Hindi ko maiwasang magmura habang tinatahak ko ang daan patungong Harmony Hills National High School. I’m pretty sure I was late because I’m no longer seeing my fellow students on the road at mataas na rin ang sikat ng araw.
I walked as fast as I can, although alam ko namang wala na ring saysay pa ang pagmamadali ko. Sigurado akong nakangising mukha ng antipatiko naming guwardiya sibil ang sasalubong sa ‘kin sa gate pa lamang.
Wala pa man ay nakikinita ko na ang sarili kong nakabilad sa arawan dahil sa parusang ibibigay ni Manong Guard.
Sa paaralan na pinapasukan ko ay may ipinapatupad na rules and regulations na kailangang sundin ng mga estudyanteng nag-aaral doon, though, lahat naman talaga ng school ay may rules and regulations na ipinapatupad.
Rules and regulations are put in place to provide order and standards in school and any breaching it can create an imbalance. Rules may play important role in ensuring that the students know how to behave and there are consequences for misbehaving. If, student like me is aware of the school rule, I will know how to behave and carry myself so as not to become a disgrace to our school. As well as on the teachers who may not be behaving in ways those adhere to the school's policies.
At isa na roon ang pag-co-communtiy service ng dalawang oras o higit pa sa tuwing may estudyanteng ma-la-late pumasok. Marahil, iyon ang paraan nila para ma-obliga at maging responsable ang mga estudyanteng nag-aaral doon na pumasok sa tamang oras.
I agree with our school's policy.
Kaya nga palagi ako gumigising ng maaga para hindi ako ma-late dahil iyon talaga ang iniiwasan kong mangyari. Gusto kong magkaroon ng magandang record sa school namin hanggang sa makapagtapos ako.
Pero parang hindi na yata mangyayari ang nais kong iyon!
Bigla akong nanlumo at pakiramdam ko’y bumigat ang bawat paghakbang ko.
Para sa iba, maliit na bagay lang ito at binabalewala pero para sa akin kasi hindi. Isa itong achievement sa buhay ko na gusto kong ipagmalaki sa sarili ko balang araw.
I inhaled deeply and gently exhaled.
Sobrang bait ko kasi, 'yan tuloy! Napapala ng mga taong gusto lamang tumulong sa kanilang kapwa!
Kainis!
Hindi naman dapat ako na-late, e... kung hindi lang sana nangyari ang insidenteng iyon! Himutok ko habang naglalakad.
Kinuha ko sa loob ng bulsa ko ang isang itim na pantali saka ko itinali ang magulo kong buhok. Hindi ko na kinaya ang init ng panahon. Hindi pa naman summer pero pakiramdam ko'y para akong manok na iniihaw.
Kailan ba kasi uulan ng snow rito sa Pilipinas?
Napairap ako sa sarili kong tanong.
Parang tanga lang?
Pagkatapos kong itali ang aking buhok ay pinunasan ko ang pawis na namumuo sa aking noo. Nanlalagkit na rin ang pakiramdam ko na dulot ng alikabok at mga usok na nagmumula sa mga sasakyan.
Napabuntong-hininga ako at saka ipinagpatuloy ko na lang ang paglalakad ko.
Stress na talaga ang beauty ko.. Hay!
Malapit na ako sa school at abot na ng tanaw ko buhat sa ‘king kinaroroonan na bukas pa ang school gate namin.
My eyes brightened and a smile flashed on my lips.
"Yes!" I said it with a smile on my face. "Hindi pa ako late!"
I almost jump in joy.
Pero nakakailang hakbang pa lang ako nang biglang nalusaw na parang kandila ang pag-asa ko. Nakita ko si Manong Guard na marahang naglalakad palapit sa gate habang hawak niya ang kaniyang batuta.
Patay!
I'm quite certain what happen next.
No! Hindi maaari! Hindi p’wede!
Kailangang makapasok ni Reyna Amihan sa lagusan! Hagorn! Please… Huwag mong isara!
I let out a small laughed.
It seems like I’m crazy. Namomroblema na nga ako, nagawa kong pang mag-isip ng kung ano-ano.
Napakagat ako ng mariin sa aking labi at hindi na nag-aksaya pa ng panahon. Kaagad akong tumakbo para maabutan si Hagorn...
Ay! Este si Manong Guard pala...
"Manong Guard, sandali lang po!" I shouted loudly, for him to hear. Minsan kasi may pagkabingi rin iyang si Manong.
Hmmm... O sadyang nagbibingi-bingihan lamang?
Saglit na huminto si Manong Guard at tumingin sa direksyon ko.
His brows furrowed. He then tilted his head to the left.
Ang buong akala ko pagkakataon ko na iyon dahil hindi siya gumagalaw. Ang akala ko hinihintay niya ako kaya hindi niya pa isinasara ang gate.
Tatlong hakbang na lang sana ang kailangan kong gawin at nasa finish line na ako.
Pero sh*t na malagkit!
Nalaglag ang panga ko at natulos ako sa aking kinatatayuan ng bigla niya na lang isinara ang gate sa harapan ko!
Then the mischievous smile drew in his lips sabay kindat pa niya sa akin!
Ay! K*ng ina!
Paasa! Letche! Hayop!
Kung hindi ba naman!
I was very upset with Manong Guard because of what he did. May pakindat-kindat pang nalalaman ang matandang ito!
Anong feeling niya sa sarili niya, artista siya?
Iyong tipong kikindat siya tapos maiihi ako sa sobrang kilig?
Duh! Tss!
Gustong-gusto kong magpapapadyak sa sobrang inis pero hindi ko ginawa. Pinigilan ko ang sarili ko kahit gustong-gusto ko nang sumabog.
Nakakainis sobra!
Iyong umasa ka…. Iyong pinaasa ka… Pero sa huli malaking pagkakamali lang pala ang lahat dahil umasa ka sa wala!
I took a deep breath to calm myself.
"Manong..." nakangusong sabi ko habang ang dalawang kamay ko’y nakahawak sa rehas ng gate.
"Oh, Ms. Perez," kaswal niyang tugon na tila ba wala siyang ginawang kapilyuhan.
I sighed slowly to ease the annoyance in my chest and smile at him.
"Manong, baka naman po… Sige na po,” pagmamakaawa kong sabi.
Tumingin siya sa orasan na nakasabit sa pinto ng guard house kapag kuwan ay seryoso ang mukhang tumingin muli siya sa akin.
“Ten minutes…” Saka siya pumalatak at umiling-iling pa. “Ten minutes late ka na Ms. Perez. At alam mo ang ipinatutupad na pakatakaran ng Harmony, kaya hindi puwede!" mariin niyang sinabi.
"Pero, Manong…” Ngumuso ako, “may exam po kasi kami ngayon at kailangan ko pong kumuha ng exam… Please naman po… kahit ngayon lang po,” aniko sa mangiyak-ngiyak na boses.
Magbibigay ng long test ang adviser namin ngayong umaga at hindi puwedeng wala ako roon dahil sigurado akong makakaapekto iyon sa kalalabasan ng grado ko. Lalo pa nga't dikit na dikit ang laban namin ni Jayden sa academics. Hindi p’wedeng malamangan ako ni Jayden.. Ilang taon ko kayang pinaghirapan iyon.
No way! Sigaw ng isip ko.
Hindi ako makapapayag na mangyari iyon! Hindi!
By hook or by crook!
Sayang naman ang pinaghirapan ko kung mapupunta rin lang sa wala. At saka gusto kong sorpresahin si Nanay sa graduation day namin. Hindi pa niya alam na running for valedictorian ang kaniyang magandang anak. At alam kong magiging masaya siya at magiging proud siya para sa akin sa araw na iyon.Kahit iyon man lang sana ay maibigay ko sa kaniya sa araw ng pagtatapos ko bilang kapalit sa lahat ng pagsasakripisyong ginawa niya para sa akin.
Napukaw ang naglalayag kong isip ng magsalita si Manong Guard.
“Alam mo naman palang may exam ka, dapat gumising ka ng maaga para hindi ka na-late,” masungit niyang sinabi.
“Gumising naman po ako nang maaga, Manong… May nangyari lang po kasing maliit na aksidente kanina habang papunta ako rito kaya po ako nahuli… Sige na po, Manong… At saka, first time ko naman pong ma-late, baka naman po…”
I gave him a puppy-looking face.
Manong guard's lips rose, and he went silent for a moment... “Iyon na nga, e,” He said it with a mischievous smiled on his lips.
Kusang tumikwas ang kilay ko at may pagtatakang tumitig sa kaniya. Habang hinihintay ko ang sasabihin niya ay palakas nang palakas naman ang t***k ng puso ko.
“First time mo,” aniya pa, “kaya hindi ka exempted!” At sa ikalawang pagkakataon ay muling nalusaw ang pag-asa ko na makapasok sa Harmony Hills nang hindi na-li-late. “Ga-graduate ka na ngayong taon na ito at hindi mo pa nararanasang magkaroon ng penalty. At malaking karangalan sa akin ito dahil ako ang unang magbibigay niyon sa ‘yo.”
Pagkatapos niyang sabihin iyon ay tumawa siya nang malakas.
My eyes widened and my lips parted. Sandali akong natigilan at in-absorb sa utak ko ang mga sinabi niya.
Ano raw? Tama ba iyong narinig ko?
Parang may mali yata?
Ipinilig ko ang aking ulo at pinili kong isipin na nagbibiro lamang siya. Tumawa na rin ako at sinakyan ang biro niya. "Si Manong patawa hindi naman kalbo," aniko sa pagitan ng pagtawa.
"At sino naman nagsabi sa iyo?" naka-cross arm niyang sinabi.
“Ho?” maang kong tanong.
Pumalatak siya saka umiling-iling na parang nauubusan na ng pasensiya sa pangungulit ko. Biglang nag-iba ang awra ng mukha ni Manong Guard na ikinabahala ko.
“Hindi ako nakikipagbiruan sa iyo, Ineng, baka 'kala mo. Alam kong matalino ka. Kaya dapat lang na alam mo rin na ang alituntunin ng paaralang ito ay kailangan mong sundin dahil isang kang estudyante ng Harmony Hills. Kaya pasensiya na dahil hindi kita mapagbubuksan ng gate hangga’t hindi pa nakakapasok ang lahat sa kani-kanilang classroom,” huling sinabi niya bago niya ko tinalikuran at inismiran
UMUUSOK ang ilong ko at nag-iinit ang bunbunan ko sa sobrang inis kay Manong Guard habang naglalakad at tinatahak ko ang daan papuntang likurang bahagi ng school namin.
“Tsss! Hindi ka matatagumpay sa maitim mong binabalak sa akin, Hagorn! Asa ka!” parang baliw na paulit-ulit kong sambit habang nakakuyom ang dalawang kamao ko.
Yeah right!
Dahil dadaan ako sa tinatawag nilang sekretong lagusan na siyang dinaraan ng mga kapwa ko kamag-aral sa tuwing na-la-late silang pumasok.
At para na rin iwas community service, ika nga nila.
Hindi ko akalin na isang araw ay matutulad rin pala ako sa kanila na kakailanganin kung dumaan doon. Naalala ko pa nang minsan ko silang narinig na pinag-uusapan ang lagusang iyon ay may paismid-ismid pa akong nalalaman. Iyon pala’y roon din ang bagsak ko.
Napabuntong-hininga ako.
Hay! Buhay nga naman!
If I really want to take the exam, I have to do it even if it goes against my will. This is the only way I can think of.
Nakasalalay rito ang kinabukasan ko. Nakasalalay rito ang chance kong makapasok at makapag-aral sa MIS.
Napangiti ako nang sumagi sa isip ko ang paaralang iyon. Pangarap namin ni Mhegan na makapasok sa Monfort International School. Isang sikat at pribadong eskwelahan na siyang magiging daan ko para maabot ang pangarap kong makaahon sa hirap. At napag-usapan na namin ni Mhegan na sabay kaming kukuha ng entrance exam.
Well… Let’s see if maipapasa nga namin iyon.
How I wish.
Habang nasa daan ay palinga-linga ako sa aking likuran. Hindi ko kasi maiwasang pangilabutan sa lugar na iyon. It feels like someone is going to drag me and eat me alive at any moment.
Maraming malalaking puno at nagtataasan pa ang mga ligaw na damo na tila anumang sandali ay makakaharap ko ang mga alaga ni Valentina--ang taong ahas sa Darna.
Idagdag pa na wala akong makitang kabahayan.
Grrr! Kaagad nagsitayuan ang balahibo sa katawan ko.
Sinaway ko ang aking sarili at iwinaksi ko ang mga iniisip.
Napasinghap ako at huminto sa paglalakad nang may marinig akong mga kaluskos, mahihinang ungol na tila nasasaktan at boses ng mga kalalakihan.
Bumaling ang paningin ko sa bandang kanan dahil hula ko ay roon nanggagaling ang ingay na naririnig ko. Nakita kong may isang lumang kubo roon na mukhang inabandona na ng may-ari. Sira-sira na kasi at halatang napabayaan.
Napakagat-labi ako. May kung ano sa dibdib ko ang nag-uudyok na lapitan at alamin kung ano ang mga nangyayari. Parang may kung ano ring pwersa na humihila sa mga paa ko na tahakin ang pinanggalingan ng kumusyon. Nagtatalo ang isip at kagustuhan ko. Ilang beses pa akong napahinto sa paghakbang dahil sinasabi ng isip ko na balewalain iyon pero sa huli ay nagwagi ang kagustuhan kong alamin at tingnan muna sandali.
Sandali lang naman at hindi naman magtatagal! Pangungumbinsi ko pa sa sarili.
Nagtago ako sa may gilid ng kubo at bahagyang sumilip. Dahan-dahan at maingat ang mga ginawa kong paggalaw para hindi makalikha ng anumang ingay na ikapapahamak ko.
Namilog ang mga mata ko nang bumungad sa aking paningin ang isang lalaking nakalugmok sa may damuhan, na tila naging bola ang peg dahil sa walang tigil na pagsipa ng anim na lalaking nakapalibot dito. Hula ko’y mga kasing edad ko ang mga binatilyong iyon. Paminsan-minsan ay nakikita ko silang nakatambay sa labas ng school namin, sa may tindahan ni Aling Pipay. Pero hindi sila estudyante ng Harmony Hills National High School. Hindi ko nga alam kung nag-aaral ba ang mga ‘to o nagtatrabaho na. Maraming kabataan dito sa Bulacan na mas inuuna ang pagtatrabaho kaysa sa pag-aaral. Siguro dahil na rin sa hirap ng buhay kaya iyon ang mas pina-priority nila.
Natutop ko ang aking bibig nang makitang pilit na tumayo ang lalaking maputi kahit na nahihirapan. Ngumisi pa siya at saka dumura ng dugo. Tila wala lang sa kaniya ang ginawa ng mga lalaki kanina.
Sinenyasan niya ang lalaking blonde ang buhok na lumapit sa kaniya gamit ang kaniyang hintuturo.
Laglag ang panga ko at hindi makapaniwala sa iniasal ng lalaking iyon.
K*ng ina! Nagpapakamatay ba siya?!
Hirap na nga nagawa pang maghamon ni Tisoy!
Yabang din, a!
Dahil hindi ko alam ang pangalan niya, Tisoy na lang ang itatawag ko sa kaniya total mukha naman talaga siyang tisoy.
Sumugod kay Tisoy ang lalaking blonde ang buhok. Nagkasabay ang kanilang suntok at tumama ang kamao nila sa isat-isa. Ganoon din sa pagsipa dahilan para mapaatras sila. Halos magkapareho lang ang dalawa ng taas pero hindi maikakaila na mas nakakalamang si Blonde kay Tisoy dahil sa ma-maskuladong nitong pangangatawan na bumabakat sa suot nitong itim na sando.
Suntok dito, suntok doon, sipa dito, sipa doon at lahat ng iyon ay nagagawang ilagan ni Tisoy habang may malawak na ngisi sa kaniyang putok na labi. Para niyang iniinsulto si Blonde na lalo lamang nagpapainis sa isa.
Sinalo ni Tisoy ang suntok ni Blonde at sinipa ito sa may sikmura. Bahagyang napayuko naman si Blonde at sinapo ang kaniyang sikmura. Bakas sa mukha ni Blonde na napuruhan ito dahil sa ginawang iyon ni Tisoy. Hindi pa nakakabawi si Blonde pero kaagad muling sumugod si Tisoy.
Nagulat si Blonde nang pag-angat niya nang tingin ay nasa harapan niya na si Tisoy saka siya hinawakan sa magkabilang balikat at muling tinuhod sa may sikmura.
Napadura si Blonde ng dugo at halos lumuwa ang kaniyang mata.
Sumulyap ako sa mga kasamahan ni Blonde. Nagtataka ako kung bakit nanonood lang mga ito at mukha yatang walang balak tulungan ang kasama nila.
Muling bumalik ang paningin ko kina Tisoy at sa lalaking blonde ang buhok.
Hindi ko maiwasang bumilib kay Tisoy dahil sa liksi niyang kumilos at galing sa pakikipaglaban. Kahit puno na nang dugo ang mukha niya’y hindi pa rin maikakaila ang kaguwapohang niyang taglay.
Nakagat ko ang aking pang-ibabang labi nang makitang patalon na umikot sa ere si Tisoy kasabay nang pagtama ng malakas niyang pagsipa sa mukha ng kalaban.
At sa isang kisap-mata’y…
Hayun at lugmok na sa damuhan si Blonde.
Nahahapong tumukod naman ang mga kamay ni Tisoy sa kaniyang magkabilang tuhod.
I could tell by the look on his face that he was exhausted and I knew that his body would give up at any moment.
Dahil sa nangyari kay Blonde ay biglang nagsigalawan at pinaikutan ng mga lalaki si Tisoy. Naka-fighting pose na ang mga iyon at handang-handa nang sumugod sa giyera.
Kinabahan ako para kay Tisoy.
Kakayanin niya bang labanan ang limang lalaking iyon, gayong nanghihina na ang katawan niya?
Hindi! Malabo! Sa estado ni Tisoy ngayon, alam kong hindi niya kakayaning talunin ang mga ito!
Anong gagawin ko?