CHAPTER 3
NIÑA's POV:
ALMOST ONE WEEK. Ganyan kahaba ang pag-stay ko sa hospital bago ako tuluyan nang nakauwi sa bahay.
Kahit papaano ay naging okay na ang lagay ko at nabawi ko na ang aking lakas dahil patuloy kong sinusunod ang bilin ng doktor sa akin. But it doesn't change the fact that I still have a leukemnia cancer.
"You need to rest muna, anak ha? Huwag mo munang isipin ang trabaho mo sa kompanya... Ako nang bahala na i-handle 'yon," pahayag ni mommy sa akin nang makapasok kami sa mismong room ko.
Kung si dad ubod nang istrikto, kabaliktaran naman no'n si mom. Mahinahon at malambing na ina si mommy Antonia. Kaya nga naghahanap ako ng tamang tiyempo para itanong sa kanya ang tungkol sa narinig kong usapan nila ni dad. Tiyak ko kasing siya lang ang makakapagsabi sa akin kung ano ba ang tunay na pagkatao ko na matagal na nilang itinatago.
But for now, I won't force her to say it. May tamang araw at oras para itanong ko ang tungkol do'n.
"Yes mom, I will... Thank you for taking care of me," sweet na tugon ko naman sa kanya.
"Just call Manang na lang if you need anything... Kung ano man ang nararamdaman mo, please don't hesitate to call me also," saad niya bilang paalala sa akin.
Tumango naman ako sa kanya bilang sagot. At maya-maya ay lumabas na siya ng aking silid.
Nga pala, kasama niya si Ash na umalalay sa akin para i-akyat ako rito sa aking room. So at this moment, kami na lang ulit ng kaibigan ko ang naiwan sa loob ng kwarto.
"Narinig mo yung sinabi ni tita ha? Don't stress yourself. — Kaya kung ako sa'yo, pakinggan mo si tita Antonia... Kawawa naman ang mommy mo, walang tulog 'yon sa kakabantay sa'yo. She's very worried about your health, Niña," pahayag ng best friend ko na tila inulit niya lang ang sinabi sa akin ni mom.
"I know Ash... Hindi na ako bata pa para pagsabihan... Kaya nga — para makaiwas ako ng stress, gagala ako," ani ko at tumayo ako para puntahan ang aking closet.
"Gagala ka? Sa lagay mong 'yan? — Nasisiraan ka na talaga ng ulo, Niña," pagwiwika ni Ash.
Heto na naman siya sa pagiging kontra ng kilos ko.
I know she's concerned — pero, eto na lamang ang tanging paraan para maging masaya ako.
"Nasabi ko naman sa'yo ang wishlist ko diba? I told you last thursday na kapag naging okay ako ay gagawin ko lahat nang gusto ko... Life is too short, Ash. Kaya habang humihinga, kailangan mong mag-enjoy," usal ko na lamang.
"So ano ang gusto mong mangyari? Maghahanap ka ng lalaki ngayon? — My gosh Niña, sa ginagawa mong 'yan, mas pinapadali mo ang buhay mo," saad nito na animo'y siya pa itong stress na stress sa mga mabilisan kong desisyon.
"Bessy, isang beses lang naman eh... Gusto ko talaga maranasan ito habang may lakas pa ako... Malay mo, sa mga susunod na araw, tuluyan nang humina ang katawan ko — diba?" balik na sambit ko sa kanya.
"Ang tigas ng ulo mo Niña. Bahala ka nga! — Basta ako, hindi ako nagkulang sa kakapigil sa'yo," tanging turan ng kaibigan ko na tila'y napagod na siya sa kakatalak sa akin.
Hindi na lamang ako umimik, bagkus ay pinagpatuloy ko ang paghahanap ng damit na susuotin ko mamayang gabi.
Yes. Mamayang gabi ko na gagawin ang pinaplano ko. Tatakas ako sa bahay na 'to at pupunta ako ng bar para magpadilig sa lalaking hindi ko kilala.
Syempre mag-iingat naman ako. Hindi ko naman kayang ilagay sa kapahamakan ang sarili ko noh.
Nang umalis na ang kaibigan kong si Ash para umuwi na sa kanilang bahay ay nagmamadali kong sinukat ang aking damit. Halos mga sexy ang siyang sinuot ko, at pinili ko kung ano ang mas kaakit-akit tingnan.
Naghintay na lamang ako na sumapit ang gabi bago ko ayusan ang aking sarili.
Nang sumakto na nga yung oras sa alas sais ay mabilis ko nang sinuot ang red fitted dress at sinabayan ko pa ito nang makapal na lipstick. Pulang-pula yung lipstick na nilagay ko sa labi para sa gano'n ay hindi mahalata ng lalaking makakausap ko mamaya sa bar na namumutla ako.
Ayokong malaman niya na mahina ako at meron akong sakit na iniinda.
After making myself pretty and gorgeous, pasimple kong sinilip ang guard na siyang nakabantay sa gate namin.
Kailangan kong makatakas ng bahay nang hindi ito nalalaman nila dad at mom.
So I've waited for almost an hour bago ko nasilayan ang guard na pumunta ng c.r para siguro umihi.
Kaya agad kong sinamantala ang pagkakataon na 'yon para makalabas ng bahay.
At dahil sa pagiging pursigido ko, tuluyan na nga akong nakalabas ng gate nang hindi nila namamalayan.
Sinuot ko na rin ngayon ang aking sandal nang makasakay ako ng taxi.
Sa bar ang punta ko. Doon ko naisipan na hanapin ang lalaking makakakuha ng viriginity ko. Alam ko kasi na yung mga tao sa bar ay pumupunta roon para sumaya. Kaya kung sino man yung lalaking mapipili ko, sigurado ako na wala akong magiging problema sa kanya.
NANG ihinto na ni Manong ang taxi sa tapat ng bar ay kaagad na akong bumayad sa kanya.
Pagkababa ko ay halos maraming lalaki na ang tumitingin sa akin sa labas.
Paano, masyadong nakakasilaw ang damit na suot ko. Nakapulang dress ako na hapit na hapit ang kalakihan ng dede at puwet ko. Isabay mo pa na yung pagiging maputi ko ay lumilitaw talaga.
Pagkatuntong ko sa loob ng bar ay masyadong makulay ang mga ilaw na medyo masakit sa mata. Tapos yung sounds at music, sobrang lakas.
Well, this is my first time here. Kaya naninibago pa ako.
Inilinga ko naman ang aking mata para maghanap nang pwede kong mapwestuhan. Hanggang sa nakita ko ang grupo ng mga lalaking nakaupo sa mismong harapan ng mga alak kung saan ay merong bartender doon na nakatayo at nag-aasisst sa kanila.
Kinapalan ko na ang aking mukha at agad na nilapitan ang grupo ng mga kalalakihan.
"Hi? Can I join here? — Mag-isa lang kasi ako — kaya gusto ko sanang maki-belong sa inyo. Is it okay?" tanong ko sa kanila.
Actually, they are all wearing a black jackets. Kaya alam kong magkakasama sila at magkakakilala.
"Sa amin Miss, okay lang... Pero sa boss namin, mukhang — " Hindi na natuloy ng isang lalaki ang kanyang sasabihin dahil yung taong nasa gilid ko ang siyang nagpatuloy.
"Maraming babae dyan na pwede mong kaibiganin, bakit dito mo naisipan na pumunta sa pwesto namin?" malamig na saad ng binatang kaharap ko ngayon nang lingunin niya ako.
"Bakit? Bawal bang makipagkaibigan sa inyo?" usal ko rito.
Hindi naman siya sumagot, sa halip ay tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa.
"My name is Niña, and you are?" pagpapakilala ko rito kasabay nang pagtanong ko sa binata para sana alamin ang kanyang pangalan.
This guy is handsome. Iba ang karismang dala niya. Kaya sa kanya lang nakatuon ang aking atensyon.
Kaso mukhang isnabero siya dahil hindi man lang siya sumagot sa tanong ko.
"Masyado ka namang seryoso sa buhay. Nagtatanong lang yung tao, tapos ganyan ka... Wala ka bang manners?" muli kong saad sa lalaki.
But for the second time, hindi siya umimik at hindi niya ako pinansin. Bagkus ay kumuha lang ito nang kanyang maiinom.
Rinig ko tuloy ang tawa ng mga lalaking kasama niya. At pakiramdam ko ay napahiya ako dahil sa inasta ng binata. Dini-deadma nito ang beauty ko.
Kaya para makaganti, kinuha ko ang basong hawak nito na may laman na wine. At hindi ako nag-atubling lagukin ang alak na kanyang ikinagulat.
"What the heck are you doing, Miss?" giit na tanong nito sa akin.
"Hindi mo kasi ako pinapansin... Kaya ayan, gumawa na ako ng paraan para pansinin mo ako," diretsahang saad ko sa kanya.
"Nandito kami sa bar para magpahupa nang init ng ulo — hindi para dagdagan mo... Kaya pwede ba Miss — umalis ka na. Hindi kita kilala at lalong hindi ako interesado sa'yo," ani nito upang prangkahin ako.
Muli siyang kumuha ng isang baso para magsalin muli ng alak.
Pambihira! Siya lang yata yung lalaki na hindi man lang natukso sa suot ko.
"Kaya nga ako sinasabi ko ang pangalan ko sa'yo para makilala mo ako... Pero sige, para sa'yo ay handa akong ulitin ang pangalan ko. — I'm Niña. Twenty-five years old. Single, sexy and virgin," proud na sambit ko sa lalaki.
"I don't even ask your background, Miss... So if I were you, just back-off," walang reaksyon na tugon niya.
"Ang choosy mo namang lalaki... Ako na nga itong lumalapit sa'yo, pinagtutulakan mo pa ako palayo... Ayaw mo ba sa tahong ha? — Siguro, bakla ka noh?" pagsasambit ko at hindi ko napigilan na husgahan ang pagkatao ng lalaki.
Napatigil naman siya sa paglalagay ng yelo sa baso nang sabihin ko ito. Kaya awtomatikong napatingin muli siya sa aking gawi. Isang tingin na ikinangiti ng labi ko.
Mukhang nakuha ko na yata ang atensyon ng lalaki dahil pinag-isipan kong bakla siya.
"Ang ayoko sa lahat, yung sinasabihan ako na bakla — dahil baka mag-init ang ulo ko at bigla kitang ipatuwad dito... Hindi mo alam kung paano ako mapikon — siguradong wasak ang kinabukasan mo n'yan," pagbabanta na pahayag nito.
Pero sa halip na matakot ako ay lalo ko pang ikinatuwa ang kanyang binitawan na salita.
"Ayan nga ang gusto ko eh... Yung patuwarin mo ako hanggang sa mawasak ako... And actually, 'yan nga ang rason kung bakit kita nilapitan.. Gusto ko sanang ibigay sa'yo ang virginity ko... Gusto kong magpadilig sa'yo. Kaya kung pwede lang — diligan mo ako," walang paligoy-ligoy na turan ko sa binata.
Nang bitawan ko ang salitang ito ay halos maghiyawan ang mga kaibigan na kasama niya dahil sa kahilingan na sinabi ko.
"Tangina Boss Greg... Pumayag ka na! Magpapadilig pala eh... Kung ayaw mo, balato mo na lang sa akin," rinig kong bulong ng lalaking katabi niya na agad nitong siniko dahilan matahimik ito.
At sa pagkakataong ito, muli niya akong tiningnan. Isang malagkit na tingin ang kanyang pinakawalan kasabay nang paghapit nito ng aking bewang.
"Ang tapang mong babae, Miss... Baka kapag pinatulan ko 'yang kahilingan mo, hindi mo na ako n'yan makalimutan," ani ng lalaki at ramdam ko ang mainit na kanyang hininga sa aking leeg.
Inamoy-amoy niya ako hanggang sa tuluyan na rin siyang pumayag sa kagustuhan ko sa pamamagitan ng paglalagay niya ng chikinini sa bandang dibdib ko.