PART 1
"So paano, Isel? Maiwan na kita? Ikaw na ang bahala rito sa bahay?"
"Opo, Tita. Huwag po kayong mag-alala. Safe na safe ang bahay niyo. Ako ba naman ang bantay," tiwalang-tiwala sa kanyang sarili na tugon ng bente anyos na si Marisel 'Isel" Francisco sa kanyang mayamang tiyahin. Sinundan pa niya ng tawa ang sinabi niyang iyon. Sinuntok-suntok pa nito ang dibdib para ipakitang yakang-yaka niya ang responsibilidad na iiwan sa kanya.
Aalis kasi ang tiyahin niya papuntang Italy. Magbabakasyon sa mga anak at ilang buwan na mawawala raw. Tyempong umalis din ang kasambahay nito, umuwi ng probinsya raw dahil namatay ang asawa kaya naman walang maiiwan sa medyo kalakihan ding bahay. At siya ang tinawagan ng tiyahin para magbantay ng bahay. Sasahuran daw siya. At dahil hindi naman na siya pumapasok ng school dahil kapos sila sa pera ay pumayag na siya. Wala naman siyang ginagawa sa bahay nila, eh. Boring na siya sa pagbabantay ng maliit nilang tindahan roon sa kanilang probinsya kaya pumayag siya agad. Maiba naman ang kanyang ambience aniya.
"Salamat, Isel. Tawag-tawagan na lang kita."
"Sige po, Tita. Ingat po kayo sa byahe."
Nang paalis na ang taxing sinakyan ng tiyahin papuntang airport ay kumaway-kaway pa siya hanggang sa hindi na niya makita ang taxi.
"Hello!" At papasok na sana siya sa loob ng bahay na babantayan niya ng ilang buwan nang may magsalita sa likod niya.
"Hi," bati niya rin sa kapwa dalaga. Tingin niya ay makikipagkaibigan ito sa kanya.
"Ako si Shyrose pero Shy na lang for short. Bagong katulong ka riyan?" tanong ng dalaga sa kanya na tingin niya ay kasing edad lang niya.
"Hindi. Tiyahin ko 'yong may-ari nito. Ako lang ang magbabantay sa ngayon."
"Ah, ganoon din," ani Shy. Kumakain ito ng setserya na may soft drink na nakaplastik kaya naman hindi na siya nagtaka kung bakit chubby ang kausap.
"Iba naman ang katulong sa pinakiusapang magbantay lang," aniya rito na medyo pabalang. "Sige, ha, nice meeting you na lang, Shy. Pasok na ako."
Hindi na niya hinintay ang sagot ni Shy. Pumasok na siya at padabog na sinaradohan ito ng gate.
Nainis siya, eh. Pagkamalan ba naman siyang katulong. Kahit mahirap lang sila, never naman siyang hahayang magkatulong ng nanay at tatay niya, ano? Isa pa ay ano namang masama kung totoong katulang sana siya? Makalait, ang pangit naman.
"Hmmmp!" Iningusan pa niya si Shy kahit na hindi niya alam kung nasa labas pa ito. Pagkatapos ay malalaki ang hakbang na pumasok na siya ng bahay. Ini-lock niya rin ang pinto bago pasalampak na umupo sa malambot at mahabang sofa sa salas ng bahay. Ini-on niya ang flat screen TV sa pamamagitan ng remote at kampanteng nanood.
Well, sabi naman ng tita niya ay hindi niya kailangang maglinis ng bahay kung hindi kinakailangan. Ang trabaho lang niya ay bantayan ang bahay. Ang tingnan itong maigi dahil naglipana na raw ang mga kawatan. In short ay sarap-buhay siya ngayon. Buti na lang at siya ang naisipan ng tita niyang tawagan. Feeling mayaman tuloy ang peg niya. Panood-nood lang ng TV, hindi tulad sa probinsya na ang daming utos ng nanay niya.
Kung ilang oras siyang nanood lang ng TV ay hindi na niya namalayan, ni hindi niya rin namalayan na gabi na pala. Namalayan na lamang niya nang tumunog ang cellphone niya. Nang may tumawag sa kanya.
"Hello?" Inipit niya sa leeg niya ang cell phone niyang de-keypad pa rin. Wala siyang pambili ng mamahaling cell phone, eh. Pero kapag sinahuran siya ng tita niya ay balak niyang ibili iyon ng magandang celphone.
"’Nay, si Ate Isel na, oh!" tinig ng kanyang kapatid na si Chai sa kabilang linya. Ito lang ang kapatid niya at nakakabata ito sa kanya.
Hinawakan na niya ang cellphone niya nang magsalita ang nanay nila sa kabilang linya. "Kumain ka na ba riyan, Anak?"
"Ano na po bang oras na?" tanong niya na iginala ang paningin. Naghanap ang tingin niya ng orasan.
"Alas syete na. Aba’y huwag mong sabihing hindi ka kumakain ng panggabi? Baka magkasakit ka niyan? Wala ka pa naman kasama riyan."
Sadyang maalalahanin talaga ang nanay niya. Importante rito ang kalusugan. Hindi bale raw na mahirap sila basta walang magkakasakit sa kanilang pamilya.
"Kakain na po ako, ‘Nay." Natampal niya ang noo. Kaya naman pala kumakalam na ang kanyang sikmura, gabi na pala talaga. Tsk.
Tumayo siya habang nakikipag-usap sa ina. Tinungo niya ang kusina na hindi pinapatay ang TV.
"Anong kakainin mo? May pagkain bang iniwan ang tita mo riyan?"
Binuksan niya ang ref at napangisi siya dahil ang daming pagkain. Kuminang ang kanyang mga mata.
