Chapter 22 FRED's POV: (Niña's Dad) "Si Niña? Nasaan?" Ito agad ang tanong na lumabas sa bibig ko nang makauwi kami sa mansion. Halos isang araw din ang naging biyahe namin ni Antonia makauwi lamang sa aming lugar. Pero pagdating namin sa mansion ay tila tahimik ang buong paligid. Hindi nag-iimikan ang mga katulong. At maging ang bodyguard at driver na siyang binilinan ko na bantayan si Niña ay hindi rin umimik. "I'm asking you all... Nasaan ang anak namin? — Pakitawag naman si Niña at sabihin niyong nakauwi na kami," muli kong turan sa kanila para utusan sila na tawagin ang dalaga. Naisip ko kasi na baka nasa kwarto lamang si Niña at nagpapahinga. Mahigpit kong bilin sa kanila na huwag nilang hayaan na makalabas ang babae. Dahil lahat nang paghihigpit at pagiging strikto namin kay