Umupo si Mhegan sa tabi ko at inilapag ang shoulder bag niya sa tabi niya. Ako naman ay isa-isang inilabas ang mga pinamili niya sa may supot.
When I saw the candies and chocolates she had bought for us, I sighed. Hindi na ako nagtataka kung bakit gan'to siya kumilos at mag-isip. Mhegan is an only child. She was spoiled by her parents. But one thing I admire about her is that she isn't a spoiled brat like other youngsters.
"Sis, sa 'yo ba 'to?"
Agad akong napalingon sa katabi ko. Nakataas ang kilay ni Mhegan habang nakatingin sa akin.
My lips parted slightly as I stared at the paper bag she was holding. Nakalimutan kong sabihin sa kaniya ang tungkol sa bagay na hawak niya.
Napahinga ako nang malalim saka ako tumango bilang tugon.
"Who gave you this?" nagtatakang tanong niya. Nagpapalit-palit ang tingin niya sa akin at sa hawak niyang pink na paper bag.
Nagkibit-balikat ako at muling ibinalik ang atensyon ko sa mga pagkain na nasa lamesa. Hindi ko naman talaga alam kung kanino nanggaling iyan kaya wala akong maisasagot sa tanong niya.
Nang bumaling ako sa kaniya para iaabot ang curls na binuksan ko ay nakangising mukha ni Mhegan ang bumungad sa akin.
I immediately raised an eyebrow, wondering about her reaction.
"Si Justine ba?" She said, with a smirk on her face.
"Ha?" I narrowed my eyes at her. Hindi ko alam kung bakit biglang pumasok sa usapan namin ang lalaking iyon.
Anong konek?
"Tss!" sabay irap niya sa 'kin. "S'yempre iyong nagbigay nito." At bahagya niya pang itinaas sa harap ko ang paper bag.
"Ewan ko." Kibit-balikat ko. "Bakit mo naman naisip iyan?"
My eyes were focused on the snack in front of me. Kumuha ako ng isang chocolate at isinubo iyon.
Umayos ng upo si Mhegan at ibinaba ang hawak niyang paper bag. Kinuha niya ang softdrink saka uminom bago siya muling nagsalita.
"Bakit? May iba pa bang nanliligaw sa iyo bukod kay Justine? Naglilihim ka ba sa akin, Francine?" duda ni Mhegan.
"Wala." agad kong tugon.
"O, 'yon naman pala, girl," she said then rolled her eyes. She brushed her upper lip with his finger and grinned. "Why? You don't like the idea na kay Justine nga galing ito?"
Naudlot ang akma kong pagsubo sa tanong niya.
Napabuntong-hininga ako.
Clearly it was a stupid question for me. I knew many girls desired him and wanted to take a relationship with him. But that wasn't enough for me to like him back.
"Iyong totoo?" mataman akong tumitig kay Mhegan. "Oo." At saka ako tumingin sa mga estudyanteng naglalakad sa may hallway. "Hindi ko gusto ang ideyang si Justine ang may bigay nito sa akin, Sis.. Ayoko siyang paasahin."
"Wala ba talagang chance? Sabihin mo nga sa akin, ano ba talaga kasing problema mo sa kaniya at hindi mo siya magustuhan?"
Hindi ako nakaimik. I couldn't find the words to say.
"Alam mo, ang labo mo, Sis.." At saka siya matunog na pumalatak. "Maraming kababaihan sa Harmony Hills ang nagpapakita ng motibo sa admirer mong iyon. Guwapo, sikat, friendly, at mabait. Saan ka pa? Pinag-aagawan ng mga kalahi natin iyong Adan mo. Pasalamat ka nga dahil napansin ka niya tapos ikaw 'tong nag-iinarte."
My brows furrowed.
Mhegan's words sent a shiver down my spine. Just the thought of having that kind of relationship with Justine made me want to p**e. Ang nakikita lang nila ay iyong mga magagandang katangian ni Justine. I can't deny the fact na guwapo siya. Nang umpisa naging crush ko rin naman si Justine at natuwa ako nang kaunti ng magpahayag siya ng damdamin sa akin. Pero isang araw, bigla na lang akong na-turn off sa kaniya. Hindi ko alam kung kailan nangyari.
"Alam mong wala akong panahon sa mga ganiyan, Sis.." bagkus ay sabi ko sa kaniya. "Alam mo ang priority ko at iyon ay ang makapagtapos ng pag-aaral."
"Tss! Puwede namang lumandi habang nag-aaral, Sis... Iyong iba nga r'yan ginagawa pang inspiration ang mga syota nila. Tingnan mo iyong boyfriend ni Jade, laging present sa klase simula nang naging sila. At saka ano bang ikinakatakot mo? Boyfriend pa lang naman at hindi pa mag-aasawa. Subukan mo kaya muna para malaman natin iyong resulta, kung maganda ba iyong kalalabasan o hindi. Nasa sa inyong dalawa iyan kung paano n'yo patatakbuhin ang relasyon n'yong dalawa. Kung natatakot ka na magaya sa mga kaklase natin na nabuntis ng maaga, 'di huwag n'yong gawin. Tapos ang usapan," mahabang litanya ni Mhegan.
Pinamulahan ako ng mukha sa huling tinuran ni Mhegan. Pasimple kong iginala ang tingin ko sa paligid para tingnan kung may nakarinig sa sinabi ng kaibigan. Nakahinga ako ng maluwag dahil mukhang wala namang may nakarinig. Masama ang tingin na binalingan ko siya at marahang kinurot sa kaniyang tagiliran.
"Aray! Ano ba?!"
"Iyang bunganga mo," mariin kong saway. Pinandilatan ko siya ng mga mata.
"Bakit totoo naman iyong sinabi ko? May masama ba roon?" Nakanguso niyang hinimas ang tagiliran niyang kinurot ko.
Inirapan ko siya. "Ang bastos ng bunganga mo girl, baka hindi mo alam.."
For a moment, Mhegan remained silent, as if thinking deeply. Ako naman ay uminom ng softdrink.
"Napakabata pa natin sa mga ganiyang bagay, Mhegan," maya-maya'y basag ko sa katahimikang namamagitan sa aming dalawa. Naramdaman ko ang pagtitig sa akin ng kaibigan.
"Iyong totoo... Tama ka.. Natatakot ako na matulad sa ibang kaedaran natin na maagang nag-aasawa. Ayokong tumulad sa kanila na inuuna iyong pagbo-boyfriend imbes na pagtuunan ng pansin ang kanilang pag-aaral. Para sa akin magiging sagabal lang iyan sa pag-abot ko ng mga pangarap ko. Sakit sa ulo at lalong lalo na sa puso."
I took a deep breath as I remembered my father. One of the reasons I hesitated to have a guy in my life was because of him. I don't want to end up like my mum, whose life was turned upside down by the man.
Sabi nila masaya raw iyong pakiramdam na may jowa ka dahil may nagpaparamdam sa iyo na special ka at nagiging inspire ka everyday. Iyong tipong para kang baliw na sa tuwing naiisip mo iyong taong iyon ay napapangiti at kinikilig ka na lang ng kusa.
Siguro nga totoo ang mga bagay na iyon para sa iba.
I know that love can make you happy, but I also know that it can break your heart in an instant. It makes you cry, makes you sad, and makes you emotional.
Hindi ako kasing tapang ng iba r'yan pagdating sa pag-ibig. Kaya ayokong sumubok o sumugal man lang dahil alam kong sa huli alam kong ako rin ang magiging talo.
Sa panahon ngayon, suntok na sa buwan ang makatagpo ka ng tama at matinong lalaking mamahalin ka ng totoo. Iyong hindi ka sasaktan at lalong lalo na iyong hindi ka iiwan at ipagpalit sa iba.
I sighed once more and completely erased my worthless father from my mind.
"Ayos ka lang ba?" nahimigan ko ang pag-alaala sa boses ni Mhegan.
"Oo naman." I smiled. I tried to hide the sadness that had risen in my chest. "Mukha ba akong hindi, okay?" biro ko pa.
"Bigla ka kasing natahimik.. Alam mong hindi ako marunong lumangoy kaya hindi ko kayang sisirin kung ano man iyang iniisip mo."
Kumunot ang noo ko.
"Corny ba?" aniya saka siya tumawa ng malakas. "Minsan na nga lang akong magbiro, hindi mo pa masakyan. Ang KJ mo talaga!"inis niyang sinabi. Kinuha niya ang isang cheese curls saka niya nilantakan iyon.
Sunod-sunod ang ginawa niyang pagsubo.
"O, dahan-dahan lang," saway ko dahil halos mapuno na ang kaniyang bibig pero sige pa rin siya sa pagsubo ng sitsirya.
Inabot ko sa kaniya ang bottled mineral water. Kinuha naman niya iyon at inilagay lang sa tabi niya.
"Anong bang iniisip mo kanina? Si Justine ba? Pinag-iisipan mo na ba iyong mga sinabi ko? Bibigyan mo na ba siya ng chance iyong tao?" aniya sa pagitan ng pagnguya.
"Hindi 'no!" naiinis kong sabi. "Teka nga..." Umayos ako ng upo at matiim ko siyang tinitigan. "Bakit ba siya ang pinag-uusapan natin? Nakakahalata na 'ko sa iyo, a." Naningkit ang mata ko. "Bakit lagi mong bukang bibig ang lalalking iyon? Umamin ka nga sa akin may crush ka ba kay Justine, Mhegan?"
Biglang nasamid si Mhegan sa tanong ko. Agad niyang kinuha ang bottled mineral water at ininom iyon.
My brows furrowed. I was paying close attention to her actions.
"May dapat ba akong malaman?" dagdag ko.
Hindi ako titigil hangga't hindi ko siya napapaamin. Malakas ang kutob ko na may something talaga.
"Wala, 'no!" mabilis niyang sagot sabay iwas sa akin ng tingin.
Tumaas ang sulok ng labi ko. Pinigilan ko ang mapabungisngis dahil sa namumuong hinala ko sa aking isipan. "Ows, 'di nga? Eh, bakit hindi ka makatingin sa akin ng deretso, aber?" nanunudyo kong sinabi.
"Hindi nga, sabi!" pagalit niyang tugon. "Teka nga, ba't binabaliktad mo yata ang usapan?" Hindi na maipinta ang kaniyang mukha.
I rolled my eyes. "Okay lang naman sa akin kung may something ka nga sa kaniya." Ngumisi ako at hinabol ang tingin niya. "Kaya huwag ka ng mag-deny."
"Ang kulit mo! Sabing wala nga!" aniya saka siya sumimangot.
Alam kong anumang sandali ay mapipikon na siya sa pangungulit ko.
Tumuwid ako ng upo at saka ko siya inakbayan. "O, huwag kang iiyak. Nagpapahalata ka, e," pambubuska ko pa lalo sa kaniya habang hinahagod-hagod ko ang kaniyang mahabang buhok.
Sinamaan niya ako ng tingin, na ikinatawa ko naman. Pinalis niya ang kamay ko sa kaniyang likod. Kahit hindi niya man aminin sa akin, alam kong nagsisinungaling siya at tama ang hinala ko na may gusto nga siya kay Justine.
Kilalang kilala ko siya at alam ko rin ang likaw ng bituka niya. Kahit ano pang kaila ang gawin niya, hindi ako maniniwala sa kaniya. Alam kong may gusto siya kay Justine basi na rin sa mga ikinikilos niya sa tuwing nakakaharap namin ito. Wala naman akong nakikitang masama kung magkagusto nga siya kay Justine..
Kung kaya't bakit todo deny siya?