PART 7

1335 Words
"Ano ba kasi ang nangyari riyan, Kuya?" tanong na naman ni Nicole sa Kuya Rashee niya. Kasi naman ay umuwi ang kuya niya may lapnos ang isang kamay. Namumula. "Nabuhusan ng kapeng kumukulo pa 'ata," sagot ni Rashee na napapangiwi sa ginagawang panggagamot sa namumulang kamay. Nilalagyan niya ito ng ointment. Grabe talaga ang babaeng may regla na iyon! Pahamak sa buhay niya kaya ipinapangako niya, hindi na niya ito pupuntahan pa dahil kung hindi ay baka buhay na niya ang mawala. Tsk! "Sa'n ka ba kasi pumunta kagabi?" Hindi na niya sinagot si Nicole. Pinagtulakan na niya itong umalis dahil kanina pa niya ito inuutasan na tingnan kung may e-mail na siya. Gusto na niya ng trabaho para makalimutan na niya ang babaeng may regla na iyon. Umalis na nga ang bata at nang bumalik ay ipinakita sa kanya ang e-mail. May bagong trabaho nga. At ang pinapapatay naman ngayon ay ang asawa ng Vice Mayor. Kung sino ang kliyente niyang iyon na gusto 'atang ubusin sa mundo ang pamilya ng Vice Mayor na una niyang napatay ay wala na siyang pakialam. Basta magbabayad ito nang husto ay ayos na sa kanya. Minsan mas mainam din na hindi niya malalaman kung sino ang kliyente niya, mas iwas konsensya. Dahil habang pinapatay niya ang mga ipinapapatay sa kanya ay iniisip niyang masasamang tao ang mga ito, na may ginawang kasalanan tulad niya. Sapagkat hindi naman sila ipapapatay siguro kung wala silang ginagawang mali sa kapwa nila. Tama? Pasensyahan na lang dahil ang motto niya sa buhay ay trabaho lang, walang personalan. "Tiba-tiba na naman tayo rito!” Apiran sila ni Nicole tapos ay nagtungo na si Nicole sa harap ng TV. Habang nanonood ang bata ay nagta-tablet din ito. Hanggang sa napunta ang news ang palabas. "Kuya, wanted ka! May patong ang ulo mo na isang milyon!" hintakot na saad ni Nicole sa kanya. Ngumisi siya na abala pa rin sa namumulang kamay niya. "Nagtaka ka pa talaga. Eh, dati pa naman na wanted ako." "Sinasabi ko lang para doble ingat ka, Kuya." Kibit-balikat siya. "Nicole, hindi pa ipinapanganak ang makakahuli sa akin at makakakita sa totoong hitsura ni Mr. Hired Killer. Good luck na lang sila." Napalabi si Nicole at napairap. Minsan mayabang din ang Kuya Rashee niya, eh. May sasabihin pa sana ito pero may kumatok sa pinto nila. Tinginan muna sila bago pumunta si Nicole sa pinto at pagbuksan ang sinumang kumakatok. Pumihit si Rashee ng pagkakaupo. Patalikod sa pinto. "Ano po 'yon?" tanong ni Nicole sa dalagang hitsura ay parang manang. "Hi, ako si Haydee. Bagong uupa sa isang unit. Hihiram lang sana ako ng martilyo kung meron kayo. May isasabit lang sana ako," masiglang sabi ng babae. Lumingon si Nicole sa Kuya Rashee niya. "Kuya, may martilyo tayo?" Umiling lang si Rashee. "Wala raw po, eh," sabi ni Nicole sa dalaga. "Gano'n ba, sige salamat." At sinarado na ni Nicole ang pinto. SA LABAS ng pinto ay kikibot-kibot ang labi ni Haydee na nakatayo pa rin doon. Napapaisip siya sa lalaking hindi man lumingon. Suplado! "Hmmp!" pagtataray niya na talikod. As if naman guwapo tulad ni Mr. Hired Killer. Kahit hindi niya pa kasi nakikita si Mr. Hired Killer ay alam na niyang guwapo ang binata na nagtatago sa nakakatakot na alyas. Malakas ang kutob niyang guwapo kaya nga hindi na siya makapaghintay na makita o mahanap ito. Lumipat si Haydee roon sa apartment na iyon, as in kanina lang, upang makagalaw siya ng maayos. Sa bahay kasi nila ay lagi silang nag-aaway ng lola niya kapag lalabas siya ng hating gabi. At hindi iyon pupwede sa bagong assignment niya ngayon dahil si Mr. Hired Killer ay gabi lang lumilitaw. Siguradong mapapadalas ang pag-uwi niya gabi-gabi. Sinabi na lang niya sa pamilya niya na magbabakasyon siya para makaalis siya pansamantala sa bahay nila. Ang problema na lang niya ay kung saan siya magsisimula ng paghahanap kay alyas Mr. Hired killer. PAGSAPIT NG GABI ay naghanda ulit si Rashee sa pag-alis. Nang masigurong wala nang katao-tao sa labas ay saka siya lumabas. Tatawagan