“Huwag na huwag mong sasabihin kung sino ako! Kung ayaw mong mamatay!" pagkasabi niyon ni Rashee kay Isel ay nagtatakbo na ito patakas. Tumalon ang binata sa isang bakod, umakyat, at tumakbo na sa mga bubungan ng bahay. Naiwan doon sina Haydee at Isel na takot na takot. Pero nang wala na ang binatang mamamatay tao ay kumilos na si Haydee. "Grabe, nakakatakot pala siya," hingal na turan ng dalaga na sapo ang dibdib. Habang si Isel ay nakanganga pa rin. Para na siyang natuod sa kanyang kinatatayuan. Ni ang kumurap ay hindi niya magawa dahil sa kabiglaan. Shock na shock siya. Siya ba iyon? Siya ba talaga iyon? Napansin na siya ni Haydee. "Miss, nakita mo siya, 'di ba?! You saw his face, right?!" Kumurap na siya. "Sabihin mo sa akin kung anong hitsura niya kasi mapanganib ang taong iyon.