Part 2

2306 Words
Crossroads AiTenshi   Part 2   "Kuya gising! Lets play na! Sabi mo mag lalaro tayo ng video games?" ang pangungulit ni Gillian habang inuuga ako sa higaan. Ungol lang aking isinagot sabay tingin sa orasan, halos alas 7 palang ng umaga at antok na antok pa ako. "Gil, please, mamaya nalany, inaantok pa si kuya."   "Kuya naman e." ang pag mamaktol nito.   "Gil, later nalang kayo mag play ng kuya mo, hayaan mo muna siyang mag pahinga dahil pagod siya. Halika ipag luto napang natin siya sa kusina," ang yaya naman ni mama sabay buhat dito. Ako naman ay nanatiling naka pikit at pilit na inererelax ang aking sarili. Nag desisyon ako na dito muna manatili ng kahit isang araw pa, mas masarap dito, tahimik at ramdam kong may nag mamahal sa akin. Dito ay isa akong kuya ay Gillian at isang anak kay mama iyan ang role ko. Kaibahan sa gusali ng aming org na matapang, walang puso at matigas na parang bato ang aking personalidad. At nakakapagod gawin ang mga bagay na iyon.   Muli akong pumikit at mahimbing na natulog, alas 10 na ng umaga noong ako ay bumangon. Mayroong anim na missed call mula kay Miyong at maraming mensahe sa iba't ibang member ng org. Hindi ko na itong binuksan at agad akong lumabas sa sala kung saan naroon si Gillian na nilalaro ang mga bagong laruan na aking binili sa kanya. Isang matamis na ngiti ang isinalubong niya sa akin mga bagay na bihirang kong makita sa buhay ko.   Naupo ako sa kanyang tabi at ginusot ang kanyang buhok. "Good morning baby bro. Gusto mo mag laro ng video game?" tanong ko habang naka ngiti. "Yes naman kuya, sabi ni mama wag daw ako mag lalaro ng video games kasi masisira daw yung mata ko," ang sumbong nito habang naka nguso.   "Tama rin naman si mama, hindi maganda sa bata ang sobrang pag tutok sa monitor dahil baka maagang lumabo ang mata mo. Dapat sandali lang ang pag lalaro ha, at hindi madalas," naka ngiti kong sagot.   "O mamaya yang video games na iyan. Alex naka handa ang breakfast mo dito sa kusina. Gusto mo ba ang kape?" tanong ni mama.   "Orange juice lang ma, hindi ako nag kakape dahil ayokong maging nerbiyoso. Ipinag babawal ang pag inom ng kape sa gusali," sagot ko sabay upo sa harap ng lamesa.   "Anong klaseng kapatiran ba iyan? Bawal ang kape?" pag tataka ni mama. "Para di nagiging nerbiyoso yung mga member ma, alam mo naman na may mga assignment na ibinibigay sa kanila."   "At kaya dumaraan sa matidinng pukpukan ang mga bagong member na kasali? Parang isang fraternity?." ang wika ni mama.   "Ma, noong 1960 to 1980 sa fraternity naman talaga nag simula ang Alpha Sigma, nagbago lang ito noong maupo si Lolo at ginawang parang organization na tumatanggap ng members para itrain sa iba't ibang assignment. Tapos lalo pang nabago noong maupo si papa at parang naging negosyo na," ang paliwanag ko.   "At pag katapos mo, sinong ipapasok si Edmar? Si Gillian?" tanong ni mama.   "Ma, wala namang sinasabing ganoon si papa. Saka di naman ako papayag na pati si Gillian idamay nila. Pag tuluyan akong nag resign sa sigma ay isasama ko kayo ni Gil sa Amerika at doon nalang tayo tumira, itatago ko ang kapatid ko para hindi na niya sapitin ang mga na pinagdaraanan ko. Teka ma, bakit ba ikaw lang ang gumagawa dito? Gusto mo ba mag hire ako ng katulong para may kasama kayo?"   "Ano ka ba hijo, huwag na. May kasama naman talaga kami, umuuwi lang sila kapag weekend. Nandito naman sina Tito Berhel mo at Tita Mila para tumulong sa amin kaya wala kang dapat ipag alala." ang wika ni mama sabay salin ng malamig na orange juice sa aking baso.   Tahimik.   Umupo si mama sa aking tabi at pinag masdan ang aking mukha. "Huwag kang nag papatubo ng sobrang bigote at balbas dahil hindi bagay sa iyo. Bakit pinapatanda mo ang itsura mo kung gayong napaka gwapo mo kapag malinis ang mukha mo. Kung nagbabalak kang pumasok sa campus ay dapat neat ang itsura mo para hindi ka mpag tripan."   "Pumayag naman si papa na bumalik ako sa pag aaral, tutal isang taon nalang naman at makakatapos ako. Naalala mo ba si Ninong Mike, dati siyang member ng sigma diba? Ngayon ay teacher na siya doon sa campus at sinabi niya sa akin na siya na ang bahala para makagraduate ako agad."   "Ah oo, hindi ko naman ka close ang lahat ng ninong mo dahil ang papa mo ang kumuha sa kanilang lahat. At natutuwa akong marining na pumayag siya na mapag aral ka ulit."   "Yes ma, pumayag siyang makapag aral ako ulit pero hindi siya pumayag na bumitiw ako sa sigma. Gusto niya habang nag aaral ako ay tumanggap pa rin ako ng misyon. At ipag patuloy ko ang pamumuno dito."   "Gago talaga iyang tatay mo. Ako ang kakausap sa kanya sa susunod na araw. Sa tingin ba niya ay makakapag focus ka sa pag aaral kung isasabay niya ang kagustuhan niya?"   "Ang utos ng hari ay hindi mababali ma, lalo lang tayong pag iinitan ni papa. Kung sakaling matuloy ako sa pag aaral ay kakausapin ko nalang si Miyong na siya ang tumayong pinuno kapag abala ako."   Napa buntong hininga kami ni mama. "O sya, huwag na nating pag usapan ang tungkol dito at baka makadagdag pa ito sa stress mo. Susubukan kong kausapin yang papa, sana ay makinig siya sa akin," ang wika ni mama sabay ngiti. "Salamat ma," ang tugon ko.   Ala 1 ng hapon habang abala kami sa pag lalaro ng video games ni Gillian ay may humintong asul na kotse sa aming tarangkahan. Alam kong pag aari ito ni Miyong kaya agad akong tumayo para puntahan ito. "Alex, nandiyan si Miyong sa gate, puntahan mo na at baka habulin ito ng aso," ang wika ni mama.   "Papunta na ma," ang sagot ko naman sabay takbo sa gate para buksan ito. "Hanep yung kotse mo ah, nakatago talaga doon sa likod bahay?" tanong ni Miyong noong makababa ito sa kanyang sasakyan. "Para walang maka alam na nandito ako. Kaya itong kotse mo ipasok mo doon sa likod dahil baka makita pa tayo ng spy ni papa."   "Alam ko naman na nandito ka kaya matik na yon. Pero dont worry wala namang nakaka alam sa sigma."   "Hinanap ba ako ni papa?" tanong ko habang pumapasok kami sa loob ng bakuran. "Oo, matik na iyon at nag punta pa sa barracks natin ha. Ang sinabi ko lang ay pupuntahan mo yung gf mong si Jia kaya hindi na ito nag tanong pa."   "Alam mo naman na ayaw ni papa na nag pupunta ako dito dahil tiyak na ib-brain wash lang daw ni mama para mapalayo ang loob ko sa kanya," tugon ko.   "Akalain mo iyon, seloso rin pala yang tatay mo," biro ni Miyong dahilan para matawa ako. "Hindi iyon nag seselos, gusto lang niya akong hawakan sa leeg hanggang sa hindi na ako makahinga. Kumain kana ba? Nag luto si mama ng nilagang baka, gusto mo?"   "Ayos, sige nga. Kaya nga nag pupunta dito para matikman ang luto ni tita There, at syempre kailangan din kitang makausap," ang sagot niya habang pumapasok kami sa kusina. "Gillian, say hi to your kuya Miyong."   "Hi, nasan po yung car ko? Sabi mo last time you will buy me," ang tanong nito.   "Ay, oo nga pala. Nakalimutan ko, pero don’t worry ipapadala ko nalang dito bukas ha. O bless kana," ang sagot ni Miyong."Told you mataas ang memory ng batang iyan, kaya bawal ibreak ang promises sa kanya," ang sagot ko naman habang natatawa.   Habang abala si Miyong sa pag kain ay muli akong naupo sa tabi ni Gillian para makipag laro ng video games. Noong mga sandaling iyon ay kitang kita niy (Miyong) ang kakaibang saya sa aking mukha na hindi niya madalas nasisilayan doon sa aming barracks. Kadalasan kasi ay galit ako, masungit, mainitin ang ulo at mura ng mura. Minsan nga ay binibiro niya ako na baka raw mayroon akong dual personality. Tawa lang ang isinasagot ko basta masaya ako kapag kasama ko si mama at ang kapatid ko.   Alas 3 ng hapon, naupo kaming dalawa sa likod bahay upang mag usap. Hawak niya ang listahan ng mga report na galing doon sa barracks. "Edi hayun, may pinatay na negosyante ang grupo ng Kappa Royale at iniwan doon sa pinangyarihan ang logo ng sigma para tayo batikusin ng malalaking kompanya. Mabuti nalang at walang orihinal na selyo ang logo kaya't napatunayan na peke ito. Gago talaga iyang mga taga Kappa. Kaya naman naisip namin na muling gumawa ng event para mawala ang issue sa pangalan ng sigma. Iyon ay kung nais mo lang naman."   "Event, mag event tayo, gayan naman talaga ang pang cover ng org diba? Kilala tayo sa pag tulong at pag bibigay sa iba at ginagamit natin ang good publicity na ito para takpan ang totoong gawain natin sa sigma, para hindi nila malaman ang katotohanan na tayo ay mga hired killer," ang sagot ko.   "Oo at ikaw naman ang pinaka batikang taga paslang kasi lahat ng gawa mo ay flawless," ang hirit ni Miyong.   Pero totoo naman talaga iyon, ginagamit lang ng sigma ang mga charity works at charity events para icover ang dark side na kami ay organisasyon ng mga bayarang taga paslang. Ito ang nag dadala sa amin ng maraming pera. Kumikita kami sa galit at ambisyon ng mga tao. Kadalasan ay mga away sa malalaking negosyo, politika at mayayamang miyembro ng pamilya. Ang mga iyan ang madalas dumudulog sa amin. "Why not, gumawa tayo tatlong charity works, mag bigay tayo ng mga pag kain mga piling paaaralan, tapos ay mag dodonate tayo ng mga bagong gate at facilities sa kanila. Ang ating itarget ay ang mga public school. Pumili na rin kayo ng 100 bata na mag kakamit ng scholarship sa college. At huwag kalimutang tumawag ng media. Kunin niyo ni Hanopol ng Mugs TV dati siyang member ng sigma noong 1998," ang wika ko habang si Miyong ay inirerecord ang aking mga sinasabi.   Uminom ako ng alak at saka bumuga ng sigarilyo. "Kamusta yung 7 recruit maayos na ba sila?" tanong ko pa.   "Oo boss, 5 sa kanila ay nakarecover na at yung dalawa naman ay nasa training station na para matutong humawak ng baril. Yung mga alumni ng sigma ay nagagalit bakit daw kailangan iaapply ang lumang initiation process kung gayong matagal na daw itong binuwag. Marahil ay mga kamag anak ng alumni members ang ilan sa hindi nakatagal sa proseso,"ang wika niya dahilan matawa ako.   "Ano naman ang gusto nila? Ipamigay ko nalang basta basta yung spot sa Sigma ng wala silang hirap na nararanasan? Ilang beses ko bang ipapaliwanag na ginagawa ang initiation ng pag hampas sa katawan upang subukin kung hanggang saan ang kaya nila. Paano kung maka jackpot sila ng target na mahusay sa hand to hand combat? O kaya naman ay kuyugin sila at hampasin ng kung ano ano. Mainam na yung kahit papaano ay naranasan nilang mabugbugan ng katawan. Saka ang sigma noong 1960s isa naman talagang fraternity kaya't wala silang magagawa sa proseso ng pagtanggap," paliwanag ko naman.   "Tama, kung gusto nila ng marangyang buhay ay mag agaw buhay muna sila!" ang hirit ni Miyong.   Tawanan kami..   "Totoo ba na balak mo mag aral? Bakit kailangan mo pang mag balik sa paaralan boss? Sa dami ng assignment na nagawa mo ng maayos ay hindi mo kailangan pasakitin ang ulo mo sa katakot takot na leksyon sa mga subjects dahil milyonaryo kana. Hanggang ngayon nga ay isang malaking palaisipan pa rin sa amin kung paano mo nagagawa ng flawless yung mga assassination assignment. Samantalang mataas na tao na yung tinitira mo.Yung ibang member nga natin ay lima na sa isang grupo ay nanatagalan pa rin at sumasablay. Pero ikaw? Nagagawa mo ito ng mag isa."   "It runs in the blood. Si Lolo ay galing sa isang elite na lupon ng mga killer diba? Yung lolo ko sa father side, doon siguro kami nag mana ni papa. Kaya noong maupo bilang leader ng Sigma si Lolo Giyen ay automatic nag bago ang mukha ng sigma, nawala yung fraternity vibes nito at naging organisasyon na maaaring lapitan ng isang taong nag nanais na may ipapatay sa paligid niya. Si Lolo ang salarin at sinundan pa siya ni papa na ganoon rin ang mind set dahil mag ama sila," ang paliwanag ko naman.   "Kaya naman ipinabibigay ito ng papa mo," ang wika ni Miyong sabay abot ng sobre sa aking kamay. Binuksan ko ito at binasa..   Maya maya ay natawa ako.   "Bakit tumatawa ka boss? Ano bang mayroon diyan sa sobre?" pag tataka ni Miyong.   "Bagong assignment. Ang target ay isang mayamang negosyante na gustong ipayari ng kanyang sariling asawa dahil nambabae daw ito," sagot ko naman.   "Talaga ba? O baka gustong ipayari ng babae yung asawa niya para makuha na niya lahat?" tugon ni Miyong. "Pwede rin iyan. Atleast diba, iba naman ngayon, nakakasawa rin kasi yung puro mataas na politiko at mga wanted na kriminal ang target."   "So gagawin mo ba?" tanong niya.   "May pamimilian ba ako? May pupuntahan ba ako? Kahit gusto kong takasan ang lahat ng ito ay hindi ko magagawa dahil tiyak na ilalagay lang ako ni papa sa blacklist at ipapayari niya ako sa kanyang mga tauhan. Tandaan mo na walang anak-anak o ama sa ganitong misyon, ang lahat ay talo talo na. Sa ayaw mo man o sa  hindi.   Itutuloy..  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD