Part 4

2296 Words
Crossroads AiTenshi Part 4 Halos ngayon ko lang napag tanto na ang mga lalaking pumasok na nakasuot ng mga maskara at may hawak na baril ay ang mga lupon ng bounty hunter na nang huhuli at pumapaslang ng mga taong hired killer o yung mga wanted na may malaking patong sa ulo at ang kay Lolo ang pinaka mataas na lahat. Noong mga sandaling iyon ay hindi ako makapaniwala na ang isang mabangis na lobo sa kakahuyan ay hina-hunting ng mga mamangasong armado ng baril para makuha ang kanyang ulo. Noong mga oras na iyon ay tila huminto ang t***k ng aking puso. Pakiwari ko ba ay hindi ako makahinga ng maayos. Nanatili akong naka siksik sa cabinet habang si Lolo at umalis sa aking tabi. Nasa 13 lalaki ang pumasok sa loob ng bahay, ang lahat ay maingat na nag hahanap. Marami sila dahil alam nilang delikado si Lolo at hindi ito basta bastang ordinaryong target lang. Ang mga lalaki ay marahang naghanap sa loob ng bahay ng maya maya ay bigla bumulagta ang isa at bumagsak ng duguan sa luha. Lalo silang nag panic, nag simulang kumilos ng mas mabilis at mag hanap ng mas maigi. Hanggang sa ikalawang pag kakataon ay bumulagta ang tatlo sa kanila mga kasama. "Asan iyon? Nasaan siya?!" ang natatarantang sigaw ng isa sabay paputok ng hawak ng armalite sa iba't ibang direksyon dahilan para mag kasira ang aming mga gamit. Nabasag ang mga salamin, sumabog ang tv, nagka crack ang mga dingding. Maya maya ay muli nanaman bumulagta ang isang lalaki.. At dito ay napatingin ang mga kalaban sa itaas ng kisame kung saan naka kita sila ng isang butas kung saan naroon ang isang baril na silencer upang hindi maging maingay ang pag putok dito. Tila nag karoon sila ng ideya na maaaring nag tatago si lolo doon kaya sabay sabay nila itong pinapatukan. BRATATATAATTT!! Nasira ang kisame at nadurog ito, mukhang tama ang kanilang hinila na may lihim na compartment si Lolo dito upang patayin ang mga nag tatangkang pumasok sa kanyang bahay. Ngunit sa kasamaang palad ay wasak na ito. Tumigil ang pag putok.. Wala silang nakitang kahit ano.. Mayroon pang siyam na lalaki sa loob ng bahay na matiyagang ang hahanap, pumapasok sa mga silid at sinilip pa nila ang kisame kung saan maaaring nag tatago ang kanilang hinahanap. Hanggang sa maya maya laking gulat nila noong bumukas ang isang sikretong pader sa kanilang harapan at dito ay lumabas si Lolo gamit ang isang mataas na uri ng armalite gun at pinag babaril ang apat na naka tayo sa kanyang harapan. Sa bilis ng pang yayaring iyon ay walang nakapag handa. Wala ring nag akala na ang pader kung saan sila nakatayo ay peke lamang. Mabilis na lumabas si Lolo at nakipag sagupaan ng baril sa lima pang natitira kalaban. Mistulang isang mataas uri ng action film ang aking napapanood. Ang limang lalaking kalaban na naka suot ng maskara ng mga halimaw ay hinahabol at pinapaulanan ng bala ang hari. Ngunit kahit anong gawin nila ay talagang magilas ito (si lolo) dahil hindi maitatanggi na siya ay may skill na dahil sa matagal na panahong pag hubog sa kanyang propesyon. Tuloy ang barilian hanggang sa maya maya ay aksidenteng napatingin sa akin si lolo, sumenyas ito na mag tago ako. Tila nawala siya sa focus at tinamaan siya sa dibdib, kitang kita ko na tumagos ito sa kanyang likuran. Pero dahil malakas si Lolo ay hindi niya ito ininda, binaril din niya ang harapan ang lalaki ng nakatama sa kanya at tinamaan ito sa ulo. Bulag iyon sa lupa.. Isa pang putok ng baril ang pinakawalan ng lalaki at tumama pa ito sa iba't ibang parte ng katawan ni Lolo PERO nanatili siyang naka tayo at nakipag barilian pa ng harapan hanggang sa maitumba pa niya ang isa.. Dugo ang kanyang buong katawan at ang kanyang bibig. Hindi ako makapaniwala na ang hari ay makikita ko sa ganitong kalagayan.. Susubukan pa sana niyang patayin ang tatlo pang natira pero ang kanyang sugat ay sobra na. Kaya dito ay pinaulanan na siya ng bala hanggang sa kusang bumulagta ang kanyang katawan sa sahig, doon mismo sa kanyang sariling dugo. Dito na ako lumabas dahil hindi ko napigilan ang labis na pag hihinagpis. "Lolo! Tama na pooo! Lolo!!" ang sigaw ko habang lumalapit sa kanyang duguang katawan. Nakatingin lang sa akin si Lolo, alam kong buhay pa siya. Habang nasa ganoong pag iyak ako ay lumapit sa akin ang isang lalaki at itinutok sa akin ang kanyang baril. Noong mga oras na iyon ay natingin ako kay lolo, masyado akong nahabag sa kanyang anyo kaya naman kusang gumalaw ang aking mga kamay at kinuha ang baril na kanyang hawak. Mabilis ko itong itinutok sa kalaban.. "Huwag kayo lalapit, huwag kayo lalapit sa akin!" ang sigaw ko. Sa murang edad ay naging saksi ako sa isang krimen kung saan si lolo ang biktima, ang haring kinatatakutan ng lahat ay nakabulagta ngayon sa kanyang sariling dugo! Tawanan ang mga lalaki noong itutok ko sa kanila ang baril. "Marunong ka bang gumamit niyan bata?" tanong nila "Basta huwag kayong lalapit!" sigaw ko habang nanginginig ang aking kamay! Tawanan ulit sila. "Sige iputok mo! Ituloy mo!" pang hahamon ng isa. "Ano? Di mo maituloy? Bakla ka yata e! Bakla ka pala! Hindi mo kayang ituloy kasi takot ka!" sigaw niya at dito ay napatingin ako kay lolo na noong ay nakatingin lang din sa akin habang humihinga ng malalim. Muli akong tumingin sa lalaki sa aking harapan at walang ano ano'y kinalabit ko ang gatilyo ng baril na kanilang kinabigla. Pero sa kasamaang palad ay sa pader ito tumama malapit sa fuse ng kuryente dahilan para mag tawanan sila dahil malayong malayo ang tira ko sa target. "Bulag ka pala! Tanga! Eto lang ako sa harap mo di mo ko tinamaan bobo!" ang sigaw niya sa akin. Habang nasa ganoong posisyon ako ay nag simulang mag spark ang fuse at kumundap kundap ang ilaw. Dito ay napatingin ako kay lolo at isang ngiti ang isinukli niya sa akin. Batid kong hindi iyon ngiti ng awa, o ngiti ng pag papaalam. Isa itong ngiti ng tagumpay dahil noong gabi na iyon ay sumibol ang isang mataas na uri ng taga paslang. At batid niya na ang lahat ay nag bunga. Pumatak ang aking luha at kasabay nito ang pag kamatay ng liwanag sa buong paligid.. Dito ay tatlong putok ng baril ang umalingaw ngaw sa gitna ng kadiliman at ang lahat ay kasaysayan na lamang.. KINABUKASAN.. Natagpuan ko ang aking sarili na nakahiga sa kama habang yakap ako ni mama. Iyak siya ng iyak noong mabalitaan na nilooban ng hindi kilalang mga lalaki ang bahay ni lolo. At 14 na bangkay ang narecover sa bahay, 13 ang nakamaskara ng iba't ibang halimaw sa mukha at ang isang bangkay ay wala iba kundi si Lolo Giyen at ako naman daw ay natagpuang walang malay sa bakuran. REPORT Kagabi narecover ang labing apat na bangkay sa bahay ng leader ng Alpha Sigma Victum na si Gregorio Giyen Mourgan. Hinihinalang nag karoon ng enkwentro sa pagitan nina Giyen at ng labing tatlong lalaking naka suot ng maskara at ang mga ito ay kinikilalang mga bounty hunter ayon sa mga imbestigador. Patay ang lahat na nasabing engkwentro, nag tamo ng 15 shots sa katawan si Giyen habang ang tatlong bangkay sa kanyang tabi ay nag karoon ng tig iisang tama ng baril sa ilalim ng baba at tumagos ang bala sa kanilang mga ulo. Samantalang milagro naman nakaligtas ang apo ni Giyen na itago natin sa pangalan "boy" na ngayon ay iniuwi na sa puder ng kanyang mga magulang. Sasailalim sa counseling ang bata upang marecover sa trauma kanyang dinanas noong gabing iyon. Sa ngayon ay malaking palaisipan pa rin sa mga otoridad kung bakit walang natirang buhay sa engkwentro at ang nakikitang ang tama ng baril sa tatlong mag kakatabing bangkay ay mag kakamukha parang sinadya ng kung sino. At iyan ang mga balita sa mga umagang ito. Ito ang ADS GCN news! End of Report. Noong mga sandaling iyon ay naka upo lamang ako sa isang sulok. Pilit ako kinakausap ni mama pero wala akong ganang mag salita. Gusto kong mag kwento sa kanya, gusto kong sabihin sa kanyang ang pang yayari noong gabing iyon ngunit ang aking dila ay naputol na parang ayaw nitong makisama sa aking bibig. "Anak, natatakot ka ba?" tanong sa akin ni mama. Tumango ako at muling yumakap sa kanya. Bagamat noong gabing iyon ay tila lumabas ang isang demonyong nilalang sa aking katawan. Noong dumilim ay mabilis kong binaril ang mga pumatay kay lolo sa ilalim ng baba, ang bala ay tumagos sa kanilang ulo, at kahit saan sila mag tago ay mabilis akong nakaka kilos ng walang ingay, walang kaluskos. Para akong isang maliit na lobong naka kita ng laruan kaya tila nawala ako sa aking sarili. O sabihin na nating sinaniban ako ng kung ano na hindi ko maipaliwanag. Halos tahimik lang ako, hindi na ako pumasok sa eskwela, madalas ay naka tanaw lang ako sa labas at pinag mamasdan ang mga taong nag dadaan dito. Kung minsan ay naka siksik ako isang sulok at nakatulala. Hindi ko alam kung ilang buwan ako sa ganoon basta ang alam ko lang ay nag bago ang takbo ng aking buhay noon mismong gabing namatay si Lola Giyen. May mga pag kakataon na napapanginipan ko pa, niyayakap ako o kaya ay binibigyan ako ng baril habang naka ngiti, may pag kakataon rin na tinatawag niya ang aking pangalan at sinasabi niya na "ako ay proud sa iyo". Natatakot ako noong mga sandaling iyon kaya wala akong magawa kundi ang umiyak at mag papalahaw sa gabing tahimik. Kaya naman inilayo ako ni mama sa siyudad at doon kami tumira sa kanilang probinsya. Muli akong nag simula ng aking buhay, dahil tahimik ang mundo doon at malayo na ako sa mga bagay na nag papa alala sa akin kay lolo Giyen ay unti unting bumalik sa normal ang aking sarili, at makalipas ang ilang taon ay nakarecover ako mula sa trauma at matinding kalungkutan na aking naranasan. Sa kabilang banda ay binalot ng matinding pag luluksa ang buong sigma sa pag kawala ni lolo. Naalala ko pa noong inililibing siya, literal na nag karoon ng black parade sa kalsada at umuulan din ng itim na confetti bilang simbolo ng kanyang malagim na katapusan. Habang probinsiya kami nila mama ay nabalitaan ko nalang na si papa na pala ang bagong leader ng sigma, siya ay inuluklok ng organisasyon sa paniniwala na tumatakbo sa kanya ang dugo ni Lolo Giyen. Isang malaking palaisipan sa akin kung paano napa-payag si papa dahil naalala ko pa noon na madalas silang mag away ni lolo dahil ayaw niyang sundi ang kanyang ama. Ngayon, ang lahat ay tila nag bago na rin pati ang puso ni papa. At para sa akin? Dala ko ang isang sumpang iginawad ni lolo Giyen sa akin. Ito ang sumpa ng mapag larong kahapon.. End Of FLASHBACK. Habang nakatitig ako sa larawan namin ni Lolo Giyen ay napaluha nalang ako, tila nga natupad ang pangarap niya para sa akin at ito ang mga bagay na kahit ilang beses kong takasan ay hindi ko pa rin magawa. Hanggang ngayon ay naalala ko pa rin ang mukha ng bating lalaking iyon na lumalakad palabas sa dilim, nanlilisik ang mga mata at naka ngising parang isang demonyo. Ang mga ito ay ala-ala ng nakalipas, hindi ko man malaman kung isang biyaya ba ito? O isang bangungot. Gayon pa man ay hindi ko malilimot si Lolo Giyen dahil alam kong minahal niya ako bilang kanyang apo. At minahal ko rin siya sa kabilang ng takot sa aking puso. Normal akong naka tapos ng high school at nakatapak sa kolehiyo ng ilang taon tapos ay dumating si papa at sinabing sumama na ako sa kanya dahil kailangan na ako ng sigma. Nag away sila ni mama noong mga sandaling iyon pero talagang matigas si papa at sinabing si Gillian ang kukunin niya kung hindi ako ibibigay ng aking ina. Noong mga sandaling iyon ay ibayong takot ang aking naramdaman, labis akong nangamba na baka sapitin rin ng aking kawawang kapatid na naranasan ko noong ako ay bata palang kaya ako na mismo na ang nag desisyon na sumama kay papa at maging bagong leader ng sigma. Dumaan rin ako sa katakot takot na initiation at lahat ng pag papahirap ay naranasan ko rin. Sa huli, napag tanto ko na nag tagumpay pa rin si lolo na ipasok sa sigma si Papa at saka ako bilang leader nito at bilang primerang taga paslang. "Alexis, nandito yung hinahanap mo. Pasensiya kana at naitago ko pala doon sa mga gamit mo. Ayos ka lang ba anak?" tanong sa akin ni mama noong makita niya akong malungkot sa loob ng bodega. "Okay lang ako ma, naalala ko lang si Lolo." ang tugon ko. Ngumiti si mama "alam mo ba na mabait ang lolo mo na iyon, siya ang gumastos ng aking pampanganak noong ipinag bubuntis kita. Halos araw araw ay may supply ako ng prutas at mga pag kain na gusto kong kainin. Basta alagang alaga niya ako dahil gusto ka daw niya lumaking malusog na bata. Tuwang tuwa nga ang lolo mo noong malaman niyang lalaki ang aking anak. At ang pangalan mong Alexis ay pangalan ng kanyang yumaong ama." ang masayang wika ni mama. Talagang ipinangalan pa ako ni lolo sa tatay niyang pinaslang niya. At kaya naman sinisigurado niyang malusog ako ay dahil nakatakda akong pasahan ng isang sumpang hindi ko maaaring takasan. Nasa tiyan palang ako ng aking ina ay iginuhit na niya ang aking kapalaran at iyon ang pinaka malupit na katotohanan sa lahat.. Itutuloy..          
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD