Chapter 23 GREG's POV: Recently, I have been quite lenient towards Nina. Naging maayos na ang pakitungo ko sa kanya kaya komportable na rin siya sa tuwing kausap ako. Hindi lang 'yan, nakita ko rin ang pagbabago sa dalaga. Hindi na siya yung tipo nang babae na pana'y talak sa akin at bato ng mga salitang hindi kaaya-aya. Bagkus, naging malambing na si Niña dahilan para makita ko sa kanya ang asawa ko. Hindi naman maiwasan ni Andrew na mapansin ang malagkit kong titig sa babae habang nasa kusina ito at tinutulungan si Fiona sa pag-aasikaso ng lulutuin. Ayaw pa sana ni Fiona na payagan si Niña na tulungan siya pero dahil sa pagpupumilit ni Niña ay wala na itong nagawa — lalo na nang sinabihan ko si Fiona na hayaan na lamang ang babae na tumulong para mapadali ang pagluluto. "Natuahan
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books