Denny's POV
From the moment I stepped inside that bar, I know my life has already changed. Hindi ko akalain na magiging ganito kagulo ang iningatan kong buhay...
I confidently walked inside the bar and asked the receptionist for the VIP Room that Suzy texted to me. Pagkabukas na pagkabukas ng kwartong iyon ay napatulala ako sa nakita. There are a few people inside the room including Suzy. May apat na lalaki na pawang mga bata ang hitsura. Nagtatawanan at preskong nakaupo sa sofa doon.
Napakunot-noo ako at inusisa ang kanilang mga mukha. Sa apat na lalaking iyon, isa lang ang nakilala ko.
Noong una ay hindi ko mapaniwalaan. Naningkit pa ang mga mata ko upang masiguro na tama nga ang nakikita ng mga mata ko.
The familiar guy even waved at me and showed me his enjoyment with the party. Napakaningning ng mga mata niya nang makita ako. He was uttering something but the sound from his lips suddenly diminished. Everything around me is slowing down.
"M-Mr. Duran?"
"Sa wakas at nandito ka na rin!" Bigla akong hinila ng kung sino sa may gilid ko. Nang makita ko kung sino iyon ay napasimangot ako. Si Suzy.
I stopped walking and dragged her further to the end of the room at pinandilatan siya. "Anong ibig sabihin nito, Suzy? Bakit may mga bata rito? Sino sila? Akala ko ba reunion 'to ng batchmates natin?"
"Ooh! Look at you! Tama talaga ang hula ko." Suzy pointed at me in her teasing expression. "Sabi na nga ba at magdadamit ka talaga nang bongga ngayon. Ano? Effective ba, Denny?" Suzy winked at me and smiled cunningly. Bwisit! Sinadya niyang idahilan na reunion ang magaganap para magpaganda ako nang kuntodo!
Napakuyom ako ng palad at masamang tinitigan ang kaibigan ko. "Why did you fool me? Hindi mo ba alam kung gaano kamahal ang sinusuot ko ngayon? Nag-effort pa ako to only see this? How could you!" I hissed at her.
Taas-kilay na tiningala ako ni Suzy. "I'm just doing you a favor. Just thank me later kapag naging maganda ang result ng gabing ito. Just sit back and relax. Anyways, mga mayayamang tao ang mga 'yan. Better than the politicians you know, so watch your words and your actions. I suggest na you pour them a drink. Halika..." Hindi man lang ako nakapalag nang hilahin niya ako ulit at pinalapit sa bar counter kung saan naroon ang isang bote ng wine at apat na mga kopitang babasagin.
Napalingon ako kay Suzy nang may pagtataka sa mukha. "Bakit hindi na lang ikaw ang gumawa? Bakit ako pa? It's not like I did invite them..." mataray ko pang sabi.
"Pour them a drink. Hindi naman ako ang may kailangan ng mapapangasawa. Ikaw 'yun, Denny. Just pour them a drink. Chat with them. Tapos na! It's not like they're going to eat you alive. Apat sila na nasa VIP room. It's impossible for them to be rude. Isa pa, they're the gentlest guys I have ever known. Don't you agree with my plan?"
Napaismid ako sa sinabi niya at nilingon ang apat na tahimik lang na nakaupo sa upuan. As far as I can see, mukha naman matino ang mga lalaki.
There's a guy who is a bit chubby but he's cute. Ang isa ay lean and tall na may pagkasingkit. He looks like a very serious person. The other one has a blue-dyed hair like a KPop idol. I grimaced. Pitiful looks but he's also cute. And the 4th guy...
Yeah. He's is the only guy I know among the group. He is Mr. Duran. I didn't know that what he said to Ms. Tesa, a blind date that he just mentioned over the phone, was actually the blind date that I'm also involved with. Napaka-ironic.
Napaharap akong muli sa wine. Saglit ko pa itong tinitigan. Hindi nagtagal ay kinuha ko ito at binuksan. Isa-isa kong nilagyan ang wine glass ng alak. Naglagay ako ng alak sa tatlong lalagyan at sa pang-apat ay si Suzy na ang naglagay.
"'Wag kang mag-alala..." panimula niya. "Matatapos din ang gabi na 'to na mahimbing ang tulog mo. Kapag okay na ang lahat, pwede mo naman akong bulyawan bukas."
I scoffed. "You never had anything good to offer me tuwing birthday ko, Suzy. You always ruin my day. I hope this is the last time you'll ever gonna cross the line, understood?"
"Whatever, Gaudencia... ibigay mo na lang 'yan agad, then all of this would be done nice and easy." She winked again.
Napailing na lang ako at dinala ang tray papunta sa mesa sa harap ng apat. I smiled casually to them. "Hi! Sorry to keep you waiting. Ito nga pala ang drinks," pag-alok ko sa kanya.
"No, it's okay. We've waited a precious moment, so this is not put to waste. By the way, what's your name again?" the first guy on my left asked. May katabaan pero cute naman.
Nagulat ako nang tanungin niya iyon. Medyo nadismaya ako dahil halos lahat naman ng lalaking nakaka-blind date ko ay kilala na ako. But right now, walang nakakakilala sa akin, except for Mr. Duran.
I grimaced a little. Mukhang mas mapapabilis nga ang pagtatapos ng gabi na ito dahil hindi naman nila ako kilala. Besides, kung titingnan silang apat, mukhang hindi sila ang tipo na pumapatol sa matatanda na tulad ko. Works for me...
"I'm Gaudencia Salatandre. You can call me Denny. I have a very old name. Mabantot pakinggan, I know. Ika-40 years old ko na ngayon. It's my birthday that we're currently celebrating. As you can see..." I heaved a sigh. "Matandang hukluban na ako. Hindi ko rin alam kung bakit dinala kayo rito pero I hope this is the last time I'll ever gonna see all of you..."
Saglit na nanahimik ang paligid. Walang ibang umiimik kundi ang maingay na sonata lamang sa loob ng VIP Room. Sinabi ko na ang lahat ng hindi maganda tungkol sa akin. I don't care if they are discouraged or to badmouth about me in public. Ang mahalaga, matapos ang araw na ito.
Afterwards, nagulat na lang ako na kumuha si Mr. Duran ng isa sa mga drinks na nasa tray. He broke the ice just easy as that. "Well..." Itinaas niya ang kopita sa harap namin at ngumiti. "At least we get a toast before we end the party. Shall we?"
Nagtanguan naman ang tatlo at nagsikuha rin ng maiinom nila. Saglit pa silang nakipagkwentuhan sa akin. Pati ako ay napainom na rin. Hindi naman mahirap makipag-usap sa kanila. Tama nga si Suzy, propesyunal gumalaw ang apat. Wala naman akong nakita o napansin na kakaiba sa mga oras na iyon.
Wala kaming ibang pinag-usapan kundi ang tungkol lang sa trabaho at kumpanya nila. It's never a boring topic to me as long as I don't see them too interested in me. As long as I don't hear them boasting off their wealth and telling me that they can surely sweep me off my feet. Sweeping me my foot! Kapag naaalala ko ang mga naunang ka-blind date ko, hindi ko maiwasang mainis.
Wala na silang ibang ginawa kundi ang tanungin ako tungkol sa mga personal na bagay tungkol sa akin. I'm not really comfortable with other people asking me personal questions. Pakiramdam ko ay gusto nila akong lokohin. And those people are just as bad as my day today.
All in all, the night was good. Nakauwi ang tatlo nang matiwasay. Walang sumama ang loob at walang anuman na ilangan. They became my friends. They even had my number in case they want to visit my office.
Ang natira na lang sa loob ng VIP Room ay si Mr. Duran. Magkatabi kaming nakaupo sa sofa habang pareho kaming nakatitig sa TV na naka-on at walang sounds.
He smiled at me with his cheeks turning to red. Mukhang naparami ang nainom niya kanina. Napansin ko kasi na mas madalas siyang uminom kaysa sa tatlo kanina. "I hope this doesn't made you awkward, Ms. Salatandre. You know... Suzy is a close friend of mine. First time ko ring makipag-blind date sa tanang buhay ko kaya hindi ko alam kung anong mararamdaman ko ngayon. Pakiramdam ko kasi... may nagawa akong mali sa'yo." Napakamot siya ng ulo habang nakangiti nang alanganin. He's cute though. I admit he has a feature that attracts women of his age. Good thing for them. Alam ko naman na wala siyang nararamdaman sa akin na espesyal other than being his doctor.
"Okay lang. Wala naman sa akin 'yun. Talagang makulit lang kasi si Suzy when it comes to me. But, I'm actually relieved that you're here." I sighed. "Kinakabahan din ako na wala akong kakilala rito," I explained.
Katahimikan. Wala na ring music sa background kaya mas malaya kong naririnig ang mas malawak na katahimikan.
"Umm... by the way. May itatanong sana ako sa'yo kung okay lang... sana hindi ka ma-offend..."
Napatango ako. "Try me. Ano ba 'yun?"
"Suzy told me that you refused so many guys back in the days. Wala kang natipuhan ni isa sa kanila. Umm... nagtataka lang ako. Bakit ka pumapayag na makipag-blind date kung wala kang balak na magkaroon ng relationship? Just curious..." he asked. His eyebrows bobbed but still his angelic expression prevailed the whole time.
Nabigla ako sa tanong niya. Napayuko ako at napaklang ngumiti. "I just feel that relationships are a waste of time. You know... you get to being so cheesy. The other one gets angry and instead of making money, mauubos ang oras mo sa kahihingi ng reconcilliation. At isa pa, being alone is just my way of living. My real happiness. Iyon ang dahilan ko..."
Patango-tango naman ang katabi ko. "Okay. I understand. Hindi naman lahat ng tao ay kayang mapanindigan ang isang relasyon. I somehow agree with you... but I do hope that you're wrong..." Bigla siyang tumayo at nagpagpag ng puwitan saka ako hinarap. "Well... I should get going. By the way, happy birthday to you, Doctora— I mean— Denny... Mag-iingat kayo sa pag-uwi," pagpapaalam niya at agad na umalis sa VIP Room.
Napatulala lang ako sa sahig habang inaalala ang huling sinabi ni Mr. Duran...
"I somehow agree with you... but I do hope that you're wrong..."
Pakiramdam ko ay may palaman ang sinabi niya. Sa sobrang sakit ng ulo ko ay ipinilig ko na lang ito at winaglit sa isipan ang sinabi ng lalaki kanina.
Nagulat na lang ako na sumalapak ng upo si Suzy sa tabi ko. Tumatawa siya at nakahawak sa isang bote ng wine. "I can't believe it! Tapos na ang misyon ko," sambit niya.
Napakunot noo ako at nilingon siya.
"This pretty bottle here is very powerful. Alam mo ba kung bakit?"
Napataas ang kilay ko sa kanya. Ano na naman kaya ang nasa isip ng baliw na 'to?
"Ano kayang mangyayari bukas? Nae-excite na tuloy ako," natatawang sambit niya na tila kinikilig pa.
"Nababaliw ka na ba? Ano bang pinagsasabi mo? Masaya ka na ba na sinira mo ang araw ko?" I scoffed. "Sinabi mo sa aking hindi na natin 'to gagawin pero hindi mo pinanindigan ang sinabi mo!" maang ko.
"Ginayuma mo sila..."