lang niya muna ang kliyente sa ngayon sa nga public payphone. Dapat ay magkaayos muna sila ng bayad sa kliyente niya bago niya gawin ang trabaho niya. Si Haydee na naliligo nang sandaling iyon ay napakislot sa mabigat na kalabog sa labas ng unit nito. Pero ikinibit-balikat lang iyon ng dalaga dahil naisip nitong baka pusa lang iyon. Tapos ay nagbihis na rin ang dalaga. Lalabas din ang dalaga. Mag-uumpisa na sa paghahanap si Mr. hired killer. Samantalang si Isel ay nakangalumbaba naman sa terrace ng mga sandaling iyon. Nagmamasid at nagbabantay siya ulit sa paligid. Ayaw niya talagang pakampante lalo na't tinangkaan na ang bahay ng tita niya na nakawan. Hanggang sa isang kalabog na naman sa bubungan ang narinig niya. Lagi na lang! "Hoy! Kung magnanakaw ka! Magbagong buhay ka na! Malapit ka ng kunin ni Lord! Matakot ka kay Pangulong Duterte!" sigaw ni Isel ng malakas dahil hindi naman niya makita kung ano 'yon, kung ba talaga o tao na ba. At gawa ng kapilyahan ay nagmamadaling lumabas siya ng bahay. Titingnan niya kung ano iyon. Natigil naman si Rashee sa pagtakbo. Narinig kasi niya iyon. Ang buang, pinagkamalan pa siyang magnanakaw! "Mas malala ako sa iniisip mo!” nakangising pagtatama niya pero syempre ay sa isip niya lang iyon. Ipinagpatuloy na ang pagtalon-talon sa mga bubungan ng mga nakahilirang mga bahay. Ang hindi niya alam ay nakita na siya ni Haydee at na-picture-an. Tulad din ni Isel. Nakita na rin nito ang binata. Nakatanga si Isel dahil hindi siya makapaniwala na tao nga ang may kagagawan ng malalakas na kalabog sa bubungan kapag sumasapit ang hating gabi. Saglit ay napangisi na siya at nagpasyang sundan pa ito. Kapag nakita niya kung sino ito ay isusumbong niya talaga sa mga pulis! "Katapusan mo na ngayon na magnanakaw ka!" sa isip-isip niya habang nagtatakbo. Natigilan si Rashee. Naging malikot ang kanyang mga mata. Malakas ang pakiramdam niya. Naramdam niya na parang may sumusunod sa kanya. Kaya pinaspasan na niya ang kilos niya. Alam niyang may nagmamasid sa kanya. Nagtago muna siya sa isang kahoy na mayayabong ang dahon. At nakita na nga niya ang babaeng sumusunod sa kanya. May dala itong camera habang patingin-tingin sa taas ng mga bahay. Napailing siya. Tingin niya kasi sa babae ay hindi naman ito spy o pulis o secret agent dahil sa pananamit at hitsura nito. Ang lakas ng loob nitong sundan siya. Napabuntong-hininga siya bago nagpasyang bumaba sa puno at sundan sa likod ang dalaga. Inayos niya ang sumbrero niya. Mas ibinaba pa upang matakpan ang kanyang mukha. At napakabilis ng kilos niya na hined-lock ang babae. Hindi nakaalma si Haydee. Nahintakutan ang dalaga. Ang mga alam nito sa pakikipaglaban ay tila nakalimutan nitong lahat dahil sa matinding nerbyos nito. Iba pala ang pakiramdam kapag totoong sitwasyon na ang nangyayari at hindi iyong practice lang. "Why are you following me?" madiing bulong ni Rashee sa dalagang nasukol niya. Pinakapal niya ang boses para hindi siya mabosesan. At ganito talaga siya, nag-i-english para mas lalong maitago ang kanyang identity. "Ah... eh... w—wala po. Si—sinusundan lang kita kasi… kasi..." Napangiwi si Haydee. "Kasi crush kita noon pa." Napaurong ang ulo niya sa pagtataka. Ano raw?! "Totoo. Crush na crush kita, Mr. Hired Killer," sabi pa ng dalaga. "Give me your camera," nagulantang man siya sa pag-amin ng dalaga ay sabi niya. Hindi niya pinansin iyon. Ibinigay naman iyon ng dalaga. Gamit ang isang kamay niya ay napakabilis niyang natanggal ang memory card n'on at ni-reset. Saka binalik ulit sa dalaga ang mamahaling camera. "I'll spare your life now but next time I see you, I'm going to kill you already! Keep that in mind!" tapos ay babala niya sa dalaga bago niya ito binitawan. At tumalikod na. Ngunit anong gulat niya nang malingunan niya ang babaeng nakatayo sa di-kalayuan. Si babaeng may regla! Huli na para itago niya ang kanyang mukha. Nakita na siya nito. Sh*t!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD