Ang sama ng naging tingin ni Rashee kay Isel nang wala na si Haydee. Umalis na ang dalaga nang sinabi nito na gabi na at kailangan na nilang magpahinga na magkasintahan. Napalunok si Isel na nag-iwas ng tingin. Naku po, 'wag naman siya sana nitong papatayin. Kulang na lang kanina ay kumaripas siya ng takbo at unahan si Haydee na umalis, eh. "Pasok sa loob!" makapangyarihang utos sa kanya ng binata. "O-oo…" atubiling aniya at naglakad. Lahat ng kamalditaan niya at katapangan niya ay parang nawala. Takot na takot siya sa binata. At bago sumunod ay ikinandado muna ni Rashee ang gate ng malaking bahay. Napapakagat-labi si Isel nang maramdamang nasa likod lang niya ang binata nang tumigil siya sa pinto. Ano kayang gagawin nito sa kanya? Papatayin siya o titigukin siya? Naku po parang pare