PROLOGUE
PROLOGUE
NIÑA's POV:
"Girl, seryoso ka ba dyan sa pinaplano mo? Magpapadilig ka sa lalaking hindi mo kilala?" hindi makapaniwalang tanong sa akin ni Ash. Ang matalik kong kaibigan na lagi kong pinagsasabihan ng mga plano at sekreto ko.
"Sa tingin mo ba ay nagbibiro ako? — Look, walang rewind sa totoong buhay, Ash. Kaya pagbibigyan ko na ang sarili ko na maranasan 'to bago pa ako mawalan nang hininga," saad ko na lamang upang iparating sa kanya na seryoso ako sa aking binabalak.
Oo... Balak ko nang isuko ang hiyas ko ngayong gabi. Naisip ko kasi na ito na ang tamang panahon at oras na ibigay ko ang aking p********e — nang sa gano'n ay maranasan ko rin kung gaano kasarap ito.
Sabi kasi nila, masarap daw ang s*x. And s*x will make your life longer. Kaya gusto kong ma-experience ito sa isang lalaki na hindi ko kilala. It's better na makipag-s*x ako sa taong alam ko na hindi ko kailanman iibigin.
Kaya heto ako ngayon, sinusuot ko ang hapit na hapit na damit para maging sexy ang dating ko. Nais kong kunin ang mga atensyon ng kalalakihan sa bar na pupuntahan ko. And yes, doon din mismo ako kukuha ng lalaki.
Hindi ko na isinama ang matalik kong kaibigan na si Ash dahil tiyak kong pipigilan niya lamang ako sa aking pantasya... Pantasya na kasi kung tatawagin itong ginagawa ko. Planning an intense senario is considered as a lustful action.
Nang makarating na nga ako sa bar, tumungo kaagad ako sa pwesto ng mga lalaking naka-upo habang umiinom ng alak. At base sa kanilang mga likod, halata ko ang pagiging batak nila sa gym dahil sa laki ng braso nila.
Pa-simple naman akong tumabi sa isang tao na tila malalim ang iniisip. This guy is handsome. Kung tutuusin nga, lamang na lamang ang itsura niya kumpara sa kanyang mga kasama.
"Hi, I'm Niña," pagpapakilala ko sa binata.
Feeling close ako sa mga oras na ito — dahil kailangan ko talaga makakuha ng lalaking magpaparanas sa akin ng dilig.
Pero ang loko, hindi man lang ako kinibo at dineadma lang nito ang beauty ko.
"Masyado ka namang seryoso sa buhay at isnabero pa," turan ko muli.
But for the second time, hindi niya ako pinansin. Kaya agad kong inagaw sa lalaki ang basong hawak nito para ako na mismo ang umubos ng alak.
"What the heck are you doing, Miss?" giit na tanong nito sa akin.
"Hindi mo kasi ako pinapansin... Nagpapakilala yung tao, parang wala kang naririnig," balik na tugon ko sa kanya.
"I don't care about you, Miss... Hindi kita kilala kaya wala akong oras na makipag-usap sa'yo," prangkahan na wika ng binata.
"Kaya nga sinabi ko na sa'yo ang pangalan ko diba? Para makilala mo ako. Pero sige, let me introduce myself again. — I'm Niña, by the way... Twenty-five years of age. Walang boyfriend. At higit sa lahat, virgin," litanya ko habang nakangiti sa lalaki.
Pero yung reaksyon ng mukha niya, walang pinagbago.
"I'm not interested about your background, Miss... Kaya umalis ka na," malamig na saad niya.
"Ang choosy mo namang lalaki... Ako na nga itong lumalapit sa'yo, pinagtutulakan mo pa ako palayo... Ayaw mo ba sa tahong ha? — Siguro, bakla ka noh?" pagsasambit ko at hindi ko napigilan na husgahan ang pagkatao ng lalaki.
Napatigil naman siya sa paglalagay ng yelo sa baso nang sabihin ko ito. Awtomatikong napatingin muli siya sa aking gawi. Isang tingin na ikinangiti ng labi ko.
Mukhang nakuha ko na yata ang atensyon ng lalaki dahil pinag-isipan kong bakla siya.
"Ang ayoko sa lahat, yung sinasabihan ako na bakla — dahil baka mag-init ang ulo ko at bigla kitang ipatuwad dito... Kaya kung ako sa'yo Miss, tumahimik ka na lang at umalis sa harapan ko," pagbabanta na pahayag nito.
Pero sa halip na matakot ako ay lalo ko pang ikinatuwa ang kanyang binitawan na salita.
"Ayan nga ang gusto ko eh... Yung patuwarin ako... And actually, 'yan nga ang rason kung bakit nilapitan kita... Gusto kong ibigay sa'yo ang virginity ko, pogi... Gusto kong magpadilig sa'yo kaya kung pwede lang — diligan mo ako." walang paligoy-ligoy na turan ko sa binata.
Siya ang maswerteng lalaki na napili ko para dumilig sa akin.