CHAPTER 1
NIÑA's POV:
"Kumusta doc? Kumusta ang lagay ng Unica Hija kong si Niña?" tanong ni dad sa Doctor na siyang pinadala niya rito upang tingnan muli ang aking kalusugan.
Halos ilang buwan na kasi na hindi ko maintindihan ang sarili ko. Parang lagi akong napapagod at madalas ay dinudugo ako. And because of that, hindi na ako masyadong nakakakilos dahil pakiramdam ko ay meron akong sakit.
Kaya last month, nagawa ko itong sabihin kay papa. And dad told me na hindi naman daw seryoso ang sakit ko matapos niyang itanong ito sa mga kaibigan niyang doctor.
Pero sa pagkakataong ito, muli akong sinumpong ng sakit. Sakit na hindi na yata madadaan pa sa gamot.
Mabilis namang tumawag si dad ng doctor just to check me. At hindi ko inaasahan ang maririnig ko mula sa doctor nang tanungin siya ni papa tungkol sa aking sitwasyon.
"Lumalala na ang sakit ng anak mo, Mr. Fred... Hindi biro ang cancer na pinagdadaanan ngayon ng dalaga. Bakit hindi mo na lang siya i-confine sa hospital para mas maasikaso at maalagaan siya ng mga nurse," wika ni Doc hudyat para magulat ako sa aking nalaman.
Cancer?
I have a cancer?
Iyan ang mga tanong sa utak ko na ni minsan ay hindi ko magawang isipin na ganitong sakit na pala ang iniinda ng katawan ko.
"What? — Doc, paanong nagka-cancer ang anak ko? Halos lahat naman ng kinakain niya ay masustansya. Kaya paano nangyari 'yan kay Niña?" pagsisingit na tanong ni mama sa doctor upang magkaroon nang kalinawan ang kanyang mga katanungan.
Maging ako ay nagtataka. Hindi ko naman inakala na magkakaroon ako ng cancer gayong mayaman naman kami.
"She has leukemia, Ma'am. A cancer in blood... That's why I suggest na i-confine niyo na kaagad siya sa hospital para mas maagapan ang sakit niya bago pa maging malala ito... Mahirap pa naman kalabanin ang cancer — lalo pa't medyo delikado ang ganyang sakit," suhestyon na wika ni Doc sa aking mga magulang.
Lalo tuloy akong nanghina matapos kong malaman ang sitwasyon ng aking kalusugan.
I'm already twenty five years old. Pero ni minsan ay hindi ko naranasan at naramdaman ang pagiging dalaga.
Paano, palagi na lang trabaho ang nasa isip ko. Bilang anak ng mga negosyanteng tao, kinakailangan na pantayan ko ang kasipagan nila. Kaya napapabayaan ko ang sarili ko. I ate healthy foods, but still — sobra akong stress sa buhay.
Masyado akong napi-pressure kila dad. They want me to be like them. Pero mukhang hindi ko na yata maaabot pa ang gusto nilang mangyari sa akin.
Having a cancer is a serious matter. Ramdam ko na ang panghihina ng katawan ko. I feel that anytime, babagsak na ang kalusugan ko.
"Narinig mo naman ang sinabi ng doctor, Fred. May cancer ang anak natin. Kaya dalhin na natin siya sa hospital, bago pa mahuli ang lahat," pakiusap ni mama kay papa.
Sa totoo lang, hindi ko rin alam kay dad kung bakit ayaw niya akong ipa-confine.
Matagal na rin na katanungan ito sa isipan ko. Maraming beses ko nang sinabi sa kanya na hindi maayos ang pakiramdam ko, but he keeps on saying na normal lang daw ang nararamdaman ko at hindi naman daw ito gano'n kalala.
Gusto ko sanang tanungin siya tungkol dito, pero kilala ko si dad. Ayaw na ayaw niya yung kinukulit siya. Kaya buong buhay ko, sinusunod ko na lamang kung ano ang gusto niya.
But not this time.. And not at this point. I need doctors. Kailangan kong i-confine para mas humaba pa ang buhay ko. I have so many things to do. Gusto ko pang maranasan ang mga bagay na hindi ko naranasan. So I need to be strong and fight this cancer.
"Please dad, I'm begging you... Idala niyo na po ako sa hospital. H-hindi ko na po talaga kaya ang sakit," pakiusap na turan ko sa aking ama.
Ilang minuto muna siya napatingin sa aking kalagayan bago ito nakapagdesisyon na sugurin na ako sa hospital.
Kaya nang dalhin na ako sa hospital, mabilis akong inasikaso ng mga nurse at doctor. Marami rin silang inexamine sa aking dugo at kung ano-ano na rin ang tinuturok nila sa akin.
Pero dahil gusto ko pang mabuhay nang matagal ay tiniis ko ang bawat tusok sa akin ng karayom.
Nagawa ko na ring makatulog nang mahimbing buhat ng mga gamot na ininom ko.
Nagising na lamang ako dahil sa seryosong usapan ng aking magulang. Kaya pinili kong huwag idilat ang aking mata at pakinggan ang kanilang pag-uusap. Base kasi sa kanilang pananalita, mukhang seryoso ang kanilang pinag-uusapan at ito ay tungkol mismo sa akin.
"Kailan mo ba kasi sasabihin kay Niña ang katotohanan, Fred? — Tandaan mo yung sinabi sa atin ng doctor. May taning na ang buhay niya. Isang taon na lang ang itatagal niya sa mundong ito . And after that, iiwan na tayo ni Niña. So I guess, it's about time para may malaman na rin siya tungkol sa kanyang pagkatao. Para naman kahit papaano, mabawasan ang kasalanan natin sa kanya," wika ni mama na naging rason para bumilis ang t***k ng puso ko.
Teka — ano ba ang dapat kong malaman sa pagkatao ko? Ano ba ang sinisekreto ng magulang ko — na hindi nila magawang sabihin sa akin?
At taning? Totoo ba yung naririnig ko? May taning na ang buhay ko?
Ibig sabihin — isang taon na lang ang itatagal ko rito sa mundo...
"Wala tayong sasabihin sa kanya, Antonia... Wala siyang dapat na malaman. Kaya itikom mo 'yang bibig mo kung ayaw mong masira ang lahat nang pinaghirapan nating dalawa," pahayag ni papa sa akin ina para pagsabihan ito.
Naguguluhan ako. Hindi ko alam kung anong lihim ang kanilang itinatago.
"Pero nakakaaawa na ang sitwasyon niya, Fred... Wala ka bang konsensya dyan sa puso mo? — Tingnan mo ang kalagayan niya... Halos dalawampu't limang taon natin siyang pinarusahan... Kaya 'yan nagkasakit dahil inalila mo masyado sa trabaho... Siguro naman tama na 'to Fred... Hindi na kaya ng konsensya ko na hindi sabihin kay Niña ang katotohanan," muling pahayag ni mama na mangiyak-ngiyak pa ang kanyang boses.
Kaso dahil sa pakiusap ni mama, ay isang malakas na tunog ng sampal ang narinig ko. Kahit nakapikit ang mata ko, alam kong sinampal ni papa si mama para tumahimik.
"Ayan ang hindi mo dapat gawin, Antonia... Hindi ka dapat maawa sa babaeng 'yan," huling salita na siyang sinabi ng aking ama.
Wala akong kaalam-alam sa pinag-uusapan nila. Hindi ko alam ang puno't dulo ng kanilang pagtatalo.
Pero base sa mga salitang lumalabas sa bibig ni papa, tila may tinatago siyang galit sa akin na hindi ko matukoy kung anong rason niya at dahilan.