Nakaupo ako ngayon sa isang bench na napapagitnaan ng mga punong mahogany. Hinihintay ko ng mga sandaling iyon ang kaibigan kong si Mhegan.
Suddenly, Manong Guard appeared in front of me.
Agad na bumangon ang inis sa dibdib ko nang maalala ang nangyari noong nakaraang-araw. I ended up in that place because of him, and my neck has been hurting up until now.
Sinimangutan ko siya. Hindi ko itinago ang inis ko sa kaniya.
I crossed my arms and raised a brow at him. "Bakit po?" tanong ko. Pinilit kong maging kaswal sa kaharap. Pero ang totoo ang nangangati ang mga kamay kong pektusan siya. Kung magkasing-edad lang kami, malamang kanina ko pa hinila ang buhok niya dahil sa inis ko. Hindi ko talaga makalimutan ang ginawa niyang pagpapa-asa sa akin.
“O," aniya sabay abot niya sa akin ng isang kulay pink na paper bag, "may nagpapabigay sa iyo."
Kumunot ang noo ko, kapag kuwan ay dumako ang tingin ko sa hawak niya. Wala sa sariling tinanggap ko naman iyon.
"Kanino po galing ito?" I asked in astonishment.
Gustong kung isipin na baka peace offering niya 'to sa akin. Pero ako na rin mismo ang kumuntra sa naisip ko. Napakalabo naman kasing mangyari iyon.
Sinipat ko ang hawak kong pink na paper bag. Maayos ang pagkakabalot niyon at halatang hindi iyon binili sa tabi-tabi lamang. In-fairness ha, maganda ang taste ng pumili nito.
Tiningnan ko si Manong Guard na nakatayo pa rin sa harapan ko. Bahagya akong nagtaka nang hindi niya sinagot ang tanong ko.
"Kanino po galing 'to?" I asked him again sa pag-aakalang baka hindi niya ako narinig.
Manong Guard averted his gaze away from me and scratched his head a little.
Napanguso ako.
Napuno ng pagtataka ang mga mata ko at kumunot ng bahagya ang noo ko.
Bigla akong kinutuban ng masama. Hindi ko alam kung bakit? Masama ang kutob ko sa bagay na hawak ko ngayon. Lalo pa nga't tikom ang bibig nang nag-abot nito sa akin. Pakiramdam ko'y may inililihim siya sa akin.
Tumayo ako at ibinalik sa kaniya ang pink na paper bag. "Kung ganun po ay hindi ko matatanggap ito," mariin kong sinabi. "Pakibalik na lang po kung kanino 'yan nanggaling," masungit kong sinabi. Tinalikuran ko siya at muli akong umupo sa puwesto ko.
"Attitude ka girl?" dinig kong sinabi sa likuran ko.
Nang marinig ko ang sinabi niya'y agad na uminit ang ulo ko. Kaagad akong napatayo at hinarap siya. I raised a brow at him, obviously, making him feel that I dislike his presence.
He also raised an eyebrow at me and gave me a sarcastic smile.
"Anong sabi mo?" I took a deep breath to ease my annoyance.
Ano bang problema ng gurang na ito at ako na lang palagi ang pinagti-trip-an niya? Sobrang ganda ko naman yata para mapansin niya.
Tss!
"Ang sabi ko, ma-attitude ka," aniya sabay irap sa akin.
Napaawang ang labi ko at maang na tumingin sa kaniya.
Parang may mali yata sa sinabi niya. Ako pa? Ako pa ang ma-attitude sa aming dalawa? Hindi ba, dapat sa sarili niya iyon sinasabi at hindi sa akin?
"Iba na talaga ang ugali ng mga kabataan ngayon," patuloy ni Manong Guard saka napailing-iling. Muling sumeryoso ang kaniyang mukha. "Alam mo, magpasalamat ka na lang dahil may grasyang dumating sa iyo! Hindi iyong nag-iinarte ka pa. Hay, naku!" Padaskol niyang ibinaba sa ibabaw ng batong lamesa ang pink na paper bag. "Kung ayaw mo, itapon mo sa basurahan. Ang importante naibigay ko na iyan sa 'yo. Tapos na obligasyon ko at wala na akong pakialam kung anuman ang gawin mo sa bagay na iyan!" aniya pa saka niya ko mabilis na tinalikuran.
My eyes were immediately filled with amusement. Para akong naestatwa sa kinatatayuan ko. Hindi ako nakaimik hanggang sa tuluyan niya na nga akong iniwan.
Inis ko siyang tiningnan at hinabol pa siya ng tingin.
Padabog akong naupo. Ilang minuto na ang lumipas mula ng iniwan ako ni Manong Guard. Ilang minuto na rin akong nakatayo na parang tanga habang nakatingin sa kawalan.
