Crossroads
AiTenshi
Part 3
"Alexis, hijo ano ba hinahanap mo dyan sa lumang bodega? Baka maya maya ay hikain kapa sa dami ng alikabok ng malalanghap mo diyan," wika ni mama habang abala ako sa pag hahalungkat.
"Ma, hinahanap ko lang yun mga papers ko sa school dati, naka lagay iyon sa brown envelope kasama ng mga certificate ko, nandoon kasi yung copy ng grades at course na kinuha ko dati," ang sagot ko naman. "Siguro ay nandyan lang iyan hijo, sandali at ikukuha kita ng face mask para hindi maka singhot ng alikabok," tugon ni mama.
Habang nasa ganoong pag hahanap ako ay may nahulog na isang lumang plastic sa loob ng cabinet na nakapukaw sa aking atensiyon. Agad ko itong pinulot at dito ay nakita ko ang aking mga lumang larawan noong ako ay elementarya pa lamang at nakasuot ng uniporme.Masaya sina mama at papa dito, ang kanilang ngiti at yakap sa akin ay tila walang katapusan. Sino ba naman ang mag aakalang mag hihiwalay silang dalawa sa hindi inaasahang pag kakataon.
Tahimik kong pinag masdan ang mga lumang larawan hanggang maya maya ay may nakita akong isang piraso na nahulog sa sahig at noong pulutin ko ito ay tila napangiti na lamang ako dahil ang larawang ito ay kuha pa noong ako ay bata pa lamang at sa aking tabi ay si Lolo Giyen, ang tatay ni papa. Maigi kong pinag masdan ang lumang imahe hanggang sa unting unting nag balik sa akin ang mga ala-ala na kasama ko siya. Ang ilan sa mga ito malabo na ngunit kahit papaano ay natatandaan ko pa rin at ang pakiramdam ay tila hindi nag babago. Noong mga sandali iyon wala akong kamalay malay na si Lolo ay isang bayarang taga paslang at siya ang pinaka batikan sa lahat. Edad 51 siya noon, ngunit ang katawan ay matipuno pa rin at parang isang binata kung kumilos.
FLASH BACK
"Lolo, ang sabi po ni papa ay bad daw po kayo kasi pinipilit mo siya mag work sa company ng sigma," ang entrada ko kay Lolo noong pumasok ako sa kanyang opisina. Dito ay nakatayo ang ilang lalaki na mayroong mga baril sa bewang at nakikinig lang sa mga sinasabi ni lolo. "Sandali lang apo ha, upo ka muna dyan," ang naka ngiti sagot niya kaya naman umupo ako sa isang sulok at muling nag laro ng gameboy.
Malakas ang sound ng aking games pero mas malakas ang pag mumura ni Lolo na halos matakot na ang mga lalaki sa kaniyang harapan. Noong mga oras na iyon ay halos umalingawngaw ang kanyang galit sa buong silid hanggang sa pati ako may matakot sumiksik nalang sa isang sulok. Wala akong maunawaan sa pinag uusapan nila basta ang alam ko lang ay nakakatakot magalit si Lolo kaya't dapat akong maging good boy kapag kasama siya.
"Lo, bakit galit ka kanina? May problema po ba?" tanong ko sa kanya.
"Medyo bad mood lang si lolo kasi hindi nila nagawa ng maayos ang assignment nila. Kaya ayun nag karoon ng kaunting problema pero maayos rin ang lahat," ang wika niya sa akin sa sabay gusot sa aking buhok. Wala akong kamalay malay noon na ang ibig pala niyang sabihin ay sumabit ang assassination assignment ng kanyang mga tauhan, hindi nila napatay ang target dahil nakatakas ito. Iyon ang ikinagagalit ni Lolo kaya siya nag mumura kanina. Kaya kinagabihan, matapos niya akong patulugin ay naalimpungatan ako noong makita kong nag bihis siya (lolo) ng kulay itim na jacket at itim na damit, nag lagay siya ng takip sa mukha at saka umalis. Nito ko lang napag tanto na siya ang gumawa ng bigong misyon ng kanyang mga tauhan.
Mahina ang interpretasyon ko sa mga bagay bagay, marahil ay mura at inosente pa ang aking pag iisip kaya't hindi ko alam ang nagaganap sa aking paligid. Basta ang alam ko lang ay normal ang lahat at wala dapat na ipangamba. Ngunit gayon pa man ay hindi nag kulang si Lolo sa akin dahil madalas ay nag lalaro kami at para siyang bata na bumababa sa lebel ko upang ako ay matuwa. "Hala, taya nanaman ako?" tanong ni Lolo samantalang ako naman ay tawa ng tawa dahil lagi siyang talo sa jack and poy. "O sige, bibilang ako ng sampu, dapat ay naka tago kana. Isa, dalawa, tatlo.."
Ibayong excitement ang naramdaman ko noong mga oras na iyon, nag tago ako sa pinaka madilim na bodega at doon ay nag sisik. Pag katapos bumilang ni lolo ng sampu at lalo pa akong naexcite, tahimik akong naka kubli sa isang pader kung saan hindi niya ako makikita dahil madilim dito..
Pero wala pang labing limang segundo ay laging gulat ko noong bigla niya akong yakapin sa likuran. "Nahanap kita apo ko!" ang wika niya ako naman ay tawa ng tawa pero sa kabilang banda ay hindi maunawaan kung paano niya nagawa na mahanap ako ng walang ingay o walang kaluskos. Ni hindi ko nga siya namalayan nag lakad patungo sa akin.
Vice Versa, ngayon ay ako naman ang taya, si Lolo naman ang nag tago sa madalim na bodega at ang nakapag tataka ay hindi ko siya mahanap doon. Kung gaano niya ako kabilis na nahanap, ganoon ko naman siya katagal hanapin hanggang sa maubos ang aking oras at dito ay lalabas si lolo na nakatago sa isang sulok na parang na camouflage sa dilim. Katulad kanina ay hindi ko maiexplain kung paano niya ito nagagawa.
Taguan ang paborito namin laro ni Lolo, madalas sa dilim kaming dalawa nag tatago hanggag matuto narin akong huwag gumawa ng kahit na anong ingay o kaluskos, ang aking yapak ay tahimik na at wala nang maririnig na kahit ano dito. Nagagawa ko na ring lumipat ng ibang posisyon ng walang ingay kapag alam kong palapit na si lolo sa akin. Tila ba nasanay ang mga mata ko sa dilim at ngayon ay kikita ko na kung saan siya nag tatago bagamat kadalasan ay nauubusan pa rin ako ng oras.
Kadalasan ay ganito ang aming laro kaya't nag eenjoy ako ng todo. Ang exicitement ay hindi bumaba lalo't para kaming nag hahuntingan sa madalim na lugar. Noong oras na iyon ay wala akong kamalay malay na tinuturuan na pala ako ni Lolo ng kanyang mga kaalaman sa pag kukubli at pag hanap ng biktima o target na parang isang lobo sa madilim na kakahuyan. Marahan niyang hinuhubog ang aking talento upang mas madali niyang maituro sa akin ang kanyang kaalaman sa pag sasagawa ng perpekto at walang sablay na pag patay.
"Dad, baka naman masyado mong ineexpose si Alexis sa gawin ng sigma?" taong ni papa noong sunduin niya ako sa bahay ni lolo.
"Sa tingin mo ba ay mauunawaan ni Alexis ang mga bagay tungkol sa gawain ng sigma? Edmar, alam mo kung saan galing ang angkan ko, ang mga ninuno mo ay mga sikat na taga paslang. Kung ayaw mong ayaw mong yakapin ang iyong kapalaran ay hayaan mong yakapin ito ng iyong anak. Ako ang mag papalaki kay Alexis. At sinisigurado ko sa iyo na mamanahin niya ang estilo ng ating angkan," ang wika ni Lolo dahilan para mapasigaw si Papa.
"Dad, ngayon palang ay pupuntulin ko na ang koneksyon sa iyo ng aking anak. Hindi ko siya hahayaang maging isang mamamatay tao katulad ng inyong lahi!"
"Ng ating lahi. Huwag mong ibukod ang sarili mo Edmar. Kapag ako ay namatay ikaw ang uupo bilang leader ng sigma at ipag papatuloy ang aking nasimulan."
"Dad, hindi ka ba nakokonsensiya? Binago mo ang mukha ng sigma. Isa lang itong simpleng kapatiran, fraternity at samahan ng mga lalaking mag kakapatid. Dad, aware ka ba na ginawa mo itong isang ahensiya na pwedeng dulugan ng mga taong may nais na ipa patay!"
"Oo, at iyon naman talaga ang balak ko. Kaya hindi mag tatagal ang aking nasimulan ay ipag papatuloy niyo ni Alexis. Huwag kang mag alala dahil sisiguraduhin kong magiging mahusay na taga paslang ang iyong anak," ang naka ngising ni Lolo.
Lalong nagalit si papa at sumigaw ito. "Alex! Alex!!" ang pag tawag niya at bago pa ako lumabas ay mabalis na hinawakan ni lolo ang kanyang baril saka itinutok sa aking ama. "Huwag mong kalimutang pinaslang ko ang aking sariling ama. Anak lang kita Edmar, hindi ako mag dadalawang isip," ang seryosong sagot ni Lolo dahilan para matahimik si papa.
"Pag nag karoon ako ng pag kakataon ay ilalayo ko sa iyo si Alexis bago mo pa siya lagyan ng sungay at buntot," ang wika ni papa sabay layo sa kanyang kinatatayuan.
"Edmar, ang sigma ay ang lugar na hindi mo matatakasan. Balang araw ay mapapakinabang mo si Alexis at pasasalamatan mo ako," ang pahabol ni Lolo pero hindi na kumibo si papa, ni hindi siya humarap dito. Basta lumakad lang siya ng tuloy tuloy at hindi na niya ako nagawang makita pa.
Noong maka alis si Papa ay napaupo si lolo sa kanyang silya, huminga ito ng malalim saka ngumiti sa aking direksyon. "Lumabas kana diyan Alex," ako naman ay marahan lumabas na may takot sa kanya o kay papa pa. "O bakit ganyan ka mag lakad? Natatae ka ba?" tanong ni Lolo
"Hindi po, papatayin mo ba si papa?" tanong ko.
"Oo kung maging pasaway siya. Alam mo hijo hindi naman masamang pumatay ng tao. Ang ibig sabihin noon ay tinutulungan mo siya para makapiling na niya si Lord. Diba kapag ang tao namatay ay mapupunta siya sa palasyo na maraming kayaman at mga ginto? Doon pupunta ang papa mo kapag namatay siya at gusto ko lang siyang tulungan. Tingnan mo ito Alexis," ang wika ni Lolo sabay bigay sa akin ng isang gintong baril. "Itong baril na ito ay ipinamana pa sa akin ng mga ninuno ko. Ito ay ibibigay ko sa iyo pag laki mo," ang dagdag niya. Sa murang edad ko ay noon lang ako nakahawak ng baril, mabigat ito at halos hindi ko maingat ng maayos. Ito ang ginagamit sa pag paslang ng tao at ayon kay lolo ang gawain ito ay hindi masama, nakakatulong ka pa sa mga tao upang mag karoon ng bagong buhay. Sa paniniwala na ang namamatay ay mabubuhay ulit matapos lumakad sa kaharian ng may kapal.
Mula sa pag lalaro ng taguan sa madidilim na lugar ay tinuruan na rin ako ni lolo nang tamak pag hawak ng baril at pag asinta sa malayong target. Noong una ay naiihi pa ako sa salawal kapag umaalingawngaw ang putok, natatakot ako at napapasigaw hanggang sa nagising nalang ako na nagustuhan ko na ang putok na ito na parang isang musika sa aking pandinig.
Sabi nila lolo's boy daw ako, halos nawalan ng parte si papa at mama dahil madalas si lolo ang kasama ko. Siya ang sumusunod sa akin sa school, siya ang nag dadala ng gamit ko pauwi hanggang sa pag sama sa akin sa pag papatuli noong ako ay grade 4 ay siya rin gumabay. Sa kanya rin ako tumakbo noong unang beses na mag palabas ako at may sumumpit na kakaibang tubig sa aking ari, basta ang ginagawa ko lang ay ginaya ko yung ginagawa ng lalaki sa napapanood kong porn movie. Tawa ng tawa si lolo noon at naka ukit pa rin sa akin ang maganda niyang ngiti.
Ang totoo noon ay marami akong naririnig tungkol sa kanya sa aming paaralan, usap usapan kasi ng mga parents doon na siya ay isang mamamatay tao, buong angkan daw namin, damay na ako doon. Kaya wala akong masyadong kaibigan sa school noon dahil pinag babawalan ang mga kapwa ko bata na lumapit sa akin. Ang akala nila ay isa rin akong taga paslang kagaya ng angkan ni lolo. Kaya ang madalas ko lang kasama noon ay ang aking animo na iniiwan rin ako pag sapit ng gabi.
"Wala naman ako kaibigan sa school. Lumalayo sila sa akin kapag nakikita nila akong palapit," ang wika ko habang naka nguso. "Eh baka naiingit lang sila sa iyo kasi lahat ng gamit mo ay laging bago," sagot ni lolo habang abala sa ddrive.
"Mamamatay tao daw po kasi ang lahi natin. Takot sila na baka mapaslang rin sila kapag lumapit sa akin."
Natawa si Lolo, "Atleast walang nang bubully sa iyo dahil takot sila, at wala ring nag tatangkang mang api sa iyo dahil baka mas malakas ka pa sa kanila. Alam mo balang araw ang lahat ng ito ay tatawanan mo nalang. Ganyan rin kasi ako sa iyo noong bata ako, wala akong kalaro kundi yung house boy namin."
"Nasaan na siya lolo?" tanong ko.
"Yung houseboy namin?"
"Opo."
"Pinatay ko, kasi nahuli kong nag nanakaw ng alahas at pera sa kaha ng nanay ko. Apat silang mag kakasabwat pati yung dalawang katulong namin. Mga miyembro pala sila ng sindikato at namamasukan lang sa mga bahay bahay gamit ang iba't ibang pangalan. Kukunin nila ang loob mo at pag katapos ay nanakawan ka nila. Lahat ay bulagta, at iyon ang pinaka unang beses naka patay ako ng tao. Pero mga kriminal naman sila diba?"
Hindi naman ako sumagot, basta naka tingin lang ako sa labas ng bintana ng aming sasakyan at pinag mamasdan ang magagandang bukirin na aming dinaraanan. Isang malalim na buntong hining ang aking pinakawala habang pilit na inaalis ang kaba at pag kalungkot sa aking puso at isipan.
KINAGABIHAN..
Abang abala kami ni Lolo sa pag kain ng hapunan ay bigla niya akong niyakap at idinapa sa ilalim ng lamesa. Kasabay nito ang pag kabasag ng mga salamin ng aming bintana. Pinaulanan kami ng bala ng baril na tumama sa iba't ibang direksyon. Ang mga body guard sa paligid ng aming bahay ay tumba lahat tanging kaming dalawa nalang ang natitira sa loob.
Takot na takot ako noong mga sandaling iyon, hindi ko lubos na maunawaan ang mga nagaganap basta ang alam ko lang ay nilooban kami ng mga hindi kitang lalaki ng armado ng mga baril. Mayroon silang mga maskarang suot na nag bibigay kakaibang kilabot sa aking balat at halos hindi na ako makahinga ng maayos habang kasama ko si Lolo na naka siksik sa isang sulok.
"Lolo, sino ba sila?" tanong ko.
"Dito ka lang loob ng cabinet okay? Huwag kang gagawa ng kahit na anong ingay maliwanag ba?" bulong ni lolo habang naka ngiti.
Noong mga sandaling iyon ay wala siyang ibang ipinaliwanag sa akin, basta ang alam ko lamang ay nalalagay sa peligro ang kanyang buhay.
Halos ngayon ko lang napag tanto na ang mga lalaking pumasok na nakasuot ng mga maskara at may hawak na baril ay ang mga lupon ng bounty hunter na nang huhuli at pumapaslang ng mga taong hired killer o yung mga wanted na may malaking patong sa ulo at ang kay Lolo ang pinaka mataas na lahat.
Noong mga sandaling iyon ay hindi ako makapaniwala na ang isang mabangis na lobo sa kakahuyan ay hina-hunting ng mga mamangasong armado ng baril para makuha ang kanyang ulo.
Itutuloy..