nagmamadali ka na naman?" "Naku! Naku!" awat ng kasama nila. "Mag-uumpisa na naman kayong dalawa. Tama na nga iyan at baka magkapikunan pa.” Makalipas ang ilang minuto ay papalayong mga yabag na ang narinig ko at tunog ng pagsara ng pinto. Napasinghap ako at napatingin sa lalaking kasama ko nang maramdaman ko ang pagluwag ng kaniyang kamay na nakatakip sa bibig ko. Doon ko lang muling na-realize ang sitwasyong kinalalagyan ko ngayon. Kaagad na tinampal ko ang kaniyang kamay at saka ko siya itinulak nang malakas. Nanginig pa ang mga kamay ko nang umangat ang tingin ko sa kaniya. Gano'n na lamang ang pagkabigla ko nang masilayan ko nang lubusan ang kaniyang mukha. As I stared into his eyes, my lips parted. If I'm not mistaken, he is the guy who helped me earlier. Bakit hindi ko kaagad siya nakilala kanina? Kaya pala pamilyar ang pabango niya sa akin. Mabilis kong pinag-aralan ang kabuuan ng mukha niya. The guy in front of me has a heart-shaped face. Matangos ang kaniyang ilong at manipis ang mapupulang niyang mga labi. Malalim ang kaniyang mga mata at may kakapalan ang kaniyang kilay na tila iginuhit iyon ng isang sikat na pintor. Nahiya tuloy ang kilay ko sa kaniya. Napangisi ako sa isip. Destiny ko ba ang lalaking ito? Hindi ko maiwasang itanong sa isip ko. Tss! Napaka-ambisyosa ko naman. Agad namang saway ko sa sarili. Mahiya ka naman sa balat mo, Francine?! Sa palagay mo ba magugustuhan ka ng lalaking iyan? kontra pang muli ng isip ko. Ginawaran ko nang marahang sampal ang pisngi ko para sawayin ang sarili ko. Ano ba itong mga pumapasok sa isip ko? Nakakahiya! "What's wrong? Are you okay, Miss?” tanong niya dahilan para mapapitlag ako sa ‘king kinatatayuan. Ang mga mata niya’y malamlam na nakatitig sa akin. “Look! I'm so sorry," He told me then, sighing. "Listen, I didn't mean to scared you. I'm not a bad person. I just really made a mistake, and I didn't intend it. Please accept my apology." He tried to hold me but he stopped when he realized something. Napakagat-labi ako. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Ano ba ang dapat kong sabihin? Nahihiya ako sa kaniya, hindi ko alam kung bakit? Hindi ko alam kung bakit naiilang ako sa titig niya, na parang bang matutunaw ako sa kinatatayuan ko. Diyos ko, Lord, Ano ito? Anong pakiramdam 'to?! Yumuko ako at sandaling pinakalma ang sarili ko. Humugot ako nang malalim na hininga saka muling tumingin sa kaniya. Nasa loob pa rin kami ng maliit na cubicle na iyon. Hindi ko alam kung bakit hindi pa rin kami lumalabas na kung tutuusin ay puwede naman na. I heard him sighed then, he began to speak. "First, we need to get out of here!" Binuksan niya ang pinto at saka sumilip sa labas. Maya-maya pa'y muling siyang humarap sa akin. "No one is here," aniya saka siya ngumiti. "we can go outside." I was so shocked when he hold my wrist and drag me outside. Hindi na ako nagkaroon ng panahon para kuntrahin siya sa bilis ng pangyayari. Nang tuluyan kaming makalabas ay agad na hinila ko sa kaniya ang kamay ko. Nagtatakang lumingon siya at napatitig sa akin. Kumunot ang noo niya. Napatitig ako sa kamay niyang tumakip sa bibig ko. At wala sa sariling naitanong na ""K-Kuya, baka po planong mong maghugas muna ng kamay." Bigla akong pinamulahan ng mukha. Iniwas ko sa kaniya ang tingin ko dahil hindi ko kayang salubungin ang mga titig niya. Narinig ko na lang na bumuntong-hininga siya. Naglakad siya at lumapit sa isa sa mga sink na naroon at nag-umpisang maghugas ng kaniyang mga kamay. Lumapit din ako sa katabi niyang sink at naghugas din ng mga kamay ko. Pasimple kong hinugasan ang bibig ko. Nang iangat ko ang tingin sa may salamin ay nagtama pareho ang mga mata naming dalawa. Nahihiyang umiwas ako ng tingin sa kaniya at minadali na lang ang paghuhugas ng kamay ko. Pagkatapos niyon ay mabilis akong lumabas at iniwan siya nang walang paalam. "Miss, wait! Can we talk?" Narining kong tawag niya mula sa 'king likuran. Ngunit hindi ako huminto at nagpatuloy lang sa paglalakad. Talk? Hindi pa ba kami tapos mag-usap? Ayokong maging bastos pero hindi ko talaga kayang magtagal na kaharap siya. Dahil sa tuwing magkakasalubong ang mga paningin naming dalawa'y nakakaramdam ako ng kakaiba. Walang lingon, likod akong dumiretso sa ikalawang palapag ng building na ito. Nakahinga ako nang maluwag nang hindi na siya sumunod pa. Habang naglalakad ako'y napahinto ako nang sumagi sa isipan ko kung bakit siya narito sa eskwelahan namin. Transferee? Napailing-iling ako sa sagot ko. Malamang, hindi. Ilang buwan na lang at magtatapos na ang school year, kaya imposibleng transferee siya. Isa pa mayaman iyon, de kotse nga e, at may sariling driver. Kaya napakaimposible. Pero bakit nga? Hindi kaya isa siya sa mga bisita ngayon dito sa school? Siya kaya iyong tinutukoy ng mga babae kanina sa CR? Oh! My God! Kung siya nga iyon, nakakahiya!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD