Chapter 21 NIÑA's POV: NAPAPAYAG ko rin sa wakas si Greg. Matapos ang konting lambing ko sa kanya ay tuluyan ko na ngang nakumbinsi ang binata na makalabas ako ng kwarto at makalibot sa teritoryo niya. Pero isa lang ang tanging bilin nito sa akin — ang huwag akong makipag-usap o lalapit sa mga tauhan niya. Ngayon ko lang nalaman na totoong concern nga ito sa akin. Ayaw niyang bastusin ako ng ibang lalaki. Dahil gusto niyang siya lang ang bumastos sa katawan ko. Nang makalabas ako ng silid ay agad naman akong tumungo ng kusina — kung saan ay naroon si Fiona at busy ito sa pag-aasikaso ng mga gulay na lulutuin niya para sa magiging lunch namin. Hindi naman ito makapaniwala nang sumulpot ako sa likuran niya. "Ma'am Niña? — Teka, anong ginagawa niyo rito at paano ka nakalabas ng kwarto