"Opo, ‘Nay. Busog-lusog ako nito. Ang dami pong pagkain dito sa ref," aniya sa nanay niya na pinapak agad ang isang apple na nakita.
"Mabuti naman. Sinabi ko talaga sa tita mo na bilhan ka dahil hindi ka marunog magluto."
Napangiti siya habang nginunguya ang kinagat na apple sa bunganga. "Eh, kayo riyan, ‘Nay. Anong ulam niyo ngayon?" Saka isa-isang inilabas niya ang mga nagustuhan niyang pagkain. Sa dami ay puwet na niya ang nagsara ng ref.
"Kinatay ko 'yong manok. Itong kapatid mo kasi naiinggit sa 'yo. Baka masarap daw ang kinakain mo riyan. Gusto ba namang sumunod diyan."
Napahagikgik siya. "Bruha talaga 'yan, ‘Nay," aniya. Iyong cake ang binubuksan niya ng isang kamay.
"Parehas kayo. Hindi ko nga alam kung kanino kayo nagmana, eh," biro ng nanay niya.
Natawa siya. Pero agad siyang napatigil nang may narinig siyang kalabog sa taas ng bahay. Napatingala siya't kinabahan. "’Nay, ba-bye na po. Tatawag na lang po ako sa inyo ulit.”
"Bakit?"
"Kakain lang po ako," pagsisinungaling niya habang nakatingala sa taas. Pagkapindot niya ng end button ng cellphone niya ay karipas siya agad ng takbo papuntang taas ng bahay.
Iyong vase na nakita niya ay kinuha niya. Iyon ang gagamitin niyang sandata kung sakali mang tama ang naisip niya na may tao sa taas.
"Sinong nandiyan?!" at dahil likas na matapang siya ay walang katakot-takot niyang malakas na tanong. Ngunit para namang walang tao dahil wala na 'yong kakaibang tunog o kilos na kanyang narinig. Gayunman ay ayaw niyang pakampante. Paisa-isa ang hakbang niya na chineck pa rin niya ang taas ng bahay. Inisa-isa niyang binuksan ang mga kuwarto.
"Yah!" Sunggab niya sa tuwing magbubukas siya ng pinto. Ngunit hangin lang ang natatamaan niya ng karate niya. Napapagod lang siya sa ginagawa.
Last na chineck niya ay ang terrace ng bahay. Mas maingat siya roon. Kung titingnan siya ay para siyang sanay sa ginagawa.
"Kung sino ka man ay umalis ka na dahil hindi ka magtatagumpay sa masamang binabalak mo! Lalabanan kita!" babala niya munang sabi pero nang biglang may bumagsak na pusa ay anong karipas niya naman ng takbo papasok ng bahay.
"Waaaaahhhhh!!!" sigaw niya pa ng pagkalakas-lakas.
Napangiti tuloy ng wala sa oras ang lalaking nasa bubong ng bahay. Lalaki na itim lahat ang kasuotan at naka-bonet ang ulo, at siya ang may kagagawa ng kalabog. Pero nagpapalit lang naman siya ng damit. Wala siyang masamang binabalak tulad ng sinasabi ng babae na ewan niya kung sino.
At trip lang iyon. 'Yong tapunan niya ang babae ng pusa. Paano'y ang yabang, eh. Kala mo kung sinong matapang.
Saglit lang ay napakabilis na ng kilos ng lalaki. Inalis lahat niya ang kausotan na itim. Hangganga sa makikita na ang kagwapuhan niya na nakatago kanina sa bonet niyang itim. Matangos na ilong. Pinkish na labi. Mapupungay na mga mata. At ang bumagay pang pang-Korean na style ng buhok na panlalaki na tinago niya muna sa isang sumbrero.
"Opps!" Pagkatapos ay parang wala lang na tinalon na niya ang bakod ng bahay nang maayos na niya ang hitsura. Balanseng naglakad siya sa bakod dala ang backpack niyang itim din na kinasusuksukan lahat ng gamit niya kanina.
Isa pang talon ang ginawa niya sa madilim na parte ng kalsada. Mayamaya ay kampante nang naglakad na animo'y isa na siyang ordinaryong lalaki na lamang.
Walang kahirap-hirap ang lahat sa kanya. Gamay na niya kasi ang gawaing ganito sapagkat siya si Rashee Medina, ang alyas Mr. Hired Killer ng Tondo Maynila na kinakatakutan ng lahat. Isa kasi siya sa pinakamatinik na mamamatay tao rito sa bansa, at ni isa ay wala pang nakakakita sa totoong hitsura niya. Kung meron man ay malamang nasa sementeryo na dahil wala siyang pagdadalawang isip na patayin ang sinumang makakakilala sa kanya.
"Kuya!" Palakpak ng batang babae na aakalaing naglalaro lamang sa tabi-tabi.
Pinaka-catch ni Rashee sa bata ang bag niya at nagtatakbo na ang bata palayo. Kung saan-saan ito naglulusot-lusot.
Habang siya naman ay sisipol-sipol nang naglakad na nakapamulsa. Uuwi na siya. Tapos na kasi misyon niya. Napatay na niya ang target niya na worth 1 million pesos. Si Vice Mayor Elisio Cojuangco!
"Asawa kooo!!" hagulol ng isang misis na narinig ni Rashee. Misis ng Vice Mayos na pinatay niya. Sinadya niyang dumaan talaga sa bahay na iyon para siguraduhing napuruhan nga niya ang Vice Mayor. At dahil narinig na niya ang iyak na iyon at nakita niya ang kaguluhan sa malaking bahay ng Vice Mayor ay okay na. Mission done na.
Inayos niya ang sumbrero niya. Mas ibinaba niya para hindi maaninag ang mukha niya. Mas kampante na ulit siyang naglakad palayo.