Nagpupuyos ang kalooban ko. I was so offended! Hindi ko matanggap ang mga narinig ko.
He's so annoying! I wanted to punch him in his f*****g face! But I couldn't because I still have respect for him.
Pasalamat talaga siya at pinalaki ako ng nanay ko ng matino at may paggalang sa nakakatanda sa akin! himutok ko.
My eyes were drawn to the pink paper bag in front of me. Kinuha ko iyon at akma ko sanang bubuksan ngunit napatigil ako at muli ko iyong inilapag.
Ayaw kong tumanggap ng kahit na anong regalo na hindi ko alam kung kanino ito nanggaling. Bata pa lang kami ay itinuro na iyon sa amin ni Nanay. Mahirap lang kami pero hindi naman nagkulang si nanay sa mga pangaral niya sa amin. At saka bakit naman ako bibigyan ng ganito, e, hindi ko naman birthday. Baka mamaya niyan may kapalit pala ang regalong ito. Naniniwala akong, sa panahon ngayon, wala ng libre.
Ang madilim kong mukha ay biglang lumiwanag. Sumilay ang ngiti sa mga labi ko nang makita ko si Mhegan. Naglalakad siya palapit sa akin. Napatayo ako agad at nilapitan ang aking kaibigan para tulungan siya sa kaniyang mga pinamili.
Inabot niya sa akin ang supot ng mga pinamili niya.
"Bakit ngayon ka lang?" reklamo ko.
Kung napaaga ka lang sana nang kaunti, malamang naipagtanggol mo pa ako kay Hagorn (Manong Guard)! Gusto ko sanang idugtong at magsumbong sa kaniya. Pero pinili kong manahimik na lang. Alam ko ang ugali ng isang ito. Sigurado akong susugurin niya si Hagorn kapag nalaman niya ang nangyari.
Mhegan is not just my best friend, but also my superhero.
"Naku, hindi ka pa nasanay. Sobrang haba po kaya ng pila sa canteen," aniya sabay buntong-hininga.
Tumango ako bilang pagsang-ayon saka ko tiningnan ang mga pinamili niya. Napakunot ang noo ko nang makita ang mga laman niyon.
"Ang dami naman nito, Sis. May okasyon ba?" biro ko.
She stopped walking and then faced me. Napatigil din ako sa paglalakad at tinignan siya.
"Kailangan bang may okasyon bago bumili ng ganiyan karami? Hindi ba puwedeng gusto ko lang talagang kumain?" bakas ang pagtatampo sa boses ng kaibigan. Pinalobo niya ang kaniyang pisngi. She looked like a puppy being scolded by its owner.
I inhaled dramatically. "Hindi naman sa ganun. Pero kasi...." Mabilis kong pinasadahan ng tingin ang kaniyang kabuuan. "Ang taba-taba mo na. Hindi na normal ang ganiyang katawan sa edad natin. Hindi sa nilalait kita. Huwag mo sanang masamain pero concern lang ako sa kalusugan mo... You need to control yourself, Mhegan."
Mhegan rolled her eyes. "Hindi lang naman ako ang uubos niyan," saka siya bahagyang natawa.. "Tayo ang uubos niyan. Tayong dalawa. At iyong iba r'yan para kay Anata." Ikinawit niya ang braso niya sa braso ko saka humilig sa balikat ko, naglalambing. "Alam ko namang concern ka lang sa akin at naiintindihan ko naman iyon. Pero, Sis, masarap kumain... Hindi ko talaga maiwasan ang bagay na iyan. At isa pa kapag hindi ako kumain, magugutom ang mga alaga ko, kawawa naman sila," ungot niya at hinimas-himas pa ang mataba niyang tiyan.
I laughed out loud and scratched my head.
"Ewan ko sa 'yo." Naiiling na iniwan ko siya at nagpatiunang maglakad.
Tumakbo siya para habulin ako. Pumantay siya sa paglalakad ko.
"Alam mo, imbes na sermunan mo ako, mag-thank you ka na lang kaya."
Sumimangot ako at tiningnan siya ng masama. "Thank you," labas sa ilong kong sinabi.
"Hay, naku! Huwag ka na lang mag-thank you kung napipilitan ka lang naman." Irap niya sa akin saka siya padabog na naglakad.
Hindi ko maiwasang mapangiti sa iginawi ng kaibigan ko. Hanggang ngayon dala-dala niya pa rin ang ugali niyang iyan sa tuwing nagtatampo siya sa akin. Ang cute niya tuloy tingnan.
Para sa akin hindi ko kailangan ng maraming kaibigan para maging masaya dahil si Mhegan lang sapat na. Siya iyong kaibigan na hinding-hindi ko ipagpapalit kahit kanino.