Napatigil ako sa sinabi niya. Napaismid ako napatawa nang sarkastiko. "Nasisiraan ka na talaga ng ulo, Suzy. Pati ba naman gayuma paniniwalaan mo?" Natawa ako lalo. "Hindi ko alam na mas desperada ka pa pala kaysa akin. Hindi ko alam kung bakit pinipilit mo pa ako na makipag-blind date kahit na wala akong balak na makipagrelasyon sa iba. And seriously, bata pa talaga ang mga kinolekta mo para i-blind date sa akin. What are you up to? Naka-drugs ka ba?!"
"Maniwala ka, Gaudencia. Ginayuma mo sila. Itong wine na ito..." Itinaas niya sa ere ang bote. "Hindi 'to basta wine lang. Pinatimpla ko 'to sa Capiz para lang magka-love life ka! You should be thankful..." pairap na sabi niya.
"Gusto mo talaga na pasalamatan kita sa ginawa mo?" Napailing ako. "Whatever, Suzy. Umuwi na lang tayo. Mukhang ikaw ang mas nalasing sa mga ilusyon mo! Tara na!"
Kinaumagahan, tinanghali na ako ng gising. Expect ko nang male-late ako sa trabaho dahil ganito naman palagi kada birthday ko.
Maingay na naman ang cellphone ko. Naririnig ko itong nagri-ring simula pa kaninang 6 AM pero hindi ko lang pinapansin. I have tolerance when it comes to noise. I don't care if sirens will start to invade the neighborhood. Kaya kong kumpletuhin ang tulog ko kahit pa ilang beses akong ingayan.
Nang makita ko ang oras sa screen ng cellphone ko ay napangisi ako. 9 AM na. 8 AM dapat ang schedule ko pero heto ako at nakahilata pa rin ako sa higaan.
I groaned and waggled my feet under my sheet. Ngayon ko lang naramdaman na dapat nasa bahay lang ako. Pakiramdam ko ay ngayon lang ako sinisingil ng katawan ko sa pagod. I want a month leave.
Pagkatapos kong mag-isip ay agad na akong bumangon para maligo at mag-ready para pumasok.
As usual, I wore my turtle-neck thick sweater and dark sunglasses. Nakasuot ako ng mamahaling flat shoes at kaagad na pumasok sa loob ng DPH.
Nasa lobby pa lang ako nang may biglang humahangos papunta sa akin. Napakunot noo ako at nakita si Nurse Joanna na patungo sa aking direksyon.
"Doktora!" tawag niya sa akin.
"Why? May emergency ba?"
Hinabol muna niya ang kanyang hininga bago muling nagsalita. Napahawak pa siya sa kanyang dibdib at pawisang tiningala ako. "D-Doktora... sa office mo..."
Napatingala ako at nakita ang komosyon na nangyayari sa pasimano malapit sa opisina ko. "Anong mayro'n?"
"K-kailangan mong magtago. It's not safe to go there. May stampede!" aniya habang hinawakan ang braso ko upang pigilan sa pagpunta doon.
I scoffed at her words and brushed off her hand. Naglakad ako papunta sa komosyon. May nakita akong tatlong security guards na umaawat sa tatlong lalaki. May nahulog pang isang bagay sa sahig dahilan para mapatingin ako doon.
May sunflower at roses buds na nagkalat sa sa sahig. Pagkaangat ko ng tingin ay nakita ko ang pamilyar na mga mukha. Napataas ang kilay ko at inalala kung saan ko nakita ang lalaking inaawat nila.
Napatingin ako sa lalaki na medyo chubby. Naningkit pa ang ang mga mata ko. Napatingin din ako sa dalawa pang lalaki.
Then, it dawned on me the very thing that I never thought would haunt me my entire life.
"Ginayuma mo sila..."
Napasinghap ako nang maalala ang sinabi sa akin ni Suzy. Then, upon looking at the boys, they acted as though they need to come to me.
"G-gayuma?" tanong ko sa sarili ko. "Ginayuma ko sila?"