CHAPTER 2
NIÑA's POV:
"Kumusta ka na bessy? Nabalitaan ko ang nangyari sa'yo dahil tumawag si tita Antonia sa akin. Sinabi niya na sinugod ka raw dito... And I know, you need a friend to lean on, kaya pumunta kaagad ako rito para sa'yo," pagsasambit ni Ash nang pumasok ito sa loob ng aking room kung saan ako naka-confine.
Ang dalagang ito ay ang matalik kong kaibigan. Ang best friend ko simula bata pa lamang ako. Pero magkaibang landas ang tinatahak naming dalawa. Ang swerte nga niya dahil nagagawa niya ang mga normal na bagay na hindi ko magawa.
May boyfriend na si Ash. Samantalang ako, kahit manliligaw ay wala. Wala kasing tumatagal na lalaki sa akin dahil palagi silang umaatras at sumusuko kapag nakakaharap nila si dad.
Kaya heto, single pa rin ako. At sigurado ako na mamamatay akong single.
"Heto, humihinga pa. Pero hindi ko nga alam kung hanggang kailan ako hihinga. Baka nga anytime, tumigil na lang ang hangin sa ilong ko," turan ko sa babae.
"Huwag ka ngang magsalita ng ganyan Niña. Para kang engot! Be positive in life," pagsasaway sa akin ni Ash.
"Sa sobrang positive ko nga sa buhay, naging positive na rin ako sa cancer. So what's the sense of being positive kung pagiging deads din ang patutunguhan ko," litanya ko at hindi ko na napigilan ang aking sarili na maging pilosopo.
My life is now useless. Sino bang gaganahan pang mabuhay kung binigyan na lamang ako ng isang taon ng doktor?
"Niña, life is beautiful. Ikaw ang nagsabi sa akin n'yan remember? Kaya huwag kang panghinaan nang loob... May tiwala ako sa'yo na na makakaya mong labanan ang cancer... Ikaw kaya 'yan, ang palaban kong kaibigan," wika ni Ash upang palakasin ang loob ko.
Mapakla naman akong napangiti.
Inuuto ko lang ang sarili ko na makakaya kong labanan ang cancer, pero yung katawan ko — sukong-suko na.
"I don't know bessy... Sumasabay na lamang ako sa agos ng buhay ko. Bahala na, kung saan hahantong ito... Pero habang humihinga pa ako, I will fullfil my wishlist. Para naman kahit mawala ako rito sa mundo, at least — nagawa kong tuparin ang mga pangarap ko," pahayag ko sa kanya.
Kumuha naman siya ng isang apple na dala niya at binigay ito sa akin.
"Bessy, I'm always here for you... Just pray and talk to God.. Hindi naman natutulog ang Diyos. Tiyak kong papakinggan ka niya at sigurado akong gagaling ka,"
"But what if — hindi na ako gumaling? — Narinig ko ang usapan nila dad at mom, I have only one year to live. And after that, wala nang kasiguraduhan kung hihinga pa ba ako o pipikit na nang tuluyan," saad ko muli.
Sa puntong ito ay hindi ko napigilan ang aking sarili na mapaiyak.
Wala rito sila mom and dad kaya nagawa kong umiyak ngayon sa harapan mismo ng kaibigan ko. Siya lang kasi ang taong pinagkakatiwalaan ko at nakakaunawa sa akin. Kaya komportable ako na ipakita sa kanya ang totoo kong nararamdaman.
"Life is so unfair, Ash... Everybody thinks that I'm perfect... Maganda, sexy, matalino, masipag and most of all — I'm financially stable dahil nanggaling ako sa mayaman na pamilya... Pero sa kabila nang meron ako, marami pa rin na kulang sa akin. And now, I'm suffering from cancer. A leukemnia cancer... And I don't even know kung makakasurvive pa ba ako," hagulhol na sambit ko bilang pagpapatuloy.
Marahan namang hinaplos at hinawakan ni Ash ang kamay ko kaakibat nito ay dahan-dahan niya ring pinunasan ang luhang umagos sa aking pisngi.
"Naiintindihan kita, bessy. Alam ko na masyadong mabigat ang pinapasan mong problema ngayon... Isang seryosong sakit ang kinakaharap mo. Pero huwag ka sanang panghinaan. Sa'yo na rin nanggaling na marami ka pang gustong maranasan diba? Kaya dapat, maging matatag ka. Huwag mong hayaan na lamunin ka nang kahinaan mo. Malakas at matapang ka, Niña. Ayan ang palagi mong tatandaan... There are so many opportunities waiting for you," mahabang usal niya para damayan ako at pagaanin ang binibitbit kong problema.
"Thank you Ash... Thank you for your inspiring advice... Sana nga makaya kong labanan ito... Pero kahit na may sakit ako, hindi ito magiging hadlang na matupad ang mga panganrap ko... Kapag nakalabas agad ako rito sa hospital at maging maayos ang pakiramdam ko, gagawin ko na ang mga bagay na hindi ko pa naranasan — habang may oras pa ako," pagtuturan ko naman.
Awtomatikong umiba ang reaksyon ng kaibigan ko at puno kaagad nang katanungan ang kanyang mga tingin.
"Kagaya nang ano?" she asked me.
Ngumisi naman ako at walang alinlangan kong sinagot ang tanong ng dalaga. "Kagaya ng s*x," ani ko rito.
"What? — Niña, nagbibiro ka ba? — Ano bang klaseng wishlist mo 'yan?" tugon ni Ash na akala niya yata ay isang biro ang sinabi ko.
"I'm serious, bessy... Gusto ko ng s*x. I want to experience that s*x," madiin na litanya ko.
"But you don't have any boyfriend yet... Kaya kanino mo naman 'yan gagawin? — Kanino ka naman makikipag-s*x? — Don't tell me that you will do that with a stranger?" panghuhulang bigkas ng babae.
"Tama ka... Sa stranger ko nga gagawin 'yan... Wala naman akong boyfriend, so — wala namang magagalit kung ita-try ko 'yan sa taong hindi ko kilala. Basta — I just want to experience that s*x — before I die," pahayag ko rito.
Pero ang gaga, bigla niya akong pinitik sa aking noo at mabilis na sinermonan.
"Niña, alam ko na maraming tinuturok sa'yo ang doctor na injections. Pero bessy — ang lala naman yata ng side effect ng mga karayom at gamot sa utak mo," wika niya na animo'y hindi makapaniwala sa naging pasya ko.
"I'm not even joking, Ash... Seryoso ako sa desisyon ko. At seryoso ako sa wishlist ko... Gusto kong maranasan makipag-s*x para naman hindi ako mamatay na virgin noh... Hindi na nga ako nagka-jowa, pati ba naman sa dilig — wala pa ako... Kaya ako na mismo ang gagawa ng paraan para maranasan ko ang bagay na 'yan," tanging tugon ko sa aking kaibigan.
Walang nagawa si Ash kundi ang mapahugot nang malalim na hininga dahil sa mga lumalabas sa bibig ko.